Nabigla si Shaun.Hindi niya inaasahan na nagpaplano na si Mason nang mahigit 20 na taon na. “Bakit ka niya hinanap? Hindi ba at kusang pumayag si mom na sumama sa kanya?”“Dahil nagulo ko ang mga plano niya.”Komplikadong sinabi ni Brennan, “Mahigit 30 na taon na ang nakalipas, si Lea, Mason, at ako ay nasa iisang paaralan lang. Ang nanay mo ang magandang dalaga noon sa paaralan. Siya ang dyosa na nasa puso ng lahat ng lalaki habang ako ay isang estudyante ng unibersidad na mula sa pamilya na may middle-class na kita lang. Nakilala ko ang nanay mo dahil pareho kami sumali sa student council. Gayon pa man, ang pinansyal na sitwasyon ng pamilya ni Mason ay mas maayos ng kaunti sa akin. Habang nasa party, nilagyan ni Mason ng droga ang wine ng nanay mo…”Nagdikit ang kilay ni Shaun. “Ngunit sinabi palagi ni Mom na ikaw ang gumagawa ng mga masamang paraan noon…”“Kailanman ay hindi ko inisip na pagsamantalahan ang katayuan ng nanay mo, okay?”Malamig na sinabi ni Brennan, “Plano iyo
Kumibot ang labi ni Shaun. Hindi na niya kinamumuhian si Brennan.Naghirap siya nang sobra noong bata pa siya, ngunit hindi rin naiba si Brennan.“Hindi. Ako dapat ang humihingi ng tawad. Lalaki ako, ngunit hindi ko man lang naprotektahan ang sarili kong anak.”Umiling si Brennan. Napuno siya ng pagsisisi. “Buti na lang, pagkatapos ko ito tiisin ng apat o limang taon, palihim akong nagpunta sa Country Y. Nagpalit ako ng pangalan doon at nakahanap ng bagong pagkatao. Bumalik ako dati at gusto ka kitain. Gayon pa man, pagkatapos ko malaman na nagpunta ka ng boarding school para mag-aral, ayaw kita istorbohin. Pagkatapos noon, nagsikap ako sa Country Y, nagsimula ng kompanya, at itinatag ang Garson Corporation. Narinig ko rin na naging pinaka mayaman ka na tao sa Australia. Bilang tatay mo, gusto ko palawakin ang kompanya ko at hayaan tayo, magtatay, magkita muli. Ngunit hindi ko inaasahan marinig ang insidente noong nakaraan tungkol sa Hill Corporation.”“Kung gayon… ikaw ang bumili
Bumalik sa sofa si Brennan at umupo. Nagsindi siya ng isa pang sigarilyo.Tumingin si Shaun sa kanya. Nang naiinip na si Shaun ay tsaka lang nagsalita ulit si Brennan. “Mahigit 10 taon na ang nakalipas, may isang babae ako na nakilala noong nasa Neah Bay ako. Ang tunay na babaeng may-ari ng Neah Bay. Magkamukang-magkamukha sila ni Catherine.”Nagulat si Shaun. Sa saglit na iyon, para bang nakakuha siya ng sikreto. “Naghihinala ka na ang tao na iyon ay kapamilya ni Cathy?”Pagkatapos ng ilang sandling katahimikan, sinabi ni Shaun, “Naaalala ko na natangay ng bagyo ang nanay ni Cathy noong nagpunta siya sa ibang bansa. Hindi katagalan pagkatapos niya ipanganak si Cathy.”“Noong una, hindi ko rin ito inisip masyado. Ngunit noong bumalik ako at nakita ko ang litrato ni Catherine dahil sa mga bagay sa pagitan ninyo…”Humithit si Brennan sa sigarilyo niya. “Hindi ako maaari magkamali. Mahigit 10 taon na iyon, ang magandang babae na iyon ay nasa 30 years old lang. Sobrang ganda niya na p
Nanigas si Shaun. Totoo ang mga iyon. Kung sinabi lamang niya kay Catherine na hindi pa patay ang kanyang ina at ito ang nagmamay-ari ng Soromon Island at Neah Bay, may yamang tutumbas sa yaman ng isang buong bansa, at nagpakasal muli at nagkaroon ng bagong pamilya, tiyak na iisipin ng babae na walang katotohanan sa kanyang mga sinabi.Inaliw siya ni Brennan. “Anuman ang tunay na layunin ni Wesley, hindi mo dapat hayaang mapasakanya si Catherine. Dahil una, kung totoo ang sinabi ko kanina, sa sandaling makapasok siya sa mga Costner, ay tiyak na ikaw ang una niyang didispatyahin. Ikalawa, pagkatapos niya kay Catherine, tingin mo ba’y maganda ang paghahantungan ng babae? Isipin mo ang iyong ina.”“Pinag-isipan ko na.”Kumuyon ang mga kamao ni Shaun. “Babawiin ko talaga si Cathy. Gusto ko siyang maging ligtas at masaya. Siya nga pala, Dad. Nalaman ko ngayong araw na nagkaroon kami ni Cathy ng kambal.”“Oh?” Natigilan si Brennan, ngunit ngumiti ito pagkatapos. “Mabuti kung gayon. Ipaki
Higit dalawampung taon na noong huli niyang narinig ang pangalang iyon, ngunit hinding hindi niya nakalimutan ang lalaki. Si Brennan ang kanyang unang naging asawa at ang tunay na ama ni Shaun.Noong una’y kinamuhian niya ang lalaki dahil nagkaroon sila ng isang Shaun. Nagkawatak-watak ang kanyang buhay dahil doon.Akala niya’y hindi na ito magpapakitang muli sa kanya.Ngunit ang taong minamasama niya noon ay isa na ngayong chairman ng isang multinational na kumpanya at lumigtas sa kanya sa kahihiyan mula kay Mason Campos noong auction.“Ku… kumusta naman siya?” Bulong ni Lea matapos ang ilang sandali.“Salamat sa’yo, namuhay siya nang parang aso noong naghiwalay kayo.”Sinabi ni Shaun kay Lea ang tungkol sa pagtangkang pagpatay ni Mason kay Brennan.Natulala si Lea. “Papaano… papaanong nangyari ‘yon?”Sumimangot si Shaun. “Tingin mo ba’y nagsisinungaling siya? Malaki ang galos sa kanyang mukha. Mama, hindi ka niya tinangkang painumin ng droga, si Mason ‘yon, at nagkataong si B
Subalit alam ni Lea na wala na siyang karapatang makipagbalikan pa sa lalaki.… Sa loob ng Hudson Corporation.Pagkatapos asikasuhin ni Catherine ang kanyang trabaho ay naalala niyang nakatanggap siya ng isang tawag mula Hadley na hindi niya nasagot. Sa sobrang abala niya ay nakalimutan na niya itong tawaging muli.Kaya’t agad niyang tinawagan si Hadley. “Hadley, may nangyari ba?”“...Meron, malaki.”Patagong sinulyapan ni Hadley ang paalis na si Shaun. Puno ng buhay at sigla ang paglakad ng lalaki nitong mga nakaraang araw, hudyat na maganda ang mood nito.Masama ang kutob ni Catherine rito. Kakaiba ang lakad ni Shaun noong huli niyang kita rito. Masyado ba siyang naapektuhan sa mga nangyari? “Sabihin mo na agad.”“Alam na ni Eldest Young Master na anak niya sina Lucas at Suzie.”Masama ang loob na nagpaliwanag si Hadley, “Hindi ko alam kung paano niya nalaman, ngunit bigla niya akong pinatawag upang tanungin kung sinuhulan ko ba ang doktor noon at kung totoong nakunan kayo.
Maganda pa rin ang trato ng Diyos kay Shaun.Bagama’t marami siyang nagawang hindi kanais-nais na bagay ay biniyayain pa rin siya ng dalawang mababait na bata.Habang pinag-iisipan niya iyon ay mas lalong namuo ang mga luha sa kanyang mata.“Uncle, may problema po ba?” Kakaiba ang pakiramdam ni Suzie sa itsura ng lalaki.Yumuko si Shaun upang marahang tapikin ang noo ni Suzie. Pagkatapos ay mahina itong nagsalita, “Masyado ka talagang tuso.”Hinaplos ni Suzie ang kanyang noo. “Tuso? Ano po’ng sinasabi niyo, uncle? Hindi naman po ako tuso. Ang bait bait ko po kaya.”Natawa na lamang si Shaun at ngumiti nang malalim. Kumikinang ang kanyang mga mata at tila’y makikita ang mga bituin sa kanyang mata.Iyon ang unang pagkakataon na makita ni Suzie ang isang ngiti mula sa kaaya-ayang mukha ng lalaki, at natigilan ito.Inabot muli ni Shaun ang mukha ni Suzie upang kurutin ang mataba nitong mukha. “So alam mo pala all these time na… ako ang ama mo?”Ngayong naisip niya nang mabuti, iba
Ayaw sa kanya…May kumirot sa puso ni Shaun noong marinig niya ang mga salitang iyon.Alam na nga ni Lucas na siya ang kanilang ama.Tila’y narinig sila ng tadhana dahil may tumambad sa kanilang isang hindi kilalang lalaki na may hawak sa akamay ni Lucas habang palabas sila ng kindergarten.Ipinagpalagay niyang si Sheldon Yule ang lalaking iyon, ang pamangkin ni Joel. Noong huling imbestigasyon niya, si Sheldon ang nakatala bilang ama ni Lucas sa kindergarten.“Lucas…” Binuhat ni Shaun si Suzie at nagmamadaling naglakad papunta sa batang lalaki.Walang pakialam ang tingin na ibinigay ni Lucas bago nito higpitan ang kanyang kapit kay Sheldon at madaliin ng kanyang paglalakad.“Lucas, kailangan nating mag-usap.” Nilapitan ni Shaun ang bata, ngunit agad siyang pinigilan ni Sheldon.“Huwag niyo po sanang i-harass ang aking anak.” Minasamaan siya ng tingin ni Sheldon.“Anak ko siya.” Seryosong tinitigan ni Shaun ang maliit na mukha ni Lucas. Pamilyar ang kanyang itsura. Magkamukhan