Share

Kabanata 1141

Nanigas si Shaun. Totoo ang mga iyon. Kung sinabi lamang niya kay Catherine na hindi pa patay ang kanyang ina at ito ang nagmamay-ari ng Soromon Island at Neah Bay, may yamang tutumbas sa yaman ng isang buong bansa, at nagpakasal muli at nagkaroon ng bagong pamilya, tiyak na iisipin ng babae na walang katotohanan sa kanyang mga sinabi.

Inaliw siya ni Brennan. “Anuman ang tunay na layunin ni Wesley, hindi mo dapat hayaang mapasakanya si Catherine. Dahil una, kung totoo ang sinabi ko kanina, sa sandaling makapasok siya sa mga Costner, ay tiyak na ikaw ang una niyang didispatyahin. Ikalawa, pagkatapos niya kay Catherine, tingin mo ba’y maganda ang paghahantungan ng babae? Isipin mo ang iyong ina.”

“Pinag-isipan ko na.”

Kumuyon ang mga kamao ni Shaun. “Babawiin ko talaga si Cathy. Gusto ko siyang maging ligtas at masaya. Siya nga pala, Dad. Nalaman ko ngayong araw na nagkaroon kami ni Cathy ng kambal.”

“Oh?” Natigilan si Brennan, ngunit ngumiti ito pagkatapos. “Mabuti kung gayon. Ipaki
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status