Hinawakan ni Catherine ang kanyang noo. “May kamay at mga binti ka. Hindi mo ba kayang isuot ito mag-isa? Sinasadya mo ito, tama?”“Hindi. Hindi mo ba nakikita kung gaanong namamaga ang kamay ko?” Inalog ni Shaun ang kanyang kanang braso, na namamagang parang carrot, sa harap ng babae. “Hindi kayang magbend ng braso ko.”Ngumisi si Catherine habang nakatingin sa braso ng lalaki. “Talagang inabala mo ang sarili mo, na pumunta rito at magdulot ng gulo sa kabila ng injury mo.”“Kapag hindi mo ‘ko tinulungan, wala akong choice kundi umalis na ganito ang bihis mamaya.” Nagbuntong hininga si Shaun.Sumulyap si Catherine sa nakalantad na katawan ng lalaki at naramdaman ang kanyang ulo na sumakit. Kapag lumabas siya ng ganoong estado, muling magtetrending sa searches ang mga balita tungkol sa kanya at kay Shaun bukas.Sa huli, wala siyang choice kundi maglakad papunta sa kwarto. “Pumasok ka muna.”Matapos sumunod ni Shaun sa babae, kinandado niya ang pinto.Tumingin si Catherine sa naka
Habang nagsasalita si Catherine, lumuha siya.Nataranta si Shaun nang makita ito, at ang puso niya ay sumakit nang sobra. “Huwag kang umiyak. Hindi kita binubully. Gusto lang kitang halikan. Kung ayaw mo akong halikan, edi hindi ko ito gagawin.”Sa patapos ng pangungusap, ang boses niya ay tila masama ang loob at nakakaawa rin. Para siyang isang aso na hindi makuha ang karne nito.Kinuha ni Catherine ang pagkakataon at tinulak palayo ang lalaki. Lumayo siya nang sobra sa lalaki at hindi na naglakas loob na lumapit pa rito.Bumangon si Shaun at hindi maingat na nagbutones gamit ang isang kamay.Ayaw na ni Catherine na maasar ng lalaki, kaya tumalikod nalang siya at umalis.Gayunpaman, nang umupo siya sa harap ng office table at binuksan ang kanyang laptop, hindi niya macomprehend ang nilalaman ng mga report na binabasa niya.Ang hininga ni Shaun ay nasa mga labi niya pa rin, at ang pakiramdam niya ay tila may dala siyang mabibigat na kadena sa likod niya. Gayunpaman, ito’y hindi
Sadyang nagpakita si Catherine ng nabiglang ekspresyon. “Paano mo nalaman?”Boom.Pakiramdam ni Shaun ay tila sumabog ang isipan niya, at nawasak ang puso niya.Akala niya na ang pinakamasakit na bagay ay ang malaman na kinasal ang babae sa ibang lalaki. Pero, mukhang ang babae at si Wesley ay nagkaroon ng anak na mahigit dalawang taong gulang na.“Hindi, sabihin mo sakin na hindi totoo ‘to. Nagsisinungaling ka sakin.”Nagmadaling lumapit si Shaun na tila isang baliw na lalaki. Hinablot niya ang mga balikat ni Catherine at masiglang inalog ang babae. Mga luha ng paghihirap ang namuo sa mga mata ng lalaki. “Kahit pa nanganak ka sa batang iyon, siguradong anak natin ‘yun, tama? Alam ko na ngayon. Siguro nalinlang mo ‘ko tatlong taon na ang nakalipas. Sa katotohanan, hindi nawala ang mga anak natin, at ang batang iyon ay akin.”Nangatog ang puso ni Catherine sa pagsigaw ni Shaun.Ang makita ang lalaki na umiyak sa harapan niya ay hindi maipaliwanag na sumabunot sa puso niya.Matap
Nang marinig ni Hadley ang mga salita ni Shaun sa kabilang dulo ng phone, ito ay tila isang bomba ang sumabog sa utak nito.Matapos ang ilang sandali, umutal-utal siya, “Eldest Young Master, paano… Paano mo nalaman?”Si Shaun, na nagdudusa sa paghihirap at kalungkutan, ay natahimik.Anong narinig niya ngayon lang? Naghahallucinate ba siya?Ang ibig sabihin ba ng mga salita ni Hadley ay pareho sa kung anong akala niyang ibig sabihin nito?Bagaman nakaranas na si Shaun ng maraming ups and downs dati, tulala pa rin siya sa sandaling iyon, sobra na nakalimutan niya nang magsalita.Gayunpaman, hindi niya alam na ang katahimikan niya ay mas nagpataranta kay Hadley. “Eldest Young Master, patawarin mo ako. Hindi ko ito sinasadya.”“So… anak ko si Lucas?” Umikot ang isipan ni Shaun, at agad siyang nagpasabog.Ang pagkakaalam na nalaman pa ni Eldest Young Master Hill ang tungkol kay Lucas ang mas lalong nagpaalala kay Hadley. Ang magagawa niya lamang ay humingi ng tawad. “Eldest Young Ma
Alam ng langit kung gaanong nagselos si Shaun nang una niyang marinig na si Suzie ay anak ni Liam. Ngunit, hindi niya inaasahan na si Suzie ay anak niya.Kaya pala para sa kanya, na nung una ay ayaw sa mga bata, ay sobrang adorable ni Suzie.“Hadley, sabihin mo sakin. Gusto kong malaman ang katotohanan,” excited na sinabi ni Shaun.Nabigla si Hadley. “Kung hindi mo pa alam ang katotohanan, paano mo nalaman na buhay pa ang dalawang bata?”“Hindi mo na kailangan malaman ‘yon.” Ang nanginginig na boses ni Shaun ay maikli na ang pasensya. “Hadley, nagmamakaawa ako sayo.”Para sa unang beses, siya, bilang isang superior, ay tunay na nagmamakaawa kay Hadley. Ito ay talagang naggulat kay Hadley.“Young Master Hill, huwag mong sabihin ang mga salitang ‘yon. Sa katotohanan, ang pagpeke ng miscarriage ay mungkahi ni Miss Jones. Ito ay dahil dati, pinipilit mong ibigay ang mga bata kay Sarah para palakihin sila sa oras na maipanganak sila. Sa panahong ‘yon, hindi ako naniniwala na itatrato
Habang nasa daan papunta para sunduin si Shaun, nag-isip si Hadley at nagdesisyon siya na tawagan si Catherine. Gayon pa man, hindi sumagot si Catherine. Maaaring nasa gitna siya ng pagpupulong.Pagkatapos noon, dinala niya si Shaun sa Fortuna International Hotel, kung saan tumutuloy ang chairman ng Garson Corporation. Tinawagan na ni Hadley ang assistant niya bago pa sila magpunta.Pagpasok sa hotel, nakita ni Shaun si Charlie at ang assistant niya na naglalakad palabas. Ang ekspresyon ni Charlie ay hindi masaya, ngunit tumawa siya nang sarkastiko noong nakita niya si Shaun.“Hindi ka nandito para bisitahin din ang chairman ng Garson Corporation, tama?”Minata ni Charlie si Shaun at sinabi nang may pangungutya, “Kahit ang isang walang saysay na tao ay may lakas ng loob magpunta. Bakit hindi ka kumuha ng salamin at tingnan ang sarili mo?”Galit na umabante si Hadley, ngunit pinigilan siya ni Shaun. Ang tono niya ay malamig. “Charlie, iminumungkahi ko na pigilan mo ng kaunti ang s
Pagkatapos mag salita ni Hadley, umakyat na siya kasama si Shaun.Pagdating nila sa pinto ng presidential suite, pinahinto ng driver si Hadley. “Pasensya na. Tanging si President Hill lang ang kikitain lang ng chairman namin.”“Maghintay ka dito.” Pagkatapos sumilay ng bakas ng hinala sa mata ni Shaun, pumasok na siya.Sa itim na leather sofa ay isang malaking lalaki na may suot na dark blue na bathrobe ang nakaupo. Ang lalaki ay parang nasa forties na. Ang katangian at ang outline niya ay sobrang maka-lalaki, ngunit sayang lang na may peklat siya sa mukha. Pinagmukha siya ng peklat na iyon na mabangis, habang ang kabilang mukha niya ay gwapo.Sa saglit na iyon, may sigarilyo sa pagitan ng daliri ng lalaki. Ang madilim niyang mata ay nakatitig lang kay Shaun sa usok.Pagkakita sa tao na iyon ng unang beses, inisip ni Shaun na sobrang pamilyar ng lalaking ito, ngunit hindi niya maalala.“Nagkita na ba tayo dati?” Pansamantalang tinanong ni Shaun.Tumawa ng marahan ang lalaki. Pin
Nabigla si Shaun.Hindi niya inaasahan na nagpaplano na si Mason nang mahigit 20 na taon na. “Bakit ka niya hinanap? Hindi ba at kusang pumayag si mom na sumama sa kanya?”“Dahil nagulo ko ang mga plano niya.”Komplikadong sinabi ni Brennan, “Mahigit 30 na taon na ang nakalipas, si Lea, Mason, at ako ay nasa iisang paaralan lang. Ang nanay mo ang magandang dalaga noon sa paaralan. Siya ang dyosa na nasa puso ng lahat ng lalaki habang ako ay isang estudyante ng unibersidad na mula sa pamilya na may middle-class na kita lang. Nakilala ko ang nanay mo dahil pareho kami sumali sa student council. Gayon pa man, ang pinansyal na sitwasyon ng pamilya ni Mason ay mas maayos ng kaunti sa akin. Habang nasa party, nilagyan ni Mason ng droga ang wine ng nanay mo…”Nagdikit ang kilay ni Shaun. “Ngunit sinabi palagi ni Mom na ikaw ang gumagawa ng mga masamang paraan noon…”“Kailanman ay hindi ko inisip na pagsamantalahan ang katayuan ng nanay mo, okay?”Malamig na sinabi ni Brennan, “Plano iyo