Nang marinig ni Hadley ang mga salita ni Shaun sa kabilang dulo ng phone, ito ay tila isang bomba ang sumabog sa utak nito.Matapos ang ilang sandali, umutal-utal siya, “Eldest Young Master, paano… Paano mo nalaman?”Si Shaun, na nagdudusa sa paghihirap at kalungkutan, ay natahimik.Anong narinig niya ngayon lang? Naghahallucinate ba siya?Ang ibig sabihin ba ng mga salita ni Hadley ay pareho sa kung anong akala niyang ibig sabihin nito?Bagaman nakaranas na si Shaun ng maraming ups and downs dati, tulala pa rin siya sa sandaling iyon, sobra na nakalimutan niya nang magsalita.Gayunpaman, hindi niya alam na ang katahimikan niya ay mas nagpataranta kay Hadley. “Eldest Young Master, patawarin mo ako. Hindi ko ito sinasadya.”“So… anak ko si Lucas?” Umikot ang isipan ni Shaun, at agad siyang nagpasabog.Ang pagkakaalam na nalaman pa ni Eldest Young Master Hill ang tungkol kay Lucas ang mas lalong nagpaalala kay Hadley. Ang magagawa niya lamang ay humingi ng tawad. “Eldest Young Ma
Alam ng langit kung gaanong nagselos si Shaun nang una niyang marinig na si Suzie ay anak ni Liam. Ngunit, hindi niya inaasahan na si Suzie ay anak niya.Kaya pala para sa kanya, na nung una ay ayaw sa mga bata, ay sobrang adorable ni Suzie.“Hadley, sabihin mo sakin. Gusto kong malaman ang katotohanan,” excited na sinabi ni Shaun.Nabigla si Hadley. “Kung hindi mo pa alam ang katotohanan, paano mo nalaman na buhay pa ang dalawang bata?”“Hindi mo na kailangan malaman ‘yon.” Ang nanginginig na boses ni Shaun ay maikli na ang pasensya. “Hadley, nagmamakaawa ako sayo.”Para sa unang beses, siya, bilang isang superior, ay tunay na nagmamakaawa kay Hadley. Ito ay talagang naggulat kay Hadley.“Young Master Hill, huwag mong sabihin ang mga salitang ‘yon. Sa katotohanan, ang pagpeke ng miscarriage ay mungkahi ni Miss Jones. Ito ay dahil dati, pinipilit mong ibigay ang mga bata kay Sarah para palakihin sila sa oras na maipanganak sila. Sa panahong ‘yon, hindi ako naniniwala na itatrato
Habang nasa daan papunta para sunduin si Shaun, nag-isip si Hadley at nagdesisyon siya na tawagan si Catherine. Gayon pa man, hindi sumagot si Catherine. Maaaring nasa gitna siya ng pagpupulong.Pagkatapos noon, dinala niya si Shaun sa Fortuna International Hotel, kung saan tumutuloy ang chairman ng Garson Corporation. Tinawagan na ni Hadley ang assistant niya bago pa sila magpunta.Pagpasok sa hotel, nakita ni Shaun si Charlie at ang assistant niya na naglalakad palabas. Ang ekspresyon ni Charlie ay hindi masaya, ngunit tumawa siya nang sarkastiko noong nakita niya si Shaun.“Hindi ka nandito para bisitahin din ang chairman ng Garson Corporation, tama?”Minata ni Charlie si Shaun at sinabi nang may pangungutya, “Kahit ang isang walang saysay na tao ay may lakas ng loob magpunta. Bakit hindi ka kumuha ng salamin at tingnan ang sarili mo?”Galit na umabante si Hadley, ngunit pinigilan siya ni Shaun. Ang tono niya ay malamig. “Charlie, iminumungkahi ko na pigilan mo ng kaunti ang s
Pagkatapos mag salita ni Hadley, umakyat na siya kasama si Shaun.Pagdating nila sa pinto ng presidential suite, pinahinto ng driver si Hadley. “Pasensya na. Tanging si President Hill lang ang kikitain lang ng chairman namin.”“Maghintay ka dito.” Pagkatapos sumilay ng bakas ng hinala sa mata ni Shaun, pumasok na siya.Sa itim na leather sofa ay isang malaking lalaki na may suot na dark blue na bathrobe ang nakaupo. Ang lalaki ay parang nasa forties na. Ang katangian at ang outline niya ay sobrang maka-lalaki, ngunit sayang lang na may peklat siya sa mukha. Pinagmukha siya ng peklat na iyon na mabangis, habang ang kabilang mukha niya ay gwapo.Sa saglit na iyon, may sigarilyo sa pagitan ng daliri ng lalaki. Ang madilim niyang mata ay nakatitig lang kay Shaun sa usok.Pagkakita sa tao na iyon ng unang beses, inisip ni Shaun na sobrang pamilyar ng lalaking ito, ngunit hindi niya maalala.“Nagkita na ba tayo dati?” Pansamantalang tinanong ni Shaun.Tumawa ng marahan ang lalaki. Pin
Nabigla si Shaun.Hindi niya inaasahan na nagpaplano na si Mason nang mahigit 20 na taon na. “Bakit ka niya hinanap? Hindi ba at kusang pumayag si mom na sumama sa kanya?”“Dahil nagulo ko ang mga plano niya.”Komplikadong sinabi ni Brennan, “Mahigit 30 na taon na ang nakalipas, si Lea, Mason, at ako ay nasa iisang paaralan lang. Ang nanay mo ang magandang dalaga noon sa paaralan. Siya ang dyosa na nasa puso ng lahat ng lalaki habang ako ay isang estudyante ng unibersidad na mula sa pamilya na may middle-class na kita lang. Nakilala ko ang nanay mo dahil pareho kami sumali sa student council. Gayon pa man, ang pinansyal na sitwasyon ng pamilya ni Mason ay mas maayos ng kaunti sa akin. Habang nasa party, nilagyan ni Mason ng droga ang wine ng nanay mo…”Nagdikit ang kilay ni Shaun. “Ngunit sinabi palagi ni Mom na ikaw ang gumagawa ng mga masamang paraan noon…”“Kailanman ay hindi ko inisip na pagsamantalahan ang katayuan ng nanay mo, okay?”Malamig na sinabi ni Brennan, “Plano iyo
Kumibot ang labi ni Shaun. Hindi na niya kinamumuhian si Brennan.Naghirap siya nang sobra noong bata pa siya, ngunit hindi rin naiba si Brennan.“Hindi. Ako dapat ang humihingi ng tawad. Lalaki ako, ngunit hindi ko man lang naprotektahan ang sarili kong anak.”Umiling si Brennan. Napuno siya ng pagsisisi. “Buti na lang, pagkatapos ko ito tiisin ng apat o limang taon, palihim akong nagpunta sa Country Y. Nagpalit ako ng pangalan doon at nakahanap ng bagong pagkatao. Bumalik ako dati at gusto ka kitain. Gayon pa man, pagkatapos ko malaman na nagpunta ka ng boarding school para mag-aral, ayaw kita istorbohin. Pagkatapos noon, nagsikap ako sa Country Y, nagsimula ng kompanya, at itinatag ang Garson Corporation. Narinig ko rin na naging pinaka mayaman ka na tao sa Australia. Bilang tatay mo, gusto ko palawakin ang kompanya ko at hayaan tayo, magtatay, magkita muli. Ngunit hindi ko inaasahan marinig ang insidente noong nakaraan tungkol sa Hill Corporation.”“Kung gayon… ikaw ang bumili
Bumalik sa sofa si Brennan at umupo. Nagsindi siya ng isa pang sigarilyo.Tumingin si Shaun sa kanya. Nang naiinip na si Shaun ay tsaka lang nagsalita ulit si Brennan. “Mahigit 10 taon na ang nakalipas, may isang babae ako na nakilala noong nasa Neah Bay ako. Ang tunay na babaeng may-ari ng Neah Bay. Magkamukang-magkamukha sila ni Catherine.”Nagulat si Shaun. Sa saglit na iyon, para bang nakakuha siya ng sikreto. “Naghihinala ka na ang tao na iyon ay kapamilya ni Cathy?”Pagkatapos ng ilang sandling katahimikan, sinabi ni Shaun, “Naaalala ko na natangay ng bagyo ang nanay ni Cathy noong nagpunta siya sa ibang bansa. Hindi katagalan pagkatapos niya ipanganak si Cathy.”“Noong una, hindi ko rin ito inisip masyado. Ngunit noong bumalik ako at nakita ko ang litrato ni Catherine dahil sa mga bagay sa pagitan ninyo…”Humithit si Brennan sa sigarilyo niya. “Hindi ako maaari magkamali. Mahigit 10 taon na iyon, ang magandang babae na iyon ay nasa 30 years old lang. Sobrang ganda niya na p
Nanigas si Shaun. Totoo ang mga iyon. Kung sinabi lamang niya kay Catherine na hindi pa patay ang kanyang ina at ito ang nagmamay-ari ng Soromon Island at Neah Bay, may yamang tutumbas sa yaman ng isang buong bansa, at nagpakasal muli at nagkaroon ng bagong pamilya, tiyak na iisipin ng babae na walang katotohanan sa kanyang mga sinabi.Inaliw siya ni Brennan. “Anuman ang tunay na layunin ni Wesley, hindi mo dapat hayaang mapasakanya si Catherine. Dahil una, kung totoo ang sinabi ko kanina, sa sandaling makapasok siya sa mga Costner, ay tiyak na ikaw ang una niyang didispatyahin. Ikalawa, pagkatapos niya kay Catherine, tingin mo ba’y maganda ang paghahantungan ng babae? Isipin mo ang iyong ina.”“Pinag-isipan ko na.”Kumuyon ang mga kamao ni Shaun. “Babawiin ko talaga si Cathy. Gusto ko siyang maging ligtas at masaya. Siya nga pala, Dad. Nalaman ko ngayong araw na nagkaroon kami ni Cathy ng kambal.”“Oh?” Natigilan si Brennan, ngunit ngumiti ito pagkatapos. “Mabuti kung gayon. Ipaki