”Huwag mo maliitin ang kasamaan ng pamilyang Campos. Ngayon, para sa kanila, it’s their way o highway.” Paalala ni Shaun, “Hindi mo kailangan hanapin si Mason. Ang tao na katulad niya ay isinaalang-alang nang hindi tao.”“Anong… anong ibig mong sabihin?” Nagtataka si Lea. May pakiramdam siya na may bagay na alam si Shaun.“Kung kagagawan ito ng pamilyang Campos, sisisihin nila si Chelsea sa insidenteng ito para protektahan si Charlie. Kahit na si Chelsea ay kapatid ni Joanne at si Joanne ang nagluwal sa anak ni Mason, kaya isakripisyo ng pamilyang Campos ang pamilyang Holt. Hintayin mo lang at tignan mo. Maririnig mo sila maya-maya.”Nangilabot si Lea. Ngayon lang tumama sa kanya na mas nakakatakot si Mason kaysa sa iniisip niya.“Kikitain ko ang chairman ng Garson Corporation mamayang hapon,” Ipinaalam sa kanya ni Shaun.“Alright.”Noong umabot na si Lea sa pinto ng hindi niya namamalayan, tumalikod siya at pinaalala kay Shaun nang may halo-halong emosyon. “Shaun… Alagaan mo an
Ginambala ni Shaun si Hannah. “Miss Mead, isinalba lang kita dahil ayaw ko na ilagay ako ng tatay mo sa gulo, kaya hindi mo kailangan na magpasalamat ka sa akin o ibalik ang pabor.”Tinignan siya ni Hannah sa pagkakahanga. Ang titig ng lalaki ay kalmado na parang lawa, kaya mahirap siya mabasa ng tao.Gayon pa man, naiintindihan niya ang sinasabi nito.Mas lalo siya nahuhulog dito dahil sa katapatan ng lalaking ito.“Ngunit… gusto ko ipahayag ang pasasalamat ko at ibalika ng pabor sa iyo. Anong gagawin ko?” Malanding naglakad si Hannah papunta sa lamesa niya at inilagay ang kamay niya dito bago yumuko ng kaunti.Sa kabila ng pag-upo sa upuan, madaling makikita ni Shaun ang dibdib nito sa saglit na iangat niya ang mata niya.Gayon pa man, hindi nagliwanag ang mata niya. Sa halip ay nakaramdam siya ng pandidiri sa lalamunan niya. “Miss Mead, sa tingin ko ay dapat mo tignan ang profile ko. Alam ng lahat na impotent ako, kaya hindi na kita pag hihintayin pa.”“Hindi ako naniniwala.
Hindi makapagsalita si Shaun ng ilang segundo bago siya nakapag-isip muli habang nakatayo. “Ang pagbalik ng bayad sa iyo ay hindi sapat para ipahayag ang pasasalamat ko sayo. May alam ako na magandang restaurant. Nagtataka ako kung libre ka ngayong hapon…”“Salamat, ngunit hindi ako libre.” Tiyak ang sagot ni Catherine.“Kung gayon kailan ka magiging libre? Maaari ka magsabi ng oras. Sasabayan ko ang schedule mo,” Mabilis na sinabi ni Shaun.Galit na sumagot si Catherine, “Hinding-hindi ako magiging pwede sa iyo,”“Nagkakataon naman, palagi ako pwede para sa iyo…”Binaba na ni Catherine ang tawag bago pa matapos ni Shaun ang sinasabi niya.Tinignan ni Shaun ang phone at tumawa. Wala pang isang minuto, nakatanggap siya ng QR code mula kay Catherine sa phone ni Hadley.Na-scan na niya ang code gamit ang phone niya at naglipat ng 52 thousand dollars sa kanya.…Sa opisina.Nang nakita ni Catherine ang pera, hindi niya inisip na ibalik ito sa kanya.Ano naman kung nagbigay ito s
Naglabas ng isang kabigha-bighani ngunit misteryosong ngiti si Shaun. “Doon siya sa isang madilim na lugar. Napakadilim…”Nagkataong nanonood mula sa tabi si Harvey at nakita niyang may hindi tama sa mga nangyayari. Natatakot itong baka may masabi si Shaun na ikakasira ng pangalan ni Catherine, kaya nama’y nagmamadali itong sumingit sa usapan upang putulin ang sinasabi ni Shaun. “President Hill, hindi po ba’t matagal na kayong hiwalay ni President Jones? Bakit hindi na lang po kayo magkanya-kanya? Kapag lumabas pa ang mga sinasabi mo rito’y baka maapektuhan pa ang kasal ni President Jones.”“Hindi ba’t maganada ‘yon?” Itinaas ni Shaun ang kanyang mga kilay. Nasanay na siyang maging isang bastos na homewrecker.Gumalaw ang mga sulok ng bibig ni Harvey. “Hindi po. Bilang isang tao, hindi ito tama…”“Kung gayo’y hindi ako isang tao.”Nautal si Harvey. “...Kung hindi kayo isang tao, ano ho kayo?”“Isang simp.” Itsura pa lamang ay pinapakita na ni Shaun na wala siyang pakialam.Tinig
“Oo, isang high-class na simp. Ganito mag-aruga ang isang lalaki para sa isang babae. Hindi ko ito alam noon, ngunit matututo ako simula ngayon.” Noon lamang napagtanto ni Shaun, noong nakatayo siya sa harap ni Catherine, na sa sandaling itapon niya ang kanyang pride ay wala na siyang pakialam rito at wala na siyang balak pa itong pulitin pabalik.Wala talagang masabi si Catherine. Mabuti na lamang at nakapaghanda siya bago ito hayaang makaakyat.“Sige, dahil gustong gusto mong maging simp, kainin mo ‘to.” Kumuha ng isang pirasong karneng hilaw mula sa kanyang drawer at hinagis ito sa harap ng lalaki. Ipinautos niya ito sa mga tauhan ng kusina kani-kanina lamang.Nandilim ang kaaya-ayang mukha ni Shaun noong nakita niya ang hilaw na karne. Matapos ang ilang sandali, habang nakatingin sa kanya si Catherine, ay dinampot niya ang karne at kinagat ito.Nanlaki ang mga mata ni Catherine. Nais niya lamang i-prank ang lalaki upang umatras ito sa kahihiyan, ngunit hindi niya inaasahang gag
Makalipas ang ilang segundo ay tinulak ni Wesley ang pinto upang pumasok.Hindi na naitago ni Catherine ang lalagyan ng pagkain sa lamesa, ngunit mabuti na lamang at dinala ni Shaun ang bouquet na dala-dala nito.“Ay, kumakain ka na, Cathy?” Tinitigan ni Wesley ang pagkain, ay may madilim na kumislap sa kanyang mga mata. “Pinadala ba ‘yan ni Shaun?”Gusto sanang sabihin ni Catherine ang totoo, ngunit noong sasabihin na niya sana iyon ay naramdaman niyang mahihirapan lamang siya kapag inamin niyang tinanggap niya ang pinadala ni Shaun. “Ah, hindi, pinadala ito ng canteen.”Matapos ang ilang sandaling pag-aalinlangan ay agad na iniba ni Catherine ang usapan. “Papaano mo nalaman na nanggaling dito si Shaun?”“Natatakot lang akong baka pinepeste ka pa rin ni Shaun, kaya’t sinabihan ko nga mga empleyado mong ipaalam sa akin kapag pumupunta siya rito.”Ngumiti si Wesley habang nagpapaliwanag. “Umalis na ba siya?”“Mm, hindi ko siya pinaakyat.” Sumama ang loob ni Catherine pagkatapos n
“Siguro… pag-isipan ko muna.” Kalat-kalat ang pag-iisip ni Catherine. Kung tutuusin ay may punto roon si Wesley.Kung gusto niyang malaman ng lahat ng anak niya si Lucas, kailangan niya itong hanapan ng legal na ama. Sa katauhan ni Shaun, tiyak siyang hindi sila makakawala sa lalaki kapag nalaman nitong sa kanya nanggaling si Lucas.“Ano pa ba ang kailangan mong pag-isipan?”Bumalot ang pagkadismaya sa mukha ni Wesley. “Mabait at makatwirang bata si Lucas. Bagama’t hindi niya sinasabi, alam kong nalulumbay siya sa tuwing hindi ka niya nakakasama gaya ng ibang mga bata. Hindi niya lang iyon sinasabi nang harapan dahil ayaw niyang mabigay ng karagdagang pressure sa’yo.”Hinigpitan ni Caherine ang kanyang kapit sa tinidor.Alam niya kung anong klaseng bata si Lucas, at sumama lamang ang kanyang loob.“Maliban na lamang kung… hindi ka pa rin sigurado sa akin,” Biglang sinabi ni Wesley.“...”Natigilan si Catherine.Hindi pa rin ba talaga siya makapagdesisyon? Hindi pa rin ba siya
Inilabas ni Shaun ang kanyang nagsisiputiang mga ngipin upang ngumiti at nagsimulang tanggalin ang kanyang belt. “Gusto kong maligo.”Tulala si Catherine. Pagkatapos ay nakakita siya ng mga pantalon na nalalaglag sa lapag.Bagama’t may natitira pang suot ang lalaki, namula lamang lalo ang pisngi ni Catherine matapos ang isang sulyap.“Bakit ba nahihiya ka masyado? Parang hindi mo pa ‘to nakikita dati.” Pabirong tinaas ni Shaun ang kanyang mga kilay.“Hindi. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganyang kaliit,” Pangungutya ni Catherine.Ito ay upang masiraan lalo ng loob ang lalaki, ngunit manhid na si Shaun sa sunod-sunod na pag-aatake. “Ano naman kung ganito lang ‘to? Marami akong alam na paraan upang aliwin ka.”“...Manyak.” Hindi mapigilan ni Catherine na titigan nang masama ang lalaki at sumigaw, “Isuot mo ang damit mo at lumayas ka na. Sino nagsabing pwede kang maligo rito?”“Hindi ako naligo kagabi, at hindi mapakali ang aking katawan.”Nang yumuko si Shaun upang alisin ang h