Sa hindi maipaliwanag na paraan ay naguguluhan pa rin siya hanggang sa narinig niya ang panaghoy ni Sarah. Sa puntong iyon lamang siya nagalit. Isang tusong babae! Sayang naman at gumanda pa naman ang imahen nito sa kanya noong gabing iyon.“Bakit mo ba ‘to ginagawa sa’kin, Rodney? Isa na ‘yung ayaw sa akin ni Shaun, ngunit pati ngayon ay tinatraydor mo na rin ako. Papaano na lamang ako mabubuhay nito? Nasaan na ‘yung nagsabi sa akin na mamahalin niya ako habambuhay at hindi niya ako iiwan kailanman?”Bawat salitang binitawan ni Sarah ay parang sampal sa mukha ni Rodney.“Sarah, pasensya ka na… Noong isang araw ko lang din nalamang nagdadalang-tao siya.”Yumuko si Rodney at nagpaliwanag. “Ayaw ko rin naman sa kanya, ngunit… hindi sang-ayon ang aking pamilya sa pagpapalaglag ng bata.”Nanlaki ang mga mata ni Sarah at nagsimulang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. “Kaya’t sinasabi mong sang-ayon ka na ring iluwal ang batang iyan. Ano’ng gusto mong gawin ko? Bumack-out na
Nagalit lamang si Rodney sa mga salita ni Freya sa puntong muntikan na siyang tamaan ng stroke, ngunit hindi niya ito masagot dahil siya’y nasa loob pa rin ng banyo.Bahala na nga. Mas mabuti na iyon kaysa sabihin niyang… iyon ang ginawa niya sa banyo ng babae.F*ck.Makalipas ang ilang minuto ay pulang-pula ang kanyang mukha noong lumabas siya mula sa banyo. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, nakita niyang takip ni Freya ang kanyang mukha at nandidiri siyang tinignan nito.“Tama na, Freya, sinasadya mo itong lahat, ‘no?”Noon lamang nakaranas ng matinding kahihiyan si Rodney. “Alam mong paakyat na ako kaya’t naghubad ka upang akitin ako?”“W*langhiya ka ba?”Kumukulo ang dugo ni Freya sa galit. “Kwarto ko ito, bahay ko ito. Pumasok ka nang hindi kumakatok at nakita mo akong nagbibihis. May utang na loob ka pa nga sa akin, kung tutuusin, ngunit kung ano-anong pag-aakusa pa ang ibinabato mo sa akin!”“Tingin mo ba’y hindi ko alam ang intensyon mo?”Ngisi ni Rodney. “Alam ko a
“Ako… ako na ang bubuhat sa kanya…” Bumaba si Rodney sa hangad na buhatin ang babae.Subalit agad na itinaboy ni Catherine ang kanyang kamay. Minasamaan niya ang tingin sa lalaki sa tindi ng galit na nararamdaman. “Lumayas ka rito! Gustong gusto mo talagang patayin ang bata, ha. Baka matuluyan lang ito kapag binuhat mo pa si Freya!”“Bantay-bantayan mo ‘yang pananalita mo, Catherine Jones, hindi ako ganoong kasama… f*ck… nagdudugo na siya.” Naging blangko ang isip ni Rodney.Yumuko lamang si Freya. Putlang-putla ang kanyang mukha. “Cathy, ang sakit.”“Teka, teka, ‘wag kang gumalaw. Aunty Sophia, tulungan mo ako. Buhatin natin siya pababa.” Nagmamadaling utos ni Catherine sa kanilang kasama.Narinig din ni Aunty Sophia ang hangad ni Rodney na ipalaglag ang bata noong umakyat siya, kaya’t hindi niya rin hinayaang mahawakan ni Rodney si Freya.Sinuportahan ng dalawang babae si Freya upang makababa ng elevator. Nagmamadali siyang sinundo ng ambulansya at agad siyang itinakbo papunta
“Teka, Dad, magpapa—”“Bakit ba ako binigyan ng anak na singlupit mo?”Umiling lamang si Wendy. “Pinagsabihan na kita noon, ngunit binigo mo pa rin kami. Umalis ka na. Wala na kaming kinalaman sa’yo.”Pumait ang kalooban ni Rodney. “Ma, Pa, hindi ko talaga siya tinulak. Gagawin niyo talaga ito alang-alang kay Freya at sa bata?”“Hindi mo pa rin naiintindihan, ano? Bilang isang tao, kailangan mo ng konsensya na magsasabi sa iyo kung hanggang saan lamang ang lahat. Ngunit malinaw na wala kang konsensya. Hindi ka nararapat na maging anak ko. Hindi ka nararapat na manatili sa mga Snow.”Sigaw ni Jason habang nanginginig. “Lumayas ka! Huwag na huwag ka nang magpapakita sa amin!”Dismayado ang dalawa kay Rodney.Bumuka ang bibig ni Rodney, ngunit sa harap ng mga pagtingin sa kanya ng mga tao ay wala siyang nagawa sa huli kundi umalis. Bumalot ang paglulumbay sa kanyang buong katawan.Alam niyang walang makapipigil sa kanya upang maging kapiling niya si Sarah.Subalit, bakit hindi si
“Huwag kang mag-alala. Hindi na mangyayari iyon. Wala na kaming kinalaman kay Rodney. Iniutos ko na ang kumpanya na gumawa ng isang disownment document. Isasapubliko na ito maya-maya.” Wala nang pagdadalawang-isip pa itong sinabi ni Jason.Laking gulat ni Freya. Totoo ngang mabilis ang mga Snow sa kanilang pagkilos.Subalit nakaramdam siya ng paggaan ng loob. Tiyak siyang gustong sumuka ng dugo ni Rodney matapos siyang itaboy ng kanyang pamilya. Isa pa, gaanong katagal kaya siya paninindigan ni Sarah? Agad siyang napuno ng pananabik na malamang ang kahihinatnan ng lahat....2:00 p.m.Naglabas ng isang pahayag ang opisyal na Facebook account ng Snow Corporation: [Opisyal na inihahayag ng direktor ng Snow Corporation na si Jason Snow ang pagtatapos ng kanilang father-son relationship ni Rodney Snow. Sa puntong ito ay wala nang kinalaman si Rodney sa buong pamilya ng mga Snow. Hindi na rin nakikipag-usap si Rodney sa mga miyembro ng pamilya. Ipinapawalang-bisa na rin ang anumang kar
Sa sandaling iyon, desperadong kailangan ni Rodney ng isang taong mag-aaliw sa kanya. . Pwede niya lang tawagan si Sarah. “Sarah, hindi ko na kailangan pakasalan si Freya. Ngunit… pinaalis na ‘ko sa pamilyang Snow. Ayos lang naman sa’yo, tama?”“Bakit… Bakit naman hindi magiging ayos para sa akin? Sobrang daming bagay na ang nagawa mo para sa kapakanan ko… Sobrang touched ako.”Pinigil ni Sarah ang udyok na pagalitan ang lalaki. Matapos ay sinabi niya sa mahinang boses, “Pero kung alam ko lang na sobrang ayaw sa akin ng pamilya mo, ako’y—”“Sarah, huwag ka nang magsalita. Nakapagdesisyon na ako. Ang anak ni Freya ay mawawalan ng kinalaman sa akin sa hinaharap,” Naiinis na sumabad si Rodney.Sa pag-uusap tungkol kay Freya, halos gustong dumura ng dugo si Sarah. “Oo nga pala, bakit siya kinupkop ng uncle mo bilang inaanak niya?”Ang anak ng future prime minister. Bagaman siya ay hindi biolohikal na anak ng lalaki, ang pagkakakilanlan na iyon ay sapat nang makapangyarihan na kahit an
Biglang nakaramdam si Freya ng pagkaginhawa habang iniisip niya ang tungkol dito. “Ngayong mga araw, masyadong maraming sc*mbags. Mas mabuting manganak nalang sa isang bata. Ang dating lamang at hindi pagpapakasal at tunog mabuti rin.”“Magkakaroon ka pa ng maraming oportunidad, lalo na matapos maging prinsesa ng Australia. Mayroon lang mas mabuting mga lalaki na manliligaw sayo.”“Mm-hmm.”Tumawa si Freya. “Sinong nakakaaalam? Siguro matapos ang ilang taon, lalakad ako sa isang malaking banquet hall na nakasuot ng isang mahabang gown. Kapag nakita ko ang dalawang sc*mbags, si Rodney at si Patrick, mapagkumbabang ibinababa ang kanilang ulo at nakatayo sa gilid, ikakaway ko ang aking kamay at sasabihing, ‘Guards, ilabas niyo ang dalawang basurang ito. Hindi sila karapat-dapat na magpunta rito at dumihan ang aking maharlikang mga mata sa ganitong okasyon.”Nagpakawala si Catherine ng paghinga na maginhawa matapos makita si Freya sa wakas ay nakangiti.Matapos maubos ang kanyang pagk
Gayunpaman, hindi magagalit si Shaun, tama?Nakita niya si Shaun na may mahigpit na hawak na plastic bag sa mga kamay niya. Ang mga ugat sa likod ng kanyang kamay ay bumabakat.Gayunpaman, hindi siya nagalit. Inilagay niya ang mga bagay sa mesa.Ang kanyang mapagkumbaba at mapagpasensyang kilos ay halos nagpabulag kay Freya.Binuksan ni Shaun ang lalagyan ng crayfish.Isinuot niya ang gloves at sinimulan itong balatan isa isa.Ang malaking crayfish sa loob at ang nakakaoverwhelm na amoy ay nagpakalam ng sikmura nina Catherine at Freya."Shaun, kung gusto mo itong kainin, pwede mo ba itong kainin sa labas?" Sabi ni Catherine, nafufrustrate."Binabalatan ko ang mga ito para sayo. Aalis ako pag tapos na ako."Sabi ni Shaun na hindi inaangat ang kanyang ulo, "Ayos lang kahit hindi niyo ito kainin. Iiwan ko pa rin ang mga ito rito."“...”Sa sandaling iyon, isang tao pa na pumunta para bumisita ay dumating sa pinto. Ito ay si Charlie. Sa mga kamay niya ay mga pink na rosas at ila