This chapter is dedicated to Greeneth. Luv u mhiemasaur
• Naglalakad si Ayra papunta sa kabilang building para sa susunod niyang klase. Napakainit ng panahon kaya naman tagaktak na rin ang pawis niya. Isang linggo na rin na ganon ang panahon at isang linggo na rin silang may klase "Mhie, nakikinig ka pa ba sakin?" ani ni Heart Greeneth, Green for short, na naglalakad din kasabay niya. Ito ang pinakauna niyang naging kaibigan sa klase at lagi niya na rin itong kasabay Purple ang buhok ni Green...kahit na Green ang pangalan nito "Ano yun, tii?" tugon niya sa babae "Ang sabi ko nagccrave ako nung hotdog waffles sa canteen. Papasama ako sayo dumaan dun after class if okay lang" sabi ni Green habang tinutupi ang payong nito. Nakapasok na kasi sila sa kabilang building at ngayon ay naglalakad na sa naka tiles na sahig "Ah sure sure no probs naman!" tugon ni Ayra kay Green habang umaakyat sila ng hagdan. Dahan dahan lang ang pag akyat nila dahil sa third floor pa ang klase nila. Sinadya nilang mas maaga na pumunta para hindi sila hingalin sa paglakad at pag akyat kapag nagmadali "Thank you, mhie! Hotdog waffles at spaghetti nalang siguro ang bibilhin ko-Ay! Hotdog!" biglang naputol ang sinasabi ng kasama ni Ayra nang bigla nalang itong mabangga mula sa likuran ng isang tao na nagmamadaling umakyat ng hagdan "Sorry. I'm in a hurry" sambit ng lalaking boses "Ay okay lang no problem no problem hehe" sagot naman ni Green dito Nakatingin lang si Ayra sa dalawa. Nang makalampas sa kanila ang lalaki ay bahagya niyang kinurot sa tagiliran ang kasama "Ikaw ha! Kapag pogi, okay agad" tukso niya rito na ikinatawa lang ng huli. Nariyan na naman ang nakakahawang tawa ng babae na parang katulad ng kay DJ Greta sa radyo na siyang idolo naman ni Green BA Communication student tingz Itinulak papasok ni Ayra ang glass door ng classroom. Wala pa ang kanilang mga kaklase maliban sa professor nilang naglalaro ng candy crush sa phone nito at... "Anak ng tokwa..!" impit niyang pigil sa sarili nang makita ang malas na lalaki sa gilid ng silid. Prente itong nakaupo sa bakal na upuan. Nasa sulok habang may kung anong kinakalikot sa laptop na nakapatong sa lamesa sa harapan nito Akala niya naman ay huling pagkikita na nila noong muntik siya nitong mabangga noong first day of school. Iyon pala ay dito rin ito nag aaral sa Blue and Gold University. Sa dinami-dami ba naman ng options ng universities at colleges na pwedeng pasukan nito ni Vinxer dahil may pera at...well matalino rin ito, dito pa talaga napili ng lalaki Baka minalas na rin sa pera. Noong una ako lang ang nahahawaan niya ng kamalasan pero ngayon ay pati na rin yata sa sarili niya. Lol. Hinila niya si Green paupo sa lagi nilang pwesto habang hindi inaalis ni Ayra ang masamang tingin sa lalaki. Tumingin ito sa gawi niya at nasira rin ang mukha. Pinaningkitan niya ang lalaki. Walang gustong pumutol sa titigan nilang tila pinapatay na ang isa't isa sa kanya-kanyang isipan. Tila nakikita ni Ayra na mayroong kuryente ang namamagitan sa kanilang mga mata at nagpapasiklaban sila ni Vinxer na mas lakasan pa ang pwersa ng kanilang mga "powers" Tukmol talaga 'to.. ani ni Ayra sa sarili "Where are your other classmates?" Naputol ang tensyon na namamagitan sa kanila ni Vinxer at sabay silang napatingin sa professor nilang nasa harapan. Hindi pa sila nakakasagot ay nagsipasukan na ang kanilang mga classmate at napuno na ang silid • "Mhie pwede 'bang ikaw nalang ang bumili ng hotdog waffles ko tsaka spaghetti? Najejebs na kasi ako" bulong ni Green kay Ayra nang makabalik na sila sa main building. Natawa na lamang siya at tumango "Sure. Ilan bibilhin?" tanong niya kay Green habang ito ay aligaga nang dumukot sa wallet. Nagmamadali na rin siguro dahil sa iniinda sa tiyan. Inabot nito ang 500 na buo sakanyang palad "Ito mhie. Sampung hotdog waffles tapos isang order ng spaghetti. Bye!" nagmamadali na itong umalis at tinanaw na lamang ni Ayra ang kaibigan habang lakad-takbo ito papunta sa banyo Sinunod niya naman ang pinapasuyo ni Green. Bumili siya ng hotdog waffles at isang order ng spaghetti mula sa magkaibang stalls. Bumili narin siya ng sa kanya "Ate, cucumber lemonade po tapos-" natigilan ang bibili sana na customer at napatingin sa mga bitbit ni Ayra "Ikaw nanaman? Stalker" ani ng baritonong boses na halatang iritable. Katabi na ni Ayra ngayon si Vinxer dahil bibili ito at siya naman ay naghihintay ng sukli "Excuse me? Ako ang nauna dito kaya wag mo 'kong matawag tawag na stalker ha!" pagtutol niya. Siya naman kasi ang nauna doon kaya hindi siya nito matatawag na stalker "Sml" tipid na sagot nito at kinuha ang cucumber lemonade na binili "Umalis ka na nga" matalim ang mga tingin na ani niya sa lalaki. Nakatingala siya habang sinisinghalan ito dahil masyado itong matangkad "Naghihintay pa ko ng sukli" sukol naman nito habang sinasalubong rin ng iritableng ekspresyon ang mga singhal ni Ayra "Sml" sagot niya sa lalaki na bahagyang nakapagpangiti kay Ayra Ha! Akala niya ha. Tukmol na 'to aasarin pa ako "Takaw mo. Maempatso ka sana para matahimik ka na at di ka na makasunod sakin kung saan. Stalker" saad ng lalaki at naglakad na papalayo. Napatanga si Ayra sandali. Napatingin siya sa dami ng dala niyang pagkain at inumin dahil ang binili niya ay para sa kanya at kay Green Arghhhh! Bwisit talaga 'tong Vinxer na 'to kahit kailan! Malas! Inis siyang napabuntong hininga at walang nagawa kung hindi ay magdabog papalayo para pumunta sa building ng BA Comm unit. Doon din naman nag banyo si Green kaya doon na rin sila tatambay pagkatapos Hindi siya magkanda ugaga sa pagdala ng mga biniling pagkain kaya naman laking pasalamat niya nang makitang walang tao sa loob ng nag iisang classroom sa building. Inilapag niya ang mga pinamili sa table ng dalawang arm chair at saka nag desisyon na sundan si Green sa banyo Papasok pa lamang sa girl's restroom at tahimik na ang paligid kaya naman tinawag na lamang niya ang pangalan ni Green upang malaman niya agad kung nasaan itong cubicle "Mhie? Green?" pagtawag niya sa pangalan nito ngunit walang tugon "Mhiema?" tawag niya ulit dito habang tinatahak ang labas ng mga cubicle. Yumuyuko yuko pa si Ayra upang tingnan ang baba ng cubicles kung may paa ba at kung si Green ba ang may ari ng mga 'yon "Gree-Oh my god!!!" labis na pagkagulat ang naramdaman ni Ayra at hindi siya agad nakakilos mula sa kinatatayuan. Narating niya ang pinaka dulo ng banyo kung saan nakita niya si Green na nasa sahig. Nakasandal ang walang malay nitong katawan sa pader habang nasa sulok. Putok at dumudugo ang ibabang labi nito at nagkalat ang pasa sa mukha. May mangilan ngilan din itong mga galos sa katawan "G-green! Greeeen!" sigaw niyang muli nang makalapit na sa walang malay na kaibigan. Kinapa niya ang pulsuhan nito at nakaramdam si Ayra ng kaunting ginhawa nang maramdaman ang tibok doon. "Tulong!! Tulungan niyo kami!" karipas niyang takbo sa pintuan upang humingi ng tulong Kalaunan ay dumating ang isa sa kanilang mga professor na siyang nag arrange upang madala kaagad si Greeneth sa pinakamalapit na ospital Sinong may gawa sayo nito, Green? Bakit?This chapter is dedicated to Allyza. Love uuu, mhie. Thank you for the unending support and inspiration •Napabalikwas si Ayra nang magising mula sa pag idlip. Mayroon kasing tumapik sa kanyang balikat. Tumingin siya sa tao mula sa likuran"Ayra, iha, salamat sa pagbabantay kay Heart Greeneth ha? Pasensya na at ngayon lang kami nakaluwas ng tatay niya" ani ng babae. Nanay ito ng kaibigan niyang si GreenNang matagpuan niya si Green na walang malay at puno ng pasa at sugat kahapon ay hindi na niya ito iniwan. Naka confine ito ngayon sa ospital at saglit lang na gumising kanina upang mag almusal"Walang ano man po, Tita. Nakapagbilin rin naman po ako sa landlord namin sa boarding house na hindi ako makakauwi kagabi" paniniguro niya sa babae at tumango tango ito. Kasama rin nito ang Tatay ni Greeneth kaya naman ay nagmano si Ayra sa dalawaMay katandaan na ang mag asawa kung titingnan. May puting hibla na ang mga buhok ngunit malalakas pa naman at masiyahin. Naikwento rin ni Green kay A
TW is applied in this story. Mentions of death, abuse, substance abuse, trauma, and crime are visible in this story. Readers discretion is advised. Strictly for mature audiences only•Madilim ang mukha ni Ayra habang nakasakay sa motor ni Vinxer. Simula kasi kaninang alas dose ay tinatahak na nila ang kalsada sa ilalim ng mainit at tirik na sinag ng arawTiningnan niya ang screen ng kanyang phone. Ngayon ay alas-kwatro na ng hapon ngunit hindi pa rin sila nakakarating sa kung saan man sila pupunta. Hindi na rin sila nakapasok sa klase dahil ditoPatingin tingin siya sa paligid at nagmasid. Wala na ang matataas na building at mausok na kalsada. Sa halip ay napalitan ang paligid ng matataas na mga puno. Kahit saan siya lumingon ay puro luntian lamang ang kanyang nakikita at sila lang din ni Vinxer ang tumatahak sa makipot na sementadong daan na nag iisang kalsada sa tila walang katapusan na kagubatan "Malayo pa ba tayo?" may bahid ng inis at pagkabagot na sambit niya "Malapit lapit n
• "Mga gago! Pagbabayaran niyo 'tong ginagawa niyo sakin! " bulyaw ng lalaking may piring ang mata at mahigpit na nakatali sa isang bakal na upuan Nagpupumiglas ito ngunit wala rin namang nangyayari. Pinagpapawisan ito nang may malalaking butil at kitang-kita ni Ayra ang mga ugat sa leeg nito sa kada sigaw na nililikha ng lalaki. Kilala niya ang lalaking 'to dahil estudyante rin ito sa Blue and Gold at kabilang sa mga malalakas ang loob na gumawa ng kalokohan dahil may kapit Sa isang abandonadong gusali sa gitna ng kagubatan siya dinala nina Vinxer at ngayon nga ay kaharap na niya ang taong gumawa ng kadahasan sa kaibigan niyang si Heart Greeneth. Kilala ni Ayra ang lalaki dahil madalas nila itong makasalubong sa loob ng unibersidad ngunit hindi niya parin alam kung ano ang motibo nito sa ginawa "Bakit mo ginawa yun kay Green?" malamig na ani ni Ayra at humakbang upang maging malapit ang distansya nila ng lalaki. Sina Vinxer, Danner, at Xenon naman ay tahimik lamang na nagmamasi
• This chapter is inspired by the song Sandali by mrld. You can play the song first to know the vibe then proceed in reading this chapter. I highly recommend you do so that's why I added it above! •Pinagmamasdan ni Vinxer ang natutulog na si Ayra. Nakapasok na sila sa parking lot ng condominium building niya ngunit hindi parin nagigising ang dalaga. Wala siyang lakas ng loob na gisingin ito dahil alam niyang kailangan nito ng pahinga. Hindi niya kayang putulin ang payapa nitong paghimbing Napabuntong hininga si Vinxer at isinandal ang likod sa malambot na upuan ng driver's seat. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinakinggan lamang ang tunog ng engine, aircon, at mahinang volume ng radyo ng kotse. Tumutugtog doon ang isang musika na tumpak sa kanyang nais ipahayag noong mga oras na iyon Sandali, dito ka na magpalipas ng gabi
• This chapter is dedicated to Cola. You will always be loved, baby. Momom and dadad will strive to heal and be better furparents in order to save more babies like you. You will be missed dearly and we hope that you will always guide us and your siblings and mom. We love you, baby Cola and we miss you everyday Ilang araw na rin ang lumipas simula noong mga pangyayari tungkol kay Heart Greeneth. Habang naglalakad si Ayra patawid ng kalsada upang pumasok sa University ay hindi niya maiwasan na mag isip isip. Naguguluhan parin kasi ang isip niya at hindi niya alam kung ano ang sunod na dapat gawinAlam niya naman na siguro nga ay may PTSD siya dahil sa nangyari noon kay Hera Grace. Simula noon pa man ay hinihikayat na rin siya ni Vinxer na magpatingin sa doktor tungkol doon ngunit hindi niya madala ang sarili. Ayaw niya kasing aminin na may PTSD siya. Ayaw niya nang may kahinaan dahil noong huling beses na nagkaroon siya ng kahinaan, agad na nasaktan ang taong iyon "Hop in" laking gula
Magkatabi sina Ayra at Vinxer na nakaupo sa isang bench dito sa Magsaysay Park. Pareho silang tulala sa hangin habang kumakain ng ice cream na may apa. Tila sabay din silang napapabuntong hininga pero wala namang nagsasalita. Maaliwalas ang paligid ng parke ngunit madilim naman ang mukha ni Vinxer at nakasimangot din si Ayra"Haaaay. Badtrip naman""What the heck just happened? Hayst"Sabay na ani ng dalawa habang malayo parin ang tingin hanggang sa si Ayra na ang bumaling ng tingin kay Vinxer at nagtanong "Ilan nakuha 'mong score?" tanong ni Ayra"1 over 10 langhiya" sagot naman ni Vinxer"Ako zero. Aaaaaaa" muling tugon ng dalaga Nagkaroon kasi ng surprise quiz daw ang terror nilang professor. Walang nakapag review sa kanilang lahat kaya naman ganyan din ang mga naging score nila "Sige lang. Lahat naman zero to one lang ang score" ani ni Vinxer at inubos ang natitira sa kinakain na ice cream "Hayst. Babawi nalang tayo sa susunod, Vinoe" ani naman ni Ayra nang matapos din sa pagk
"Ano ba kasing nangyari at rumeresbak ngayon yung barkada nung Paolo na yun?" tanong ni Vinxer sa tatlong lalaki na pare-parehong nakaupo sa iisang couch. Si Vinxer naman ay palakad lakad habang napapalatak at paminsang hinihilot ang sentidoNakamasid lamang si Ayra sa apat na kalalakihan ngayon habang nakaupo sa pang isahang upuan ng sofa set. Naririto silang lahat sa personal library ni Vinxer sa loob ng condo unit nito. Nababalot ng navy blue na mga pader ang silid at ang sofa set at swivel chair ay nasa parehong kulay. Ang mga book shelves ay gawa sa chocolate brown na kahoy at ang office table ay gawa sa salamin. Binabalot din ito ng pang lalaking amoy na hindi masakit sa ilongSeryoso ang bukas ng mga mukha ng mga binata sa kanyang harapan at tila may kung anong sasabog kung bigla na lamang may magkamali ng sasabihin or gagawin Ang intense..."Ginawa naman namin yung inutos mo. Sinigurado rin namin na magagamot siya nung doktor na kakilala natin. Ilang araw pa nga siyang naconf
Keep running...Ilang araw na ang lumipas mula nang matanggap ni Ayra ang isang text message mula sa hindi niya kilalang numero. Hanggang ngayon nga ay iniisip niya parin kung kanino iyon galing at kung ano ang ibig sabihin ng mensahe."Oh, ayan nag iisip nanaman siya" ani ni Lyzza, isa sa mga kaklase niya na naging kaclose niya na rin. Simula kasi noong may nangyari kay Heart Greeneth ay nagsabi itong magpapakalayo muna kaya ngayon ay si Lyzza na ang kasa-kasama ni Ayra."Sorry naman mhie. Nakaka bother lang kasi" tugon niya naman dito habang kumakain ng sandwich. Nasa canteen kasi sila ngayon at nagmemeryenda. "Ante q, wag mo na masyado i-stress ang sarili mo kasi malay mo naman wrong number lang" ani ng kasama kapagkuwan ay inubos ang sandwich nito.Lumingon-lingon si Ayra sa paligid ng canteen.Wala namang kakaiba. Wala namang mukhang mananakit sakanya o kung ano."Hayst!" bahagya siyang pumikit at umiling-iling bago muling magsalita, "stressed lang siguro ako lately. So much vi
Healing by James Reid •Nakapikit ang mga mata ni Ayra habang sinasalubong ang maligamgam na tubig mula sa showerhead sa ibabaw. Nararamdaman niya ang bawat patak nitong tumatama sa kanyang balat pababa sa kanyang katawan. Hinayaan niya lamang ang sariling lasapin ang pakiramdam niyon Much needed rest...Ngayon na natapos na ang kaarawan ni Vinxer ay tsaka lamang naramdaman ni Ayra ang pagod sa kanyang katawan. Simula kasi noong isang araw ay abala siya sa pagbili ng regalo tapos dumiretso sila papunta sa Tagaytay. Noong matapos naman iyon ay dumiretso sila pauwi ng Sta. FeParang ang daming nangyari sa loob lamang ng tatlong araw. Ang dati niyang madilim at tila on default na buhay ay biglang nagkaroon ng saysay Noon, kapag nagigising siya sa araw-araw, alam niya na agad kung ano ang gagawin niya. Kakain, maglilinis, papasok sa eskwela, uuwi. Minsan naman ay sumasama siya sa kanyang ibang mga kaibigan sa mga bar para lamang libangin ang kanyang sarili Para makalimot..."As if nam
Soda by James Reid•"We're here, love" ani ni Vinxer na siyang nagmamanehoLabis ang kabog ng dibdib ni Ayra nang makapasok sa gate ang sasakyang kinalululanan. Kita niya sa kanyang harapan ang malaking mansyon ng mga Dela Fuentes. Kulay abo iyon na may itim na detalye at mga disenyo"Ays, 'wag ka ngang kabahan dyan. Hindi ka naman iba dito. Ito naman parang first time makapasok sa mansyon" ani ni Xenon mula sa backseat. Bahagya pa nitong tinapik ang kanyang balikat nang dalawang beses "Hands off, X" ani ni Vinxer na nakatitig sa kamay ni Xenon na nakapatong sa balikat ni Ayra. Madilim ang bukas ng mukha at bahagyang umiigting ang panga "Tsk!" inis na ani ni Xenon at tinanggal ang pagkakahawak kay Ayra, "ang seloso mo naman, Vinx. Para namang wala tayong pinagsamahan nyan! Pasalamat ka birthday mo" kunwaring nagtatampo na ani ng binata"Happy birthday, bro" ani ni Danner na ngayon lang naalala ni Ayra na nasa back seat din pala dahil sa sobrang tahimik nito Nang makababa silang ap
Sparks by Coldplay (All songs featured in this story are in the PROJECT: Runaway Spotify playlist linked in the synopsis and description) • Nakamasid si Ayra sa pamilyar na tanawin sa labas ng sasakyan. Mga punong isinasayaw ng hangin at mga kabahayang sumisimbolo ng payak na kabuhayan ang umaaliw sa kanyang paninginSaglit lamang silang nag almusal ni Vinxer kanina sa Tagaytay at maaga na silang bumiyahe pauwi sa kanilang probinsyaHindi niya maiwasang mapabuntong hininga. Hindi niya mawari ang dapat niyang maramdaman. Pakiramdam niya kasi ay dahan-dahan siyang ibinabalik sa reyalidad. Ang lugar na ito...narito ang lahat ng gusto niyang takbuhan palayo. Ang katotohanan ng buhay niya. Ang katotohanan ng pagkatao niya. Lahat ng iyon ay narito sa bayan ng Santa Fe "It's gonna be okay" ani ng baritonong boses ni Vinxer at bahagyang pinisil ang kamay ni AyraTumango siya at bahagyang ngumitiMagiging okay? Siguro. Ngayon? Hindi pa. Malabo.Kausap ni Ayra ang sarili sa kanyang isipan.
Dilaw by Maki is featured in this chapter! A whole Spotify playlist for PROJECT: Runaway can be found in the story description and synopsis. Thank you so much! •"You look breathtaking in that little yellow dress of yours" ani ni Vinxer kay Ayra habang inihahanda niyang i-garahe ang sasakyan"Thank you, love" ani ni Ayra na saglit lamang tinapunan ng tingin si Vinxer at muling ibinalik ang paningin sa tanawing nasa kanyang harapanNgiting-ngiti si Ayra at para itong batang nawiwili sa tanawin ng malawak na lupain. Habang abala ang kanyang paningin sa pagkamangha ay dahan-dahan naman siyang lumabas mula sa sasakyan nang pagbuksan siya ni Vinxer ng pinto"Ang ganda dito, Vinoe. First time ko rito" ani ni Ayra habang sumusunod lamang ang kanyang mga hakbang sa kung saan siya dinadala ng pag gabay ni Vinxer"I'm glad that you're loving it so far. We only have 24 hours here so I'll make sure na masusulit mo lahat" ani ni Vinxer sabay halik sa gilid ng ulo ni Ayra"24 hours? Hala wala akon
Marilag by Dionela is featured in this chapter. Thank you and enjoy! •Biyernes ng umaga na ngayon at abala si Ayra sa pag-iikot sa mall. Kinabukasan na kasi gaganapin ang birthday party ni Vinxer. Lahat silang magkakaibigan ay uuwi sa kanilang probinsya upang dumalo sa pagtitipon na gaganapin sa masyon ng mga Dela FuentesMarilag Ang himala'y sayo ibibintang Napangiti si Ayra nang marinig ang kantang pinapatugtog sa kabuoan ng mallPumasok siya sa book store at nagpasyang libangin ang sarili sa pagbabasa ng mga synopsis sa likuran ng mga librong nakakakuha ng kanyang atensyon Haven't felt so divine, 'til I looked in your eyesSee my futureBaby, loving you saved meNapabuntong hininga si Ayra. Sa totoo lang kasi ay kinakabahan siya para bukas kaya mag isa siya ngayon dito sa mall. Nakasanayan niya na kasing stress-reliever ang mag window shoppingMasaya siyang mag celebrate ng birthday ni Vinxer pero hindi niya kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ng pamilya nito sakanya. Sa
Binibini by Cean Jr. is featured in this chapter. Enjoy, loves! •Hindi na mabilang ni Vinxer kung ilang beses na ba siyang bumuntong-hininga. Mabigat ang katawan na naglakad siya papalapit sa refrigerator at bumuntong-hininga nanaman nang mahawakan ang handle ng pinto niyon "Vinoe kanina ka pa 'jan. Lalabas na yata 'yang baga mo sa ilong mo eh" ani ng papalapit na si AyraBinuksan ng binata ang ref para kumuha ng apat na pirasong itlog. Sunod naman itong kumuha ng bacon sa freezer para ilagay ito sa isang bowl na may tubig upang ma-defrost bago lutuin"May problema ka ba? Kagabi ka pa ganyan eh" ani muli ni Ayra habang binabasag nito ang mga itlog sa isang bowl tsaka iyon sinimulang batihin gamit ang egg whisk Naglakad si Vinxer papunta sa sala na katabi lamang ng kusina. Binuksan niya ang tv at doon ibinaling ang kanyang atensyon. Pinipigilan niya kasi ang sarili at pinoproblema ang pantog niyang simula kagabi pa masakitNapairap naman si Ayra sa hangin nang hindi siya saguti
Pasimpleng tinapik ni Ayra ang kamay ni Vinxer na nakapatong sa arm chair. Kanina pa kasi ito parang hindi mapakali at gustong hawakan ang kamay niya. "Shh!" pabulong niyang wika dito.Magkatabi sila ngayon sa klase at prenteng nakikinig ang lahat sa kay Prof. Evie Prosal pwera na nga lang dito kay Vinxer na nakatuon nga ang mga mata sa professor na nasa harapan ngunit hindi naman matigil ang kalikutan ng kamay."I just wanna hold your hand, Avie. I miss you" pabalik nitong bulong kay Ayra at sinubukan nanaman hawakan ng kaliwang kamay nito ang kanang kamay ng dalaga."Magkatabi lang tayo" sagot naman ni Ayra at tinabig nanaman ang kamay ni Vinxer.Narinig niya naman na malakas itong napa buntong hininga. Nang saglit itong tapunan ng tingin ni Ayra ay bahagya itong naka nguso."Nagsusulat ako ng notes. Right-handed, remember?" paliwanag muli ni Ayra kay Vinxer.2:25 p.mNakita ni Ayra sa orasan ng kanyang phone. "5 minutes nalang time na, oh. Keep your hands to yourself 'til then, V
Palakad lakad si Vinxer habang nasa loob ng isang silid. Kasama niya ngayon sila Niccolo, Xenon, Danner, at Vera. Prenteng nakaupo ang apat habang malalim din ang iniisip."Si Ayen ba talaga yun?" tanong ni Xenon"Impossible. That's just impossible" ani naman ni Danner. Bumuntong-hininga si Vinxer at naupo sa pang isahang sofa. Inabot niya ang bote ng whisky na nasa mababang center table at nagsalin ng alak sa baso. Ininom niya ang whisky nang puro habang hindi parin matahimik ang kanyang isip. "If that's really, Ayen, that just means na mas dapat natin higpitan ang pagbabantay kay Ayra" sambit ni Vinxer. Nakita naman niyang nagsalin din ng alak sila Xenon at Danner bago iyon inumin mula sa babasagin na basong puno ng yelo. "Sabi ko na nga ba eh. I should've killed that bitch a long time ago" ani ni Vera habang napapalatak "Mas delikado na ang panahon ngayon kaya doble ingat dapat tayo. Protect Ayra at all cost" sambit naman ni Niccolo habang isa-isa silang tinitingnan ng diretso
Keep running...Ilang araw na ang lumipas mula nang matanggap ni Ayra ang isang text message mula sa hindi niya kilalang numero. Hanggang ngayon nga ay iniisip niya parin kung kanino iyon galing at kung ano ang ibig sabihin ng mensahe."Oh, ayan nag iisip nanaman siya" ani ni Lyzza, isa sa mga kaklase niya na naging kaclose niya na rin. Simula kasi noong may nangyari kay Heart Greeneth ay nagsabi itong magpapakalayo muna kaya ngayon ay si Lyzza na ang kasa-kasama ni Ayra."Sorry naman mhie. Nakaka bother lang kasi" tugon niya naman dito habang kumakain ng sandwich. Nasa canteen kasi sila ngayon at nagmemeryenda. "Ante q, wag mo na masyado i-stress ang sarili mo kasi malay mo naman wrong number lang" ani ng kasama kapagkuwan ay inubos ang sandwich nito.Lumingon-lingon si Ayra sa paligid ng canteen.Wala namang kakaiba. Wala namang mukhang mananakit sakanya o kung ano."Hayst!" bahagya siyang pumikit at umiling-iling bago muling magsalita, "stressed lang siguro ako lately. So much vi