• This chapter is inspired by the song Sandali by mrld. You can play the song first to know the vibe then proceed in reading this chapter. I highly recommend you do so that's why I added it above! <333
Also, I'm wondering if I should make a playlist for this story but maybe that's for the future nalang. Thank you and hope you will enjoy this chapter • Pinagmamasdan ni Vinxer ang natutulog na si Ayra. Nakapasok na sila sa parking lot ng condominium building niya ngunit hindi parin nagigising ang dalaga. Wala siyang lakas ng loob na gisingin ito dahil alam niyang kailangan nito ng pahinga. Hindi niya kayang putulin ang payapa nitong paghimbing Napabuntong hininga si Vinxer at isinandal ang likod sa malambot na upuan ng driver's seat. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinakinggan lamang ang tunog ng engine, aircon, at mahinang volume ng radyo ng kotse. Tumutugtog doon ang isang musika na tumpak sa kanyang nais ipahayag noong mga oras na iyon Sandali, dito ka na magpalipas ng gabi 'Cause we both know it's getting late When I'm far from you, yeah, 'di mapakali Bahagya siyang napangiti at saglit na tiningnan si Ayra na tahimik parin na natutulog sa shotgun seat. Katahimikan ang bumalot sa loob ng kotse habang patuloy parin ang kanta sa radyo I don't really care if you're not coming home tonight If you wanna stay with me, and we can both call it a night Tahimik ang paligid, puwede tayo ang mag-ingay Liwanag ang sasalubong sa katawang nakahimlay "What a day..." bulong niya sa sarili habang komportable parin na nakasandal sa upuan Hindi alam ni Vinxer kung ilang segundo pa ang lumipas bago tuluyang natapos ang kanta. Iniangat niya ang sarili at bahagyang sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri at dahan-dahang umismid palapit kay Ayra Tinitigan niya ang mukha ng dalaga. Payapa iyon. Malayong-malayo sa lahat ng sakit at problema na bumabagabag dito araw-araw Inilapit niya pa ang kanyang mukha. Mula sa kanilang distansya ay kitang kita niya ang pino nitong balat, mahahabang pilikmata, matangos na ilong, at ang mapula nitong mga labi na hugis puso "Vinxer?" nanigas si Vinxer sa kanyang posisyon nang bigla na lamang nagising si Ayra. Nagtama ang kanilang mga mata. Gulat ang ekspresyon ng dalaga at hindi naman mahanap ni Vinxer ang mga salitang dapat sabihin "Ahhh! Siraulo ka talaga! Minamanyak mo ba 'ko!?" singhal ni Ayra kay Vinxer nang makabawi mula sa pagkabigla. Kinapa kapa niya pa ang kanyang buong katawan "Excuse me, woman. I was about to wake you up. You have to freshen up kaya gigisingin na sana kita. Ang baho na ng kotse ko dahil sayo" sambit ni Vinxer at pinatay na ang engine ng sasakyan. Lumabas siya ng pinto at umikot upang pagbuksan si Ayra "Heh! Huling huli ka na ayaw mo pang umamin!" madilim ang mukha ng dalaga at inirapan si Vinxer bago lumabas ng sasakyan Padabog ang kanyang mga hakbang nang mauna siyang maglakad habang nakasunod lamang si Vinxer sa kanya ngunit agad din na huminto sa gitna ng parking lot. Tumingin siya sa binata nang makahabol na ito sakanya at ngayon ay nasa tabi na niya "Nasan pala tayo?" tanong ni Ayra kay Vinxer "My condo" ani nito at marahan na hinawakan ang pulsuhan ni Ayra bago ito maglakad "Bakit dito mo 'ko dinala? Dapat diniretso mo nalang ako sa boarding house ko" "It's alright. I have clothes your size in the closet" ani ni Vinxer at iginiya si Ayra papasok ng elevator "Ihahatid mo nalang ba 'ko sa bhouse pagkatapos? tanong naman ng dalaga "Up to you. If you wanna stay for the night, it's fine with me" "Nakakahiya naman. Uuwi nalang ako pagkatapos" "Ikaw bahala..." Tumigil sila sa paglalakad at huminto sa harap ng isang pinto. Binuksan iyon ni Vinxer gamit ang isang key card Sumalubong kay Ayra ang amoy ng panglalaking pabango nang makapasok sa loob ng condo unit ni Vinxer. Maluwag iyon at kumpleto mula sa kitchen, living room na may malaking sofa, isang bedroom, at dalawang restroom Habang abala ang mga mata ni Ayra sa mga nakikita ay binigyan na siya ng tuwalya ni Vinxer "Take a bath. You stink" pang aasar nito at naunang maglakad papasok sa bedroom "Ikaw din naman! Kapal mo parehas lang tayong naulanan kanina!" habol niyang bulyaw sa lalaki na ikinatawa lamang ng huli Pumasok na sa isa sa mga banyo si Ayra at nagsimulang maligo. Habang nasa ilalim ng shower ay hindi naiwasan ni Ayra na mag isip isip. Ang gulo gulo kasi ng utak niya Ang plano niya ay layuan si Vinxer for good kaya nga pinili niya rin na sa siyudad at sa isang public university mag aral pero ngayon ay nagkita parin sila. Pangalawa, iyong nangyari kay Heart Greeneth. Kung iisipin ay yun ang naging dahilan kung bakit narito siyang muli sa sitwasyon na ito pero...wala naman siyang pinagsisisihan. Nakasama rin niyang muli ang mga dati pa nilang kaibigan ni Vinxer na sina Danner at Xenon. Maging si Niccolo ay naroon din kahit na hindi parin naman sigurado si Ayra kung kaibigan nga ba niyang tatawagin si Niccolo "Haysttt...bahala na" ani ni Ayra at tinapos na ang pagligo. Lumabas siya ng banyo at naglakad lakad upang mahanap kung nasaan ang closet. Binuksan niya ang isang sliding door "Ahhhh!!!!" napatili si Ayra nang tumambad sakanyang harapan ang likuran ni Vinxer ngunit hindi lamang yun isang likuran. Hubo't hubad ang lalaki at kitang kita ni Ayra ang malaman at mabilog nitong pwet Mabilis ang paghinga ni Ayra at nagtakip ng kanyang mga mata. Nakatapis parin siya ng tuwalya kaya naman ay ingat na ingat din siya na hindi iyon mahulog Nakahinga lamang siya nang maluwag nang maramdaman niyang lumabas si Vinxer mula sa walk-in closet at bahagya siya nitong itinulak papasok doon tsaka nito isinarado ang pinto "Ahhhh! Siraulo ka talagang lalaki ka! Nakita ko yung pwet mooo!" mula sa loob ng closet ay nagsisisigaw parin si Ayra habang nagbibihis. Rinig na rinig naman iyon ni Vinxer habang abala na siya sa kusina upang magluto ng hapunan Gumagawa siya ngayon ng sopas. Naisip niyang ito ang lutuin dahil na rin naulanan sila kanina at nilamig sa biyahe. Makakatulong din iyon kay Ayra upang mas kumalma ito "Lumabas ka na nga jan! Baka mamaya hinahalay mo na yung mga boxers ko jan sa loob" ani ni Vinxer kay Ayra. Binuksan naman nito ang pinto ng walk-in closet at lumabas itong nakasuot na ng t-shirt at shorts "Kapal mo! Ikaw nga 'tong minamanyak ako kanina sa kotse" inirapan siya ni Ayra habang naglalakad ito palapit sa kusina. Tumigil ito sa may bar counter at naupo sa stool "You looked at my ass cheeks without my consent, woman. Ikaw yata ang manyak" sagot ni Vinxer habang nilalagyan na ng gatas ang sopas. Mula sa kanyang likuran ay narinig niya na lamang ang pigil na pagsigaw ni Ayra dahil sa inis. Hindi kalaunan ay naglagay na siya sa dalawang bowl ng sopas at inilagay iyon sa bar counter. Tumabi na rin si Vinxer nang upo kay Ayra "Uy sopas. Favorite ko 'to. Thank you" nginitian siya ni Ayra bago ito magsimulang kumain nang magana. Nawala na ang sungit at pag aattitude nito dahil sa nakahain na pagkain "You're welcome. Pagkain lang pala ang katapat mo, eh" natatawang sambit ni Vinxer at nagsimula na rin kumain. Inirapan naman siya ni Ayra at hindi na ito sumagot Tahimik lamang sila hanggang matapos silang kumain. Nagsabi naman ang dalaga na siya na lamang ang maghuhugas ng kanilang mga pinagkainan dahil si Vinxer naman daw ang nagluto. Hinayaan niya lamang ito at pinagmasdan "Avie..." tawag ni Vinxer kay Ayra. Bahagya naman itong napatigil sa ginagawa bago muling magpatuloy "Hmm?" "...You should get checked" taimtim na pinagmamasdan ni Vinxer si Ayra at buo ang atensyon sa kung ano man ang magiging reaksyon at ekspresyon nito. Lumipas ang ilang segundo bago ito sumagot "I know..but I couldn't bring myself to do it, Vinoe" napabuntong hininga ito at tinapos ang paghuhugas sa mga plato bago ito nagpunas ng mga kamay at muling umupo sa stool katabi ni Vinxer "Nic knows a psychiatrist. He told me she's a female so I think you'd be more comfortable that way" "Hindi naman iyon ang problema...ako mismo" malungkot ang mukhang sambit ni Ayra at yumuko habang nakatingin sa kanyang mga palad "Nandito naman ako, Avie. Hindi naman kita pababayaan" sambit ni Vinxer at hinawakan ang mga kamay ni Ayra bago iyon bahagyang pinisil-pisil Tahimik lamang si Ayra na tila malalim ang iniisip. Nakayuko parin ito at tahimik lang din lamang si Vinxer sa tabi nito Maya maya ay tiningnan siya ni Ayra nang may luha sa mga mata "Pero hanggang kailan?....hanggang kailan 'kang nariyan para sa akin?" "Lagi naman kaming nariyan...lagi naman akong nandito, Avie. You are just the one who always run away. Ikaw lang naman itong magulo na laging lumalayo" "Ayoko lang na madamay pa kayo, Vinoe. Gusto 'kong malutas ang lahat ng mga problema ko nang ako lang" "Avie..una palang damay na kami. Your problems are our problems too. There's no way around it dahil tayo nina Xenon ang nagplano ng lahat" ani ni Vinxer na bahadyang naiinis Simula noon ay ganito na talaga si Ayra. Matigas ang ulo at pilit sinasarili ang lahat. Madalas ay hindi rin ito nakikinig sa kanila "You are just always there to save me and I feel guilty because of that, Vinoe. You always clean after the mess you didn't spill" "That's why I'm telling you now to get the help that you need" "Pakiramdam ko ang sama-sama 'kong tao kaya hindi ko deserve gumaling, Vinoe" "Don't say that, Avie..." iniharapan niya ang dalaga sa kanyang gawi at tinitigan ito sa mga mata, "...you're not a bad person. You just do bad things out of love..at yun ang gusto 'kong ihingi mo ng tulong, Avie. Gusto 'kong matutunan 'mong palayain ang sarili mo mula sakit na dulot ng mga nagawa mo" Napabuntong hininga si Vinxer at niyakap si Ayra. Tahimik lamang ang dalaga. Nag iisip. "Susubukan ko.." ani nito "And please..." ani ni Vinxer "Please what?" "Please don't push me away..." marahan niyang hinaplos ang buhok ni Ayra at bahagya itong hinalikan sa noo "...and don't run away from me ever again" PROJECT: Runaway STATUS: Failed the second time - LunaToMySol• This chapter is dedicated to Cola. You will always be loved, baby. Momom and dadad will strive to heal and be better furparents in order to save more babies like you. You will be missed dearly and we hope that you will always guide us and your siblings and mom. We love you, baby Cola and we miss you everyday Ilang araw na rin ang lumipas simula noong mga pangyayari tungkol kay Heart Greeneth. Habang naglalakad si Ayra patawid ng kalsada upang pumasok sa University ay hindi niya maiwasan na mag isip isip. Naguguluhan parin kasi ang isip niya at hindi niya alam kung ano ang sunod na dapat gawinAlam niya naman na siguro nga ay may PTSD siya dahil sa nangyari noon kay Hera Grace. Simula noon pa man ay hinihikayat na rin siya ni Vinxer na magpatingin sa doktor tungkol doon ngunit hindi niya madala ang sarili. Ayaw niya kasing aminin na may PTSD siya. Ayaw niya nang may kahinaan dahil noong huling beses na nagkaroon siya ng kahinaan, agad na nasaktan ang taong iyon "Hop in" laking gula
Magkatabi sina Ayra at Vinxer na nakaupo sa isang bench dito sa Magsaysay Park. Pareho silang tulala sa hangin habang kumakain ng ice cream na may apa. Tila sabay din silang napapabuntong hininga pero wala namang nagsasalita. Maaliwalas ang paligid ng parke ngunit madilim naman ang mukha ni Vinxer at nakasimangot din si Ayra"Haaaay. Badtrip naman""What the heck just happened? Hayst"Sabay na ani ng dalawa habang malayo parin ang tingin hanggang sa si Ayra na ang bumaling ng tingin kay Vinxer at nagtanong "Ilan nakuha 'mong score?" tanong ni Ayra"1 over 10 langhiya" sagot naman ni Vinxer"Ako zero. Aaaaaaa" muling tugon ng dalaga Nagkaroon kasi ng surprise quiz daw ang terror nilang professor. Walang nakapag review sa kanilang lahat kaya naman ganyan din ang mga naging score nila "Sige lang. Lahat naman zero to one lang ang score" ani ni Vinxer at inubos ang natitira sa kinakain na ice cream "Hayst. Babawi nalang tayo sa susunod, Vinoe" ani naman ni Ayra nang matapos din sa pagk
"Ano ba kasing nangyari at rumeresbak ngayon yung barkada nung Paolo na yun?" tanong ni Vinxer sa tatlong lalaki na pare-parehong nakaupo sa iisang couch. Si Vinxer naman ay palakad lakad habang napapalatak at paminsang hinihilot ang sentidoNakamasid lamang si Ayra sa apat na kalalakihan ngayon habang nakaupo sa pang isahang upuan ng sofa set. Naririto silang lahat sa personal library ni Vinxer sa loob ng condo unit nito. Nababalot ng navy blue na mga pader ang silid at ang sofa set at swivel chair ay nasa parehong kulay. Ang mga book shelves ay gawa sa chocolate brown na kahoy at ang office table ay gawa sa salamin. Binabalot din ito ng pang lalaking amoy na hindi masakit sa ilongSeryoso ang bukas ng mga mukha ng mga binata sa kanyang harapan at tila may kung anong sasabog kung bigla na lamang may magkamali ng sasabihin or gagawin Ang intense..."Ginawa naman namin yung inutos mo. Sinigurado rin namin na magagamot siya nung doktor na kakilala natin. Ilang araw pa nga siyang naconf
Keep running...Ilang araw na ang lumipas mula nang matanggap ni Ayra ang isang text message mula sa hindi niya kilalang numero. Hanggang ngayon nga ay iniisip niya parin kung kanino iyon galing at kung ano ang ibig sabihin ng mensahe."Oh, ayan nag iisip nanaman siya" ani ni Lyzza, isa sa mga kaklase niya na naging kaclose niya na rin. Simula kasi noong may nangyari kay Heart Greeneth ay nagsabi itong magpapakalayo muna kaya ngayon ay si Lyzza na ang kasa-kasama ni Ayra."Sorry naman mhie. Nakaka bother lang kasi" tugon niya naman dito habang kumakain ng sandwich. Nasa canteen kasi sila ngayon at nagmemeryenda. "Ante q, wag mo na masyado i-stress ang sarili mo kasi malay mo naman wrong number lang" ani ng kasama kapagkuwan ay inubos ang sandwich nito.Lumingon-lingon si Ayra sa paligid ng canteen.Wala namang kakaiba. Wala namang mukhang mananakit sakanya o kung ano."Hayst!" bahagya siyang pumikit at umiling-iling bago muling magsalita, "stressed lang siguro ako lately. So much vi
Palakad lakad si Vinxer habang nasa loob ng isang silid. Kasama niya ngayon sila Niccolo, Xenon, Danner, at Vera. Prenteng nakaupo ang apat habang malalim din ang iniisip."Si Ayen ba talaga yun?" tanong ni Xenon"Impossible. That's just impossible" ani naman ni Danner. Bumuntong-hininga si Vinxer at naupo sa pang isahang sofa. Inabot niya ang bote ng whisky na nasa mababang center table at nagsalin ng alak sa baso. Ininom niya ang whisky nang puro habang hindi parin matahimik ang kanyang isip. "If that's really, Ayen, that just means na mas dapat natin higpitan ang pagbabantay kay Ayra" sambit ni Vinxer. Nakita naman niyang nagsalin din ng alak sila Xenon at Danner bago iyon inumin mula sa babasagin na basong puno ng yelo. "Sabi ko na nga ba eh. I should've killed that bitch a long time ago" ani ni Vera habang napapalatak "Mas delikado na ang panahon ngayon kaya doble ingat dapat tayo. Protect Ayra at all cost" sambit naman ni Niccolo habang isa-isa silang tinitingnan ng diretso
Pasimpleng tinapik ni Ayra ang kamay ni Vinxer na nakapatong sa arm chair. Kanina pa kasi ito parang hindi mapakali at gustong hawakan ang kamay niya. "Shh!" pabulong niyang wika dito.Magkatabi sila ngayon sa klase at prenteng nakikinig ang lahat sa kay Prof. Evie Prosal pwera na nga lang dito kay Vinxer na nakatuon nga ang mga mata sa professor na nasa harapan ngunit hindi naman matigil ang kalikutan ng kamay."I just wanna hold your hand, Avie. I miss you" pabalik nitong bulong kay Ayra at sinubukan nanaman hawakan ng kaliwang kamay nito ang kanang kamay ng dalaga."Magkatabi lang tayo" sagot naman ni Ayra at tinabig nanaman ang kamay ni Vinxer.Narinig niya naman na malakas itong napa buntong hininga. Nang saglit itong tapunan ng tingin ni Ayra ay bahagya itong naka nguso."Nagsusulat ako ng notes. Right-handed, remember?" paliwanag muli ni Ayra kay Vinxer.2:25 p.mNakita ni Ayra sa orasan ng kanyang phone. "5 minutes nalang time na, oh. Keep your hands to yourself 'til then, V
Binibini by Cean Jr. is featured in this chapter. Enjoy, loves! •Hindi na mabilang ni Vinxer kung ilang beses na ba siyang bumuntong-hininga. Mabigat ang katawan na naglakad siya papalapit sa refrigerator at bumuntong-hininga nanaman nang mahawakan ang handle ng pinto niyon "Vinoe kanina ka pa 'jan. Lalabas na yata 'yang baga mo sa ilong mo eh" ani ng papalapit na si AyraBinuksan ng binata ang ref para kumuha ng apat na pirasong itlog. Sunod naman itong kumuha ng bacon sa freezer para ilagay ito sa isang bowl na may tubig upang ma-defrost bago lutuin"May problema ka ba? Kagabi ka pa ganyan eh" ani muli ni Ayra habang binabasag nito ang mga itlog sa isang bowl tsaka iyon sinimulang batihin gamit ang egg whisk Naglakad si Vinxer papunta sa sala na katabi lamang ng kusina. Binuksan niya ang tv at doon ibinaling ang kanyang atensyon. Pinipigilan niya kasi ang sarili at pinoproblema ang pantog niyang simula kagabi pa masakitNapairap naman si Ayra sa hangin nang hindi siya saguti
Marilag by Dionela is featured in this chapter. Thank you and enjoy! •Biyernes ng umaga na ngayon at abala si Ayra sa pag-iikot sa mall. Kinabukasan na kasi gaganapin ang birthday party ni Vinxer. Lahat silang magkakaibigan ay uuwi sa kanilang probinsya upang dumalo sa pagtitipon na gaganapin sa masyon ng mga Dela FuentesMarilag Ang himala'y sayo ibibintang Napangiti si Ayra nang marinig ang kantang pinapatugtog sa kabuoan ng mallPumasok siya sa book store at nagpasyang libangin ang sarili sa pagbabasa ng mga synopsis sa likuran ng mga librong nakakakuha ng kanyang atensyon Haven't felt so divine, 'til I looked in your eyesSee my futureBaby, loving you saved meNapabuntong hininga si Ayra. Sa totoo lang kasi ay kinakabahan siya para bukas kaya mag isa siya ngayon dito sa mall. Nakasanayan niya na kasing stress-reliever ang mag window shoppingMasaya siyang mag celebrate ng birthday ni Vinxer pero hindi niya kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ng pamilya nito sakanya. Sa
Healing by James Reid •Nakapikit ang mga mata ni Ayra habang sinasalubong ang maligamgam na tubig mula sa showerhead sa ibabaw. Nararamdaman niya ang bawat patak nitong tumatama sa kanyang balat pababa sa kanyang katawan. Hinayaan niya lamang ang sariling lasapin ang pakiramdam niyon Much needed rest...Ngayon na natapos na ang kaarawan ni Vinxer ay tsaka lamang naramdaman ni Ayra ang pagod sa kanyang katawan. Simula kasi noong isang araw ay abala siya sa pagbili ng regalo tapos dumiretso sila papunta sa Tagaytay. Noong matapos naman iyon ay dumiretso sila pauwi ng Sta. FeParang ang daming nangyari sa loob lamang ng tatlong araw. Ang dati niyang madilim at tila on default na buhay ay biglang nagkaroon ng saysay Noon, kapag nagigising siya sa araw-araw, alam niya na agad kung ano ang gagawin niya. Kakain, maglilinis, papasok sa eskwela, uuwi. Minsan naman ay sumasama siya sa kanyang ibang mga kaibigan sa mga bar para lamang libangin ang kanyang sarili Para makalimot..."As if nam
Soda by James Reid•"We're here, love" ani ni Vinxer na siyang nagmamanehoLabis ang kabog ng dibdib ni Ayra nang makapasok sa gate ang sasakyang kinalululanan. Kita niya sa kanyang harapan ang malaking mansyon ng mga Dela Fuentes. Kulay abo iyon na may itim na detalye at mga disenyo"Ays, 'wag ka ngang kabahan dyan. Hindi ka naman iba dito. Ito naman parang first time makapasok sa mansyon" ani ni Xenon mula sa backseat. Bahagya pa nitong tinapik ang kanyang balikat nang dalawang beses "Hands off, X" ani ni Vinxer na nakatitig sa kamay ni Xenon na nakapatong sa balikat ni Ayra. Madilim ang bukas ng mukha at bahagyang umiigting ang panga "Tsk!" inis na ani ni Xenon at tinanggal ang pagkakahawak kay Ayra, "ang seloso mo naman, Vinx. Para namang wala tayong pinagsamahan nyan! Pasalamat ka birthday mo" kunwaring nagtatampo na ani ng binata"Happy birthday, bro" ani ni Danner na ngayon lang naalala ni Ayra na nasa back seat din pala dahil sa sobrang tahimik nito Nang makababa silang ap
Sparks by Coldplay (All songs featured in this story are in the PROJECT: Runaway Spotify playlist linked in the synopsis and description) • Nakamasid si Ayra sa pamilyar na tanawin sa labas ng sasakyan. Mga punong isinasayaw ng hangin at mga kabahayang sumisimbolo ng payak na kabuhayan ang umaaliw sa kanyang paninginSaglit lamang silang nag almusal ni Vinxer kanina sa Tagaytay at maaga na silang bumiyahe pauwi sa kanilang probinsyaHindi niya maiwasang mapabuntong hininga. Hindi niya mawari ang dapat niyang maramdaman. Pakiramdam niya kasi ay dahan-dahan siyang ibinabalik sa reyalidad. Ang lugar na ito...narito ang lahat ng gusto niyang takbuhan palayo. Ang katotohanan ng buhay niya. Ang katotohanan ng pagkatao niya. Lahat ng iyon ay narito sa bayan ng Santa Fe "It's gonna be okay" ani ng baritonong boses ni Vinxer at bahagyang pinisil ang kamay ni AyraTumango siya at bahagyang ngumitiMagiging okay? Siguro. Ngayon? Hindi pa. Malabo.Kausap ni Ayra ang sarili sa kanyang isipan.
Dilaw by Maki is featured in this chapter! A whole Spotify playlist for PROJECT: Runaway can be found in the story description and synopsis. Thank you so much! •"You look breathtaking in that little yellow dress of yours" ani ni Vinxer kay Ayra habang inihahanda niyang i-garahe ang sasakyan"Thank you, love" ani ni Ayra na saglit lamang tinapunan ng tingin si Vinxer at muling ibinalik ang paningin sa tanawing nasa kanyang harapanNgiting-ngiti si Ayra at para itong batang nawiwili sa tanawin ng malawak na lupain. Habang abala ang kanyang paningin sa pagkamangha ay dahan-dahan naman siyang lumabas mula sa sasakyan nang pagbuksan siya ni Vinxer ng pinto"Ang ganda dito, Vinoe. First time ko rito" ani ni Ayra habang sumusunod lamang ang kanyang mga hakbang sa kung saan siya dinadala ng pag gabay ni Vinxer"I'm glad that you're loving it so far. We only have 24 hours here so I'll make sure na masusulit mo lahat" ani ni Vinxer sabay halik sa gilid ng ulo ni Ayra"24 hours? Hala wala akon