This chapter is dedicated to Allyza. Love uuu, mhie. Thank you for the unending support and inspiration
• Napabalikwas si Ayra nang magising mula sa pag idlip. Mayroon kasing tumapik sa kanyang balikat. Tumingin siya sa tao mula sa likuran "Ayra, iha, salamat sa pagbabantay kay Heart Greeneth ha? Pasensya na at ngayon lang kami nakaluwas ng tatay niya" ani ng babae. Nanay ito ng kaibigan niyang si Green Nang matagpuan niya si Green na walang malay at puno ng pasa at sugat kahapon ay hindi na niya ito iniwan. Naka confine ito ngayon sa ospital at saglit lang na gumising kanina upang mag almusal "Walang ano man po, Tita. Nakapagbilin rin naman po ako sa landlord namin sa boarding house na hindi ako makakauwi kagabi" paniniguro niya sa babae at tumango tango ito. Kasama rin nito ang Tatay ni Greeneth kaya naman ay nagmano si Ayra sa dalawa May katandaan na ang mag asawa kung titingnan. May puting hibla na ang mga buhok ngunit malalakas pa naman at masiyahin. Naikwento rin ni Green kay Ayra noon na miracle baby ito kaya naman only child lang siya Inabutan siya ng supot ng isang kilalang fast food chain ng mag asawa "Ayra, iha ito nga pala kumain ka muna. Pagpasensyahan mo na at 'yan lang ang nakayanan namin, ha?" kinuha nito ang kamay niya at inilagay doon ang supot ng pagkain "Ay nag abala pa po kayo, Tita. Maraming salamat po" nginitian niya ang mag asawa at nagsimulang kumain sa gilid na lamesa habang ang dalawa ay pinagmamasdan ang anak na natutulog sa hospital bed. Hinahaplos ng mga ito ang mga pasa at sugat ni Greeneth na umantig sa puso ni Ayra. Mas lalo siyang naawa sa kaibigan at sa mga magulang nito Hahanapin ko kung sino ang gumawa nito sayo, Green.. Hindi kalaunan ay nagsimula nang magligpit ng gamit si Ayra. Inayos niya rin ang kusot niyang uniform at ginamitan ng hair clamp ang kanyang buhok. Naka uniporme parin siya na siyang suot mula kahapon dahil kahit saglit ay hindi niya iniwan ang kaibigan Stable naman ang vitals ni Greeneth pero sadya daw na napagod ang katawan nito kaya naman ay puro pahinga lamang ang ginagawa "Oh, iha. Aalis ka na?" ani ng nanay ni Greeneth habang nakaupo katabi ang asawa nito "Opo, Tita. May klase po kasi kami mamayang ala-una, eh. Uuwi pa po kasi ako sa boarding house bago pumasok ulit" paliwanag niya dito. Isang sakay pa kasi ng jeep ang kailangan niyang gawin bago marating ang kanyang tinutuluyang boarding house "Oh, siya mag iingat ka, ha? Salamat ulit, Ayra" nginitian siya ng mag asawa na sinuklian niya rin Lumabas na siya mula sa silid ni Green sa ospital at naglakad papunta sa first floor. Nang makalabas ng ospital ay akmang tatawid na siya nang biglang sumagi sa kanyang isipan ang nakakainis na mukha ni Vinxer Naalala niya kasi ang tagpo nila noong muntik siya nitong mabangga kahit na nasa pedestrian lane na naman siya Tsk! Mokong na yun. Sisipain ko talaga ang motor niya pag nakita 'kong naka park sa labas ng gate sa Blue and Gold. Grrr! Tuluyan na siyang tumawid at sumakay ng jeep. Hindi kalaunan ay bumaba na siya at naglakad papasok sa kanyang boarding house. Compound ito at may hardin bago makapasok sa mismong boarding house. Marami rin ang mga pusa dahil alaga ang mga ito ng pamilya ng kanilang landlord "Hello, cats. Hello, Migoy" paglalambing niya sa isang nakasalubong niya habang tinatahak ang pasilyo papunta sa pinto ng kanilang boarding house Natulos siya sa kinatatayuan nang makita ang bulto na nakikipaglaro sa mga pusa na naroon. Hinihimas nito ang mga pusang nakapalibot dito habang naka squat ito ng upo Anong ginagawa nito dito? Siraulo ba siya!? "V-vinxer?" ani ni Ayra habang hindi parin gumagalaw sa kinatatayuan. Hindi talaga siya makapaniwala na narito ang lalaki. Bakit siya nandito? Anong sadya niya rito? Paano niya nalaman na dito ako naninirahan? Bakit niya naman ako pupuntahan? .... Bakit ang bango niya-Heh! Sinaway ni Ayra ang sarili upang maputol ang kanyang pag iisip nang mga sandaling iyon. Ang dami niyang tanong sa isipan ngunit pangalan lamang nito ang kanyang nabanggit "Oh, hello, Ayra. I've been waiting for you" nginitian siya nito nang tumingin sa gawi niya. Pini-pet parin nito ang mga pusa Nang makabawi sa pagkabigla si Ayra ay unti-unting naningkit ang kanyang mga mata at tumalim ang tingin sa lalaki Bakit nandito nanaman 'tong si malas!? "'Wag mo nga akong ma-hello jan! Bakit ka nandito? Anong kailangan mo? Paano mo nahanap kung saan ako nakatira? At tigilan mo nga 'yang mga pusa at baka mahawa sa kamalasan na hatid mo" singhal niya sa lalaki Naglaho ang ngiti nito na napalitan naman ng pamilyar na iritable nitong ekspresyon. Tumayo ang lalaki at naglakad papalapit sakanya upang tawirin ang kanilang distansya. Nakatingala nanaman tuloy si Ayra. Sanay naman na siya sa tangkad ng lalaki pero nabibigla parin siya kapag ganito sila kalapit sa isa't-isa Sinalubong ni Ayra ang mga titig ni Vinxer. Kunot ang noo nito kaya naman nagsasalubong ang makakapal na kilay. Nawala na rin ang dimples nito sa pisngi na kanina ay saglit na nagpakita nang batiin siya nito ng ngiti. Ang buhok nito ay nagiging golden brown dahil sa sinag ng araw. Mestizo ang lalaki mula noon pa man kaya nga lang ay madalas na hindi nagpapantay ang kulay ng mga braso at katawan dahil lagi yatang nakabilad. Kahit na ganon ay gwapo parin ito Gwapo!? Jusko! Mauunang tumamis ang asin bago ko sabihan ng gwapo itong lalaking 'to "Mukha 'kang minion" nahugot si Ayra mula sa pag iisip nang magsalita si Vinxer sa kanyang harapan "Ano?" sagot naman ni Ayra "Sabi ko mukha kang minion. Hindi ka na tumangkad simula Grade 9 tayo" ani ng lalaki kaya naman hindi na napigilan ni Ayra na sampalin ang braso nito Hala..ang tigas.. "Siraulo. Bakit ka ba kasi nandito?" singhal niya sa lalaki. Pareho silang nakasingkit ang mga mata dahil sa tirik na sikat ng araw na bumabalot sa paligid "Hindi mo ba muna ako papapasukin? Ganyan ka ba sa bisita?" balik na tanong ni Vinxer kay Ayra "Bwisita ka hindi bisita. Tabi!" inirapan niya ito at pumasok sa pinto ng boarding house ngunit tumigil siya nang sandali "Oh ano pang hinihintay mo jan? Pumasok ka na habang mabait pa ko sayo" muling sambit ni Ayra at inirapan si Vinxer na agad namang pumasok habang nangingiti na tila nang aasar Umupo ang lalaki sa plastic na upuan sa receiving area/dining area ng boarding house. Common at shared ito na space ngunit mas nagagamit ni Ayra dahil solo niya sa pag renta ang nag iisang kwarto sa first floor Walang lingon-likod siyang pumasok sa kanyang silid at kumuha ng undergarments na susuotin para sa pangloob ng kanyang uniform. Hindi niya nilingon si Vinxer at dire-diretso lang na pumasok sa banyo habang dala ang basket ng kanyang bath essentials, tuwalya, at bihisan Habang naliligo siya ay iniisip niya parin kung bakit narito ang lalaking 'yon. Hindi parin kasi nito sinasagot ang mga tanong niya kanina at tahimik lamang na naghihintay doon sa dining area Nang matapos maligo ay nagpunas na ng katawan at buhok si Ayra. Sinuot niya na rin ang kanyang underwear, sando, at shorts. Nagpupunas pa siya ng buhok nang makalabas ng banyo Nagkatinginan sila ni Vinxer na tahimik parin habang nakaupo. Napakatikas na nga ng lalaki. Matangkad. Mestizo. Mabango.. Simula Junior Highschool ay magkakilala na sila ni Vinxer dahil lagi silang magkaklase. Noong una ay ayos naman ang pakikitungo nila sa isa't isa. Madalas nga silang mapagkamalan na magkasintahan noon dahil lagi silang magkasama. Laging Top 1 noon sa klase ang lalaki tapos si Ayra naman ay pangalawa. Madalas ay tinuturuan siya ng lalaki tungkol sa mathematics at si Ayra naman ang nagtuturo dito tungkol sa literature. Ma-numbers ang lalaki at ma-words naman si Ayra. Perfect balance kumbaga...ang kaso simula noong nangyari ang di inaasahan...hindi na sila ulit bumalik sa dati Kailan kaya ulit yun? Napailing si Ayra sa sarili at nag iwas ng tingin. Tahimik siyang pumasok sa kanyang silid habang nakikita parin sa kanyang peripheral vision ang mga titig ni Vinxer. Wala naman itong sinasabi at basta nakatitig lamang. Napabuntong hininga na lamang si Ayra nang matapos magsuot ng kanyang uniporme. Isinuot niya rin ang contact lenses niyang brown dahil gusto niya na munang pagpahingahin ang kanya mga mata mula sa pagsusuot ng kanyang salamin Lumabas na siya mula sa kwarto nang matapos mag ayos. Inilagay niya lamang ang kanyang school bag kanina sa upuan katabi ni Vinxer sa dining area kaya naman ay nakahanda na ito. Nagsuot na siyang muli ng kanyang sapatos at saka bumuntong hininga bago humarap sa nakamasid na lalaki "So..bakit ka nga nandito, Vinxer?" tanong niyang muli dito na wala nang bahid ng inis. Napagod yata siyang singhalan ito kaya mahinahon niya na lamang na tinanong muli "I wanna see you" tipid nitong sagot habang nakasandal sa upuan at diretso ang tingin kay Ayra. Kumpara kanina ay blanko na ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi na nang aasar at hindi na rin iritable "Bakit?" tanong ni Ayra "I want to check if you're okay" sagot ni Vinxer "Bakit?" tanong niyang muli "I was worried" tipid muli nitong sagot "Bakit?" tanong muli ni Ayra "I thought you were the one who got beaten in the restroom yesterday but turns out it was He- Greeneth" "Paano mo nahanap ang boarding house ko?" tanong niya sa lalaki "You know me, Ayra" muling tipid na sagot ni Vinxer Napakunot naman ng noo si Ayra at saglit na natahimik habang pinoproseso ang mga sagot ni Vinxer. Hindi niya maintindihan ang lalaki at lalong hindi niya maintindihan ang sarili. Actually, hindi na niya maintindihan ang sitwasyon nilang dalawa Noong nagkita sila sa tawiran at muntik na siyang mabangga nito ay halos magsabunutan na sila sa kalsada. Noon namang magkita sila sa klase kahapon ay first time niyang nalaman na kaklase niya pala ito at halos magpatayan na sila gamit ang mga tingin. Pagkatapos naman ng klase nila kahapon ay muli siyang binuysit ng lalaki sa canteen at kulang nalang ay masakal niya ito Ngayon, narito sila, sila lamang dalawa pero hindi sila nagsisinghalan. Hindi sila nagpapatayan. Malumanay. Tahimik. Katulad ng dati... Bumuntong hininga si Ayra bago akmang magsasalita ngunit naunahan siya ni Vinxer "I know who did it" diretso siya nitong tiningnan sa mga mata Of course he knows..of course, Vinxer Jose Dela Fuentes knows Bumabalik na nga ba ang dati? Siya at si Vinxer...bumabalik na nga ba sila? Diretso lamang ang tingin ni Vinxer sakanya. Wala itong ekspresyon at ganon din si Ayra ngunit alam niyang naghihintay ito. Naghihintay ito ng sagot mula sa kanya. Naghihintay ito ng desisyon niya. Desisyon na babago muli sa lahat. Ang desisyon na makakapagpabalik ng dati. Matagal itong iniwasan ni Ayra dahil wala rin naman siyang pagkakataon pero ngayon dahil sa nangyari kay Greeneth ay narito silang muli ni Vinxer. Magkasama...tulad noon "Bring me to them" tugon ni Ayra at siyang tango naman ng lalaki. Wala nang sabi sabi ay lumabas sila agad mula sa boarding house. Nakaparada pala doon ang itim na motorsiklo ni Vinxer na Ducati Nakasingkit ng mata si Ayra habang nilalagyan siya ni Vinxer ng helmet. Nasisilaw kasi siya sa init ng araw dahil nga naka contact lenses lang siya "Tsk. Di mo nanaman sinuot yung salamin mo kaya nasisilaw ka ngayon.." inabutan siya ni Vinxer ng shades at muling nagsalita "...kapag maulan o indoors mo nga lang isuot 'yang contact lenses. Your eyes need the protection from your glasses" Tumango na lamang si Ayra dahil tama naman ang lalaki. After all these years, kilala parin siya nito. Kabisado parin ni Vinxer ang kanyang pagkatao Sumakay na si Ayra sa motorsiklo at kumapit sa may bandang bewang ni Vinxer. Pinaandar na nito ang sinasakyan nila upang madala na siya nito sa mga taong nanakit sa kaibigan niyang si Heart Greeneth Matapos ang mahahabang taon, sino ba naman ang mag aakala na kay Vinxer parin pala siya hihingi muli ng ganitong tulong? At sinong mag aakala na tutulungan parin pala siya ng lalaki? PROJECT: Runaway Status: FAILEDTW is applied in this story. Mentions of death, abuse, substance abuse, trauma, and crime are visible in this story. Readers discretion is advised. Strictly for mature audiences only•Madilim ang mukha ni Ayra habang nakasakay sa motor ni Vinxer. Simula kasi kaninang alas dose ay tinatahak na nila ang kalsada sa ilalim ng mainit at tirik na sinag ng arawTiningnan niya ang screen ng kanyang phone. Ngayon ay alas-kwatro na ng hapon ngunit hindi pa rin sila nakakarating sa kung saan man sila pupunta. Hindi na rin sila nakapasok sa klase dahil ditoPatingin tingin siya sa paligid at nagmasid. Wala na ang matataas na building at mausok na kalsada. Sa halip ay napalitan ang paligid ng matataas na mga puno. Kahit saan siya lumingon ay puro luntian lamang ang kanyang nakikita at sila lang din ni Vinxer ang tumatahak sa makipot na sementadong daan na nag iisang kalsada sa tila walang katapusan na kagubatan "Malayo pa ba tayo?" may bahid ng inis at pagkabagot na sambit niya "Malapit lapit n
• "Mga gago! Pagbabayaran niyo 'tong ginagawa niyo sakin! " bulyaw ng lalaking may piring ang mata at mahigpit na nakatali sa isang bakal na upuan Nagpupumiglas ito ngunit wala rin namang nangyayari. Pinagpapawisan ito nang may malalaking butil at kitang-kita ni Ayra ang mga ugat sa leeg nito sa kada sigaw na nililikha ng lalaki. Kilala niya ang lalaking 'to dahil estudyante rin ito sa Blue and Gold at kabilang sa mga malalakas ang loob na gumawa ng kalokohan dahil may kapit Sa isang abandonadong gusali sa gitna ng kagubatan siya dinala nina Vinxer at ngayon nga ay kaharap na niya ang taong gumawa ng kadahasan sa kaibigan niyang si Heart Greeneth. Kilala ni Ayra ang lalaki dahil madalas nila itong makasalubong sa loob ng unibersidad ngunit hindi niya parin alam kung ano ang motibo nito sa ginawa "Bakit mo ginawa yun kay Green?" malamig na ani ni Ayra at humakbang upang maging malapit ang distansya nila ng lalaki. Sina Vinxer, Danner, at Xenon naman ay tahimik lamang na nagmamasi
• This chapter is inspired by the song Sandali by mrld. You can play the song first to know the vibe then proceed in reading this chapter. I highly recommend you do so that's why I added it above! •Pinagmamasdan ni Vinxer ang natutulog na si Ayra. Nakapasok na sila sa parking lot ng condominium building niya ngunit hindi parin nagigising ang dalaga. Wala siyang lakas ng loob na gisingin ito dahil alam niyang kailangan nito ng pahinga. Hindi niya kayang putulin ang payapa nitong paghimbing Napabuntong hininga si Vinxer at isinandal ang likod sa malambot na upuan ng driver's seat. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinakinggan lamang ang tunog ng engine, aircon, at mahinang volume ng radyo ng kotse. Tumutugtog doon ang isang musika na tumpak sa kanyang nais ipahayag noong mga oras na iyon Sandali, dito ka na magpalipas ng gabi
• This chapter is dedicated to Cola. You will always be loved, baby. Momom and dadad will strive to heal and be better furparents in order to save more babies like you. You will be missed dearly and we hope that you will always guide us and your siblings and mom. We love you, baby Cola and we miss you everyday Ilang araw na rin ang lumipas simula noong mga pangyayari tungkol kay Heart Greeneth. Habang naglalakad si Ayra patawid ng kalsada upang pumasok sa University ay hindi niya maiwasan na mag isip isip. Naguguluhan parin kasi ang isip niya at hindi niya alam kung ano ang sunod na dapat gawinAlam niya naman na siguro nga ay may PTSD siya dahil sa nangyari noon kay Hera Grace. Simula noon pa man ay hinihikayat na rin siya ni Vinxer na magpatingin sa doktor tungkol doon ngunit hindi niya madala ang sarili. Ayaw niya kasing aminin na may PTSD siya. Ayaw niya nang may kahinaan dahil noong huling beses na nagkaroon siya ng kahinaan, agad na nasaktan ang taong iyon "Hop in" laking gula
Magkatabi sina Ayra at Vinxer na nakaupo sa isang bench dito sa Magsaysay Park. Pareho silang tulala sa hangin habang kumakain ng ice cream na may apa. Tila sabay din silang napapabuntong hininga pero wala namang nagsasalita. Maaliwalas ang paligid ng parke ngunit madilim naman ang mukha ni Vinxer at nakasimangot din si Ayra"Haaaay. Badtrip naman""What the heck just happened? Hayst"Sabay na ani ng dalawa habang malayo parin ang tingin hanggang sa si Ayra na ang bumaling ng tingin kay Vinxer at nagtanong "Ilan nakuha 'mong score?" tanong ni Ayra"1 over 10 langhiya" sagot naman ni Vinxer"Ako zero. Aaaaaaa" muling tugon ng dalaga Nagkaroon kasi ng surprise quiz daw ang terror nilang professor. Walang nakapag review sa kanilang lahat kaya naman ganyan din ang mga naging score nila "Sige lang. Lahat naman zero to one lang ang score" ani ni Vinxer at inubos ang natitira sa kinakain na ice cream "Hayst. Babawi nalang tayo sa susunod, Vinoe" ani naman ni Ayra nang matapos din sa pagk
"Ano ba kasing nangyari at rumeresbak ngayon yung barkada nung Paolo na yun?" tanong ni Vinxer sa tatlong lalaki na pare-parehong nakaupo sa iisang couch. Si Vinxer naman ay palakad lakad habang napapalatak at paminsang hinihilot ang sentidoNakamasid lamang si Ayra sa apat na kalalakihan ngayon habang nakaupo sa pang isahang upuan ng sofa set. Naririto silang lahat sa personal library ni Vinxer sa loob ng condo unit nito. Nababalot ng navy blue na mga pader ang silid at ang sofa set at swivel chair ay nasa parehong kulay. Ang mga book shelves ay gawa sa chocolate brown na kahoy at ang office table ay gawa sa salamin. Binabalot din ito ng pang lalaking amoy na hindi masakit sa ilongSeryoso ang bukas ng mga mukha ng mga binata sa kanyang harapan at tila may kung anong sasabog kung bigla na lamang may magkamali ng sasabihin or gagawin Ang intense..."Ginawa naman namin yung inutos mo. Sinigurado rin namin na magagamot siya nung doktor na kakilala natin. Ilang araw pa nga siyang naconf
Keep running...Ilang araw na ang lumipas mula nang matanggap ni Ayra ang isang text message mula sa hindi niya kilalang numero. Hanggang ngayon nga ay iniisip niya parin kung kanino iyon galing at kung ano ang ibig sabihin ng mensahe."Oh, ayan nag iisip nanaman siya" ani ni Lyzza, isa sa mga kaklase niya na naging kaclose niya na rin. Simula kasi noong may nangyari kay Heart Greeneth ay nagsabi itong magpapakalayo muna kaya ngayon ay si Lyzza na ang kasa-kasama ni Ayra."Sorry naman mhie. Nakaka bother lang kasi" tugon niya naman dito habang kumakain ng sandwich. Nasa canteen kasi sila ngayon at nagmemeryenda. "Ante q, wag mo na masyado i-stress ang sarili mo kasi malay mo naman wrong number lang" ani ng kasama kapagkuwan ay inubos ang sandwich nito.Lumingon-lingon si Ayra sa paligid ng canteen.Wala namang kakaiba. Wala namang mukhang mananakit sakanya o kung ano."Hayst!" bahagya siyang pumikit at umiling-iling bago muling magsalita, "stressed lang siguro ako lately. So much vi
Palakad lakad si Vinxer habang nasa loob ng isang silid. Kasama niya ngayon sila Niccolo, Xenon, Danner, at Vera. Prenteng nakaupo ang apat habang malalim din ang iniisip."Si Ayen ba talaga yun?" tanong ni Xenon"Impossible. That's just impossible" ani naman ni Danner. Bumuntong-hininga si Vinxer at naupo sa pang isahang sofa. Inabot niya ang bote ng whisky na nasa mababang center table at nagsalin ng alak sa baso. Ininom niya ang whisky nang puro habang hindi parin matahimik ang kanyang isip. "If that's really, Ayen, that just means na mas dapat natin higpitan ang pagbabantay kay Ayra" sambit ni Vinxer. Nakita naman niyang nagsalin din ng alak sila Xenon at Danner bago iyon inumin mula sa babasagin na basong puno ng yelo. "Sabi ko na nga ba eh. I should've killed that bitch a long time ago" ani ni Vera habang napapalatak "Mas delikado na ang panahon ngayon kaya doble ingat dapat tayo. Protect Ayra at all cost" sambit naman ni Niccolo habang isa-isa silang tinitingnan ng diretso
Kunot ang noo ni Ayra habang nakatingin sa screen ng laptop. Mag isa siya sa library ngayon at naghahanap sa Google ng mga magazine articles kung saan makikita ang mga mayayamang businessmen sa bansa.Ilang oras na niyang binabasa ang mga one-on-one interview sa mga iyon kung saan tinatanong ang mga kalalakihan patungkol sa kanilang pribadong buhay, paboritong pagkain, paboritong sports, at kung ano-ano pa.Isa lamang ang pakay niya at yun ay ang malaman kung sino sa kanila ang gumagamit ng pabango na kaamoy ng cherry blossoms.Suhestiyon iyon ni Lyzza noong galing sila sa Sta.Fe kaya naman ngayon na nakalugar na si Ayra ay sinunod niya na ang payo ng kaibigan sa paraan ng paghahanap.Napasabunot siya sa kanyang buhok. Mga dalawampu na kasi na businessman interviews na kasi ang nababasa niya ngunit wala pa rin. Masakit sa ulo ang suyurin ang internet para sa napaka specific na impormasyon.Tumipa siya sa keyboard. May naisip kasi siyang mas tumpak na mga salita na baka makapagbigay ng
• Madaling araw na ngunit hindi pa rin dinadapuan ng antok si Vinxer. Pinagmamasdan niya lamang ang mukha ng kasintahang si Ayra na payapang natutulog sa kanyang tabi. Nasisinagan ng liwanag ng buwan ang mukha ng dalaga at hindi mapigilan ni Vinxer ang mapahanga sa taglay nitong ganda. Him and Ayra spent the whole afternoon til evening making love on the bed and every round, he made sure that it was filled with passion and adoration. They are both first timers but that did not hinder Vinxer from giving the best that he could to pleasure Ayra. Ayra on the other hand was adorable in her own ways. Napabuntong hininga siya at masuyong hinaplos ang buhok ng dalaga pababa sa pisngi nito. Habang ginagawa niya iyon ay tumatakbo sa sistema ni Vinxer ang lahat ng emosyon.Masaya siya kung nasaan sila ni Ayra ngayon. Masaya siya dahil pagkatapos ng ilang taon na paghihintay ay kasintahan niya na ang babaeng iniibig at wala siyang ibang gustong gawin sa buhay kung hindi ay ang pagsilbihan si
• Abala sina Vinxer sa pag aayos ng mga gamit. Nakalapag sa sahig ang mga kahon na puno ng mga kagamitan ni Ayra Ngayon na kasi ang takdang araw ng paglipat ng kasintahan sa kanyang condo unit upang magsama na silang dalawa sa iisang bubong "Yes po, Ma'am Thelma. Sila Lyzza at Lester na po ang titira dyan sa room ko noon" ani ni Ayra na kausap ang landlady ng boarding house niya noon, "Opo, Ma'am. Wag po kayong mag alala. Mabait po si Lyzza at behave lang po si Lester. Siguradong wala po kayong magiging problema sa kanila" nakangiting ani ni Ayra sa landlady Nang ibaba ni Ayra ang tawag ay siyang pagyakap naman sa kanya ni Vinxer mula sa likuran. Tila gusto namang kumawala ng kanyang puso mula sa kanyang dibdib dahil lakas ng tibok noon"Thank you, love. For trusting me and moving in with me" ani ni Vinxer at nagplanta ng halik sa pisngi ni Ayra "No, love. Thank you. For making my life better. Simula nung naging tayo, puro na magaganda ang nangyayari sa buhay ko. Salamat at hindi
• "Thank you, Sir!" halos sabay-sabay na ani ng buong klase nang magpaalam ang kanilang professor Nasa kalagitnaan si Ayra ng pag aayos ng kanyang gamit nang magliliwan naman siyang batiin ni Lyzza. Nasa tabi niya na ito ngayon "Hi, beshy! Tara kain tayo sa labas. My treeeeat!" buong saya na ani ng dalaga "Wow! Mukhang galante ka today, ah but sure! hindi ko yan tatanggihan" Sabay na naglakad ang dalawa palabas ng university. Kapwa silang may hawak na mini fan upang mapawi ang init ng panahon Nang makarating sila sa mall ay sa isang samgyupsal-an siya dinala ni Lyzza "Galante ka talaga ngayon, besh ha. May pa samgyupsal talaga" panunukso ni Ayra sa kaibigan "Oo naman besh tsaka syempre pa-thank you ko na rin 'to sayo" ani ni Lyzza habang nangluluto ng karne sa griller "Para saan?" "Syempre sa pagpapatuloy mo sa amin ni Lester" ani ng kaibigan at nginitian siya nito "Ano ka ba? Wala yun tsaka aalis na rin naman ako doon" pahayag ni Ayra "Ha? Bakit ka aalis
•"Oh, siya, Ayra anak, mag iingat ka doon ha? Kumain ka sa tamang oras at siguraduhin mo na may sapat 'kang tulog" ani ni Agnes sa anak na si Ayra "Opo, Ma. 'Wag po kayong mag alala sa akin. Papagbutihin ko rin po ang pag-aaral ko doon. Tatawag nalang po ako kapag may oras kaming umuwi dito" sagot naman ni Ayra sa ginang at niyakap ito ng mahigpit "We will go ahead now, Tita Agnes. I promise to take good care of Ayra there so you will not have anything to worry about" ani naman ni Vinxer at nagmano ito kay Agnes"Oh, siya, hijo. Salamat ha? Mag iingat kayo sa biyahe" ani ni Agnes at kinawayan na ang dalawa Isinakay ni Vinxer ang kanilang mga maleta ni Ayra sa kotse. Ang sasakyan ni Danner na Ranger ang gamit nila ngayon dahil napag desisyonan nilang isang sasakyan na lamang ang gamitin sa biyahe. Magpapalitan na lamang sila ni Danner sa pagda-drive hanggang sa makarating na sila sa siyudad "Wow. Gagaling niyo naman. Wala talagang tumulong sa'kin magbuhat nitong mga pagkain ha" an
Healing by James Reid • Nakapikit ang mga mata ni Ayra habang sinasalubong ang maligamgam na tubig mula sa showerhead sa ibabaw. Nararamdaman niya ang bawat patak nitong tumatama sa kanyang balat pababa sa kanyang katawan. Hinayaan niya lamang ang sariling lasapin ang pakiramdam niyon Much needed rest... Ngayon na natapos na ang kaarawan ni Vinxer ay tsaka lamang naramdaman ni Ayra ang pagod sa kanyang katawan. Simula kasi noong isang araw ay abala siya sa pagbili ng regalo tapos dumiretso sila papunta sa Tagaytay. Noong matapos naman iyon ay dumiretso sila pauwi ng Sta. Fe Parang ang daming nangyari sa loob lamang ng tatlong araw. Ang dati niyang madilim at tila on default na buhay ay biglang nagkaroon ng saysay Noon, kapag nagigising siya sa araw-araw, alam niya na agad kung ano ang gagawin niya. Kakain, maglilinis, papasok sa eskwela, uuwi. Minsan naman ay sumasama siya sa kanyang ibang mga kaibigan sa mga bar para lamang libangin ang kanyang sarili Para makalimot... "As
Soda by James Reid•"We're here, love" ani ni Vinxer na siyang nagmamanehoLabis ang kabog ng dibdib ni Ayra nang makapasok sa gate ang sasakyang kinalululanan. Kita niya sa kanyang harapan ang malaking mansyon ng mga Dela Fuentes. Kulay abo iyon na may itim na detalye at mga disenyo"Ays, 'wag ka ngang kabahan dyan. Hindi ka naman iba dito. Ito naman parang first time makapasok sa mansyon" ani ni Xenon mula sa backseat. Bahagya pa nitong tinapik ang kanyang balikat nang dalawang beses "Hands off, X" ani ni Vinxer na nakatitig sa kamay ni Xenon na nakapatong sa balikat ni Ayra. Madilim ang bukas ng mukha at bahagyang umiigting ang panga "Tsk!" inis na ani ni Xenon at tinanggal ang pagkakahawak kay Ayra, "ang seloso mo naman, Vinx. Para namang wala tayong pinagsamahan nyan! Pasalamat ka birthday mo" kunwaring nagtatampo na ani ng binata"Happy birthday, bro" ani ni Danner na ngayon lang naalala ni Ayra na nasa back seat din pala dahil sa sobrang tahimik nito Nang makababa silang ap
Sparks by Coldplay (All songs featured in this story are in the PROJECT: Runaway Spotify playlist linked in the synopsis and description) • Nakamasid si Ayra sa pamilyar na tanawin sa labas ng sasakyan. Mga punong isinasayaw ng hangin at mga kabahayang sumisimbolo ng payak na kabuhayan ang umaaliw sa kanyang paninginSaglit lamang silang nag almusal ni Vinxer kanina sa Tagaytay at maaga na silang bumiyahe pauwi sa kanilang probinsyaHindi niya maiwasang mapabuntong hininga. Hindi niya mawari ang dapat niyang maramdaman. Pakiramdam niya kasi ay dahan-dahan siyang ibinabalik sa reyalidad. Ang lugar na ito...narito ang lahat ng gusto niyang takbuhan palayo. Ang katotohanan ng buhay niya. Ang katotohanan ng pagkatao niya. Lahat ng iyon ay narito sa bayan ng Santa Fe "It's gonna be okay" ani ng baritonong boses ni Vinxer at bahagyang pinisil ang kamay ni AyraTumango siya at bahagyang ngumitiMagiging okay? Siguro. Ngayon? Hindi pa. Malabo.Kausap ni Ayra ang sarili sa kanyang isipan.
Dilaw by Maki is featured in this chapter! A whole Spotify playlist for PROJECT: Runaway can be found in the story description and synopsis. Thank you so much! •"You look breathtaking in that little yellow dress of yours" ani ni Vinxer kay Ayra habang inihahanda niyang i-garahe ang sasakyan"Thank you, love" ani ni Ayra na saglit lamang tinapunan ng tingin si Vinxer at muling ibinalik ang paningin sa tanawing nasa kanyang harapanNgiting-ngiti si Ayra at para itong batang nawiwili sa tanawin ng malawak na lupain. Habang abala ang kanyang paningin sa pagkamangha ay dahan-dahan naman siyang lumabas mula sa sasakyan nang pagbuksan siya ni Vinxer ng pinto"Ang ganda dito, Vinoe. First time ko rito" ani ni Ayra habang sumusunod lamang ang kanyang mga hakbang sa kung saan siya dinadala ng pag gabay ni Vinxer"I'm glad that you're loving it so far. We only have 24 hours here so I'll make sure na masusulit mo lahat" ani ni Vinxer sabay halik sa gilid ng ulo ni Ayra"24 hours? Hala wala akon