Tahimik ang paligid ng ICU. Ang tanging naririnig ni Darrius ay ang mahinang tunog ng mga makina—mga aparato na siyang bumabantay sa bawat pintig ng puso ni Kariel, bawat paghinga niya, at bawat senyales ng kanyang buhay. Halos anino lamang ng ilaw mula sa hallway ang tumatagos sa silid. Nakatayo sa gilid ng kama ni Kariel si Darrius habang nakatingin sa maputlang mukha ng babae.Marahan siyang umupo sa tabi nito, at hinawakan nang mahigpit ang malambot at malamig na kamay ng nobya. Sa kabila ng kanyang lakas, tila nawalan siya ng kontrol sa sarili. Alam niyang ilang oras na siyang naghihintay, pero bawat segundo ay tila isang dekadang paghihintay na walang kasiguraduhan. Pinipilit niyang huwag bumigay, ngunit ang bigat ng emosyon ay halos nagpapabagsak sa kanya."Kariel... Mahal ko, nandito ako," bulong niya, saka pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang boses. Pinagmasdan niya ang bawat galaw ng katawan ni Kariel, nagbabakasakaling bumukas ang mga mata nito o gumalaw ang mga
Pagkalipas ng ilang araw matapos magising si Kariel, siya ay nailipat na sa isang private room para makapagpahinga nang mas maayos. Bagamat kailangan pa rin ng masusing pagmamatyag, malaki na rin ang ipinagbago ng kanyang kalagayan. Hindi na kailangan ng maraming aparatong nakadikit sa kanyang katawan at mas maluwag na ngayon ang kuwarto, tila simbolo ng pagbuti ng kanyang lagay. Anumang oras ay puwede na siyang magising at makausap.Tahimik na nakaupo si Darrius sa isang upuan malapit sa kama ni Kariel, hawak pa rin ang kamay ng nobya. Hindi mapigil ang kanyang damdamin—nagpapasalamat siya ng paulit-ulit sa Diyos, sa bawat hiningang kinukuha ni Kariel at sa bawat minuto na buhay siya. Pinagmasdan niya ang kanyang nobya, na tila mahimbing na natutulog, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na siya natatakot. Alam niyang ligtas na si Kariel."Salamat, Diyos ko, salamat talaga," bulong niya, halos walang tigil ang pagbuhos ng kanyang pasasalamat. Sa mga oras na iyon, pakiramdam ni Darrius a
“Para sa kapatid ko ‘yan!" sigaw ni Kenneth, pagkatapos lumanding sa ikalawang pagkakataon ang kamao nito sa kanyang mukha. Pagkalabas niya ng silid ni Kariel. Nakaabang pala ito roon habang nangangalit ang panga nito sa sobrang galit. Isa pang suntok ang bumagsak sa tapat ng kanyang dibdib, at naramdaman ni Darrius ang kirot na parang pumutok sa kanyang buong katawan. Hindi lumaban si Darrius. Hindi siya tumakas. Tinanggap niya ang bawat suntok ni Kenneth na parang ito na lamang ang paraan upang bayaran ang kanyang pagkukulang. Gusto niyang maramdaman ang sakit—dahil iyon lamang ang bagay na pakiramdam niya ay nararapat para sa kanya sa ngayon. “Hindi ka na dapat bumalik sa buhay ni Kariel!” sigaw pa ni Kenneth. Isa pang malakas na suntok ang tumama sa kanyang tadyang, at naramdaman ni Darrius na nahirapan siyang huminga. Alam niyang mahirap mapapatawad, alam niyang kailangan niyang bayaran ang lahat ng pagkakamali. Ngunit ang pinakamabigat na nararamdaman niya ay ang ideya na maa
Pilit na iminulat ni Kariel ang kanyang mga mata, nang tumahimik na ang paligid. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang sinusubukang iproseso ang bawat imahe sa kanyang paligid. Naroon pa rin ang kanyang ina, pati na ang ama at mga kapatid niya. Ang ina ay nakaupo sa silyang nasa tabi ng kanyang hinihigaan. Habang hawak ang kanyang mga kamay. Habang nasa likuran ng ina nakatayo ang ama kanyang ama. “Mom,” kunwari niyang tawag. Para kuno sabihin na kagigising lang niya. Agad namang nagsilapitan ang ama at kapatid.“Kumusta na ang pakiramdam mo, bunso?” tanong agad ni Keith.“Anak, kamusta ang pakiramdam mo?” mahina ngunit puno ng pag-aalala ang mangiyal-ngiyak na tanong ni Margarette, at hinagkan ang kanyang kamay na hawak nito.Napasulyap si Kariel sa kanyang ina, ngunit wala siyang salitang naisagot. Pakiramdam niya ay tila natuyo ang kanyang lalamunan. She heaved a sigh, bagay na ikinakunot ng noo ng ina."Kariel," muling tawag ng kanyang ina. "Anak, ano ba talaga ang nangyari
Panay ang pagpakawala ng malalim na buntonghininga si Darrius, habang pinapaikot-ikot niya ang basong hawak na may lamang alak. Halos hindi na niya mabilang kung ilang beses ma niyang sinalinan ng alak ang baso, ngunit kahit gaano karami ang iniinom niya, tila hindi sapat para mapawi ang bigat na nararamdaman. Ang bawat lagok ay parang pinalala pa ang mga tanong sa isip niya—ang mga pangarap na tila unti-unting naglalaho, at ang takot na baka hindi na maayos ang lahat. “I need to fixed this missed,” naisaad niya sa kanyang isipan, at muling nagpakawala ng malalim na hininga. Tahimik niyang tinungga muli ang alak hanggang sa tumunog ang kanyang selpon. Walang ganang dinukot ang selpon sa kanyang bulsa at agad na sinagot. “Hello…” "Sir… naayos na po namin ang kaso patungkol kay Jason Laurel, napa-cremate na rin namin ang bangkay niya. Sadyang mautak lang po talaga si mr. Laurel, kaya’t nakatakas siya sa bilangguan," boses ng imbistigador ang narinig niya. Doon pa ulit na buhayan ang
Kinaumagahan, ay desididong bumalik si Darrius sa ospital. Para kumustahin ang kalagayan ng babaeng minamahal. Taliwas pa kung galit sa kanya ang pamilyang kinilala niya. Nang makarating siya sa hallway ng ospital, bumilis ang tibok ng puso niya. Pagod man sa dami ng iniisip at ang bigat ng sitwasyong hinaharap, hinahanap niya ang lakas mula sa pagnanais na makitang muli si Kariel at ang magiging anak nila. Nang marating niya ang labas ng silid ni Kariel, ay agad siyang hinarang ng kapatid nilang si Kennetth, na palapit sa kanyang puwesto. “Hindi ka puwedeng pumasok, Darrius,” mariing sabi ni Kenneth. Bakas sa mukha nito ang galit, habang nakakuyom ang mga kamao. “This time, hindi nakita tatawaging kuya, total hindi ka naman nagpaka-kuya sa amin. I admire you, but you failed,” dagdag pa nito. “Kenneth, hindi ako nandito para makipag-away. Gusto ko lang makita si Kariel, gusto kong malaman kung—” ngunit hindi pa man siya natatapos ay bigla siyang tinulak ni Kenneth palayo sa p
Lumipas ang mga araw matapos ang insidente sa ospital. Hindi na muling bumalik si Darrius, hindi dahil sa ayaw niya, kundi dahil sa ipinagbawal na siyang pumasok ng mismong ospital. Kinuha ng pamilya ni Kariel ang lahat ng paraan upang mailayo si Darrius sa kanilang buhay, lalo na sa kalagayan ng kanilang anak. Isang araw, habang nagpapahinga si Kariel sa kanyang silid, natanong niya ang kanyang ina. "Ma, nasaan si Darrius? Bakit hindi ko siya nakikita?” Ngunit tila bumangga sa pader ang kanyang mga salita. Walang narinig na sagot mula sa kanyang ina, isang malalim na buntonghininga lamang ang binitawan ng ina habang patuloy na binabalataan ang mansanas na ni-request niya. “Anak… ayaw kong masaktan ka, pero kailangan naming gawin ang tama,” wika ng ina, nang hindi na nito matiis ang anak na makitang nasasaktan at hinahanap si Darrius. “Ano po ang ibig niyong sabihin, Mom,” garalgal ang boses na naiusal ni Kariel. “Ano ka— “Margarette!” saway ng kanyang ama, nang magsimula
Lumipas ang mga linggo mula nang muling nakaligtas si Kariel at kanyang ang anak sa bingit ng kamatayan. Sa kabila ng mga pangyayaring iyon, nanatiling malalim ang sugat sa kanyang puso. Hindi siya mapakali; bawat araw ay tila nagiging paulit-ulit na panaginip, hindi na siya muling nakakita o nakarinig ng balita mula kay Darrius. Walang palya sa mga araw na iniisip niya kung nasaan na ito. Nagpasya ang kanyang pamilya na ilayo siya sa lahat ng bagay na maaaring magpaalala kay Darrius. Hanggang sa isang araw, matapos ang ilang linggong pagpapagaling, pinayagan na siyang makauwi sa mansyon. Pagdating sa kanilang bahay, tila hindi na siya ang dating Kariel. Laging nagkukulong sa kanyang kuwarto, hindi kumikibo, at bihirang magpakita sa kanilang pamilya. Kung dati’y masayahin at palaging puno ng sigla, ngayon ay tahimik na siyang nakahiga sa kama, nakatitig sa kawalan, pilit na binubura sa kanyang isipan ang alaala ni Darrius ngunit hindi magawa. "Kariel, anak," tawag ni Margarette, h
Matapos makalapag ang eroplano, tahimik na bumiyahe mula sa airport patungo sa mansyon sina Kariel at Darrius. Pareho silang may sariling iniisip, ngunit dama ang tensyon at excitement sa hangin. Bagamat kinakabahan, hindi maiwasan ni Kariel ang mapangiti sa ideya na makikita muli ang kanyang pamilya. Lalo na ang anak na ilang linggong hindi na kasama. Tahimik din si Darrius ngunit bakas sa mukha ang hindi matatawarang excitement dahil sa wakas, makikita na ang anak na matagal nang nawalay sa kaniya. “Magiging okay din ang lahat,” saad ni Kariel saka ipinilig ang ulo sa balikat ng lalaki. Ngumiti naman ito at saka mahigpit na niyakap ang palad ng mga palad din nito. “Yeah, magiging okay din ang lahat.” Muli na lang napangiti si Kariel nang maramdaman ang marahang pag-amoy at paghalik ng lalaki sa ulo niya.PAGDATING nila sa malaking gate ng mansyon, bumaba si Kariel mula sa sasakyan. Agad namang sumunod si Darrius na puno ng galak sa kaniyang puso. Ilang taon na rin magmula nang u
SA KABILANG DAKU Sa isang maliit ngunit marangyang villa sa tagong bahagi ng lungsod, nakaupo sa isang leather armchair ang isang babaeng may matapang na aura. Nakasuot siya ng itim na blazer na bumagay sa kanyang makinis at mahabang buhok, habang hawak ang isang baso ng alak. Siya si Cassandra, ngunit mas kilala sa ilalim n'yang pangalang Diablo.Sa kabila ng kanyang eleganteng anyo, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at determinasyon. Alam niyang oras na para muling simulan ang plano laban kay Darrius. Alam n'yang sa mga oras na ito ay alam na nito ang pagtakas niya at pag-uwi sa Pilipinas. Medyo mainit at patuloy kasi sa pagtutugis sa kaniya ang kapulisan at assets na nakuha ni Darrius bagay na kailangan niyang kumalma at magpalamig na muna. Ngunit hindi siya titigil para sa paghihiganteng alam niyang sagot para mawala ang sakit sa nakaraan.Sa harap niya ay nakaayos ang mga dokumento, larawan, at mapa. Kabilang dito ang larawan ni Kariel na kuha sa isang public event, na ngay
Nang sumunod na araw, maagang naggayak sina Darrius at Kariel upang maghanda sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas. At ang kanilang mga bagahe ay maayos nang nakalatag sa tabi ng pinto, at ramdam sa buong silid ang katahimikan. Sa kabila ng kanilang excitement na makabalik, hindi maiwasan ni Kariel na mag-alala sa mga darating na araw, lalo’t alam niyang hindi magiging madali ang kanilang haharapin.Habang iniinspeksyon ni Darrius ang kanilang mga dokumento, lumapit si Kiarah na nakangiti. “Mukhang ready na talaga kayo ah, good luck na lang sa inyo. Parang kailan lang, at ngayon sabay na kayong babalik sa bansa.”“Oo nga, medyo kinakabahan din ako. Hindi para sa pagbabalik namin sa bahay kundi sa hamon na kailangan naming harapin para sa ikakatahimik ng lahat,” nakangiti ngunit bakas sa mukha ni Kariel ang labis na alinlangan sa darating na mga araw. Bahagya namang napangiti si Kiarah dahil ramdam niya ang alinlangan sa puso ni Kariel bagay na nilapitan na lamang niya ito at niyakap.“
Matapos ibaba ang tawag, agad namang napatingin si Darrius sa kawalan dahil sa nabalitaan ngunit bumajas rin sa kaniyang mukha ang galit ang pagkamuhi. Napansin naman iyon ni Kariel na ngayon ay nakasandal sa kama at tahimik lang din na nakatingin sa lalaki. Pagod man sa kanilang pag-iisa subalit ramdam naman ni Kariel ang labis na pagkabahala sa nakita.“Dar,” tawag niya, “ano bang nangyari?”Napalingon naman si ni Darrius, ngunit imbis na sumagot, tumayo ito at naglakad papunta sa bintana. At napatitig sa mga naglalakihang gusali sa lugar.“Darr, kausapin mo naman ako,” dagdag ni Kariel nang hindi siya nito sinagot. “Ano bang problima?”Huminga nang malalim si Darrius bago pa bumalik sa tabi ni Kariel. Naupo siya sa gilid ng kama at mahigpit na hinawakan ang kamay ng babae. “Kariel,” panimula niya, “may isang bagay na kailangang asikasuhin. At hindi ko puwedeng ipagsawalang-bahala ito.”“Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba?” tanong ni Kariel, na ramdam ang hindi magandang bali
Sa bawat pagbaon ng pagkalalaki ni Darrius, ay s’ya namang pagliyad at pa-ungol ni Kariel. Hindi niya alam pero parang muli s’yang dinala sa langit kung saan ilang taon na n’yang hindi napupuntahan. At sa bawat ulos ni Darrius pakiramdam n’ya muli na naman silang pinag-isa. Hindi niya alam kong ano ang magiging reaksyon niya sa bawat pagpasok nito sa kaniyang kuweba. Basta ang tanging nagawa niya lang ay sambiti ang pangalan ng kaulayaw sa mahina ngunit tila angel na umaawit sa pandinig ni Darrius. "Yamz-" Saglit pa itong tumigil at pinagmamasdan siya bagay na magtama ang kanilang mga mata. “I've waited this for so many years, at ngayon nakasama na kita ulit.” “Me too,” tugon naman ni Kariel. Ngumiti naman si Darrius sa sinabi ni Kariel saka nag-smirk. “Just moaned my name, at ako na ang bahalang magdala sa’yo sa langit.” “Loko,” nakangising aniya. “Kung ako lang ang nasusunod, hindi ko na hahayaang matapos pa ang gabing ‘to para naman makasama pa kita nang matagal.” Ngumiti p
Matapos ang tawag sa anak, nanatiling tahimik si Kariel habang nakatitig sa screen ng kaniyang cellphone. Unti-unti niya rin itong inilapag sa lamesa at nagpakawala ng malalim na buntonghininga. Sa likod ng katahimikan, ramdam niya ang tila kumakabog na tibok ng kaniyang puso. “Kariel...”Agad namann'yang linigon si Darrius, nakatitig na sa kaniya, puno ng damdaming tila hindi maipaliwanag ng mga simpleng salita lamang. Naroon ang kasabikan, pangungulila, at... pagmamahal. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang maghiwalay sila, ngunit sa bawat sulyap nito, dama pa rin niya ang koneksyon nilang dalawa.“Salamat,” basag ni Darrius sa katahimikan.“Sa alin?” mahinang sagot ni Kariel, pilit na pinipigilan ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata.“Sa pagkakataong muli akong maging parte ng buhay niyo ni Darielle,” tugon nito, at bahagya pang yumuko, na tila dinadala ng bigat ang sariling emosyon. “Hindi mo alam kung gaano ko ‘to pinangarap, Kariel.”Hindi naman nagawang sumagot ni Ka
Agad namang inayos ni Kariel ang sarili nang makita ang pangalan ng kanilang anak sa screen nang muling tumunog ang kaniyang cellphone. “Si Darielle,” mahinang bulong niya kay Darrius habang pinapakita ang mukha ng anak mula sa screen. Napakunot ng kaniyang noo si Darrius ngunit agad ding nagliwanag ang mukha nang marinig ang pangalan ng kanilang anak.“Huwag mo na patagalin. Sagutin mo na,” ani Darrius na bakas sa boses ang pagkasabik.Agad namang pinindot ni Kariel ang green button at sumambulat sa screen ang masayang mukha ng kaniyang anak.“Mommy! Bakit ang tagal mong sumagot? Miss na kita!” bungad ng anak habang hawak ang isang stuffed toy.Napangiti naman I Kariel nang makita ang ang pagbusangot bigla ng anak.“Sorry, anak. Busy lang si Mommy kanina. Kaya hindi ko agad narinig ang tawag mo.”“Ganon ba mommy? Wag po kayo masyadong magpakagod riyan,” wika pa ng anak.“Wait, sino ba kasama mo riyan?” tanong ni Kariel nang mapansin na tahimik ang paligid ng silid ni Darielle.“Ako
PAGKARATING nila sa Hotel ay agad namang nagtungo sin Mark At Kiarah sa kani-kanilang silid. Samantalang sina Kariel at Darrius naman ay tahimik na nagpapahangin sa Rooftop ng hotel. Tahimikt at wala silang imikan na. Hindi tulad ng nasa event a sila at habang nasa sasakyan sila. Ang nagagawa lang ni Darrius ay ang panay na sulyap at pinipilit naman niyang ibuka ang bibig ngunit tila nasamid yata ang dila niya. Tumikhim at umayos na lang ng kaniyang sarili si Kariel, bago pa nagsalita. “Hi.” Panimula ni Kariel, para basahin ang katahimikan bumabalot sa kanilang paligid. Agad namang Napalingon si Darrius at saka ngumiti sa babae. “Hmm… Kariel, I don't know when to start. Hindi ko alam pero pakiramdam ko–” Ngunit hindi na nagawang ipagpatuloy pa ni Darrius ang sasabihin ng bigla na s’yang halikan sa labi ni Kariel. “Hanggang ngayon pa rin ba kailangang ako pa ang maunang gumawa nang paraan para sa ating dalawa? I’ve waited you so long. I’ve waited this day, tapos patorpe-torpe ka
MATAGUMPAY namang natapos ang event, at kasalukuyan na sila ngayong bumabiyahe pabalik ng hotel. Masaya at puno ng tawanan ang loob ng sasakyan, dahil sa muling pagkakabuo nilang apat. Naroon din kasi si Mark, at hindi maiwasan ni Kiarah na makaramdam ng kilig sa tuwing napapansin niyang sumusulyap ang nobyo sa kanya. Ngunit higit sa lahat, mas lalong sumabog ang kilig niya sa eksenang nasaksihan kanina sa dance floor.“Grabe, akala ko eksena lang sa pelikula ang gano'n! Grabe, kinilig talaga ako sa inyo. Akala ko nga magwa-wantotre pa kayo eh!” masayang bulong ni Kiarah kay Mark, ngunit sapat na sapat para marinig ng lahat sa loob ng sasakyan.Napangiti naman ng pilya si Kariel sa sinabi ng kaibigan. Bagay na hindi niya matiis na magkomento. “Naku, Kiarah, kung masyado kang kinikilig, edi sana hinila mo rin kanina sa gitna si Mark, ” pabirong sambit niya, na ikinatawa nilang lahat.“Naku! Ayaw kong sirain ang spotlight niyo, noh! Kaya next time na lang ako,” sagot ni Kiarah, kasabay