Lumipas ang mga araw matapos ang insidente sa ospital. Hindi na muling bumalik si Darrius, hindi dahil sa ayaw niya, kundi dahil sa ipinagbawal na siyang pumasok ng mismong ospital. Kinuha ng pamilya ni Kariel ang lahat ng paraan upang mailayo si Darrius sa kanilang buhay, lalo na sa kalagayan ng kanilang anak. Isang araw, habang nagpapahinga si Kariel sa kanyang silid, natanong niya ang kanyang ina. "Ma, nasaan si Darrius? Bakit hindi ko siya nakikita?” Ngunit tila bumangga sa pader ang kanyang mga salita. Walang narinig na sagot mula sa kanyang ina, isang malalim na buntonghininga lamang ang binitawan ng ina habang patuloy na binabalataan ang mansanas na ni-request niya. “Anak… ayaw kong masaktan ka, pero kailangan naming gawin ang tama,” wika ng ina, nang hindi na nito matiis ang anak na makitang nasasaktan at hinahanap si Darrius. “Ano po ang ibig niyong sabihin, Mom,” garalgal ang boses na naiusal ni Kariel. “Ano ka— “Margarette!” saway ng kanyang ama, nang magsimula
Lumipas ang mga linggo mula nang muling nakaligtas si Kariel at kanyang ang anak sa bingit ng kamatayan. Sa kabila ng mga pangyayaring iyon, nanatiling malalim ang sugat sa kanyang puso. Hindi siya mapakali; bawat araw ay tila nagiging paulit-ulit na panaginip, hindi na siya muling nakakita o nakarinig ng balita mula kay Darrius. Walang palya sa mga araw na iniisip niya kung nasaan na ito. Nagpasya ang kanyang pamilya na ilayo siya sa lahat ng bagay na maaaring magpaalala kay Darrius. Hanggang sa isang araw, matapos ang ilang linggong pagpapagaling, pinayagan na siyang makauwi sa mansyon. Pagdating sa kanilang bahay, tila hindi na siya ang dating Kariel. Laging nagkukulong sa kanyang kuwarto, hindi kumikibo, at bihirang magpakita sa kanilang pamilya. Kung dati’y masayahin at palaging puno ng sigla, ngayon ay tahimik na siyang nakahiga sa kama, nakatitig sa kawalan, pilit na binubura sa kanyang isipan ang alaala ni Darrius ngunit hindi magawa. "Kariel, anak," tawag ni Margarette, h
Lumipas ang ilang linggo mula nang halos lahat ay nawala kay Darrius—ang kanyang posisyon sa kompanya, mga ari-arian, at pati na ang kanyang mga kaibigan at kakilala. Wala na siyang natirang iba kundi ang assistant niyang si Mark, na siyang naging tanging kasama niya sa mga panahong ito. Si Mark, na palaging nasa tabi ni Darrius sa mga tagumpay, ay siya ring nanatili sa kabila ng pagkabagsak nito.Nangungupahan si Mark sa isang maliit na apartment sa gilid ng siyudad, malayo sa magagarang bahay at opisina kung saan dati’y karaniwang naroon si Darrius. Ang dating marangya at maaliwalas na buhay ni Darrius ay napalitan ng simpleng pamumuhay—isang maliit na kuwartong kasyang-kasya lang para sa kanila. Walang mamahaling kasangkapan, walang malalaking bintana na may tanawin ng siyudad, at walang mga inuman o party na nagaganap sa gabi. Tila naging ibang tao si Darrius, at ang kanyang dating marangyang mundo ay isang malayong alaala na lamang ngayon.Isang gabi, nagkakape si Darrius sa mali
Hindi mapakali si Kariel, habang nakahiga sa kanyang kama, dagdag pa ang pagkalam ng kanyang sikmura. Napagpasyahan niyang bumaba at kumuha ng pagkain, pariwar’y nakatulog na ang lahat dahil malalim na ang gabi. Bumalikwas siya ng bangon at bumaba ng kama, saka dahan-dahang lumabas ng silid. Nang makarating siya sa may sala, narinig niya ang mga pabulong na pag-uusap ng kanyang mga magulang. Tumigil siya sa tapat ng pintuan at pinakinggan ang bawat salita, at ang mga narinig niya ay parang mga palasong tumama nang diretso sa kanyang puso. "Nakagawa na ako ng mga plano," seryusong ani Manolo, sa kanyang ina. "Kailangan na niyang umalis bago pa man siya makipag-ugnayan ulit kay Darrius. Hindi na ako papayag na mangyari ulit ang dati. Ipapaayos ko ang lahat ng papeles, at kapag handa na, aalis siya papuntang Australia." Nanginginig ang buo niyang katawan sa narinig. Hindi siya makapaniwala na ang ama niya, na minsang naging mapagmahal at protektibo, ay gagawin ito sa kanya. Pilit
Habang nakaupo sa upuang kahoy si Darrius, ay hindi niya maiwasang isipin ang mga nangyari sa pagitan nila ni Kariel. Ilang taon rin niyang kinimiim ang lahat. Ayaw niyang masira ang pamilyang kinalakihan niya. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Alam niyang mahirap ang sitwasyon nila, ngunit hindi niya akalain na aabot ito sa puntong siya rin pala ang sisira niyon."Boss," tawag ni Mark, na pumukaw sa kanyang atensyon. "May kailangan kang malaman." "Ano iyon, Mark?" usisa niya ng matuon ang kanyang atensyon sa dating assistant."Narinig ko kanina mula sa mga kaibigan ni Kariel. Aalis na siya papuntang Australia kasama ang ina niya," diretsong sabi ni Mark.Parang tumigil ang oras kay Darrius. Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Ano? Kailan? Bakit hindi ko alam ito?" Tumindi ang kaba sa kanyang dibdib, ramdam niyang hindi siya pwedeng magpatumpik-tumpik."Ngayon na. Papunta na sila sa airport, boss. Nagmamadali na sila, at mukhang hindi nila ito pinlano, at mukhang biglaan para ila
Sa loob ng eroplano, tahimik na umiiyak si Kariel, naka-upo malapit sa bintana. Puno ng luha ang kanyang mga mata, kahit pa ilang ulit niya nang pinunasan ang mga ito. Ang malamig na salamin ng bintana ay tila nagiging salamin ng kanyang damdamin — malamig, madaling mabasag, at nag-iisa. "Kariel, hindi mo pwedeng ipilit ang hindi na pwedeng ituloy," mahinang sabi ng kanyang ina, na ngayon ay nakatingin sa kanya. Pilit nitong hinahaplos ang kanyang kamay, ngunit nararamdaman ni Kariel ang pagkabalisa sa mga galaw nito. "Mom, hindi niyo ako naiintindihan," sagot ni Kariel, pilit na iniiwas ang mga mata. Pilit niyang pinipigil ang hikbi, ngunit hindi niya mapigilan ang panginginig ng kanyang boses. "Si Darrius lang ang nagpapasaya sa'kin. Bakit kailangan niyong agawin siya sa akin?" "Anak," buntonghininga ng kanyang ina, "alam kong mahal mo siya. Pero hindi sapat ‘yan sa mundong ginagalawan natin. Hindi mo pa naiintindihan ang mga responsibilidad na kasama ng pagmamahal. Hindi lang b
Sa loob ng isang madilim at halos walang buhay na bar, nakaupo si Darrius sa dulo ng counter. Ang kanyang mga mata’y nagpupungay sa dami na ng kanyang nainom, ngunit hindi pa rin niya magawang maalis sa isip ang mukha ni Kariel. Ang ingay ng mga bote at baso na nagbabanggaan ay tila ba nagiging background noise lamang sa kanyang isipan, na puno ng alaalang sinusubukang takasan. Ngunit habang patuloy ang agos ng alak sa kanyang lalamunan, bumabalik nang bumabalik ang mga alaala.Kasama niya si Mark, ang dating assistant na kanina pa pilit umaawat sa kanya. Ngunit sa dami ng tangkang pagpigil, tila nawalan na rin ng lakas si Mark. Nakatitig lamang ito kay Darrius, kitang-kita ang pagkaubos ng pag-asa sa kanyang mga mata."Boss..." simula ni Mark, na naupo sa tabi ng dating amo. "Hindi ito ang tamang paraan para kalimutan si miss Kariel."Napahinga nang malalim si Darrius bago sumagot, sabay lagok ng panibagong baso ng whiskey. "Sino ba nagsabi na gusto kong kalimutan siya? Hindi ko siya
PAGKALUPAS ng ilang buwan mula nang lumipad patungong Australia, unti-unting natutunan ni Kariel na tanggapin ang katotohanang wala na si Darrius sa buhay niya. Masakit man, lalo na sa mga unang linggo, pero para sa anak nila, pilit siyang nagpakatatag. Ilang linggo na lang, at isisilang na niya ang kanilang anak. Pero sa bawat gabi, sa katahimikan ng silid na pinaghahandaan niya para sa sanggol, bumabalik ang mga alaala ni Darrius—mga sandaling puno ng pagmamahal at pangarap na magkasama nilang hinubog, ngunit ngayo’y naging alaalang nagpapabigat sa kanyang dibdib. “Mom, I’m fine,” saad ni Kariel sa ina, habang nakahiga sa kama at hinihimas ang kanyang tiyan. “Konting sakit lang, normal naman daw ‘to sa ganitong stage ng pagbubuntis, sabi ng doktor.” Nakaupo sa gilid ng kama ang kanyang ina, bakas sa mukha ang pagkabahala. “Alam kong sinasabi mo ‘yan, anak, pero nakikita ko rin ‘yung lungkot sa mga mata mo. Hindi lang ‘to tungkol sa pagbubuntis, hindi ba?” Napangiti si Kariel
Matapos makalapag ang eroplano, tahimik na bumiyahe mula sa airport patungo sa mansyon sina Kariel at Darrius. Pareho silang may sariling iniisip, ngunit dama ang tensyon at excitement sa hangin. Bagamat kinakabahan, hindi maiwasan ni Kariel ang mapangiti sa ideya na makikita muli ang kanyang pamilya. Lalo na ang anak na ilang linggong hindi na kasama. Tahimik din si Darrius ngunit bakas sa mukha ang hindi matatawarang excitement dahil sa wakas, makikita na ang anak na matagal nang nawalay sa kaniya. “Magiging okay din ang lahat,” saad ni Kariel saka ipinilig ang ulo sa balikat ng lalaki. Ngumiti naman ito at saka mahigpit na niyakap ang palad ng mga palad din nito. “Yeah, magiging okay din ang lahat.” Muli na lang napangiti si Kariel nang maramdaman ang marahang pag-amoy at paghalik ng lalaki sa ulo niya.PAGDATING nila sa malaking gate ng mansyon, bumaba si Kariel mula sa sasakyan. Agad namang sumunod si Darrius na puno ng galak sa kaniyang puso. Ilang taon na rin magmula nang u
SA KABILANG DAKU Sa isang maliit ngunit marangyang villa sa tagong bahagi ng lungsod, nakaupo sa isang leather armchair ang isang babaeng may matapang na aura. Nakasuot siya ng itim na blazer na bumagay sa kanyang makinis at mahabang buhok, habang hawak ang isang baso ng alak. Siya si Cassandra, ngunit mas kilala sa ilalim n'yang pangalang Diablo. Sa kabila ng kanyang eleganteng anyo, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at determinasyon. Alam niyang oras na para muling simulan ang plano laban kay Darrius. Alam n'yang sa mga oras na ito ay alam na nito ang pagtakas niya at pag-uwi sa Pilipinas. Medyo mainit at patuloy kasi sa pagtutugis sa kaniya ang kapulisan at assets na nakuha ni Darrius bagay na kailangan niyang kumalma at magpalamig na muna. Ngunit hindi siya titigil para sa paghihiganteng alam niyang sagot para mawala ang sakit sa nakaraan. Sa harap niya ay nakaayos ang mga dokumento, larawan, at mapa. Kabilang dito ang larawan ni Kariel na kuha sa isang public event, na
Nang sumunod na araw, maagang naggayak sina Darrius at Kariel upang maghanda sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas. At ang kanilang mga bagahe ay maayos nang nakalatag sa tabi ng pinto, at ramdam sa buong silid ang katahimikan. Sa kabila ng kanilang excitement na makabalik, hindi maiwasan ni Kariel na mag-alala sa mga darating na araw, lalo’t alam niyang hindi magiging madali ang kanilang haharapin.Habang iniinspeksyon ni Darrius ang kanilang mga dokumento, lumapit si Kiarah na nakangiti. “Mukhang ready na talaga kayo ah, good luck na lang sa inyo. Parang kailan lang, at ngayon sabay na kayong babalik sa bansa.”“Oo nga, medyo kinakabahan din ako. Hindi para sa pagbabalik namin sa bahay kundi sa hamon na kailangan naming harapin para sa ikakatahimik ng lahat,” nakangiti ngunit bakas sa mukha ni Kariel ang labis na alinlangan sa darating na mga araw. Bahagya namang napangiti si Kiarah dahil ramdam niya ang alinlangan sa puso ni Kariel bagay na nilapitan na lamang niya ito at niyakap.“
Matapos ibaba ang tawag, agad namang napatingin si Darrius sa kawalan dahil sa nabalitaan ngunit bumajas rin sa kaniyang mukha ang galit ang pagkamuhi. Napansin naman iyon ni Kariel na ngayon ay nakasandal sa kama at tahimik lang din na nakatingin sa lalaki. Pagod man sa kanilang pag-iisa subalit ramdam naman ni Kariel ang labis na pagkabahala sa nakita.“Dar,” tawag niya, “ano bang nangyari?”Napalingon naman si ni Darrius, ngunit imbis na sumagot, tumayo ito at naglakad papunta sa bintana. At napatitig sa mga naglalakihang gusali sa lugar.“Darr, kausapin mo naman ako,” dagdag ni Kariel nang hindi siya nito sinagot. “Ano bang problima?”Huminga nang malalim si Darrius bago pa bumalik sa tabi ni Kariel. Naupo siya sa gilid ng kama at mahigpit na hinawakan ang kamay ng babae. “Kariel,” panimula niya, “may isang bagay na kailangang asikasuhin. At hindi ko puwedeng ipagsawalang-bahala ito.”“Anong ibig mong sabihin? May nangyari ba?” tanong ni Kariel, na ramdam ang hindi magandang bali
Sa bawat pagbaon ng pagkalalaki ni Darrius, ay s’ya namang pagliyad at pa-ungol ni Kariel. Hindi niya alam pero parang muli s’yang dinala sa langit kung saan ilang taon na n’yang hindi napupuntahan. At sa bawat ulos ni Darrius pakiramdam n’ya muli na naman silang pinag-isa. Hindi niya alam kong ano ang magiging reaksyon niya sa bawat pagpasok nito sa kaniyang kuweba. Basta ang tanging nagawa niya lang ay sambiti ang pangalan ng kaulayaw sa mahina ngunit tila angel na umaawit sa pandinig ni Darrius. "Yamz-" Saglit pa itong tumigil at pinagmamasdan siya bagay na magtama ang kanilang mga mata. “I've waited this for so many years, at ngayon nakasama na kita ulit.” “Me too,” tugon naman ni Kariel. Ngumiti naman si Darrius sa sinabi ni Kariel saka nag-smirk. “Just moaned my name, at ako na ang bahalang magdala sa’yo sa langit.” “Loko,” nakangising aniya. “Kung ako lang ang nasusunod, hindi ko na hahayaang matapos pa ang gabing ‘to para naman makasama pa kita nang matagal.” Ngumiti p
Matapos ang tawag sa anak, nanatiling tahimik si Kariel habang nakatitig sa screen ng kaniyang cellphone. Unti-unti niya rin itong inilapag sa lamesa at nagpakawala ng malalim na buntonghininga. Sa likod ng katahimikan, ramdam niya ang tila kumakabog na tibok ng kaniyang puso. “Kariel...”Agad namann'yang linigon si Darrius, nakatitig na sa kaniya, puno ng damdaming tila hindi maipaliwanag ng mga simpleng salita lamang. Naroon ang kasabikan, pangungulila, at... pagmamahal. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang maghiwalay sila, ngunit sa bawat sulyap nito, dama pa rin niya ang koneksyon nilang dalawa.“Salamat,” basag ni Darrius sa katahimikan.“Sa alin?” mahinang sagot ni Kariel, pilit na pinipigilan ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata.“Sa pagkakataong muli akong maging parte ng buhay niyo ni Darielle,” tugon nito, at bahagya pang yumuko, na tila dinadala ng bigat ang sariling emosyon. “Hindi mo alam kung gaano ko ‘to pinangarap, Kariel.”Hindi naman nagawang sumagot ni Ka
Agad namang inayos ni Kariel ang sarili nang makita ang pangalan ng kanilang anak sa screen nang muling tumunog ang kaniyang cellphone. “Si Darielle,” mahinang bulong niya kay Darrius habang pinapakita ang mukha ng anak mula sa screen. Napakunot ng kaniyang noo si Darrius ngunit agad ding nagliwanag ang mukha nang marinig ang pangalan ng kanilang anak.“Huwag mo na patagalin. Sagutin mo na,” ani Darrius na bakas sa boses ang pagkasabik.Agad namang pinindot ni Kariel ang green button at sumambulat sa screen ang masayang mukha ng kaniyang anak.“Mommy! Bakit ang tagal mong sumagot? Miss na kita!” bungad ng anak habang hawak ang isang stuffed toy.Napangiti naman I Kariel nang makita ang ang pagbusangot bigla ng anak.“Sorry, anak. Busy lang si Mommy kanina. Kaya hindi ko agad narinig ang tawag mo.”“Ganon ba mommy? Wag po kayo masyadong magpakagod riyan,” wika pa ng anak.“Wait, sino ba kasama mo riyan?” tanong ni Kariel nang mapansin na tahimik ang paligid ng silid ni Darielle.“Ako
PAGKARATING nila sa Hotel ay agad namang nagtungo sin Mark At Kiarah sa kani-kanilang silid. Samantalang sina Kariel at Darrius naman ay tahimik na nagpapahangin sa Rooftop ng hotel. Tahimikt at wala silang imikan na. Hindi tulad ng nasa event a sila at habang nasa sasakyan sila. Ang nagagawa lang ni Darrius ay ang panay na sulyap at pinipilit naman niyang ibuka ang bibig ngunit tila nasamid yata ang dila niya. Tumikhim at umayos na lang ng kaniyang sarili si Kariel, bago pa nagsalita. “Hi.” Panimula ni Kariel, para basahin ang katahimikan bumabalot sa kanilang paligid. Agad namang Napalingon si Darrius at saka ngumiti sa babae. “Hmm… Kariel, I don't know when to start. Hindi ko alam pero pakiramdam ko–” Ngunit hindi na nagawang ipagpatuloy pa ni Darrius ang sasabihin ng bigla na s’yang halikan sa labi ni Kariel. “Hanggang ngayon pa rin ba kailangang ako pa ang maunang gumawa nang paraan para sa ating dalawa? I’ve waited you so long. I’ve waited this day, tapos patorpe-torpe ka
MATAGUMPAY namang natapos ang event, at kasalukuyan na sila ngayong bumabiyahe pabalik ng hotel. Masaya at puno ng tawanan ang loob ng sasakyan, dahil sa muling pagkakabuo nilang apat. Naroon din kasi si Mark, at hindi maiwasan ni Kiarah na makaramdam ng kilig sa tuwing napapansin niyang sumusulyap ang nobyo sa kanya. Ngunit higit sa lahat, mas lalong sumabog ang kilig niya sa eksenang nasaksihan kanina sa dance floor.“Grabe, akala ko eksena lang sa pelikula ang gano'n! Grabe, kinilig talaga ako sa inyo. Akala ko nga magwa-wantotre pa kayo eh!” masayang bulong ni Kiarah kay Mark, ngunit sapat na sapat para marinig ng lahat sa loob ng sasakyan.Napangiti naman ng pilya si Kariel sa sinabi ng kaibigan. Bagay na hindi niya matiis na magkomento. “Naku, Kiarah, kung masyado kang kinikilig, edi sana hinila mo rin kanina sa gitna si Mark, ” pabirong sambit niya, na ikinatawa nilang lahat.“Naku! Ayaw kong sirain ang spotlight niyo, noh! Kaya next time na lang ako,” sagot ni Kiarah, kasabay