C16 WMS#38 Hindi pa rin mawala sa isip ko ang kambal nang boyfriend ko na si Paul Vincent. Masyado talaga itong weird isa pa matapos ko itong makita na kausap ang yaya ni Donie ay hindi ko na ito muling nakita pa roon. Hindi ko naman magawang tanungin si Tita Adeline dahil baka ano pa ang isipin nito.Nag-angat ako nang mukha nang marinig ang katok ng pinto.Nakita ko naman si Cruz, na nakatayo sa pinto at agad pumasok. Sumaludo ito sa akin kaya itinaas ko rin ang aking kaliwang kamay.“Captain, ito na ang pinapagawa mo,” Inabot ko naman sa kanya ang folder at binuklat ito.“Nabalitaan mo ba ‘yong sumabog na bahay?” Aniya kaya muli akong nag-angat nang tingin.“Saan?” “Sa Laguna,”“Hindi, bakit?”“Alam mo ba na siya ang nakabili ng property na ‘yon?” “Ano?”“Oo, balita ko isang politician ang may-ari no’n na namatay pati ang kanyang mga tauhan, sa imbestigasyon sumabog daw ang tangke kaya ganu’n ang nangyayari pero ang weird dahil wala man lang nakaligtas.” Napa-isip naman ako sa s
C17 WMS#38 Hindi ko naman maiwasang mainis dahil sa traffic. Habang patuloy pa rin na nag-aasaran si John John at Jeffrey.Pina-abante ko naman ang kotse kaya tumahimik ang dalawa.“Dude, alam ko na ‘yang nasa utak mo,” wika ni Jeffrey sa akin. “Kumapit ka lang.” Wika ni John John at hinigpitan ang kanyang seat belt.Inabante ko naman ang kotse kaya nabangga ko ang nasa likuran. Muli ko namang binangga ang nasa unahan kaya galit na lumabas ang driver nito. lalo naman akong nainis nang maglakad ito papunta sa kotse namin, kaya inabante kong muli ang kotse at sinagasaan siya. Nailing naman si John John nang lingunin ko siya. muli ko namang binangga ang mga kotse sa unahan kaya ‘yong iba ay pilit na umaabante para maiwasan ang kotse ko.“’Di ba, effective?” Natatawa kong wika sa dalawa na nanahimik na.‘Oo, effective nga, dahil marami nang traffic enforcer na humahabol sa atin ngayon.” Wika ni Jeffrey sa akin habang lumilingon sa likod.“’Yan nga ang gusto ko ‘yong laging may humahab
C18 WMS#38 “Captain, kanina ka pa namin hinahanap, bakit ka pumunta rito?” Tanong sa akin ni Cruz nang makasakay ako sa kotse.“Basta mahabang usapan,” Ani ko habang lumingon sa bintana nitong kotse.Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi ko akalain na hihilahin niya ako at ilabas sa mall. Buong buhay ko ay noon ko lang naranasan na may lalaking gagawa sa akin no’n, kahit matagal na kami ni Donie ay never niya akong inuuna. Pero hindi ko maiwasang malungkot nang maalala kong may pamilya na siya. pero teka lang Ligaya. ano ba naman ‘yang nasa isip mo? Nagpapatawa ka ba? bakit ka ba nalulungkot? “Ayos ka lang?” napabalik ako sa aking ulirat nang marinig ko si Aiane.“Oo,” sagot ko rito.“Mabuti na lang at nahuli namin ang teroristang ‘yon, dahil kung hindi baka napasabog na niya ang mall na ‘yon.”“Pasensya na kayo, dahil wala ako ro’n,” Ani ko.“Ayos lang Captain,” ngiting sagot niya. si Mendoza at Mariano kasi ay sakay sa kabilang van kasama ang
C19 WMS#38 Nang makapasok kami sa isang bar dito sa Makati ay agad pumunta si Aiane at Alma sa dance. Napangiti na lang ako sa kanila habang umupo sa couch malapit sa dance floor. Luminga-linga ako sa paligid at kumunot ang aking noo nang makita ko ang kambal ni Donie.“Paul.” sambit ko. tatayo sana ako para lapitan siya pero namilog ang aking mga mata nang makitang lumapit sa kanya si Jeffrey.Mabilis akong tumayo at lihim na lumapit sa kanila para hindi nila ako mapansin.“Hey, Mr. Sohn,” Narinig kong wika ni Jeffrey habang inabot niya ang kanyang kamay kay Paul. Hindi ko naman mapigilang mailing dahil sa nakita ko. Hmmp, ano ba naman kasi ang nasa-isip mo Ligaya.“Ligaya!” Nilakihan ko naman ang aking mga mata nang makitang papalapit si Alma, pero huli na nang mapansin niya ako.“Hey!” Nilingon ko si Jeffrey ngunit wala na sa kanyang tabi si Paul.“Oh hi!” Bati sa kanya ni Alma, kaya ngumiti na lang ako sa kanya.“Hindi ko akalain na pupunta kayo sa bar ko,” Nagkatinginan kami n
C20 WMS#38 “Ibaba niyo ang mga baril niyo!”“Pero Boss,”“Ibaba niyo sabi!” Malakas na sigaw ni Jeffrey sa mga lalaking nakapalibot sa amin.Binaba naman nila ang kanilang mga baril. Habang hindi ko pa rin ibinaba ang hawak kong baril at nakatutok pa rin ito sa kanya.“Hindi mo ako kalaban kaya ibaba mo na ‘yan.” kunot-noo niyang wika. Medyo nakakapanibago rin ang kanyang ugali dahil biglang naglaho ang Jeffrey na nakilala namin na laging nakangiti.“Kung nagtataka ka, kung bakit kilala kita.” Umiling naman siya habang nakatingin pa rin sa akin.“Businessman ako, bawat taong lumalapit sa akin ay kini-kilala ko, higit sa lahat hindi ako bobo.” Sh!t baka totoo nga ang hinala ko na isang member ng Mafia ang lalaking ‘to.“Hindi ko sinabing bobo ka!” sagot ko naman sa kanya. lumingon naman siya sa akin at ngumisi.“Ito, ang ginagamit namin kaya kami yumaman nang husto, alam kung meron ka rin nito.” Aniya habang nakaturo sa kanyang noo malapit sa kanyang utak. Mukhang lasing na ito dahil
C21 WMS#38 “Kanina ko pa yata napapansin na hindi ka mapakali, ano ba ang problema?” Nag-angat ako nang tingin kay Alma dahil sa kanyang tanong.“Ilang araw ko na kasing hindi makontak si Donie,” sagot ko sa kanya.“Baka busy lang, kilala mo naman si Major,” “Hindi eh, iba talaga ang pakiramdam ko,”“’Wag mo na siyang isipin Captain, baka kasi busy lang talaga,” ngiting wika sa akin ni Aiane. “Siguro nga,” Ani ko habang nakatingin pa rin sa aking phone. Naisipan ko namang tawagan si Tita Adeline mamaya kapag nahuli na namin ang minamanmanan naming terrorist.“Mukhang maganda yata ang mood mo ngayon?” Napatingin naman ako kay Aiane dahil sa sinabi sa kanya ni Alma.“Oo nga Cruz, inlove ka ba?” ngiting tanong ko habang panay pa rin ang pagtingin ko sa babaeng nasa unahan namin. Ayon sa amig source ay asawa ito ng isang Kumander nang kilalang terrorist group.“Sa totoo lang, matagal ko na siyang gusto,” Nilingon ko si Aiane dahil sa kanyang sinabi.“Alam ba niya na gusto mo siya?” ta
C22 WMS#38 “Good morning Major,” Sumasaludo sila sa akin habang ganun din ang ginawa ko sa kanila. wala akong tulog kagabi dahil kinabisado ko ang mga pangalan nang mga taong madalas pumasok sa office ni Donie.“Bumalik ka na pala, hindi ka man lang nag-message.” Napalingon ako at nakita ko si Ligaya na kunot-noo akong tinitingnan. Simula noong pinasok ko ang mundo nang pagiging con-artist ay hindi ko pa naranasan na nakaramdam nang guilt sa mga ginagawa kong pagpapanggap, pero ngayon, bakit..bakit iba ang nararamdaman ko?“Hon,” Hindi ko pinapahata sa kanya ang kaba na nararamdaman ko habang nilapitan siya at hinalikan sa kanyang pisngi.Napatitig naman siya sa akin kaya muli akong humalik sa kanya pero sa labi na.“I’m sorry Hon, masyado kasi akong busy sa ginaw-.”“Busy?” Aniya habang hindi pa rin inaalis ang kanyang mga tingin sa akin.“Nakita ka ni Mommy kasama si Tita, dumating ka na pala, hindi ka man lang tumawag o nag-message man lang?”“As I said I’m busy.” Wika ko habang t
C23 WMS#38FLASHBACKNapatitig ako sa pitong founder na nasa aming harapan. Minsan naman ay nililingon ko ang dalawang lalaki na nasa tabi ko. seryoso lamang ang kanilang mga mukha at wala ring imik. Napatingin akong muli sa aking harapan at isa-isang tiningnan ang kanilang mga mukha. Na check ko na rin ang kanilang mga profile kaya kilala ko na sila.Trace Dimagiba, isa siyang architect at CEO. May-ari ng isang contraction company. Siya rin ang head ng Foedus. Ang katabi niya naman ay si Lev Petrov, isa rin itong CEO at founder nang Foedus. Sa tabi niya naman ay si Elliot James Hart, isa itong lawyer at CEO. Sa tabi niya ay si Jake Mondragon. Isa itong doctor at CEO. Si Jake rin ang ricruter ko para makapasok sa Foedus. Tiningnan ko rin ang nasa tabi niya na si Jerusalem Mcbride, sikat itong Artista kaya hindi ko akalain na isa ito sa mga founder nang Foedus. Sa amo at pogi nitong mukha hindi mo akalain na isa itong Mafia.Sa tabi niya naman ay si Daxon Mueller, isa rin itong CEO. H