Chapter 207Sabay na napanganga ang kambal. "Ay! Oo nga no!" sagot ni John, sabay tawa.Lumapit ako at tinapik ang ulo ng kambal. "Wag kayong mainip, malalaman din natin yan sa tamang panahon. Basta ang mahalaga, healthy si baby.""Oo nga naman," dagdag ni Claire, na hinahaplos din ang sarili niyang tiyan. "At siguradong magiging magkasundo ang babies namin ni Sarah!"Napangiti si Sarah at tumango. "Siyempre! Sigurado akong magiging close sila, gaya nating magkakapatid."Sa gitna ng usapan, biglang nagsalita si Jenny, tila seryoso. "Pero kapag lumabas na si baby, dapat favorite pa rin kami ni Tita Sarah at Tito Emer, ha?"Natawa si Emer at lumuhod para mas makita ang kambal. "Naku, walang pwedeng pumalit sa inyo sa puso namin, promise 'yan!"Tuwang-tuwa ang kambal at agad na yumakap sa kanilang tita at tito.Habang pinapanood ko sila, napangiti ako. Sa bawat bagong miyembro ng pamilya, mas lumalalim ang pagmamahalan namin. At sa bawat tawanan, mas lalong tumitibay ang samahan namin bi
Chapter 208 Lumipas ang mga buwan, at ngayon na ang araw na pinakahihintay namin—ang paglabas ng aming kambal. Habang nasa ospital kami, hindi ko maipaliwanag ang emosyon ko. Kaba, excitement, at takot ang sabay-sabay kong nararamdaman. Hawak-hawak ko ang kamay ni Claire habang hinihintay ang tawag ng doktor. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya, pero kahit kinakabahan siya, nakangiti pa rin siya sa akin. "Kaya natin 'to, mahal," bulong niya habang pinipisil ang kamay ko. "Oo naman, mahal. Pero hindi ko maitatanggi na nanginginig ako sa kaba," sagot ko, pilit na tumatawa kahit pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko. Kasabay namin dito sa ospital si Sarah, na naghahanda rin para sa kanyang panganganak. Nakita ko si Emer na hindi mapakali, panay ang lakad-lakad sa hallway habang hinihintay din ang tawag ng doktor. Pareho kaming kabado—pareho kaming magiging ama ng kambal sa parehong araw. Ilang sandali pa, lumabas ang isang nurse at tinawag ang pangalan ni Claire. "Si
Chapter 209Matapos kong ihatid si Emer sa delivery room, bumalik ako sa kwarto kung saan inilipat si Claire kasama ang aming kambal. Tahimik akong pumasok at nakita ko siyang nakahiga sa kama, halatang pagod pero may malambing na ngiti habang tinititigan sina Jace at Jasmine."Mahal, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko habang naupo sa tabi niya.Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "Pagod, pero sobrang saya. Hindi ko inakalang ganito pala ang pakiramdam ng maging isang ina."Napangiti rin ako. "At ako naman, hindi ko inakala kung gaano kasaya maging ama."Lumapit ako sa mga baby namin at marahang hinaplos ang maliliit nilang kamay. "Jace… Jasmine… Welcome sa mundo, mga anak."Habang pinagmamasdan ko sila, naramdaman kong napuno ng init at pagmamahal ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya at kaba nang makita ko ang munting pamilya namin sa ganitong sitwasyon.Maya-maya, bumukas ang pinto at pumasok ang nurse. "Sir, lilinisin lang po namin si misis at ang kambal para mas komp
Chapter 210 Heart POV Lumipas ang mahabang taon. Habang nakaupo ako sa duyan sa aming malawak na hardin, pinagmamasdan ko ang aking pamilya—ang mga anak ko na may kanya-kanyang pamilya na rin. Para bang kailan lang, silang tatlo ay mga musmos pa, at ngayon, may sarili na silang tahanan at mga anak na pinapalaki. Si Jammie at Kiera, masayang kasama ang kanilang makukulit na kambal, sina John at Jenny, na ngayo'y 12 years old na sila. Hindi ko mapigilan ang matuwa dahil malapit na rin silang magkaroon ng bagong miyembro ng pamilya. Si Jimmie at Claire naman, hindi maitatanggi kung gaano nila kamahal ang kanilang kambal, niyaong ay 5 years old na din. Kitang-kita ko kung paano nila pinapahalagahan ang bawat sandali kasama ang kanilang mga anak. Punong-puno ng pagmamahal ang kanilang tahanan, at bilang isang ina, wala na akong mahihiling pa kundi ang patuloy nilang kasiyahan. At ang bunso naming si Princess Sarah, na noon ay inaalagaan pa namin ni Brandon, ngayon ay isa nang
Chapter 211 "Mom, Dad!" sambit ni Sarah. "Bakit hindi kayo mag bakasyon? Sa Singapore, maraning mga magagandang tanawin doon," ngiting dagdag nito. Napangiti ako sa sinabi ni Sarah. Ang bunsong anak namin, na noon ay alaga-alaga pa namin, ngayon ay nag-aalok na ng bakasyon para sa amin ni Brandon. "Hmm, magandang idea 'yan, Mahal," ani Brandon habang nakangiti sa akin. "Matagal na rin tayong hindi nakakapagbakasyon nang tayong dalawa lang." Napaisip ako. Totoo naman. Simula nang magkaanak kami, ang oras namin ay laging nakatuon sa kanila. Ngayon, may kanya-kanya na silang pamilya, marahil ito na ang tamang panahon para bigyan namin ng oras ang isa’t isa. "Sa tingin mo, kaya namin na wala kayo?" pabirong sabi ko, sabay tingin sa mga anak ko. Napatawa si Jammie. "Mom, syempre naman! Kami na ang bahala rito. Mag-relax naman kayo ni Dad." "Oo nga, Mom," dagdag ni Jimmie. "Deserve niyo po ni Dad ang quality time together. Kami na ang bahala sa mga apo niyo." Napatingin ako kay Bran
Chapter 212 Kaya maaga kaming pumanhik sa itaas upang maghanda ng gamit namin. Dahil bukas ng umaga ang alis namin para pumunta sa Singapore. Pagkapasok namin sa kwarto, agad akong nagtungo sa aparador upang kumuha ng mga damit na dadalhin. Samantalang si Brandon naman ay naupo sa kama at nakangiting pinapanood ako. "Hindi ka pa ba mag-eempake?" tanong ko sa kanya habang abala sa pag-aayos ng maleta. "Mas gusto kong panoorin ka muna," sagot niya sabay kindat. Napailing ako at sinamaan siya ng tingin. "Brandon, kung gusto mong makaalis tayo bukas, tumulong ka na rito." Tumawa siya bago tumayo at lumapit sa akin. "O, sige na nga. Ano bang dadalhin natin?" "Kailangan nating magdala ng mga pang-summer na damit. Mainit ang Singapore, kaya dapat magaan lang ang isusuot natin," paliwanag ko habang inaayos ang mga damit sa maleta. Habang nag-aayos kami, panay naman ang birong ginagawa ni Brandon. Kinuha niya ang isang summer dress ko at itinapat sa katawan niya. "Bagay ba sa a
Chapter 213Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa alarm clock. Napatingin ako sa tabi ko at nakita kong mahimbing pa rin ang tulog ni Brandon. Napangiti ako at marahang hinaplos ang kanyang pisngi."Brandon, gumising ka na. Baka maiwan tayo ng flight," mahina kong bulong habang tinatapik siya."Hmm... five minutes pa, Mahal," ungol niya habang nakayakap pa rin sa akin.Napailing ako at tumayo na mula sa kama. "Sige ka, iiwan kita rito," pananakot ko.Agad siyang dumilat at napabangon. "Huwag naman, Mahal. Ikaw lang gusto kong makasama sa honeymoon senior edition natin," biro niya habang nag-iinat.Natawa ako at tumango. "Sige na, maligo ka na para makapaghanda na tayo."Habang abala si Brandon sa paliligo, bumaba ako sa kusina at nakita kong gising na rin ang mga anak namin."Good morning, Mom!" masiglang bati ni Jammie habang inaayos ang almusal sa mesa."Good morning, Mommy!" dagdag ni Jimmie."Good morning, mga anak," sagot ko. "Aba, mukhang handa na ang lahat ah?""Opo, Mom!"
Chapter 1 "Heart, gising na! Naku, ikaw talagang bata ka, pag nalate ka sa klase mo, kukurutin talaga kita sa singit!" wika ng aking butihing ina. Dahil sa lakas ng boses ni Mama, kaya siya ang ginawang naming alarm clock kasama na ang mga kaibigan kong sina Althea at Angie. Kung kapitbahay kami ni Janith, siguradong magigising talaga din ito. Sino ba naman hindi magigising sa kanyang boses para itong nakalunok ng megaphone dahil sa tinig nito. Habang tinatabunan ko ang aking mga tainga, sinilip ko ang orasan sa dingding. Ganoon na lang ang paglalaki ng mata ko nang makita kong 6:45 AM na pala. Agad akong napabalikwas saka mabilis bangon at nagmadaling tumungo sa likod ng bahay kung saan naroon ang aming paliguan. Agad kong binuksan ang gripo at sabay na umangal, dahil ngayon lang ako ginising ng aking ina. "Mama, bakit ngayon mo lang ako ginising? Malilate na ako!" pagsisisi ko dito habang nagbubuhos ng tubig sa aking ulo galing sa tabo. Nangingisay pa ako sa sobrang lami
Chapter 213Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa alarm clock. Napatingin ako sa tabi ko at nakita kong mahimbing pa rin ang tulog ni Brandon. Napangiti ako at marahang hinaplos ang kanyang pisngi."Brandon, gumising ka na. Baka maiwan tayo ng flight," mahina kong bulong habang tinatapik siya."Hmm... five minutes pa, Mahal," ungol niya habang nakayakap pa rin sa akin.Napailing ako at tumayo na mula sa kama. "Sige ka, iiwan kita rito," pananakot ko.Agad siyang dumilat at napabangon. "Huwag naman, Mahal. Ikaw lang gusto kong makasama sa honeymoon senior edition natin," biro niya habang nag-iinat.Natawa ako at tumango. "Sige na, maligo ka na para makapaghanda na tayo."Habang abala si Brandon sa paliligo, bumaba ako sa kusina at nakita kong gising na rin ang mga anak namin."Good morning, Mom!" masiglang bati ni Jammie habang inaayos ang almusal sa mesa."Good morning, Mommy!" dagdag ni Jimmie."Good morning, mga anak," sagot ko. "Aba, mukhang handa na ang lahat ah?""Opo, Mom!"
Chapter 212 Kaya maaga kaming pumanhik sa itaas upang maghanda ng gamit namin. Dahil bukas ng umaga ang alis namin para pumunta sa Singapore. Pagkapasok namin sa kwarto, agad akong nagtungo sa aparador upang kumuha ng mga damit na dadalhin. Samantalang si Brandon naman ay naupo sa kama at nakangiting pinapanood ako. "Hindi ka pa ba mag-eempake?" tanong ko sa kanya habang abala sa pag-aayos ng maleta. "Mas gusto kong panoorin ka muna," sagot niya sabay kindat. Napailing ako at sinamaan siya ng tingin. "Brandon, kung gusto mong makaalis tayo bukas, tumulong ka na rito." Tumawa siya bago tumayo at lumapit sa akin. "O, sige na nga. Ano bang dadalhin natin?" "Kailangan nating magdala ng mga pang-summer na damit. Mainit ang Singapore, kaya dapat magaan lang ang isusuot natin," paliwanag ko habang inaayos ang mga damit sa maleta. Habang nag-aayos kami, panay naman ang birong ginagawa ni Brandon. Kinuha niya ang isang summer dress ko at itinapat sa katawan niya. "Bagay ba sa a
Chapter 211 "Mom, Dad!" sambit ni Sarah. "Bakit hindi kayo mag bakasyon? Sa Singapore, maraning mga magagandang tanawin doon," ngiting dagdag nito. Napangiti ako sa sinabi ni Sarah. Ang bunsong anak namin, na noon ay alaga-alaga pa namin, ngayon ay nag-aalok na ng bakasyon para sa amin ni Brandon. "Hmm, magandang idea 'yan, Mahal," ani Brandon habang nakangiti sa akin. "Matagal na rin tayong hindi nakakapagbakasyon nang tayong dalawa lang." Napaisip ako. Totoo naman. Simula nang magkaanak kami, ang oras namin ay laging nakatuon sa kanila. Ngayon, may kanya-kanya na silang pamilya, marahil ito na ang tamang panahon para bigyan namin ng oras ang isa’t isa. "Sa tingin mo, kaya namin na wala kayo?" pabirong sabi ko, sabay tingin sa mga anak ko. Napatawa si Jammie. "Mom, syempre naman! Kami na ang bahala rito. Mag-relax naman kayo ni Dad." "Oo nga, Mom," dagdag ni Jimmie. "Deserve niyo po ni Dad ang quality time together. Kami na ang bahala sa mga apo niyo." Napatingin ako kay Bran
Chapter 210 Heart POV Lumipas ang mahabang taon. Habang nakaupo ako sa duyan sa aming malawak na hardin, pinagmamasdan ko ang aking pamilya—ang mga anak ko na may kanya-kanyang pamilya na rin. Para bang kailan lang, silang tatlo ay mga musmos pa, at ngayon, may sarili na silang tahanan at mga anak na pinapalaki. Si Jammie at Kiera, masayang kasama ang kanilang makukulit na kambal, sina John at Jenny, na ngayo'y 12 years old na sila. Hindi ko mapigilan ang matuwa dahil malapit na rin silang magkaroon ng bagong miyembro ng pamilya. Si Jimmie at Claire naman, hindi maitatanggi kung gaano nila kamahal ang kanilang kambal, niyaong ay 5 years old na din. Kitang-kita ko kung paano nila pinapahalagahan ang bawat sandali kasama ang kanilang mga anak. Punong-puno ng pagmamahal ang kanilang tahanan, at bilang isang ina, wala na akong mahihiling pa kundi ang patuloy nilang kasiyahan. At ang bunso naming si Princess Sarah, na noon ay inaalagaan pa namin ni Brandon, ngayon ay isa nang
Chapter 209Matapos kong ihatid si Emer sa delivery room, bumalik ako sa kwarto kung saan inilipat si Claire kasama ang aming kambal. Tahimik akong pumasok at nakita ko siyang nakahiga sa kama, halatang pagod pero may malambing na ngiti habang tinititigan sina Jace at Jasmine."Mahal, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko habang naupo sa tabi niya.Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "Pagod, pero sobrang saya. Hindi ko inakalang ganito pala ang pakiramdam ng maging isang ina."Napangiti rin ako. "At ako naman, hindi ko inakala kung gaano kasaya maging ama."Lumapit ako sa mga baby namin at marahang hinaplos ang maliliit nilang kamay. "Jace… Jasmine… Welcome sa mundo, mga anak."Habang pinagmamasdan ko sila, naramdaman kong napuno ng init at pagmamahal ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya at kaba nang makita ko ang munting pamilya namin sa ganitong sitwasyon.Maya-maya, bumukas ang pinto at pumasok ang nurse. "Sir, lilinisin lang po namin si misis at ang kambal para mas komp
Chapter 208 Lumipas ang mga buwan, at ngayon na ang araw na pinakahihintay namin—ang paglabas ng aming kambal. Habang nasa ospital kami, hindi ko maipaliwanag ang emosyon ko. Kaba, excitement, at takot ang sabay-sabay kong nararamdaman. Hawak-hawak ko ang kamay ni Claire habang hinihintay ang tawag ng doktor. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya, pero kahit kinakabahan siya, nakangiti pa rin siya sa akin. "Kaya natin 'to, mahal," bulong niya habang pinipisil ang kamay ko. "Oo naman, mahal. Pero hindi ko maitatanggi na nanginginig ako sa kaba," sagot ko, pilit na tumatawa kahit pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko. Kasabay namin dito sa ospital si Sarah, na naghahanda rin para sa kanyang panganganak. Nakita ko si Emer na hindi mapakali, panay ang lakad-lakad sa hallway habang hinihintay din ang tawag ng doktor. Pareho kaming kabado—pareho kaming magiging ama ng kambal sa parehong araw. Ilang sandali pa, lumabas ang isang nurse at tinawag ang pangalan ni Claire. "Si
Chapter 207Sabay na napanganga ang kambal. "Ay! Oo nga no!" sagot ni John, sabay tawa.Lumapit ako at tinapik ang ulo ng kambal. "Wag kayong mainip, malalaman din natin yan sa tamang panahon. Basta ang mahalaga, healthy si baby.""Oo nga naman," dagdag ni Claire, na hinahaplos din ang sarili niyang tiyan. "At siguradong magiging magkasundo ang babies namin ni Sarah!"Napangiti si Sarah at tumango. "Siyempre! Sigurado akong magiging close sila, gaya nating magkakapatid."Sa gitna ng usapan, biglang nagsalita si Jenny, tila seryoso. "Pero kapag lumabas na si baby, dapat favorite pa rin kami ni Tita Sarah at Tito Emer, ha?"Natawa si Emer at lumuhod para mas makita ang kambal. "Naku, walang pwedeng pumalit sa inyo sa puso namin, promise 'yan!"Tuwang-tuwa ang kambal at agad na yumakap sa kanilang tita at tito.Habang pinapanood ko sila, napangiti ako. Sa bawat bagong miyembro ng pamilya, mas lumalalim ang pagmamahalan namin. At sa bawat tawanan, mas lalong tumitibay ang samahan namin bi
Chapter 206Makalipas ang ilang araw, mas lalong naging abala ang buong pamilya sa paghahanda para sa paglipat namin ni Claire sa bagong mansyon. Nagsimula na ring dumating ang mga kasambahay na kinuha namin mula sa agency, kaya mas naging maayos at mabilis ang lahat.Habang tinutulungan kong ayusin ang mga gamit sa nursery room ng kambal namin, biglang pumasok si Claire, hawak ang isang maliit na baby onesie na may nakasulat na "Daddy’s Little Miracle.""Mahal, tingnan mo! Ang cute nito!" excited niyang sabi habang ipinapakita sa akin.Napangiti ako at lumapit sa kanya. "Ang liit! Hindi pa rin ako makapaniwala na magiging tatay na ako ng kambal.""Ako rin," sagot niya, hinahaplos ang tiyan niya. "Pero excited na akong makita sila. Lalo na kung sino ang mas kamukha mo at sino ang mas kamukha ko."Natawa ako. "Sana mas mana sila sa'yo. Para siguradong magaganda at mababait!""At sana naman, may mana rin sila sa'yo," sagot niya, ngumiti nang matamis. "Para siguradong matalino at respons
Chapter 205Nagkatinginan kami ni Claire, parehong kinakabahan at excited. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya habang naghihintay sa sasabihin ng doktor.Ngumiti ang doktor at tiningnan kami. "Congratulations! Magkakaroon kayo ng kambal!"Napamulagat si Claire. "Ano po? Kambal?"Napanganga rin ako sa gulat, pero agad na napalitan ng tuwa ang nararamdaman ko. "Dalawa sila, Dok?"Tumango ang doktor at itinuro sa screen. "Oo, dalawang malulusog na baby! Narito ang isa, at narito ang isa pa. Pareho silang maayos at nasa tamang paglaki."Hindi ko napigilan ang mapangiti nang husto at tingnan si Claire, na ngayon ay namumuo na ang luha sa mata dahil sa tuwa. "Mahal… kambal!"Tumawa siya nang mahina habang pinapahid ang luha sa pisngi. "Hindi ko inaasahan 'to, Jimmie!"Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan iyon. "Grabe, mahal. Ang saya-saya ko! Magiging daddy na ako ng dalawang baby!"Napatingin ako sa screen at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Dalawang maliit na buhay ang lum