Home / Romance / PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) / 🤧 Kawawa naman si Heart at ang pinagbubuntis nito🤧 Chapter 54

Share

🤧 Kawawa naman si Heart at ang pinagbubuntis nito🤧 Chapter 54

Author: SKYGOODNOVEL
last update Huling Na-update: 2024-12-17 09:57:52
Chapter 54

Brandon POV

Habang nag-aayos kami ni Heart, hindi ko mapigilan ang mapangiti sa kanya. Napakalambing niya ngayon, na parang lalo akong nahulog sa kanya.

"Brandon, tayo na," sabi niya.

"Sige," sagot ko agad dito.

Inalalayan ko siyang maglakad papunta sa pinto. Binuksan ko ito para sa kanya at sinigurado kong maayos siyang lumabas. Nang makarating kami sa elevator, pinindot ko ang ground floor. Habang nasa loob, panay ang lambing niya sa akin. Pakiramdam ko, napakaswerte kong kasama siya.

'Sana ay laging ganito!' bulong ko sa aking isipan habang may ngiting naka paskil sa sulok ng aking labi.

Pagdating namin sa lobby, sabi ko na sa parking area na lang kami dumeretso para kunin ko agad ang sasakyan. Pero tumanggi ito. Gusto niyang maghintay sa entrance. Ayaw ko sanang iwan ito, pero sinamaan niya ako ng tingin kaya pumayag na lang ako. Hinatid ko ito sa may entrance bago ako tumuloy sa parking area kung nasaan ang akung kotse.

"I love you, Brandon," bigla ni
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😡Ang sama talaga ng bruha na yun 😡 Chapter 54

    Chapter 54 Kausap ko ngayon si Dark, ang kapatid ni Janeth at isang kilalang Mafia boss. Pinag-uusapan namin ang nangyari kay Heart, kaya agad itong kumilos. Tinawag niya ang lahat ng kanyang tauhan at sinimulan ang imbestigasyon gamit ang CCTV footage sa lugar ng insidente. “Wala bang nagbabanta sa inyo kamakailan?” tanong ni Dark habang seryoso itong tumingin sa akin. “Meron. Ang ina ni Ruth, si Ruby Paris. Siya ang nagbanta kagabi,” sagot ko nang hindi nagdalawang-isip. “Kung ganoon, kami na ang bahala. Siguraduhin naming mananagot ang may sala,” matatag niyang sagot. “Salamat, Dark,” tugon ko bago kami bumalik sa emergency room. Sa labas ng operating room, nakita namin si Tita Faith, ang ina ni Heart, na umiiyak habang kausap ng doktor. “Maraming dugo ang nawala sa kanya. Kailangang maisalin agad,” sabi ng doktor. “Ano pong blood type ang kailangan?” tanong ni Tita Faith. “Type AB+,” sagot ng doktor. “Kung ganoon, saan kami hahanap ng dugo?!” halatang nag-aalal

    Huling Na-update : 2024-12-18
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🤨 Mukhang na set-up si Ramon 🤨 Chapter 55

    Chapter 55 Hope POV Kahit na kinabahan at natatakot ako sa masamang mangyari sa aking nag-iisang anak na si Heart ay kailangannkung tatagan ang aking sarili. Kanina habang busy ako sa isang pasyente ko kanina ay bigla akong kinabahan. Hanggang natapos ko ang aking trabaho. Habang pasa loob ako ng aking opisina ah biglang may tumawag sa akin. Walang iba kundi ang aking kakambal na si Faith. "Hello?! Bakit napatawa—!" hindi natapos ang aking sasabihin ng narinig ko ang kanyang iyak. "A-ate si Heart na bundol," sambit nito. Dahil sa nalaman ko ay pabagsak ako sa aking pagkaupo. "A-asan siya ngayon?" tanong ko dito. "Nasa, HC-Hospital dito sa Cebu at kasalukuyang akong papunta doon!" wika nito. "Pa-papunta na ako," tugon ko. Agad akong tumayo saka tinawagan ang isa sa pilot magpahatid ako sa hospital upang mabilis dumating ay helicopter qng aking gagamitin. "Copy, Madam!" tugon sa kanilang linya. Ilang mga oras at sigundo ay agad akong dumating, doon mismo sa roo

    Huling Na-update : 2024-12-19
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😞Naku, Ramon 😞 Continue Ramon POV 😞Chapter 56

    Chapter 56 'Ang galing mong magpanggap, Ruby. Kaya pala bigla ka na lang sumulpot sa condo ko at nagmamakaawang doon ka muna hangga mag-umaga dahil may masama ka palang plano sa amin ng iyong kaibigan. Ang tanga mo din Romon bakit ka naniwala agad sa mga sinabi niya tungkol kay Hope.' Bulong ko sa aking sarili habang kinuyom ko ang aking kamao habang iniisip ko ang lahat at pati ang mga narinig ko mula kay Hope. Ilang taon kong niloko ang sarili ko, pinaniwalaang maayos ang naging desisyon ko noon. Pero ngayon, malinaw na malinaw—ang babaeng minahal ko noon ang syang dahilan ng pagkawasak ng lahat. Lumabas ako ng ospital na puno ng galit. Kinuha ko ang aking telepono at tinawagan ang anak kong si Red. “Hello, Dad. What’s up?” sagot agad ng aking anak. “Where’s your mom, Red?” tanong ko nang madiin. “I don’t know, Dad. Why?” taka nitong tanong sa akin. “I can’t explain, but I need a favor from you," wika ko dito. “What is it, Dad?” tugon nito na may pagtataka ang bo

    Huling Na-update : 2024-12-20
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🤧 Kawawa naman ang anak mo Ruby, siya ang naapektuhan sa ginawa mo 🤧 Chapter 57

    Chapter 57 Red POV Hindi ko akalain na ang aking ina—si Ruby—ang siyang ugat ng lahat ng kasawian na nangyari sa aming pamilya. Si Ruby, ang babaeng minahal ko at tinuring na pinakamahalaga sa buhay ko, ay siya palang nagdala ng mga lihim na pwedeng sumira sa amin. Puno ng kasinungalingan, pagkakanulo, at mga desisyong hindi ko kayang intindihin. Kung sana, kung hindi ko lang nalaman ang lahat ng ito, baka magpatuloy kami sa pagiging masaya at buo. Ngunit ngayon, lahat ng pinangarap ko ay naglaho sa isang iglap. Ngunit hindi na ito maibabalik. Si Ruby ay may mga kasalanang kailangang pagbayaran. At ngayon, hindi ko alam kung anong magiging epekto ng mga desisyon na ito sa aming pamilya, sa aking mga kapatid, at higit sa lahat, kay Heart—ang anak ko. Ang sakit, hindi lang dahil sa ginugol kong taon na umaasa sa kanya, kundi dahil sa aking pagka-bigo. Bigo ako bilang anak, bilang isang tao na nagtiwala sa isang babae na nagdala ng lahat ng ito. Pati ang buhay ng aking mga kapatid, pa

    Huling Na-update : 2024-12-21
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    😞 Hala, lost memories. Kaya mo yan Brandon 😞 Chapter 58

    Chapter 58 Brandon POV Apat na buwan na ang lumipas mula sa isang masamang pangyayari. Nakamit na namin ang hustisya, ngunit hanggang ngayon, comatose pa rin si Heart. Napagdesisyunan namin na gawing cesarean section ang paglabas ng kambal, ngunit hangad ko pa rin na magising siya bago ito mangyari. "Mahal, apat na buwan ka nang tulog. Hindi mo nasubaybayan ang paglaki nila sa loob ng tiyan mo. Kaya gising ka na, ha? Para makita mo sila sa unang pagkakataon," sabi ko habang hinihimas ang kamay niya at hinalikan siya sa noo. Wala nang mga aparatong nakakabit sa kanya. Normal na ang lahat ng vital signs niya, at ang kulang na lang ay ang magising siya mula sa tila mahimbing na tulog. “Mahal, may dala si Mom at Dad ng paborito mong pagkain. Alam mo bang matagal na palang magkaibigan ang mga magulang natin? Ang liit talaga ng mundo, ‘di ba? Kaya gising ka na, mahal, dahil marami kang namimiss sa paligid," sambit ko dito. Biglang bumukas ang pinto. Si Mommy Hope, ang totoong in

    Huling Na-update : 2024-12-22
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🥴 Para kang iwan Brandon 🥴 Chapter 59

    Chapter 59Heart’s POVKasalukuyan kaming nag-uusap sa loob ng kwarto, nagpapasalamat ako sa kanila sa walang sawang pagmamahal at pag-aalaga sa akin at sa kambal. Lalo na sa Panginoon, na hindi kami pinabayaan. Masaya kaming nagkukwentuhan nang sinabi nila kung paano nagpakasipag si Brandon sa pag-aalaga sa amin. Halos ginawa na raw niyang bahay ang ospital. Ngayon lang daw siya wala dahil pinilit nilang pauwiin para makapagpahinga.Tawanan at iyakan ang bumalot sa loob ng kwarto. Hinimas ko ang tiyan ko, nararamdaman ko na ang excitement dahil sa sinabi nila na apat na buwan akong walang malay, at kabuwanan ko na ngayon. Ilang araw na lang at makikita ko na ang mga anak ko.Nasa kalagitnaan kami ng kasiyahan nang biglang bumukas ang pinto. Napatingin kaming lahat sa direksyon nito. Si Brandon! Punong-puno siya ng pawis at humihingal habang nakatayo sa pinto. Ngunit nagulat kami, hindi lang dahil dumating siya, kundi dahil sa kanyang itsura—parang ginahasa ng sampung bakla!Gulo ang

    Huling Na-update : 2024-12-23
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🥰 Plano 🥰 Chapter 60

    Chapter 60 Kahit nasa ospital kami ay hindi na namin napigilang pag-usapan ang nalalapit naming kasal. Sa kabila ng hirap at pagsubok na pinagdaanan namin, parang ang bawat plano ay nagbibigay ng bagong sigla sa aming lahat. “Anong gusto mong theme, mahal?” tanong ni Brandon habang nakaupo siya sa tabi ng kama ko, hawak ang kamay ko. Bagong paligo siya at ang bango niya, pero hindi ko pa rin maiwasang maalala ang nakakatawa niyang hitsura kanina. “Gusto ko simple lang… pero elegant. Para sa akin, mahalaga lang na andiyan ang pamilya at mga kaibigan natin,” sagot ko habang hinihimas ang tiyan ko. “Gusto ko sa beach!” biglang sabat ni Janeth, na tumatawa habang nag-aayos ng prutas sa basket. “Masarap ang simoy ng hangin, tapos ang sunset ang background habang nag-eexchange kayo ng vows.” “Maganda nga ‘yun,” sabi ni Althea, sabay lagay ng kamay sa baba na parang nag-iisip. “Pero baka masyadong hassle para kay Heart. Tsaka buntis pa siya, baka hindi siya komportable sa biyahe.”

    Huling Na-update : 2024-12-24
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    🤭 Sweet ka pala, Brandon 🤭 Chapter 61

    Chapter 61 Kinabukasan Tahimik ang kwarto nang magising ako. Ang liwanag ng araw ay dahan-dahang pumapasok mula sa bintana, at ramdam ko ang presensya ni Brandon sa tabi ko. Pagtingin ko, abala siya sa pagbabalat ng mansanas gamit ang maliit na kutsilyo. “Good morning, mahal,” bati niya nang mapansin niyang gising na ako. Ngumiti siya, at nakita ko kung paano napuno ng lambing ang mukha niya. “Good morning,” sagot ko, medyo garalgal pa ang boses ko mula sa pagtulog. “Ang aga mo yata? Hindi ka ba napagod kahapon?” “Hindi ako napapagod para sa’yo,” sagot niya habang tinatanggal ang mga buto ng mansanas. “At saka, gusto ko lang siguraduhin na maayos ang umaga mo,"dagdag nitong sabi. Hindi ko maiwasang ngumiti sa sinabi niya. “Ang sweet mo naman," tanging tugon ko at bahagyang bumangon sa aking pagkahiga. "Natural lang. Gusto ko kasing siguraduhin na palagi kang nakakaramdam ng pagmamahal," sagot niya habang tinutusok ang hiniwa niyang mansanas gamit ang tinidor. "O, kain ka

    Huling Na-update : 2024-12-25

Pinakabagong kabanata

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 271

    Chapter 271Napatingin kami lahat kay Mom nang bigla tumunog ang kanyang phone kaya agad niyang sagutin ang tawag. Si Emerald pala ang tumatawag. Tahimik kaming nakinig habang kausap niya si Mom."Anak, totoo ba ‘yan? Susunod na linggo ka pa makakauwi?" tanong ni Mom, halatang may bahagyang pag-aalala sa boses niya.Narinig kong bumuntong-hininga si Emerald sa kabilang linya. "Oo, Mom. Pasensya na, may biglaang bagyo dito. Na-cancel ang flight ko at hindi pa sigurado kung kailan ako makakakuha ng bagong schedule."Napansin kong medyo nag-aalala rin si Dad, kaya sumingit siya sa usapan. "Sigurado ka bang ligtas ka diyan, Emerald? Baka naman delikado ‘yang sitwasyon mo.""Okay lang ako, Dad. Nasa hotel lang ako at safe naman dito. Wala namang dapat ipag-alala," sagot ni Emerald. "Pero pasensya na talaga, hindi ko kayo makakasama agad."Sumingit si Sarah sa usapan, malakas ang boses. "Emerald! Sigurado ka bang wala kang kasamang special someone diyan, ha? Baka naman kaya ka naantala sa p

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 270

    Chapter 270Napabuntong-hininga ako, sabay lingon kay Sarah. "Mukhang magiging masaya at magulo ang mga susunod na araw ‘pag nagkita-kita kaming lahat."Natawa siya at tumango. "At sigurado akong hindi lang simpleng reunion ang mangyayari. Feeling ko, may malaking pasabog na naman ang pamilya mo.""At kapag nangyari ‘yun, love, ipapaubaya ko na sa ‘yo ang damage control," biro ko, sabay tawa.Sabay-sabay kaming natawa, habang ang excitement sa puso ko ay lalong lumakas. Matagal ko nang hindi nakakasama ang mga kapatid ko, pero sa pagkakataong ito, alam kong magiging espesyal ang muling pagsasama namin."Pero dad mom, nag-alala ako sa kakambal ko na si Emerald. Sa edad niyang 31 ay wala pa siyang pinakilala sa atin na nobyo niya."Napatingin ako kay Mommy at Daddy habang hinihintay ang sagot nila. Alam kong hindi lang ako ang nag-iisip nito—pati sila, sigurado akong nag-aalala rin."Oo nga, Mommy, Daddy," dugtong ni Sarah. "Lahat ng kapatid ni Emer, kahit paano, may mga naging karelasy

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 269

    Chapter 269 Maaga pa lang ay abala na kaming lahat sa paghahanda para sa pagdating nina Mommy Janith at Daddy Jayson. Si Manang Inday ay nasa kusina, abalang nagluluto ng paborito nilang mga putahe, habang si Sarah naman ay nag-aayos ng mesa kasama ang triplets. "Mommy, ako na po ang maglalagay ng bulaklak sa lamesa!" sigaw ni Erwin habang maingat na hawak ang isang maliit na plorera. "Ako naman po sa mga kutsara at tinidor!" sabat ni Ethan, sabay kuha ng mga utensils mula sa tray. "Ako po sa baso!" dagdag ni Eralyn, halos hindi maabot ang lamesa kaya tinulungan siya ni Sarah. Napangiti ako habang pinagmamasdan silang masigasig sa kanilang mga gawain. Ang saya nilang tumutulong, at ramdam ko ang excitement nila na makita ulit sina Lola at Lolo nila. Lumapit ako kay Sarah at marahang hinalikan ang kanyang noo. "Love, ayos na ba ang lahat?" tanong ko. "Oo naman," sagot niya habang inayos ang isang lobo na nakasabit sa dingding. "Wala nang kulang, at mukhang sobrang excited

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 268

    Chapter 268Emer POV"Halika na, Mrs. Hanson. Matutulog na din tayo," sabi ko sa akin asawa. "Hmm, tulong lang, Emer. Walang loving-loving muna 'ha?" tugon niya sa akin. Agad ako napakamot sa aking batok sabay tawa ng mahina. "Ang harsh mo naman, love," biro ko habang tinutulungan siyang mahiga sa kama. "Eh paano kung gusto ko lang yakapin ang misis ko?" dagdag ko, sabay hila sa kanya palapit.Napatingin siya sa akin ng masama pero halatang pigil ang ngiti. "Ewan ko sa'yo, Emer. Matulog ka na nga."Humiga siya ng maayos at ipinikit ang mga mata, pero hindi ko mapigilang titigan ang mukha niyang kalmado at maganda kahit pagod. Lumapit ako ng kaunti at marahang hinaplos ang kanyang pisngi."Alam mo, kahit ilang taon na tayong kasal, hindi pa rin ako nagsasawang titigan ka."Dumilat siya at sinamaan ako ng tingin. "Emer, gusto mo bang lumipat ng kama at matulog sa tabi ng triplets?"Napatawa ako at agad na niyakap siya. "Joke lang, love! Good night na. Sweet dreams."Huminga siya nang

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 267

    Chapter 267Hanggang sa makarating kami sa aming mansion. Pagkababa namin ng sasakyan, agad akong lumingon kay Dad at ngumiti."Dad, salamat sa paghatid sa amin," wika ko nang may pasasalamat."Bye-bye, Lolo! Bye-bye, Lola!" sabay-sabay na sigaw ng mga anak kong sina Erwin, Ethan, at Eralyn habang masayang kumakaway.Napangiti si Mom at hinaplos ang buhok ng isa sa kanila. "Behave kayo ha," paalala niya. "Wag kayong pasaway sa Mommy at Daddy ninyo, Erwin, Ethan, at Eralyn!" dagdag pa niya sa malambing ngunit may diin na tono."Opo, Lola!" sagot nilang tatlo na parang koro."Bye din po sa inyo, Tita Claire at Tito Jimmie!" dagdag pa nila bago mabilis na tumakbo papasok sa gate ng mansion, puno ng sigla at excitement."Bye, Mom, Dad, Claire at Jimmie!" ngiti kong sabi. "Ingat kayo sa biyahe," dagdag kong sabi."Salamat, anak Sarah. Sige na pumasok muna kayo ni Emer saka kami aalis!" tugon ni Dad.Hinawakan ni Emer ang kamay ko at marahang hinila papasok ng gate. "Tara na, love. Baka gin

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 265

    Chapter 265Nagkatinginan si John at Jenny, halatang may iniisip. "Gusto namin something adventurous!" sagot ni John."Tama!" dagdag ni Jenny. "Gusto naming mag-outing, siguro sa beach o kaya camping!""Naks naman, parang teen na teen na talaga kayo," sabi ni Jammie, kunwaring natutulala. "Parang kahapon lang, ang hilig ninyong maglaro ng stuffed toys at magpabitbit kay Mommy Heart.""Uy, Tito! Huwag mo nang ibuking!" nahihiyang sabi ni Jenny habang namumula ang pisngi.Muling nagtawanan ang lahat."Okay, so Avengers theme para sa triplets, at adventure naman para sa kambal. Mukhang magiging busy tayo sa susunod na buwan," sabi ni Kiera habang nakangiti."Siyempre! Pero worth it naman, kasi para sa mga bata," sagot ko.Tumingin ako sa paligid, sa mga ngiti at tawanan ng pamilya namin. Walang katumbas ang ganitong saya. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin noon, heto kami ngayon—buo, masaya, at walang katumbas ang pagmamahal sa isa't isa.At sa isip ko, isa lang ang dasal ko: Sana,

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 264

    Chapter 264Sarah POVNapangiti ako habang pinagmasdan ang tatlong maliliit kong pamangkin. Miss ko na rin mag-alaga ng sanggol. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay karga-karga ko rin ang triplets ko—ngayon ay malapit na silang magpitong taong gulang sa March 5.Kasabay nilang magdiriwang ng kaarawan ang dalawa ko pang pamangkin na sina Jace at Jasmine, ang kambal nina Jimmie at Claire. Napakabilis ng panahon, parang kahapon lang, mga babies pa sila.Lumapit sa akin si Jimmie habang karga si Jasmine. "Sarah, naisip mo na ba kung paano natin ipagdiriwang ang birthday ng mga bata?" tanong niya.Napaisip ako saglit bago sumagot. "Well, since sabay-sabay naman silang magbi-birthday, naisip ko na baka puwede tayong mag-organize ng isang malaking party para sa kanila. Masaya ‘yun, lalo na’t mahilig sila sa Avengers. Puwede tayong magpa-theme party!"Napatango si Claire na nakikinig sa usapan namin. "Oo nga! Naalala ko, ilang beses nilang binanggit na gusto nilang maging superheroes

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 263

    Chapter 263 Napuno ng tawanan ang buong hardin habang ang mga bata ay patuloy sa kanilang laro. Kami namang mga nakatatanda ay nagkatinginan ni Jammie at Jimmie, parehong natutuwa sa kasiyahan ng pamilya. “Sobrang saya nila,” bulong ko kay Kiera. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. “Oo nga. Wala nang hihigit pa sa ganitong saya, ‘di ba? Buo ang pamilya, masaya ang lahat.” Napatingin ako sa paligid—sa aming mga anak na inaalagaan nina John at Jenny, sa aming mga magulang na masayang pinagmamasdan ang kanilang mga apo, at sa aming mga kapatid na punong-puno ng tawanan at pagmamahal. "Sandali, ang daya naman. Ang dami na ninyo tapos ako lang ang mag-isa," reklamo ni Emer na ikinatawa naming lahat. Napatingin sila sa amin ni Jimmie kaya napangiti ako. "Hmm, mukhang isasali kayo sa habulan Jammie," sabi sa aking asawa na si Kiera. "So, sasali tayo. Bal? ngiti kong tanong kay Jimmie. " Tito Jammie, Daddy sali na kayo!" sigaw sa aking pamangkin na anak ni Jimmie na si Jace

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 262

    Chapter 262 Lumipas ang linggo, handa na ang lahat sa maliit na salo-salo. Ang mga pamilya lang namin ang bisita. Sila ni Mommy Heart, Daddy Brandon. Jimmie at Claire kasama ang kanilang kambal na anak sina Jace at Jasmine. Ang bunso naming kapatid na si Sarah kasama ang kanyang asawa na si Emer at ang triplets nitong anak, sina Ethan, Erwin at Early . Habang sina John at Jenny ay busy sa maalaga sa kanilang kapatid na mag 2 Months na ngayon ang triplets. Kasama nila ang aking biyanan na lalaki si Papa.Masaya at puno ng tawanan ang buong mansion habang nagtitipon-tipon ang aming pamilya. Ang bango ng mga inihandang pagkain ni Manang Rosa ay kumalat sa buong paligid—may beefsteak, pancit, lechon manok, at iba pang paborito ng lahat.Nakita kong abala sina John at Jenny sa pag-aalaga sa kanilang mga nakababatang kapatid. Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Kahit 12 years old na sila, kitang-kita pa rin ang pagiging malambing at responsable nilang kuya at ate sa triplet

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status