Home / Romance / PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) / 😍 Jacob Brandon Flores, Jaden Bryce Flores, Jared Blake Flores 😍Chapter 230

Share

😍 Jacob Brandon Flores, Jaden Bryce Flores, Jared Blake Flores 😍Chapter 230

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-02-14 16:26:55
Chapter 230

Pagdating namin sa nursery room, tahimik kaming pumasok. Naroon si Kiera, nakahiga sa kama, bagamat halatang pagod ay may ningning sa kanyang mga mata habang nakatingin sa tatlong maliit na anghel na nasa crib sa tabi niya.

"Mommy!" halos sabay na tawag ni Jenny at John bago patakbong lumapit sa kama. Marahang niyakap ni Jenny ang ina, habang si John naman ay maingat na hinawakan ang kamay nito.

"Hello, my babies," bulong ni Kiera habang tinitingnan ang kanyang tatlong anak. "Eto na ang mga bagong miyembro ng pamilya natin."

Si Jammie, hindi na maitago ang tuwa, marahang itinuro ang tatlong sanggol. "Siya si Jacob Brandon Flores, ang panganay. Ang pangalawa naman si Jaden Bryce Flores, at ang bunso, si Jared Blake Flores."

Napatango ako at hindi ko mapigilan ang mapangiti. "Magaganda ang mga pangalan nila, apo. Sigurado akong magiging matitibay at mabubuting lalaki rin sila balang araw."

Napakagat-labi si Jenny habang pinagmamasdan ang tatlong baby boys. "Grabe,
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 231

    Chapter 231Brandon POVTahimik kong pinagmamasdan ang aking pamilya. Sa loob ng maraming taon, dumaan kami sa napakaraming pagsubok—mga alitan, trahedya, at muntikang pagkawala ng isa’t isa. Ngunit sa sandaling ito, sa harap ng tatlong bagong buhay na isinilang sa aming pamilya, alam kong may bagong simula para sa aming lahat.Lumapit ako sa crib kung saan mahimbing na natutulog sina Jacob, Jaden, at Jared. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang maliliit nilang mukha—walang muwang, payapa, at puno ng pag-asa. Para silang mga bituin sa madilim na kalangitan, nagbibigay-liwanag at pag-asa sa aming pamilya."Ang tatlong musmos na ito," mahina kong bulong habang tinatapik ang braso ni Jammie, "sila ang bagong henerasyon ng mga Flores. At bilang Lolo nila, sisiguraduhin kong mararamdaman nila ang pagmamahal at gabay na naramdaman niyo rin mula sa akin."Nagkatinginan kami ni Jammie, at sa kanyang mga mata, nakita ko ang parehong determinasyon na dati kong nakita sa aking sarili noong nagi

    Last Updated : 2025-02-15
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 232

    Chapter 232 Jammie POV Isang linggo ang mabilis na lumipas, at sa wakas, nakalabas na rin si Kiera at ang aming mga triplets sa ospital. Alam naming magiging mahirap ang adjustment para sa kanya, kaya naman naisip naming maghanda ng maliit na sorpresa para sa kanila pag-uwi. Sa sala ng bahay, abala si Mommy Heart at si Sarah sa pag-aayos ng dekorasyon—may mga pastel-colored balloons at banner na may nakasulat na "Welcome Home, Kiera & the Triplets!" Sa kusina naman, si Daddy Brandon at si Ethan ay abala sa paghahanda ng mga pagkain. Si Jenny at John naman ay excited na naghahanda ng mga laruan at baby essentials. Habang inaayos ang isang maliit na crib sa sala, lumapit sa akin si Sarah, may hawak na stuffed teddy bear. "Kuya, tingin mo magugustuhan ‘to ng mga baby?" tanong niya, nakangiti. Napangiti ako habang tinitingnan ang hawak niyang laruan. "Siyempre naman. Pero mas magugustuhan nila pag ikaw mismo ang nag-alaga sa kanila." Natawa siya at bahagyang tumango. "Siyempre! Pero

    Last Updated : 2025-02-15
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 233

    Chapter 233 Nag-isip ako sandali bago sumagot. “Para may tatlong pangalan sila na simbolo ng bawat isa sa kanila. Si Jacob, si Jaden, at si Jared—lahat sila may kakaibang kahulugan sa aming pamilya.” Tumingin si Kiera sa akin, ang mata niyang puno ng pagmamahal. "At ang mga pangalan nila, tulad ng sa mga ninuno namin, ay may special na kahulugan. Pinili namin silang bigyan ng mga pangalang magbibigay inspirasyon sa kanila paglaki." Nag-ala curious si Jasmine, nilingon ang mga triplets at nagtanong ulit, “Ano po yung ibig sabihin ng bawat pangalan nila, Tito?” Habang si Kiera ay tinitingnan ang mga anak namin, nagsimula siyang magsalita. "Si Jacob Brandon—ang pangalan ni Brandon, ang daddy ni Jimmie. Ibig sabihin, si Jacob ay lakas at tapang." “Si Jaden Bryce, naman,” dagdag ko, "ay para sa pag-ibig at pagbibigay sa iba ng matibay na suporta. Bryce ang pangalan na may kahulugan ng lakas ng loob." "At si Jared Blake," patuloy ni Kiera, "ang pangalan ay nagmula sa pangalan ng mga n

    Last Updated : 2025-02-16
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 234

    Chapter 234Kiera POVWell, noong panahong nabuo ang pinsang ninyo na si John at Jenny ay hindi ko alam na ang ama pala nila ay ang Tito Jammie ninyo," panimula ko. "Hanggang nagtrabaho ako sa company niya ni hindi ko akalain na siya pala ang ama sa anak ko. Hanggang nagkaalaman na at inilayo ko ang pinsan ninyo para hindi nila kunin. Dahil takot ako sa kanila ba kaba ilayo nila ang kambal. Pero sinundan nila kami ni Mommy Heart at Daddy Brandon na inyong lolo't lola, hanggang doon nag simula ang aming buhay pag-ibig. Habang ikinukuwento ko ang lahat, nakita ko ang lalong pagkinang ng mga mata ni Jasmine, tila ba lalo siyang nasasabik sa bawat detalye. Si Ethan, Eralyn, at Erwin naman ay tahimik na nakikinig, parang pinipilit intindihin ang mga pangyayari."Wow, Tita Kiera!" sabi ni Jasmine, sabay hawak sa kamay ko. "Ibig sabihin, destiny po talaga kayo ni Tito Jammie?"Napangiti ako at tumingin kay Jammie, na bahagyang natawa. "Depende kung paano mo titingnan, Jasmine," sagot ko. "

    Last Updated : 2025-02-17
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 235

    Chapter 235 Habang mahigpit ang yakap ni Jasmine sa amin ni Jammie, napansin kong nakatingin lang si Ethan sa amin, tila may iniisip. "Ethan?" tawag ko, bahagyang hinaplos ang kanyang likod. Napatingin siya sa akin at nag-aalalang nagtanong, "Tita Kiera, paano kung may isang tao na mahal mo pero hindi mo sigurado kung mahal ka rin niya? Paano mo malalaman kung dapat mong ipaglaban?" Nagkatinginan kami ni Jammie, alam kong seryoso ang tanong ng bata. “Ethan, ang pag-ibig ay hindi lang tungkol sa pagsisigurado kung mahal ka rin ng isang tao,” sabi ko, nakangiti. “Mahalaga rin ang pagiging matapat sa sarili mo—kung handa kang ipaglaban siya, kahit hindi mo pa alam ang sagot.” “Tama ang Tita mo,” dagdag ni Jammie. “Pero dapat din, alam mo kung kailan mo hahayaan ang isang tao na piliin ka ng kusa. Ang pagmamahal ay hindi dapat sapilitan.” "Pero paano kung natatakot siyang aminin?" tanong ni Ethan, halatang may iniisip na partikular na tao. Ngumiti ako at ginulo ang kanyang

    Last Updated : 2025-02-18
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 236

    Chapter 236Agad akong tumayo at inilagay ang sanggol sa stroller saka kami lumabas sa silid.Habang tinutulak ko ang stroller palabas ng silid, ramdam ko ang matinding kaba at excitement sa dibdib ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na ang mansyon na dinisenyo ko ay para pala sa amin ni Jammie.Paglabas namin, nakita ko sina Dad at Mom na nakangiti habang nakasakay na sa kanilang sasakyan. Sina John at Jenny naman ay panay ang hila kay Jammie, halatang sabik na silang makita ang bagong bahay.“Mommy, bilisan natin!” sigaw ni Jenny, halos tumakbo na sa sasakyan.Napatawa si Jammie. “Mukhang mas excited pa ang mga anak natin kaysa sa atin.”Umiling ako at ngumiti. “Sino ba namang hindi mae-excite? Imagine, bahay natin ‘yon, Jammie. Ang pinaghirapan kong disenyo… at ngayon, titirhan natin.”Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. “At kasama natin ang buong pamilya natin.”Pagdating namin sa labas, sumakay na kami sa sasakyan. Habang binabaybay namin ang daan patungo sa bagong

    Last Updated : 2025-02-19
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 237

    Chapter 237 Kinabukasan ay busy ang lahat sa paghahanda para sa aming blessing ng mansyon. Kumpleto na ang lahat, pagkain, bisita at pari. "Ready na ba kayo?" tanong ko sa dalawa kong panganay habang ang two weeks baby naming triplets ay tulog na tulog pa din habang nasa crib nila. Tumango si John at Jenny nang sabay, parehong nakasuot ng magaganda nilang damit. “Opo, Mommy! Excited na po kami!” sagot ni Jenny habang masayang tumatalon-talon. “Pero, Mommy, pwede po ba akong maghawak ng holy water?” tanong ni John, puno ng kuryusidad. Natawa ako at hinaplos ang ulo niya. “Hay naku, anak. Baka mabuhos mo sa sarili mo.” “Hindi po! Pangako, dahan-dahan lang ako,” sagot niya, tila ba gusto talagang maging bahagi ng blessing. Lumapit si Jammie at inayos ang kuwelyo ng suot niyang polo. “Okay na ba ang lahat? Nasa labas na ang pari, hinihintay na lang tayo,” aniya. Tumango ako. “Oo, love. Tara na.” Naglakad na kami palabas, at agad kaming sinalubong ng aming pamilya at mga bisita. N

    Last Updated : 2025-02-19
  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 238

    Chapter 238Napatawa si Jammie at tumango. “Sino ba naman ang hindi magiging proud? Lalo na’t si Kiera ang nag-design. Ang galing ng asawa ko, ‘di ba?”Napangiti ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko, kahit anong hirap ang pinagdaanan namin noon, lahat ay sulit dahil sa pamilya naming buo at puno ng pagmamahal.“Mommy, Daddy, tara na po! Naghihintay na po si Father para sa blessing!” sigaw ni Jace habang karga-karga ang kapatid niyang si Jasmine.“Okay, okay! Tara na!” sagot ni Jammie, sabay akbay sa akin.Naglakad kaming lahat papunta sa main hall ng mansyon, kung saan naghihintay na ang pari at ang iba pang bisita. Napatingin ako kay Jammie, at nakita ko sa mga mata niya ang labis na kasiyahan. Ito ang bagong simula para sa amin—isang bagong tahanan, isang bagong yugto, pero ang pagmamahal namin sa isa’t isa ay mananatiling matibay magpakailanman.Habang naglalakad kami patungo sa main hall, hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang buong pamilya namin. Ang mansyon na minsan

    Last Updated : 2025-02-19

Latest chapter

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Last Chapter

    Author’s Note Maraming salamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kwentong ito. Isa itong kwento ng pagmamahal, pamilya, at tunay na pagkakaibigan—mga bagay na hindi nasusukat ng panahon o distansya. Sa kabila ng mga pagsubok, sa dulo ng lahat, ang mahalaga ay ang mga taong nananatili sa ating tabi, anuman ang mangyari. Ang pagsusulat ng kwentong ito ay isang magandang paglalakbay, at umaasa akong naiparamdam ko sa inyo ang tamis ng pag-ibig at ang halaga ng matibay na samahan. Hanggang sa susunod nating kwento! — INDAY STORIES Sana sabay-sabay ang kwento ni Althea qt Angie ang dalawang pa nilang magkaibigan sa Book #2 at suportahan po ninyo ang bago kong story upang makapasok man lang sa ranking pamamagitan pag vote po ninyo ang THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE. Maraming salamat po....

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 293

    Chapter 293 The Last Chapter. Kinabukasan Habang abala ako sa pag-aayos ng mesa para sa almusal, biglang nag-ring ang aking phone. Agad kong sinagot ito nang makita ang pangalan ng tumatawag. "Bruha! Guess what?!" sigaw sa kabilang linya. Napangiti ako. "Angie?! Diyos ko, ang aga-aga, sigaw ka agad!" sagot ko, pero hindi ko maitago ang excitement sa boses ko. "Alam mo bang andito na ako sa bansa? At hindi lang ako—kasama ko si Heart!" Halos mabitiwan ko ang phone sa sobrang tuwa. "What?! Totoo ba ‘yan?! Kailan pa?! Nasaan kayo ngayon?!" "Surprise! Nasa harap na kami ng bahay mo!" Napamura ako sa gulat at dali-daling tumakbo palabas. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin sina Angie at Heart, parehong nakangiti nang malapad habang kumakaway. "Bruhaaaaaa!!!" sigaw ko sabay takbo at niyakap silang dalawa ng mahigpit. "Althea, dahan-dahan naman! Para kang toro!" natatawang reklamo ni Heart pero niyakap niya rin ako pabalik. "Grabe, ang tagal nating ‘di nagkita! Parang kailan

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 292

    Back to Present “Oh my gosh, Mommy. Nakakilig naman ang love life ninyo ni Dad!” sabi ni Elena habang nakangiti at yakap-yakap ang unan niya. “Parang sa pelikula lang! Ang daming eksena, tapos may action, comedy, at super sweet na moments!” Napatawa ako sa reaksyon ng anak ko. “Talaga, anak?” “Oo naman! Grabe, Mommy, hindi ko in-expect na si Daddy pala ‘yung laging napag-tripan ni Tito Brandon at Tito Kurt noon! Tapos ikaw pa ‘yung strong and independent woman na kinatatakutan nila dati? Wow! Goals!” Napangiti ako at tinignan ang asawa kong nakaupo sa tabi ko. Nakangiti rin ito habang nakikinig sa amin. “Pero Mommy, ang pinaka-nakakatawa talaga—‘yung kay Tito Brandon at kay Nurse Heart! Ano kaya nangyari sa kanila after no’n? Diba parang may something?” tanong ni Elena, sabik na malaman ang sumunod na kwento. Napatingin ako sa asawa ko, at kita ko ang pag-iling niya na may halong tawa. “Huwag mong sabihin sa’kin na gusto mong marinig ang love story ni Brandon?” “Yes, Mom

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 291

    Chapter 291Final ChapterTahimik ang silid nang biglang marinig ko ang boses ni Kurt—pero parang may halong boses ni Brandon habang nagsasalita siya.“Ilang views na ba ‘yan?” tanong ni Kurt, kaya nagtataka ako. Hindi muna ako nagpahalata na kanina pa akong gising.“Walang hiya, bro! Malapit nang maabutan ang sayo! Hahaha!” sagot ni Brandon. Napilitang akong bumangon sa kama.“Views? Ano na namang pinag-uusapan n’yo, Kurt?”“Oh, gising ka na pala, Jay,” sagot niya. “Akalain mo ‘yon, isang bully ni Kurt noon, hinimatay sa delivery room? Hahaha!” sabat ni Althea, may halong panunukso.“Ang pangit ng mukha mo, bro, nung lumabas ka sa delivery room! Mukha kang takot na takot! Hahaha!” dagdag pa ni Brandon, lalong ginagatungan ang asaran.“Hoy, Brandon! Baka mas malala pa sayo ‘yan kapag nag-asawa ka,” sagot ko.“No, no, no! Hindi mangyayari ‘yon, bro!” mabilis niyang tanggi.Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang nurse. “Hello, everyone! Andito na ang mga cute-cute na babies!”Do

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 290

    Chapter 290 Jayson POV Four Years Later “Mom, good morning!” sabay tawag ng tatlong taong gulang na kambal naming sina Emerson at Esmerald habang masiglang tumatakbo papunta kay Janeth. “Good morning, babies!” Masayang sinalubong ni Janeth ang dalawa at hinalikan sa pisngi. “Good morning din, Hubby…” malambing niyang bati sa akin. “Good morning too, Wife…” sagot ko naman, sabay halik sa kanyang labi. “Ewww! Nakakadiri ka, Dad! Hindi pa nga nagbabrush si Mommy ng teeth,” reklamo ni Eme habang patawa-tawang sumampa sa kama at tumatalon-talon pa. “Careful, Eme, baka madaganan mo ang tummy ni Mommy…” paalala ni Emer sa kapatid niya. “Ups… sorry, Kuya! Halika na, Mommy, let’s eat na! I’m so hungry na…” “Let’s go, Wife…” Akmang tatayo na ito nang bigla itong napangiwi sa sakit na naramdaman niya sa kanyang tiyan. “Hubby, parang manganganak na ata ako… Ahhh! Ang sakit!” Napamura ako sa gulat. “F**k! Emer, tawagin mo ang driver! Kunin mo ang cellphone ko at tawagan si Daddylo mo

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 289

    Chapter 289Jayson POVFlashback Pagkalabas ni Janeth sa library, hindi ko maiwasang mapangiti habang sinusundan siya ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwala—ang babaeng bumuhay muli sa matagal nang natutulog kong puso ay siya rin palang aking napangasawa. At hindi lang basta asawa, kundi ang sekretaryang ilang gabi ko nang pinapantasya.Shit. Ramdam ko ang paninigas ng alaga ko sa loob ng suot kong slacks. Ilang minuto akong nanatili sa library, pinapakalma ang sarili, bago ako lumabas. Sakto namang pababa sina Mom at Dad mula sa hagdan."Mom, Dad, saan kayo pupunta?" tanong ko, bahagyang nag-aalangan sa kanilang malalawak na ngiti."Aalis muna kami ng daddy mo, son," sagot ni Mom, may kasamang pilyang kindat. "Para may pagkakataon kayong makabuo ng apo ko. Sana babae, para may maisasama akong mag-shopping at mag-ayos ng buhok!""Mom… apo agad?" Napakamot ako sa batok, hindi makapaniwala sa diretsahan niyang sagot."Why not?" singit naman ni Dad. "Matanda na kami, gusto naming may

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 288

    Chapter 288Janeth’s POV"Sa sandali lang ha, maliligo muna ako," sabi ko dito upang makaiwas sa kanyang mapanuksong tingin sa akin. Habang nasa loob pa din ako sa kanyang silid ay hindi mo maiwasang mag-isip kong totoo ba itong lahat. "Totoo ba ‘to? As in real?" Yan ang paulit-ulit na tanong sa isip ko habang nakatayo sa loob ng kwarto ni Jayson. Kung panaginip lang ito, sana ‘wag na akong magising.Napatingin ako sa kama, at doon ko napansin ang isang neatly folded na damit pang-babae—may kasamang underwear at bra. Hmmm... kanino kaya ‘to?Lumapit ako at napansin ang isang maliit na note sa ibabaw. Agad ko itong binasa.To: JanethWear this, honey.From: MommyNapangiti ako nang makita ang sulat. Talaga si Mommy, ha? Ang bilis akong tanggapin bilang asawa ng anak niya.Wala na akong sinayang na oras at dumiretso na ako sa banyo para maligo.Ahhhh, ang sarap ng tubig.Habang sinasabon ang katawan, napatingin ako sa lagayan ng shampoo at sabon. Napangiti ako nang makita ang panglal

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 287

    Chapter 287 Jayson POV "By the way, hindi tayo papasok ngayon," sabi ko habang nakasandal sa upuan, pinagmamasdan ang reaksyon ni Janeth. Napakunot ang noo niya. "Bakit, boss? May pupuntahan ho ba kayo? Kung gano'n, pwede na ho ba akong mag-mall? Pawala lang ng stress, hehehe." Napailing ako. "Yes and no." "H-ho?" nagtatakang tanong niya. "Yes, dahil may pupuntahan tayo. No, dahil honeymoon natin ngayon." Halos mapatalon siya sa kinatatayuan niya. "A-ano ho? H-honeymoon natin?" Ngumiti ako at tumayo mula sa aking upuan, dahan-dahang lumapit sa kanya. "Yes. And stop calling me boss. Just call me hubby." "Pe-pero, boss—" "Shhh..." Pinatigil ko siya, sabay taas ng kilay. Napalunok siya. "H-hubby..." Ngumiti ako sa narinig ko, pero halatang labag sa loob niya kaya masama ang tingin niya sa akin. "Bakit parang napipilitan ka?" tanong ko, nakataas ang isang kilay. "Gusto mo ba dito na lang tayo mag-honeymoon?" Bigla siyang napailing nang mabilis. "Sabi ko nga, hubby ang tawag

  • PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)    Chapter 286

    Chapter 286Janeth POV"Shit! Ang sakit ng ulo ko..." Napaungol ako habang marahang hinawakan ang aking noo. Ngunit natigilan ako nang mapansin kong hindi ito ang kwarto ko. Napabangon ako at napatingin sa paligid, nagtataka.Napako ang tingin ko sa isang picture frame."Shit! Shit! Bakit ako nandito sa kwarto ni boss?" Mabilis akong bumangon, sinikap kong hindi gumawa ng ingay habang dahan-dahang binuksan ang pinto. Ngunit halos mabangga ko si boss nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko, nakakunot ang noo.Napalunok ako at pilit na ngumiti. "Hehehe… G-good morning, boss!""Follow me to the library.""Y-yes, boss..."Kinakabahan akong sumunod sa kanya. Ang daming tumatakbo sa isip ko—baka may nagawa akong mali? Baka tanggalin niya ako sa trabaho? Wag naman sana, Lord!Nang makarating ako sa harap ng library, nanlalamig na ang kamay ko sa kaba. Wala akong choice kundi kumatok.Tok! Tok! Tok!"Come in."Dahan-dahan akong pumasok at agad na nagmakaawa. "B-boss, kung ano man ang kasalana

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status