Chapter 90 "Sa edad ninyong 29 kailangan may asawa na kayo," sabi ni Heart sa kambal. "O baka naunahan pa kayo sa bunso ninyong kapatid!" taas kilay niyang napasulyap sa may meandoor habang papasok si Sarah na may kasamang lalaki at mukhang hindi basta-basta ang antas nito dahil sa kanyang tindig. Ang kambal, si Jimmie at Jammie, ay napatingin kay Heart at nagkatinginan. "Mom, hindi ba't maaga pa para mag-isip ng ganyan?" sagot ni Jimmie, sabay tawa. "Huwag mong gawing biro, Jimmie," sagot ni Heart, ngunit may kasamang ngiti sa labi. "Nakakahiya na nga kayong dalawa, hindi pa kayo nakakapag-asawa, tapos si Sarah pa, parang may bago na agad." Habang abala sila sa usapan, napansin ko si Sarah at ang lalaki. Si Sarah, na mas matangkad sa akin, ay naglalakad papunta sa amin, hawak ang kamay ng lalaki. May ngiti sa kanyang mga labi, at ang lalaki ay may itsura ng isang seryosong tao. Malinaw sa mukha nito ang pagka-busy at mayaman. "Mom, Dad, ito po si Xavier," sabi ni Sarah haba
Chapter 91 Palipat-lipat ang tingin ni Sarah kay Xavier at kay Emer, parang tinitimbang kung sino sa kanilang dalawa ang may higit na kabigat na epekto sa kanya. Hindi ko maiwasang mag-isip na si Sarah ay nahirapan sa mga alaala ng nakaraan, at ngayon, may mga bagong mukha at mga pangako na nagsasangkot sa kanyang puso at isipan. Habang si Sarah ay nag-iisip, ang kambal na sina Jimmie at Jammie ay tahimik lamang na nakaupo sa sofa. Tila nasiyahan sila sa kanilang nakikita—walang alinlangan, ngunit wala ring reaksyon na nagsasabing may personal na alalahanin o tanong. Minsan, naiisip ko na baka sila ay natututo nang mag-obserba nang tahimik, at baka may mga tanong silang hindi pa nila kayang itanong. Si Xavier, ang lalaki na kasama ni Sarah, ay hindi rin umiimik. Tila alam niyang may mga hindi pa nalulutas na isyu sa pagitan ni Sarah at ni Emer. Habang tinitingnan ko sila, naramdaman ko ang bigat ng sitwasyon—ang mga relasyon, lalo na ang mga nakaraan, ay minsan mahirap kalimutan at
Chapter 92Jammie POVNapangiti ako nang lihim nang makita ko ang reaksyon ni Emer nang makita niyang may kasama ang bunso naming kapatid. Si Emer ay matagal nang barkada namin ni Jimmie, kaya alam namin kung paano siya mag-isip at magdala ng emosyon. Pero kanina, parang hindi na siya ang dating Emer na confident at laging kalmado. Para siyang nahuli sa akto—hindi ko maiwasang mapailing."Ang saya no? Para bang nakita natin ang isang eksena sa drama," sabi ko kay Jimmie habang iniangat ko ang baso ng juice ko."Tama ka," sagot niya habang tumatawa. "Pero aminin mo, Jammie, medyo mas kampi ka kay Emer kaysa kay Xavier, di ba?"Napangiti ako at siniko siya nang bahagya. "Hindi naman sa ganun. Pero iba kasi si Emer. Barkada natin siya, kaya mas kilala natin ang ugali niya. Pero si Xavier... wala akong masabi sa kanya—hindi ko pa kasi siya kilala ng lubusan.""Well, sa tingin ko, parehong may laban," sabi ni Jimmie habang umakto na parang ini-interview ang sarili. "Kaya lang, depende yan
Chapter 93Kinabukasan, maaga akong gumising upang pumunta sa kumpanya. Bukod sa trabaho, gusto ko ring makaiwas sa paninermon ni Mom at Dad tungkol sa apo na paulit-ulit nilang binabanggit.Ang akala ko, tulog pa ang kambal kong si Jimmie. Pero nagulat ako nang makita siyang nakabihis na rin at handa na para sa trabaho. Mukhang pareho kaming may parehong plano—ang makaiwas kay Mom."Maaga ka rin pala," bulong ko habang binababa ang kurbata ko."Syempre," sagot niya habang inaayos ang kwelyo niya. "Ayokong marinig ang lecture ni Mom ulit."Maingat kaming bumaba sa hagdan ng mansyon. Tinitiyak namin na hindi magigising si Mom habang palabas kami. Ngunit pagdating namin sa baba, halos mapahinto kami sa takot nang biglang marinig ang boses niya."Yung apo namin, wag ninyong kalimutan," sabi ni Mom na nakaupo sa sofa, nakataas ang kilay at may hawak na diyaryo.Halos mabitawan ko ang hawak kong bag. Si Jimmie naman ay mukhang napalunok nang malalim. Napatingin kami sa isa’t isa, parehong
Chapter 94Habang patuloy na nag-uusap kami ni Claire tungkol sa mga proyekto, hindi ko na kayang pigilan ang curiosity ko. Naisip ko, kung ito na nga ang pagkakataon, bakit hindi ko simulan ang tanong na matagal ko nang gustong itanong?"Claire," sabi ko, habang tinitingnan ko siya, "may nobyo ka na ba?"Napansin ko ang bahagyang pag-angat ng kilay niya, tila naguguluhan sa tanong ko. Pero hindi siya nagmadaling sumagot. Pinili niyang magbigay ng isang ngiti, isang uri ng pag-iwas na alam kong hindi niya sinasadya. "Wala po, Sir Jammie. Mas nakatutok ako sa trabaho ngayon."Nagkaroon ako ng isang mabilis na hinuha sa sagot niyang iyon. Mukhang hindi siya ang tipo ng babae na basta-basta magkakaroon ng relasyon, lalo na kung hindi ito makikinabang sa kanyang personal na buhay. Ngunit may iba pang aspeto na ako'y interesado."Bakit, wala bang pagkakataon na maghanap ka ng... espesyal na tao?" tanong ko, pilit na ginagawa itong casual.Ngumiti siya ng bahagya, ngunit may halong seryoson
Chapter 95Matapos naming tawagan si Claire at matiyak na kailangan niyang makonsulta sa hospital, nagmadali kami ni Jimmie na mag-ayos. Hindi namin alam kung gaano kalaki ang nangyaring emergency sa pamilya ni Claire, pero gusto naming maging naroroon para sa kanya, lalo na sa mga ganitong pagkakataon.Habang nagsusuot ng coat si Jimmie, natanaw ko sa kanya ang isang seryosong ekspresyon. "Sigurado ka ba sa ginagawa natin?" tanong niya, tila nag-iisip din kung paano magiging angkop ang kanilang pagtulong kay Claire."Oo, kailangan natin itong gawin," sagot ko. "Kahit na hindi pa natin alam lahat ng detalye, makikita natin kung anong kailangan niyang tulong, at baka sa pamamagitan nito, mas mapalapit tayo sa kanya."Nagmadali kaming lumabas ng opisina at dumiretso sa parking lot. Pagpasok namin sa kotse, nagsimula nang magmaneho si Jimmie. Lahat kami tahimik, nag-iisip kung anong klase ng tulong ang dapat ibigay at kung paano namin susundan ang mga susunod na hakbang."Maganda rin sig
Chapter 96Jimmie POVNasa loob kami ng hospital, at habang nag-aalala si Claire sa kalagayan ng kanyang ama, ako naman ay pilit na pinipigilan ang sarili na mag-alala. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat ng ito, pero nararamdaman ko ang bigat ng responsibilidad na iniatang sa aming dalawa—lalo na kay Claire. Ang desisyon na ginawa namin ay hindi biro. Hindi ko alam kung paano magiging magaan ang mga susunod na araw, pero kinakailangan namin itong gawin. Para sa kanya, at para sa akin.Habang nakaupo ako sa lobby ng hospital, naaalala ko ang mga sinabi ni Jammie kanina. Nang marinig ko mula sa kanya na kung ito ang paraan para matulungan si Claire at ang kanyang ama, gagawin niya, hindi ko maiwasang magtaka. Wala siyang kalaban-laban. Gusto niyang tumulong, at ang hirap noon. Paano nga ba ito magiging tamang desisyon para sa lahat ng taong sangkot?Kahit na magkaiba kami ng landas, pareho naming alam na may kailangan kaming gawin para sa pamilya. Kung kaya naming magtrabaho b
Chapter 98"Salamat po, tita," sabi ni Claire, habang ipinapakita ang magaan na ngiti sa mukha.Si Mom, na tumayo at iniabot ang kamay kay Claire, ay ngumiti at tinapik ang balikat nito. "Mula ngayon, Mommy, Mommy ang tawag mo sa akin," sagot ni Mom, na may kagalakan sa mga mata.Si Claire ay nagulat at medyo nagkibit-balikat bago sumulyap kay Mom. "Ah... Okay po, Mommy," sagot niya, kahit na halatang kinakabahan pa rin siya sa bagong sitwasyon.Hindi ko inaasahan na magiging ganoon ka-init ang pagtanggap ni Mom kay Claire. Hindi ko akalain na magiging ganito kabilis ang lahat. Para bang bigla akong nadoble sa pagiging anak at si Claire ay naging bahagi ng pamilya sa isang iglap.Habang tinatanggap ni Claire ang bagong papel bilang bahagi ng pamilya, hindi ko maiwasang mag-isip kung hanggang kailan namin kayang mapanatili ang kasinungalingang ito. Ang masaklap, kasabay nito ay ang unti-unting pagbabago sa relasyon namin ni Claire—isang relasyon na nagsimula sa simpleng tulungan, pero
Chapter 271Napatingin kami lahat kay Mom nang bigla tumunog ang kanyang phone kaya agad niyang sagutin ang tawag. Si Emerald pala ang tumatawag. Tahimik kaming nakinig habang kausap niya si Mom."Anak, totoo ba ‘yan? Susunod na linggo ka pa makakauwi?" tanong ni Mom, halatang may bahagyang pag-aalala sa boses niya.Narinig kong bumuntong-hininga si Emerald sa kabilang linya. "Oo, Mom. Pasensya na, may biglaang bagyo dito. Na-cancel ang flight ko at hindi pa sigurado kung kailan ako makakakuha ng bagong schedule."Napansin kong medyo nag-aalala rin si Dad, kaya sumingit siya sa usapan. "Sigurado ka bang ligtas ka diyan, Emerald? Baka naman delikado ‘yang sitwasyon mo.""Okay lang ako, Dad. Nasa hotel lang ako at safe naman dito. Wala namang dapat ipag-alala," sagot ni Emerald. "Pero pasensya na talaga, hindi ko kayo makakasama agad."Sumingit si Sarah sa usapan, malakas ang boses. "Emerald! Sigurado ka bang wala kang kasamang special someone diyan, ha? Baka naman kaya ka naantala sa p
Chapter 270Napabuntong-hininga ako, sabay lingon kay Sarah. "Mukhang magiging masaya at magulo ang mga susunod na araw ‘pag nagkita-kita kaming lahat."Natawa siya at tumango. "At sigurado akong hindi lang simpleng reunion ang mangyayari. Feeling ko, may malaking pasabog na naman ang pamilya mo.""At kapag nangyari ‘yun, love, ipapaubaya ko na sa ‘yo ang damage control," biro ko, sabay tawa.Sabay-sabay kaming natawa, habang ang excitement sa puso ko ay lalong lumakas. Matagal ko nang hindi nakakasama ang mga kapatid ko, pero sa pagkakataong ito, alam kong magiging espesyal ang muling pagsasama namin."Pero dad mom, nag-alala ako sa kakambal ko na si Emerald. Sa edad niyang 31 ay wala pa siyang pinakilala sa atin na nobyo niya."Napatingin ako kay Mommy at Daddy habang hinihintay ang sagot nila. Alam kong hindi lang ako ang nag-iisip nito—pati sila, sigurado akong nag-aalala rin."Oo nga, Mommy, Daddy," dugtong ni Sarah. "Lahat ng kapatid ni Emer, kahit paano, may mga naging karelasy
Chapter 269 Maaga pa lang ay abala na kaming lahat sa paghahanda para sa pagdating nina Mommy Janith at Daddy Jayson. Si Manang Inday ay nasa kusina, abalang nagluluto ng paborito nilang mga putahe, habang si Sarah naman ay nag-aayos ng mesa kasama ang triplets. "Mommy, ako na po ang maglalagay ng bulaklak sa lamesa!" sigaw ni Erwin habang maingat na hawak ang isang maliit na plorera. "Ako naman po sa mga kutsara at tinidor!" sabat ni Ethan, sabay kuha ng mga utensils mula sa tray. "Ako po sa baso!" dagdag ni Eralyn, halos hindi maabot ang lamesa kaya tinulungan siya ni Sarah. Napangiti ako habang pinagmamasdan silang masigasig sa kanilang mga gawain. Ang saya nilang tumutulong, at ramdam ko ang excitement nila na makita ulit sina Lola at Lolo nila. Lumapit ako kay Sarah at marahang hinalikan ang kanyang noo. "Love, ayos na ba ang lahat?" tanong ko. "Oo naman," sagot niya habang inayos ang isang lobo na nakasabit sa dingding. "Wala nang kulang, at mukhang sobrang excited
Chapter 268Emer POV"Halika na, Mrs. Hanson. Matutulog na din tayo," sabi ko sa akin asawa. "Hmm, tulong lang, Emer. Walang loving-loving muna 'ha?" tugon niya sa akin. Agad ako napakamot sa aking batok sabay tawa ng mahina. "Ang harsh mo naman, love," biro ko habang tinutulungan siyang mahiga sa kama. "Eh paano kung gusto ko lang yakapin ang misis ko?" dagdag ko, sabay hila sa kanya palapit.Napatingin siya sa akin ng masama pero halatang pigil ang ngiti. "Ewan ko sa'yo, Emer. Matulog ka na nga."Humiga siya ng maayos at ipinikit ang mga mata, pero hindi ko mapigilang titigan ang mukha niyang kalmado at maganda kahit pagod. Lumapit ako ng kaunti at marahang hinaplos ang kanyang pisngi."Alam mo, kahit ilang taon na tayong kasal, hindi pa rin ako nagsasawang titigan ka."Dumilat siya at sinamaan ako ng tingin. "Emer, gusto mo bang lumipat ng kama at matulog sa tabi ng triplets?"Napatawa ako at agad na niyakap siya. "Joke lang, love! Good night na. Sweet dreams."Huminga siya nang
Chapter 267Hanggang sa makarating kami sa aming mansion. Pagkababa namin ng sasakyan, agad akong lumingon kay Dad at ngumiti."Dad, salamat sa paghatid sa amin," wika ko nang may pasasalamat."Bye-bye, Lolo! Bye-bye, Lola!" sabay-sabay na sigaw ng mga anak kong sina Erwin, Ethan, at Eralyn habang masayang kumakaway.Napangiti si Mom at hinaplos ang buhok ng isa sa kanila. "Behave kayo ha," paalala niya. "Wag kayong pasaway sa Mommy at Daddy ninyo, Erwin, Ethan, at Eralyn!" dagdag pa niya sa malambing ngunit may diin na tono."Opo, Lola!" sagot nilang tatlo na parang koro."Bye din po sa inyo, Tita Claire at Tito Jimmie!" dagdag pa nila bago mabilis na tumakbo papasok sa gate ng mansion, puno ng sigla at excitement."Bye, Mom, Dad, Claire at Jimmie!" ngiti kong sabi. "Ingat kayo sa biyahe," dagdag kong sabi."Salamat, anak Sarah. Sige na pumasok muna kayo ni Emer saka kami aalis!" tugon ni Dad.Hinawakan ni Emer ang kamay ko at marahang hinila papasok ng gate. "Tara na, love. Baka gin
Chapter 265Nagkatinginan si John at Jenny, halatang may iniisip. "Gusto namin something adventurous!" sagot ni John."Tama!" dagdag ni Jenny. "Gusto naming mag-outing, siguro sa beach o kaya camping!""Naks naman, parang teen na teen na talaga kayo," sabi ni Jammie, kunwaring natutulala. "Parang kahapon lang, ang hilig ninyong maglaro ng stuffed toys at magpabitbit kay Mommy Heart.""Uy, Tito! Huwag mo nang ibuking!" nahihiyang sabi ni Jenny habang namumula ang pisngi.Muling nagtawanan ang lahat."Okay, so Avengers theme para sa triplets, at adventure naman para sa kambal. Mukhang magiging busy tayo sa susunod na buwan," sabi ni Kiera habang nakangiti."Siyempre! Pero worth it naman, kasi para sa mga bata," sagot ko.Tumingin ako sa paligid, sa mga ngiti at tawanan ng pamilya namin. Walang katumbas ang ganitong saya. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin noon, heto kami ngayon—buo, masaya, at walang katumbas ang pagmamahal sa isa't isa.At sa isip ko, isa lang ang dasal ko: Sana,
Chapter 264Sarah POVNapangiti ako habang pinagmasdan ang tatlong maliliit kong pamangkin. Miss ko na rin mag-alaga ng sanggol. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay karga-karga ko rin ang triplets ko—ngayon ay malapit na silang magpitong taong gulang sa March 5.Kasabay nilang magdiriwang ng kaarawan ang dalawa ko pang pamangkin na sina Jace at Jasmine, ang kambal nina Jimmie at Claire. Napakabilis ng panahon, parang kahapon lang, mga babies pa sila.Lumapit sa akin si Jimmie habang karga si Jasmine. "Sarah, naisip mo na ba kung paano natin ipagdiriwang ang birthday ng mga bata?" tanong niya.Napaisip ako saglit bago sumagot. "Well, since sabay-sabay naman silang magbi-birthday, naisip ko na baka puwede tayong mag-organize ng isang malaking party para sa kanila. Masaya ‘yun, lalo na’t mahilig sila sa Avengers. Puwede tayong magpa-theme party!"Napatango si Claire na nakikinig sa usapan namin. "Oo nga! Naalala ko, ilang beses nilang binanggit na gusto nilang maging superheroes
Chapter 263 Napuno ng tawanan ang buong hardin habang ang mga bata ay patuloy sa kanilang laro. Kami namang mga nakatatanda ay nagkatinginan ni Jammie at Jimmie, parehong natutuwa sa kasiyahan ng pamilya. “Sobrang saya nila,” bulong ko kay Kiera. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. “Oo nga. Wala nang hihigit pa sa ganitong saya, ‘di ba? Buo ang pamilya, masaya ang lahat.” Napatingin ako sa paligid—sa aming mga anak na inaalagaan nina John at Jenny, sa aming mga magulang na masayang pinagmamasdan ang kanilang mga apo, at sa aming mga kapatid na punong-puno ng tawanan at pagmamahal. "Sandali, ang daya naman. Ang dami na ninyo tapos ako lang ang mag-isa," reklamo ni Emer na ikinatawa naming lahat. Napatingin sila sa amin ni Jimmie kaya napangiti ako. "Hmm, mukhang isasali kayo sa habulan Jammie," sabi sa aking asawa na si Kiera. "So, sasali tayo. Bal? ngiti kong tanong kay Jimmie. " Tito Jammie, Daddy sali na kayo!" sigaw sa aking pamangkin na anak ni Jimmie na si Jace
Chapter 262 Lumipas ang linggo, handa na ang lahat sa maliit na salo-salo. Ang mga pamilya lang namin ang bisita. Sila ni Mommy Heart, Daddy Brandon. Jimmie at Claire kasama ang kanilang kambal na anak sina Jace at Jasmine. Ang bunso naming kapatid na si Sarah kasama ang kanyang asawa na si Emer at ang triplets nitong anak, sina Ethan, Erwin at Early . Habang sina John at Jenny ay busy sa maalaga sa kanilang kapatid na mag 2 Months na ngayon ang triplets. Kasama nila ang aking biyanan na lalaki si Papa.Masaya at puno ng tawanan ang buong mansion habang nagtitipon-tipon ang aming pamilya. Ang bango ng mga inihandang pagkain ni Manang Rosa ay kumalat sa buong paligid—may beefsteak, pancit, lechon manok, at iba pang paborito ng lahat.Nakita kong abala sina John at Jenny sa pag-aalaga sa kanilang mga nakababatang kapatid. Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Kahit 12 years old na sila, kitang-kita pa rin ang pagiging malambing at responsable nilang kuya at ate sa triplet