As he deepened the kiss, Lyla was fast to push him off and slapped him hard. Gulat ang kanyang mga matang nakatingin dito. The man’s head tilted a bit after that big slap. Lahat ng mga taong nagsasayaw malapit sa kanila ay bahagyang napatingin sa kanilang gawi.
Rinig niya kung paano nagkantyawan ang mga kaibigan ng lalaking kanyang hinalikan kaya naman parang nawala ang kalasingan sa kanyang katawan at agad siyang yumuko rito.
“I’m sorry!” she exclaimed before she hurriedly walked out of the bar.
Rinig na rinig niya ang pagtawag sa kanya ng mga kaibigan ngunit masyado siyang nahihiyang humarap sa mga ito. She’s too shy and embarrassed to go back and act nothing! Kaya naman agad siyang sumakay sa kanyang kotse at pinausad ito.
Tuluyang nawala ang kalasingan niya habang nagmamaneho. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ni Lyla ang nangyari kanina sa bar. Hindi na niya siguro kaya pang harapin ang kanyang mga kaibigan matapos ng kanyang ginawa kanina.
She was the one who kissed him! And she has still the audacity to slap him after he responded to the kiss that she initiated in the first place? Sobrang nakakahiya! Alam niyang hindi dapat ganoon ang magiging reaksyon niya lalo na’t maraming taong nakapaligid at nakatingin sa kanila.
Wala sa sariling inapakan niya ang preno ng sasakyan at mahigpit na humawak sa steering wheel. Dumukdok siya sa manibela at mariing pinikit ang kanyang mga mata. That scene keeps replaying inside her head.
Sana lang ay hindi na ulit magkatagpo ang landas nila ng lalaking ‘yon. Kung sakali man, hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Baka doon niya pa hilinging lamunin ng lupa. At paniguradong bukas ay bubulabugin siya ng kanyang mga kaibigan.
Humugot siya ng malalim na hininga at nag-angat ng tingin sa kalsada. Muli niyang pinausad ang sasakyan. Dire-diretso ang kanyang magmamaneho sa kanyang bahay sa Manhattan. She needs to take a cold shower para kahit papano ay mahimasmasan siya.
Pagkarating niya sa kanyang bahay ay dumiretso siya sa kusina para uminom ng tubig. At ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang may mag-on ng ilaw sa kusina. Nilingon niya ang pinto at nakita roon ang kanyang kapatid na nakangisi.
Binaba niya ang hawak na baso at kunot-noong binalingan ang kanyang kapatid. “What are you doing here?”
“Well, I live here,” pamimilosopo ng kapatid. “Bakit ngayon ka lang umuwi?”
Lyla let out a frustrating breath and bit her lower lip. “Well, I went out with my friends.”
“Your model friends?”
Tinatamad na tumango si Lyla at naglakad patungong dining room. Pagod siyang umupo sa couch at niyakap ng isang throw pillow. Muling bumalik ang pagkahilo na kanina ay nawala. Pinikit niya ang kanyang mga mata at bumuntong hininga.
“Oh, e bakit ganyan? And if you were hanging out with your model friends, bakit ang aga mo yata nakauwi? It’s still two in the morning. Di ba you usually go home around five? Six? What happened?” pang-iinteroga ng kanyang kapatid na si Bella.
“Bella, stop asking me questions. Nahihilo ako,” inaantok niyang sambit.
Wala siya sa mood na magkwento tungkol sa nangyari dahil hiyang-hiya pa rin siya ngayon.
“Okay, fine.” Alam ni Lyla na umirap ito kahit hindi siya nakatingin dito. “Anyways, hindi sana ako uuwi. But mom called and she said we’re going to the Philippines for her wedding. Kilala mo ba ang papakasalan niya?”
Nag-angat ng tingin si Lyla sa kapatid. “What? I mean, yeah, I’m familiar with that man. But, bakit ka umuwi? Her wedding is in the next two months. Ang aga mo naman yatang nandito. Are you excited?”
Umismid si Bella sa kanya. “Excuse me? Why would I feel excited about her upcoming marriage? Kung ako lang, ayokong maikasal ulit si mommy. She’s already what? Forty-nine? Tapos may gana pa siyang magpakasal?”
Humugot ng malalim na hininga si Lyla at tumingala sa kisame. “Hindi rin naman ako sang-ayon sa kasal nila, e. I don’t like that man’s vibe. Pero anong magagawa natin kung ‘yon ang gusto niya, ‘di ba?”
“You’re right,” sang-ayon ni Bella. “Kung sana hindi mo siya tinulungan sa pag-asikaso sa divorce nila daddy, e ‘di sana hindi siya magkakaroon ng lakas ng loob magpakasal ulit.”
Mariing pinikit ng dalaga ang kanyang mga mata at bumuntong hininga. “Because that’s what I should do. And I think mom is better off marrying someone than being tied to that asshole.”
Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa ng kanyang kapatid. Dahan-dahang dinilat ni Lyla ang kanyang mga mata at tumingin sa kanyang kapatid na busy sa cellphone. Kaya pala tumahimik. Mahina siyang napailing rito.
“How’s school?” bagot na tanong niya sa kapatid.
“Fine,” Bella replied. “But, Ate. What if we ask mom? Like, temporarily postponing their wedding para naman makilala mo ang lalaking papakasalan niya?”
“Ko?”
Bella nodded. “Yes, ikaw lang. May I remind you that I am still studying. Pumarito lang ako para sabihan ka na ipagawa ako ng magandang dress para sa kasal nila mommy. Hindi ako nandito kasi excited ako sa kasal niya.”
Bahagyang napaisip si Lyla sa suggestion ng kapatid ni Bella at napagtantong tama ito. Maybe she should really go there to personally and formally meet this man her mom is going to marry. Baka kasi hindi ito mapagkakatiwalaan.
“What if masama pala ang ugali ng mapapangasawa ni mommy? I suggest you to go there na lang, Ate. Meet him, know him. And if he’s worth it to be our stepfather, then let the wedding happen.”
Napahilot siya sa kanyang sintido. Bella has a point. Well, lahat naman ng salitang lumalabas sa bibig ni Bella ay may point dahil nag-aaral ito ng political science sa Harvard. Baka masapok niya ito kung mag-la-law pero walang kwenta ang lumalabas sa bibig.
“Pag-iisipan ko muna, Bella. Marami akong trabaho ritong maiiwan kung sakali,” she said.
“Mas importante pa ba ngayon ang trabaho mo?”
Napanguso si Lyla at sinamaan ng tingin ang kapatid. “Let me remind you that this business─”
“─is paying for my school tuition fees. I know, I know,” pagpuputol sa kanya ng kapatid.
Mahina siyang napailing dito at muling pinikit ang kanyang mga mata. Siguro bukas na lang niya iisipin ang lahat ng ito. For now, she needs rest… and a cold shower.
“DAMN. DIDN’T SEE that coming,” natatawang kantyaw sa kanya ng kaibigang si Stone matapos siyang makatanggap ng sampal mula sa babaeng basta-basta na lang nanghahalik sa kanya.
He clenched his jaw first before lifting his gaze at the woman making her way out of the bar. Mahinang napailing si Lucifer. This is the very first time someone slapped him for a kiss. At hindi pa siya ang nauna sa halik na ‘yon, ah. It wasn’t him.
Muli siyang umupo sa stool. Pupunta sana siya saglit sa VIP room para manigarilyo ngunit naudlot ‘yon dahil sa isang estranghera. Nilingon niya ang grupo kung saan galing ang babaeng ‘yon at agad niyang nakilala ang isa sa mga nandoon.
“What is Alcantara’s woman doing here?” tanong ni Stone na mukhang nakatingin sa pwesto ng mga modelo.
Nagkibit balikat si Lucifer at pinulot na ang folder na sinadya niya pa talaga sa bar na ito. Pano ba naman kasi, ito ang napiling lugar ni Stone dahil mas malapit ito sa condo na kinatitirhan nito.
“I’ll go ahead. Thanks for this,” bagot niyang sambit sa kaibigan saka siya muling tumayo at umalis na ng bar.
Pagkapasok niya ng kanyang sasakyan ay agad niyang binuksan ang folder. Unang bumungad sa kanya ang information tungkol sa mapapangasawa ng kanyang ama. Isa-isa niya itong binasa at tumigil ang kanyang mata sa pangalan ng mga anak nito.
“Mirabella and Lyla Bliss,” he murmured.
Lucifer flipped the pages and Lyla Bliss personal information came into view. Agad na nangunot ang kanyang noo nang makita ang litrato ng dalaga. Kinuha niya agad ito mula sa pagkaka-clip sa papel at tinignan nang maigi ang mukha.
It was her!
Ito ‘yung babaeng nanghalik sa kanya kanina at agad siyang sinampal. His lips parted a bit thinking how small their world is. Sa dami ng babaeng makakasalubong niya ngayon gabi, ito pa talagang anak ng mapapangasawa ng kanyang ama.
“Hmm, interesting.”
Sa halip na impormasyon tungkol kay Shirley Abrenica ang kanyang sadya, mas naging interesado pa siya kay Lyla Bliss. Hindi niya alam kung bakit nakuha nito agad ang interest niya.
It says that she the owner of Lyla’s Jewelry, isang sikat na jewelry brand na madalas hinihingi ng kanyang mga babae. It’s funny to think na ang isang jewelry owner ay wala man lang kwintas na suot kanina.
At dahil kay Shirley nakapokus ang documents ay kakaunti lamang ang information tungkol kay Lyla Bliss dahilan para makaramdam siyang frustration. Now he’s curious about her. Something in that woman that caught his attention with just one kiss.
Mahinang napailing si Lucifer at hinanap ang kanyang phone. He immediately dialed his father’s number. Nakakalawang ring pa lang ay agad na sinagot ng ama ang kanyang tawag.
“What?” bungad ng kanyang ama. “Why are you calling in the middle of my meeting?”
“Meeting with your damn horse?”
Humalakhak ang kanyang ama. “Why are you calling me? I’m off to the Philippines. Papasakay na ako ng eroplano.”
He pursed his lips. “I want to get to know her.”
Dumaan ang nakakabinging katahimikan sa kanilang dalawa ng kanyang ama. It took his father a minute before he replied.
“Are you drunk right now?”
Napairap siya sa tanong ng ama. “What kind of dumb question is that?”
Mahina itong natawa. “Nothing, son. It’s very unusual of you to get interested with my personal affairs. But, okay. I’ll tell her.”
Napangisi siya sa narinig. “Great. Uuwi ako ng Pinas sa susunod na linggo.”
“Bakit? Saan ka pa ba pupunta?”
“None of your business.”
Hindi na niya hinintay pang sumagot ang ama. Lucifer immediately ended the call and drove off. He wanted to get to know that woman more. Kaya naman hindi niya hahayaang makawala ang pagkakataong ito.
Not today, Lyla Bliss Tolentino…
“SIGE NA, ANAK. PLEASE?”
Humigpit ang pagkakakahawak ni Lyla sa kanyang ballpen habang nakikinig sa kanyang mommy na kasalukuyan niyang ka-video call ngayon. This is the second day na tumawag ang kanyang mommy para kumbinsihin siyang umuwi ng Pinas.
“Nasabihan na ako ni Bella and I agree, anak. You can come here to meet Hades. Para rin malaman mo kung ano siya. Please? Hindi mo ba ako pagbibigyan?”
Napairap si Lyla sa tinig na gamit ng kanyang mommy na ginagamit ngayon. Hanggang ngayon kasi ay iniisip niya pa kung sasang-ayon ba siya sa kanilang usapan ni Bella, or more like sa plano ni Bella.
“But, Mom. I have a lot of works to do,” she said.
Her mother pouted. “Anak, consider this as a vacation for you. Simula nang maitayo mo ang kompanya mo ay halos hindi mo na alam ang salitang pahinga. Have a vacation for a while, Lyla. Sige na, please?”
She pursed her lips. Tama ang sinabi ng kanyang mommy. Hindi na siya nakapagbakasyon magmula nang maitayo niya ang kompanya niya. She needs to be a hands-on CEO to her own business. The last thing she wanted to happen is for her business to collapse.
Humugot siya ng malalim na hininga at tumingin sa kanyang mommy. “Okay, fine. But just for a week, Mom.”
“No, not a week. A month. Please?”
Lyla tilted her head a bit. A month? It’s like four weeks, ‘di ba? Siguro naman hindi na masyadong matagal ‘yon.
Napahilot na lang si Lyla sa kanyang sintido at mahinang napailing. “Okay fine. Four weeks. Is that enough?”
Kitang-kita niya kung paano lumapad ang ngisi nito. “Yes, anak. That’s enough.”
Pinanood niya kung paano napangiti ang kanyang ina sa kanyang sinabi. And that made her happy as well. As long as her mother is happy, she’s happy as well.
Pinalibot ni Lyla ang paningin sa kabuoan ng paliparan. Lahat ay abala sa kani-kanilang ginagawa habang siya ay hindi alam kung ipagpapatuloy pa ba ang paghakbang palabas ng paliparan na ito. Walang ni isa sa kanyang mga kakilala ang alam na nandito siya… bukod sa isang tao.Bahagya siyang pakislot nang biglang mag-ring ang kanyang phone. Agad niyang sinuot ang kanyang dalang sunglasses at saka sinagot ang tawag ng kanyang butihing pinsan. “Hello?”“Where the hell you still at?” masungit nitong bungad.Mahinang napailing si Lyla. “Hindi ka ba marunong maghintay?”“You’re nothing special. Why the hell would I wait for you?”That made her smile. Doon na siya nagdesisyong humakbang para maglakad. She’s planning to surprise her mother that she’s already in the Philippines kaya naman agad niyang tinawagan ang nag-iisang pinsan niya rito sa Pinas.“Because I am Lyla Tolentino, duh?” she sarcastically replied. “Anyways, I’m heading out now.”Habang kausap ang pinsan sa telepono at hindi niya
She tilted her head and bit her lower lip. Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang lalaking hinalikan niya sa New York! Pero baka naman magkamukha lang? Maybe she’s just overthinking things. Sobrang coincidental naman siguro kung ito nga ang lalaking hinalikan niya.And she was drunk that time, okay? Hindi siya sigurado sa kanyang nakita. Baka sadyang namamalik-mata lang talaga siya. It would be really so awkward kung ito ang lalaking nakahalikan niya, ‘di ba?“It’s so nice to finally meet you, Lyla.”Wala sa sarili siyang napatingin sa lalaking may edad niya. It was Hades, ang gustong mapangasawa ng kanyang ina. She wanted to smile to him but she can’t help not to look at the handsome man beside him.Sa tindig at postura nito, mahahalata ang pagiging arogante nito. At sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ng pagkairita si Lyla. She hates men who thinks high of themselves. Lalo na ‘yung mga nagiging customer niya na gustong bigya ng regalo ang kanilang mga babae.“Lyla?” pukaw ng kanyan
TAHIMIK NA NAKAUPO SI Lyla sa egg swing sa loob ng silid habang ang kanyang mommy ay nakaupo sa kama na dalawang hakbang laman ang pagitan niya at ng kama kaya naman kitang-kita niya ang ekspresyon ng kanyang ina.“What is it, Mom?” bagot niyang tanong. “Kung wala ka pong sasabihin, matutulog na ako.”“I love your Tito Hades so much, Lyla.”Wala sa sarili siyang napatingin sa ina at seryoso itong nakatingin sa kanya na para bang inoobserbahan ang kanyang ekspresyon. She bit her lower lip and looked away.“I know,” she mumbled.“That’s why I want you to be civil on him,” sambit nito. “Anak, your Tito wants to have a daughter. Kaya naman laking tuwa niya nang malaman niyang puro babae ang anak ko.”Nangunot ang kanyang noo at tumingin sa kanyang ina. “Bakit? Sawa na siya sa anak niyang si Satanas?”Pinandilatan siya ng mga mat anito at mahinang umiling. “Lyla, don’t say that.”“Bakit? I’m just telling the truth, Mom.” Her jaw clenched and she gritted her teeth. “Sobrang nakakairita ng l
NAGMAMADALI SIYANG BUMABA ng hagdanan dahil kailangan niya pa palang magpara ng taxi dahil wala siyang sasakyan dito. Hindi rin naman siya masyadong waldasera para lang bumili ng bagong sasakyan na magagamit niya rito. Hindi naman siya magtatagal. Pagkababa niya ay naamoy niya ang mabangong aroma mula sa kusina. She bet her mom is making breakfast. Kaya naman agad siyang nagtungo rito para sabihin sa labas na lang siya kakain. Hindi kasi siya kumakain ng agahan, diretso brunch siya after coffee. Ngunit pagdating niya sa kasina ay natagpuan niya ang kanyang ina na nakaupo sa isang silya at na sa malalim na pag-iisip. Her eyes then landed on the frying pan and saw the burning chicken nuggets. Agad siyang lumapit dito at ini-off ang stove. She then turned to her mom and noticed her still spacing out. “Mom?” she called her attention. Saka pa lang ito napakurap-kurap at tumingin sa kanya. Shirley immediately smiled at her and stook. “Anak, nandiyan ka na pala. Are you heading out?” Lyl
“Seriously, hindi pa rin talaga ako makapaniwalang nandito ka na sa Pinas,” sambit ni Jona habang busy kakasubo ng cake na ini-order nito. Umangat lang ang kanyang kilay rito at bumuntong hininga. “Me too.” “I mean, you always say no when the country mentions Philippines. You hate this country so much.” “No,” she said and smiled. “I don’t hate the country at all. But the people living in it… so much.” Bahagyang natahimik si Jona sa kanyang sinabi. Lyla took a sip on her coffee and leaned against the back of her chair. Ibinaling niya ang tingin sa labas ng glass wall kung saan kitang-kita niya ang mga taong dumadaan. Some are taking a jog, while others are running their errands. She took off her sunglasses and bit her lower lip. Ibang-iba talaga ang Pinas, ang bansang ito, kaysa sa bansang humubog sa kanya. Minsan nga ay hindi niya lubos maiisip na makakaalis siya sa bahay na ito at magbagong-buhay sa ibang bansa. Usually, it takes someone to marry someone living in that country i
Napayakap si Lyla sa lamig nang umihip ang hangin. It’s raining hard and she’s waiting for Lucifer to come back kasi ang sabi nito ay kukunin nito ang kanyang kotse sa parking lot. Ayaw pa nga nitong pumayag na maiiwan siya rito ngunit masyadong malakas ang buhos ng ulan at kung tatakbo sila ay malaki ang tiyansang madulas siya. Bakas ikaaksidente niya pa. She roamed her eyes all over the place. Ang mga taong nandito kanina ay nagsipasukan dahil sa malakas na buhos ng ulan at ang tanging natitira na lamang dito ay siya at ang dalawang bouncer. Kaya naman okay lang sa kanya ang maghintay rito kay Leon. After visiting one of her branches here in Manila ay agad siyang inaya ng kanyang kaibigang si Erron para mag-bar hopping and their last stop is here, sa Devil’s Place. Funny to think na rito niya pa nakasalamuha ang tulad ni Lucifer na pangalan pa lang, Satanas na. To be honest, she wanted to go back inside the bar. Ngunit masyado na siyang nahihilo sa halo-halong alak na kanilang nai
Naalimpungatan siya nang maramdaman niyang may tumapik sa kanyang pisngi. Dahan-dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang mukha ng lalaking labi niyang kinaiinisan. She immediately frowned. “Get up. You’re not a fvcking princes to be carried,” saad nito saka ito umalis at iniwan siya roon. She roamed her eyes around the place and bit her lower lip. Na sa garage na siya ng bahay nila ni Hades at mukhang nakauwi na sila. She lifted her arm to check the time. Humugot siya ng malalim na hininga at bumangon na. Chineck din ni Lyla kung anong oras na at ganoon na lang ang pag-angat ng kanyang kilay nang mapansin niya ng alas kwatro na ng umaga. Isa-isa namang bumalik sa kanyang isipan ang mga nangyari kanina. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at hinawakan ang kanyang pang-ibabang labi. Hinalikan siya ni Lucifer kagabi at nag-init siya? Yuck, iw! Labis na pandidiri ang nararamdaman ni Lyla dahilan para marahas siyang humakbang palabas ng sasakyan na nakalimu
Tahimik niyang inubos ang sopas na bigay ng kanyang ina sa kanya. She must admit that it tastes so damn good. Kaya naman naubos niya agad ito. Napangiti naman ang kanyang ina sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok. After eating, Shirley handed her the tablet to take and a glass of water. Tipid niya lang itong nginitian at tinanggap ito saka ito ininom. She bit her lower lip and handed back the glass to her mother. Tipid siyang ngumiti rito at sumandal sa headboard ng kama. “Are you feeling better now? Shall I ready the warm water?” tanong nito sa kanya. She nodded her head. “Yeah, a little better. But no, I can do that, Mom. Don’t worry about that.” Ngunit umiling ito sa kanya at ngumiti. “No, anak. I want you to rest and let me ready the tub for you. What do you want me to add on the water? Vanilla oil? Milk?” Mariing kinagat ni Lyla ang ibabang labi at bumuntong hininga. Mukhang wala na siyang pagpipilian. Aaminin niya rin na medyo nahihilo pa rin siya kaya naman wala siyang iba
“NAKAHANDA NA BA ANG lahat?” tanong ni Lin sa hindi mabilang na beses. Mahinang natawa si Pammy na tanging responde nito sa tanong ng kapwa niya sekretarya. Hindi na lang ito pinansin ni Lyla at muling nag-scroll sa kanyang hawak na tablet. It’s been six months. Yes. She has to move her design launching for six months kasi hindi niya pa kayang humarap sa maraming tao habang sa loob-loob niya ay gulong-gulo pa siya. It took her a lot of sleepless nights thinking what’s wrong with her. Kung bakit ganoon ang mommy niya. And luckily, her father sends her flower every time she feels down or anything. Kahit papano ay nararamdaman niyang hindi siya nag-iisa. She took a very deep breath and caressed her tummy. It took her a lot of courage to finally reschedule her design launching. At sa totoo lang, kinakabahan siya. Alam niyang maraming magkukwistyon sa kanya tungkol sa tiyan niya at tungkol kay Lucifer. “Grabe. Parang hindi pa seven months si baby,” sambit ni Lin habang nakatingin sa kan
Nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak ang panyong may burda ng pangalan na hinding-hindi niya makakalimutan. Her heart is beating erratically and she wanted to cry. Sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang dibdib ay halos mahirapan na siya sa paghinga. Luciann… Nanghihina siyang napaupo sa lapag at humikbi. Hindi siya maaring magkakamali. This hanky is his. Pinagawa niya ito sa manugang ni Daylinda nang mapagdesisyunan niya ang pangalan ng kanyang anak. Sa ganoong pagkakataon siya naratnan ng taong bumukas ng pinto ng silid ni Lucky. She covered her face with her palm and sobbed silently while holding the hanky. Agad naman siyang dinaluhan ng taong pumasok sa silid at huli na nang malaman niyang si Lucifer ‘yon. “What happened? Are you okay?” he asked. She looked up at him and cried even harder. Mabilis naman siyang binalot ng binata sa isang mahigpit na yakap. Pinikit ni Lyla ang kanyang mga mata at umiyak nang umiyak. Pakiramdam niya ay nabuksan ang sugat sa kanyang puso na
A month had passed. Sa susunod na araw ang launching ng design na dahilan ng pagkakulong ni Zaylee ngayon. Yes, she’s in prison right now. Akala niya nga ay tutulungan ito ni Lucifer ngunit mukhang nagkamali siya. “Mommy, are you really gonna leave?” tanong ng bata habang nakatingin sa kanya. “I’m going to mis you.” Napangiti siya sa sinabi ng bata. Tinotohanan ni Lucifer ang sinabi nitong hindi ito magpapakita sa kanya. It’s been a month since she last time saw him. Nandito na siya nakatira sa bahay ni Lucifer ngayon at masasabi niyang nagiging komportable na siya rito. Malaki ang naging tulong ni Lucky para kahit papano ay maaliw siya sa bahay. Ngunit sa isang buwan na ‘yon, hindi pa rin niya mabanggit sa kanyang ina ang tungkol dito. Sure as hell, her mother will be overly dramatic again. “Yes, baby.” Tipid siyang ngumiti rito. “I don’t think your father will let you come with me.” Kasi sa totoo lang, gusto niyang makasama si Lucky pabalik sa New York. She wanted to introduce h
Hindi niya alam kung ilang oras na siyang umiiyak ngunit wala siyang pakialam. Wala rin siyang pakialam kung dala ng kanyang lungkot at pagkalasing ay nagha-hallucinate na siyang si Lucifer ang kanyang kaharap ngayon at nagpapakalma sa kanya.All she knew is that… she feels a little better. Pakiramdam niya ay nakunan ang sakit na kanyang kinikimkim sa dibdib. This is really a big help. Niyakap siya nito nang mahigpit na mas lalong nagpaiyak sa kanya. She bit her lower lip and closed her eyes. Maybe this is her hallucination. Maybe she’s just longing for him to comfort her. Kasi ganon naman lagi, e. Yung tipong ‘yung taong nanakit sa ‘yo ang nais mong magkomporta sa ‘yo.And because of crying so hard, Lyla didn’t notice she passed out. Nagising na lang siya nang maramdaman niyang may magaang kamay ang dumampi sa kanyang pisngi. She slowly lifted her eyelids and the moment she saw him, she closed her eyes again.Napahawak siya sa kanyang ulo. Lasing pa ba siya? Dalawang bote lang naman
Tulalang nakatitig si Lyla sa kanyang hawak na papel. Hatinggabi na ngunit hindi siiya makatulog kakaisip kung aalis na ba siya sa bansang ito o bisitahin ang kanyang kapatid na nasa ospital. It’s funny to think that she’s worried about someone who doesn’t seem to care about her. Mariing kinagat ng dalaga ang ibabang labi at humugot ng malalim na hininga. Kasi sa totoo lang, gusto niya ring makita ang kanyang ama. After hearing what her father was up to during those times she thought she suffered alone makes her feel bad. And the only thing to make her feel better is to apologize to him in person. She closed her eyes and dropped her body on the bed. Dinilat niyang muli ang mga mata at tumitig sa kisame; iniisip kung ano ang kanyang dapat gawin. Gusto niyang tawagan si Bella ngunit ayaw niya namang abalahin ito sa pag-aaral dahil sa kanyang pag-o-overthink. “Damn,” she murmured and rolled her eyes. Minsan napapaisip siya kung bakit ganito kabait ang puso niya. Inaamin niyang mas nat
Inayos ni Lyla ang buhok ng bata at ngumiti rito. Kakarating lang nila rito sa Manila at hindi pa rin sila nagkakausap ni Lucifer. She’s dying to know more about Britanny’s conditions because it seems very serious. Ngunit ano nga ba ang magagawa niya ngayon bukod sa tumunganga rito?She must admit, she’s worried. She’s worried kahit na hindi alam ni Britanny na kapatid siya nito. Ngunit maiiwasan niya bang makaramdam ng ganito?“Is there something troubling your mind, Mommy?”Wala sa sarili siyang napatingin sa batang nakatingin sa kanya. Nakakunot ang noo nito at mukhang nais nitong malaman kung ano ang bumabagabag sa kanyang isipan. Pinilit na lang ni Lyla ang ngumiti rito.Alam niyang matalino ang bata ngunit ayaw niyang damayin ito sa pag-o-overthink niya.“Nothing, anak. There’s nothing.” Tipid siyang ngumiti rito. “Do you want to go home na?”Ngumuso ito at niyakap ang kanyang paboritong stuffed toy na lagi niyang dala kahit saan. Kaya minsan ay tig-tatatlong bagahe ang kanyang
Titig na titig si Lyla sa binata habang kausap si Britanny sa kabilang linya. Sumikip ang dibdib ni Lyla sa kaalamang si Britanny ang kausap nito. She must be very important to him. Sa pagkakaalam niya, sinabi ni Lucifer sa kanya na nasa binata ang phone niya. They’ll spend their week here bonding with each other. But then… sinagot pa rin nito ang tawag ni Britanny. But what is she complaining about? Siya itong nagsabi rito na sagutin ang tawag tapos siya pa ang makakaramdam ng ganito. At isa pa, sino ba siya sa kanyang tingin param magselos nang ganito? Yes, she must admit it, she’s freaking jealous. Pero wala na siyang magagawa pa. At dahil nakatitig siya sa binata, kitang-kita niya kung paano umiba ang ekspresyon nito sa mukha kaya pati siya ay nakaramdam ng pagkabahala. He looked at her and she looked back at him with a confused look. “Okay. Give me an hour.” Hour? Nang matapos ang kanilang usapan ay agad itong tumayo at tumingin sa kanya. Nalilito siya sa mga kilos nito at
“Ang sakit ng ulo ko,” reklamo niya sa binata. Mahina itong natawa at nilapitan siya. Nakasimangot lang siya rito habang ang binata ay panay ang tawa. Tumatawa ring lumapit sa kanya si Lucky at yumakap sa kanyang beywang. Nandito sila sa Rock Pools, ang kanilang huling destinasyon sa araw na ito. Dalawang araw na lang ang natitira at babalik na sila sa Maynila. And to be honest, parang ayaw niya nang umalis. She wanted to stay here forever with Lucifer and Lucky. Never in her life felt this much contentment. Ngayon lang. And sadly, fate will take them away again. “Masakit pa?” tanong ni Lucifer nang halikan nito ang kanyang ulo. Paano ba naman kasi, hindi niya alam na mayroon palang bato roon sa pwesto kung saan siya nag-dive. Mabuti na lang at hindi masyadong malakas ang impact ng pagkakauntog niya. Sapat lang para hindi siya magkabukol. “Mommy, why are you wearing shirts? Why don't you wear bikinis like them?” Sabay turo ni Lucky sa mga babaeng nakasuot ng bikini. Nag-angat si
Tumitig siya sa kawalan at humugot ng malalim na hininga. Hindi pa rin naalis sa kanyang isipan ang tagpo nila ng Lola ni Gio kanina. She didn’t expect to see them here. Masyado na sigurong maliit ang Pilipinas para magtagpo ang kanilang mga landas. “That’s the sixth deep breaths I heard from you.” Hindi niya na pa kailangan lumingon kung sino ito. Tumabi ito sa kanya ng upo ngunit hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa kawalan. Masikip ang kanyang dibdib at nalulungkot siya. Sino ba namang hindi makakaramdam ng lungokot, ‘di ba? Malapit nang mag-isang dekada nang mawala si Gio pero hanggang ngayon pala ay sinisisi pa rin siya ng pamilya ng mga ito. Hanggang ngayon ay galit pa rin ang na sa puso nila kapag nakikita siya o nababanggit man lang ang pangalan niya. “Forget what they said,” mahinang usal ni Lucifer. Mapait siyang napangiti at tumingala sa kalangitan. “I tried. I’m trying. But I don't think I can. Even their words they told me nine years ago is still in my head. Those