Umugong ang tenga ko nang isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi na nagdulot ng awtomatikong pag-atras ko. Nalaglag naman ang panga ko nang hawakan ang kanang bahaging parte nito nang makaramdam ng pag-kirot na paniguradong nagkaroon pa ng bakas.
“Huwag ho, maawaa na kayo!"Sa kabila ng panginginig ng buong katawan ay hindi ko inaasahan ang pag-bukas ng bibig ko para magmakaawa.Nagmistulang kutsilyo ang titig nito sa akin. Naliligo sa pawis ang mga palad ko nang ikapit ko ito sa kabilang braso.“Maawa? Naglolokohan ba tayo rito? Ikaw ba, naawa ka ba sa ‘kin nong ipinahiya mo ako kanina sa labas? Wala ka talagang magandang dulot sa akin!"Halos mapatalon ako sa pagkagulat nang marinig ang mala-bombang sumabog na bulyaw nito sa akin. Sumulyap ako sa mga bubog na nagkalat sa sahig at mariing namang napalunok nang magtama ang paningin naminh dalawa.Yumuko na lamang ako. Hindi ko kayang titigan ng matagal ang mga mata nitong mas masahol pa sa kumukulong tubig ang init.“Pasensya na po, hindi ko po talaga sinasadya na masunog ang ipinaluluto ninyo," panghihingi ko ng despensa.Nakararamdam ako ng paninikip ng dibdib sa takot.Bago pa man ako tumingin aa kaniya'y isang kamao naman ang lumipad sa mukha ko dahilan para tuluyan akong bawiin mula sa pagkakatayo.Halos sumabog na ang dibdib ko sa lakas ng kabog na nanggagaling sa wasak kong puso. Nagdidilim ang paningin, hinugot ako ang natitirang lakas para kaagad na makatayo nang makarinig ako ng mabibigat na yabag mula sa kaniyang sapatos at marahang umatras papalayo sa kaniya.“Huwag po ninyo akong saktan," ani ko.Sapilitan akong napahinto sa pag-atras nang maramdaman ang paghampas ng likod sa matigas na pader. Kahit pa ayaw ay wala akong nagawa bukod sa buksan ang mga mata para harapin siya.Nakita ko pa ang paglagok nito sa bote ng alak bago pa muling ibinaling ang paninging hindi ko gugustuhing makita kung mayroon lang akong pagpipilian.Nasunog ko lang naman ang ipinaluluto niyang pulutan. Alam naman niyang hindi ko sinasadyang gawin iyon dahil natabunan ako ng ga-bundok na mga gawain. Ang lahat naman ng iyon ay mga pag-uutos nila.Hindi rin naman siguro nila ako masisisi kung naiwan kong nakabukas ang kalan dahil inuna ko sila, ‘di ba?“Pasensya? Sa tingin mo ba'y maaayos n'yan ang lahat? Napahiya na nga ako sa mga bisita, nagsayang ka pa ng pagkain!" natigilan ako nang marinig iyon. Tila ba, walang kapatawaran ang ginawa kong kasalanan base sa pagkakasabi niya.Naramdaman ko ang mainit na likidong tumulo mula sa noo ko, gamit ang palad ay marahan ko itong pinunasan. Naghahalong dugo at pawis ang nakita ko nang tingnan ko kung ano ito.Nanatili akong tahimik, hindi alam kung saan ilulugar ang paningin. Tila kakainin ako ng sistema sa t'wing ibinabaling ko ang paningin sa mga nasayang na pagkain.Isang malakas na sigaw ang napakawalan ko nang maramdaman ang paghila nito sa buhok ko papalapit sa kaniya. “Wala kang kwenta!" bulyaw nito sa tenga ko.Ramdam ko ang pagpipigil nito sa sarili ngunit nasasaktan pa rin ako sa pagsabunot niya kaya't walang dahilan para maipanatag ko ang kalooban. Tuluyang sinakop ng naghahalong amoy ng alak at bagoong mula sa kaniyang bibig ang ilong ko dahilan para mapasinghap ako ng hangin.Bumagsak ang katawan ko sa malamig na sahig nang bitawan niya ang pagsabunot sa buhok ko. Naglakas ako ng loob para tapunan siya ng tingin sa kabila ng panlalabo ng paningin.“A-Ano ho ba ang gusto ninyong gawin ko? Lumuhod sa harapan ninyo para lang mapatawad mo ako? Tao lang din ho ako't nagkakamali!"Ipinatong niya ang kamao sa beywang at nakalolokong tumingin sa akin. “Huwag na, kulang na kulang pa ‘yang pinagsasabi mo at gusto mong gawin ko?" sigaw niya matapos ibato sa akin ang hawak na bote. Mas'werte pa rin ako dahil nakuha kong umilag doon. “Maghanap ka ng trabaho dahil wala nang saysay kung bakit binuhay pa kita." dagdag pa niya.Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nagpaulit-ulit sa isipan ko ang mga masasakit na salita nitong niyuyurakan ang pagkatao ko.Nagsimula akong maghanap ng pagkakakitaan noon para lang matustosan ang kanilang mga bisyo ngunit siya pa ang may lakas ng loob para sabihin iyon?“Hindi pa ho ba sapat na ibigay ko ang lahat ultimo ang sarili kong buhay para lang maging mabuti sa paningin ninyo?" nanginginig ang boses kong nagtanong.Umiling lamang ito sa ‘kin bilang kasagutan.Nagmistulan akong binuhusan ng malamig na tubig nang magsimula kong maramdaman ang panginginig ng katawan. Pasimple akong dumampot ng bubog malapit sa ‘kin, magagamit ko ito para madepensahan ang sarili kung sakaling mayroon pa siyang binabalak na gawin.“Tangina, Brando! Ano na namang ginawa mo?"Nakarinig ako ng pamilyar na tinig mula sa hindi kalayuan na nagnakaw ng atensyon ko kaya't minadali ko ang sariling sumulyap dito.“I-Inay..." utal ko. Mariin akong napapikit nang yapusin niya ako ng mahigpit. Marahan kong pinunasan ang luhang tumulo mula sa mukha ko gamit ang nanginginig na palad.Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at marahang hinila para tulungan akong maibalik sa pagkakatayo. “Brando, tangina! Ginawa mo ang lahat ng ito dahil d'yan sa nasunog ninyong pulutan? Ang babaw mo!"“Wala kang alam sa kahihiyan na ginawa n'yan kaya tumahimik ka!" bulyaw naman nito. Nanginig ang katawan ko nang muling makarinig ng pagkabasag ng isang bagay.Pinunasan niya ang mukha ko. “Pasensya ka na't nahuli ako ng dating. Umalis na tayo rito, halika sa salas para magamot ko ‘yang sugat mo." aniya. Marahan pa niyang inayos ang nagulong buhok ko.“D'yan ka na muna't kukuha lang ako ng gamot, ah? Babalik ako," saad niya nang makaupo ako sa upuan. Nakita ko pa siyang nagpailing-iling matapos tumalikod sa akin.Naiwan akong nakatulala. Hindi ko mapigilan ang sariling alalahanin ang nangyari kanina.Oo na't nagkamali ako, ngunit hindi ko malaman kung bakit ganoon na lamang ang galit niya sa akin, magmula pa nang mapunta ako rito. Simula noon, lagi na lang niyang ibinubunton sa akin ang mga pangarap niyang hindi naabot.“Malas ka, namatay ka na lang sana," saad ko sa isipan. Ito ang mga katagang lumalabas sa kaniyang bibig kapag galit na siya sa akin noon.Hindi ko makalilimutan ang lahat nang ‘to. Inilulugmok niya ako sa komplikadong sitwasyon para mas lalong maghirap.“Ano ba kasing nangyari, Isabelle?" mabilisan niyang nakuha ang atensyon ko nang makarinig ng pagkabahala sa tinig niya.“Pinagtawanan ho kasi siya ng mga kaibigan niya nang tikman nila ang adobo na iniluto ko. Hindi ko naman ho inaakalang sunog pala ang iniluto kong ‘yon," ani ko. Napalunok ako matapos sabihin sa kaniya ‘yon.Napangiwi na lang ako nang simulan niyang idampi ang bulak na may alcohol sa sugat ko. Nagsimula na namang umipon mula sa gilid ng mga mata ko ang mga luha na sa kahit anong oras ay maaari na namang kumawala.“Pagpasensyahan mo na lang ha, alam mo naman ang ugali n'yan. Nag-usap na nga kami patungkol sa panana–”Nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagkagulat sa sinabi niya. Naramdaman ko rin ang paghinto ng kamay niya. Blangko lang ang mukha niyang nakatitig sa akin.“K-Kinausap? Inay, bakit ho?" utal kong nilinaw ang tanong na bumagabag sa isipan ko.Pinipigilan naman niya ang asawa sa t'wing nakikita niyang sinasaktan ako ngunit hanggang salita lang siya. Hindi rin naman tumitigil ito sa pagbunton sa galit sa akin ngunit ipinagtataka ko ang kaniyang sinabi dahil wala siyang lakas ng loob para gawin ang bagay na ‘yon kapag sila lang dalawa ang magka-usap.“Wala. Pagkatapos ng maraming taon na nakikita kitang sinasaktan niya, gusto ko namang maranasan mo ang pagmamahal niya bilang isang ama." sagot niya. Mataman pa niyang hinihimas-himas ang buhok ko.“Sa tingin niyo ho ba ay tatanggapin niya ako bilang anak niya? Natatakot ho ako sa gusto niny–"“Matilda, halika nga rito!" boses ng tiyuhin ko ang nagwagi mula sa looh ng kwarto. Nagtama ang paningin namin ni Inay.”Hay naku, magpapabili na naman ‘yan ng sigarilyo," aniya habang kinakamot ang ulo. “Oh siya, maiwan muna kita, ha?" paalam niya sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot.Ibinaba niya ang mga hawak sa mesa't nagmadaling pumunta sa kinaroroonan nito.Nanatili akong nakatahimik sa upuan, sinusubukang isipin kung bakit siya nagmamadali.Kinuha ko ang salamin at marahan itong itinapat sa mukha ko. “Hindi ito ‘yung pinapangarap mo," saad ko sa sarili habang binibigyan ng mahihinang sampal ang pisngi.Dinadalangin kong sana ay magising na sa bangungot ng kahapon.Sinuklay ko ang buhok habang pinagmamasdan ang miserableng inabot ng pagmumukha ko. Napakunot ako ng noo nang mayroong bagay na kumalabog sa sahig mula sa kwarto.“Nagpapalason ka na naman sa babaeng ‘yan, sa akin ka makinig. ‘Wag kang magpanggap na mabuting tao d'yan. Tangina, alam kong timawa ka rin sa pera kaya ‘wag mo nang pag-isipan ‘yan dahil napakalaking halaga nito, sapat na para maiahon tayo sa putikan!"Ang buong akala ko'y panandalian ko nang makalilimutan ang nakadadalang gabing ito ngunit mas naging paralisa ako nang marinig iyon.Wala akong nagawa kundi kagatin na lang ang labi habang iniisip ang mga salitang narinig na tumatak sa puso‘t isipan ko.Ano bang pinag-uusapan nila?Nakakadiring isipin na handa silang gumawa ng ilegal para lamang kumita ng pera. Ano na naman kaya ang gagawin nila?Naibaba ko ang suklay nang magtama ang paningin namin matapos itong iluwa ng pintuan. Panandalian ko na lang ipinikit ang mga mata.“Nakuha mo pa talagang tingnan ako sa mga mata ko, ‘no? Tumayo ka d'yan at linisin mo ‘yang mga kalat bago ko pa ipakain sa ‘yo iyan." Tumango na lamang ako sa kaniya. Wala akong lakas ng loob para tingnan ang mga mata nito dahil halos bangungutin ako ng gising sa t'wing nakikita ang madilim niyang mukha.Nakatatak na roon sa mala-aso niyang mukha ang kasamaan.Kahit kailan. Kahit alam naman niyang wala akong ginagawang masama ay ganito ang pakikitungo niya sa akin. Mas masahol pa sa demonyo ang ipinakikita nitong ugali sa akin. “P-Pasensya na ho ulit," mahinang bulong ko. Pinakinggan ko lang ang tunog ng mga mabibigat na hakbang nito hanggang sa makalayo sa akin.Inaamin ko na may kasalanan ako ngunit hindi ko lubusang maisip kung bakit halos ibunton niya sa akin ang lahat. Hindi naman niya kailangang parusahan ako ng ganito. Tumayo ako mula sa kinau
Naguguluhan ang isip ko nang marahan kong ibinalik ang paningin sa monitor at matamang pinagmasdan ang mga lalaking hayok na hayok sa laman. Humugot ako ng isang malalim na paghinga nang nagmistulang blangkong papel ang isipan ko. Hindi manlang ako nakapagsalita na animo'y tinakasan na naman ng boses.Delikado. Alam kong posibleng mangyari ito sa akin kung tatanggapin ko ang inaalok nito ngunit natatakot din naman ako sa kung anong pwedeng mangyari sa akin kapag umuwi akong walang napala.“Hoy, bruha ka! Huwag mong sayangin ang oras ko dahil kahit pa kinausap na ako ng tiyahin mo patungkol dito ay gusto kong sa ‘yo mismo manggaling ang desisyon. Mahirap na, madumi pa naman ang isip ng tiyahin mong si bruhilda!" Nakapameywang pa ito nang tapunan ko ito ng tingin atsaka mataray na hinawi ang buhok. Mariin na naman akong napalunok nang makita ang malalaking halaga ng perang ipinapamaypay niya sa sarili. Nagniningning ito sa aking paningin na kasing-tulad ng bituwin sa kalawakan. Hind
“Mga tarantado, magsilayas kayo rito!"Isang malakas na tinig ang pumukaw ng atensyon ko matapos kong makababa ng sasakyan. Mariin pa akong napapikit nang bulagin ako ng mataas na sinag ng araw.Kumunot ako ng noo at marahang tinapunan ng tingin ang kinaroroonan ng tinig. Nalaglag naman ang panga ko nang makita ang mga puto na nagkalat sa sahig.Nasapo ko ang dibdib nang panandaliang mapatingin sa paligid, hindi maipagkaka-ila na hindi nakakuha ng atensyon ang pangyayari. Hinigpitan ko ang hawak sa bitbit na bayong atsaka kumaripas ng takbo papalapit dito.“Okay lang ho ba kayo?" nag-aalalang tanong ko matapos itong pantayan ng upo. Nadurog ang puso ko nang magtama ang paningin namin ng matandang babae. Nakapinta sa mukha nito ang sakit. Hindi man lang ito kumibo sa akin at sinimulan ang pagpulot sa kaniyang mga paninda.“At ikaw na pokpok ka, anong ginagawa mo rito?"Suminghal ako nang marinig ang litanya ng babaeng unggoy sa harapan ko. Mataman kong kinilatis ang buong pagkatao nit
“Shit." dinig kong bulong nito.Maihahalintulad ko ang boses at pamimikas mito sa isang sundalo. Nakapalikod sa pananalita nito ang pagiging estrikto. Buong-buo ang boses niyang nanaig sa pandinig ko.Nakita ko pa ang pag-irap nito sa akin bago buksan ang pintuan at tuluyang sumakay sa kotse at simulang buksan ang makina nito.Nagmistulang dumaan ang anghel sa harapan ko dahil hindi manlang ako nakagalaw kaagad sa aking kinatatayuan. Pinagmasdan ko lamang itong bumarurot papalayo sa akin, wala salitang nakuhang kumawala sa bibig ko.Nabalik na lamang ako sa wisyo nang mapansing nakuha ko na naman ang atensyon ng mga tao sa paligid. Hindi katulad kanina'y mayroon ng hawak na telepono ang mga ito ngayon.Sa kagustuhang makatakas sa pinangyarihan ay kaagad akong kumaripas ng takbo papalayo sa lugar na ito.Nakaaawang mga tao dahil nagpapakain na ang mga ito sa sistema ng makabagong teknolohiya. Pabagsak akong naupo sa upuang kahoy. Hinilamusan ko rin ng tubig mula sa bote ang pagmumukha
Kasabay nang malakas na paghampas ng hangin sa mukha ko ang unting pagbuhos ng mga luha ko. Tila ba unti-unting kinikitil ang buhay ko nang minsan akong tumingin sa talampakang naliligo na sa dugo.Halos maging estatwa ako nang maramdaman ang mga kamay nitong marahang lumalayag patungo sa beywang ko.Nanlalamig ang buong katawan. Hindi ko magawang takasan ang reyalidad dahil animo'y nasa isang laro lamang ako na ako ang taya.Sa gitna ng kawalan ng pag-asa ay mariin akong napalunok na parang mayroong tinik na pumipigil sa akin para gawin ang bagay na ito.“H-Hindi kita maintindhan. P-Pasensya," Sapilitan akong napatingin sa kalawakan nang higpitan nito ang pagsabunot sa akin. Kitang-kita ko ang maliwanag na bituwin sa gitna ng kadiliman. Alam kong imposible ngunit sa puntong ito ay ipinapanalangin kong sana ay maging katulad din ako nito na kumikinang kahit sa gitna ng kawalan ng ilaw.“This isn't enough," saad nito na talaga nga namang pinagdiinan pa ang bawat salita.Hindi ko siya
Iginala ko ang paningin nang magkaroon ng lakas ng loob para harapin ang reyalidad. Alam kong walang magagawa ang pagdukdok ko rito. Sa puntong ito, kailangan kong magpanggap na matapang.Nakaharap ako sa isang malaking telebisyon na sapat na ang laki para makita ko ang repleksyon ng buong katawan. Mayroong itim na chandelier ang nakasabit sa gitna ng kwarto. Mahina lamang ang sinag ito, komportable ito sa aking paningin.Umalalay ako sa lamesa para makatayo.Tumingkayad pa ako para lamang makalakad.“Kailangan kong makatakas," saad ko sa isipan.Ito lamang ang litanyang tumatakbo sa aking isipan.Wala akong ibang paraang maisip kundi ang humanap ng paraan para makalabas sa silid na ito.Naiwan ko nga pala ang telepono ko. Malas!Ipinag-krus ko ang braso nang makaramdam ng lamig. Nababalot ako ng takot na unti-unting lumalamon sa sistema ko.Hindi ko alam kung saan ako dinala ng lalaking iyon. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na magagawa niya iyon sa akin, na may itinatago itong p
Malalim akong humugot ng hingin nang dumampi ang mga palad sa seradura ng pintuan. Nagdalawang-isip pa nga ako bago ko marahang binuksan iyon.Dumadagundong ang dibdib ko nang makitang walang tao sa loob ng silid. Marahan akong naglakad patungo sa couch at naupo na animo'y mayroong mababasag kung bibiglain ko ang kilos.Kinuskos ko ang mabibigat na talukap ng mga mata. Kulang na kulang ako sa tulog. Hindi ako pinatulog ng konsensiya ko kagabi. Takip ang bibig, marahan kong ibinuka ang bibig para humikab atsaka marahang iginala ang paningin sa bawat sulok ng silid.May kalakihan din ito kumpara doon sa kwartong tinulugan ko kagabi. Mayroong mga bookshelves ang nakapaikot sa kwartong ito dahilan para magmukha itong libraryo. Dumikit ang paningin ko sa desk nang balingan ko ito ng atensyon. Mayroong mga papel na nakapatong sa ibabaw noon dahilan para magtaka ako.Siya ngang napakadami ng trabahong ginagawa nito. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit siya ang kinikilalang pinakabatang bi
Namamawis ang mga palad ko siyang pinagmamasdan mula sa isang tabi. Tuluyan na niyang ibinunton ang atensyon sa pagbabasa ng hawak na libro habang ako naman ay naiwang nakatulala, iniisip pa rin kung anong maaaring kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa aking isipan.“Bakit ba andami mong nalalaman tungkol sa akin?" hindi ko inaasahang bubukas ang bibig ko para magsalita. Tumaas ang kilay nito nang tingnan ako pailalim. “I'm not the only one," sagot nito at padabog pa ngang isinara ang libro.Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Ano?" tanong ko.“You're known in this whole town, woman. After what happens, people are investigating about you." aniya. Madali nitong ibinalik ang atensyon sa hawak na libro at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Ilang saglit pa ay tuluyan na namang nilamon ng katahimikan ang buong lugar.Sirang-sira na pala ang pangalan ko. Kung ganoon naman ay ano pa ang silbi ko sa kaniya? Kilala na pala ako ng lahat, paano ko pa gagawin ang nakasaad sa pinirmahan ko
NOTE: SPG“Ba-Bakit mo ibinalik ang pera ni Mr. Vérmudez nang ganoon na lang? Ano bang nasa isip mo?" Ibinagsak ko ang katawan sa couch. Nang makaramdam ng pagbigat ng batok ay isinandal ko ito sa malammbot na unan na dagan-dagan ng aking likuran. Humugot ako ng malalim na hininga nang itaas ang tingin sa puting kisame. Mariin akong napapikit nang makaramdam ng paglabo ng paningin. “I don't need them." Narinig kong saad niya. Nang maibukas ko ang mga mata ay tumama ang paningin ko sa kaniya. Hinahagod ng matalim nitong mga mata ang buo kong pagkatao na para bang may ipinapahiwatig sa ‘kin. koIniayos ko ang upo nang maramdam upang nagsita asan ang iilang hibla ng buhok ko sa mga titig niyang iyon. Idiniretso ko ang likod at patagilid na tiningnan ang unan nang marahan itong bumagsak.koNagsalubong ang mga kilay kong kinilatis ang buong pagkatao niya. “Anong hindi? Sebastian, hindi man ako maalam r mga gan'yang negosyo ay alam kong kailangan mo sila. H'wag mong idinadaan sa yaman a
“The jury decided to drop this case as a punishment. We will move the hearing next week." Nalaglag ang panga ko sa narinig. Hindi ko inaasahan na ‘yon ang maririnig ko sa babaeng tumayo sa harapan. Halos mag-apoy ang mga mata ni Sebastian nang maibalik ko ang titig rito.Katulad ng inaasahan, bumakat na naman ang kaniyang mga daliri sa braso kong kanina pa namamasa. “What do you think you're doing, huh? You shouldn't do that. Look what you've done!" saad nito. Bakas sa kaniyang pananalita ang pagkagigil sa akin.Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdamang mas dumiin pa ito nang tangkain kong pumiglas. “Aray ko! Bakit ba ayaw mong magtiwala sa akin? Narinig ko nga ‘yan na may kausap sa lo—" Napaatras ako nang suntukin niya ang pader dahilan para mapahinto ako sa pagsasalita.“I said, enough! Amelia, you've ruined it. You shouldn't be caring about it. How many time do I have to freaking say to you that I can handle myself? Is it difficult to understand?" Mayroon nang namumuong dugo s
“Ano ba? Bitawan mo nga ako, nasasaktan na ako. Huwag mo akong pigilan, pwede ba? Kung hindi mo kaya at naduduwag ka, ako na lang!" saad ko sa mataas na tono ng boses. Tinabanan niya ang dalawang braso ko, ramdam na ramdam ko ang gigil mula sa mga kuko niyang bumabaon sa balat ko. Tumiim ang tingin nito sa akin, dala nito ang ang panganib. Umirap naman ako sa kaniya ngunit ang totoo ay pasimple lamang akong umiwas ng tingin dahil halos malusaw na ako sa mga mata niyang bitag para sa ‘kin.“Are you out of your f—cking mind? Today is my hearing, don't ruin this day. Besides, do you wanna be in danger again, huh? Now, let's go!" aniya sabay diin ng mga daliri sa braso ko at hinila ako papalayo sa lugar. Hindi manlang ako makawala sa pagkahawak niya sa akin at kahit anong piglas ko ay mas lalo lang humihigpit ang kamay niya na mistulang ngipin.Hinampas ko nang paulit-ulit ang kamay niya gamit ang natitirang lakas sa aking palad. “Sige, ipakita mong gan'yan ka! Sinasabi ko sa ‘yo, hinding-
Nang makatayo sa upuan, hindi na ako nag-atubili pa at nalakad patungo sa labas. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya kay Tanda ngunit sigurado akong importante ang lahat ng ‘yon.Naibaba ko ang mabibigat na talukap ng mga mata at napasandal sa pader. “Gosh! Hindi ko alam kung anong nangyayari, hindi siya gan'yan!" ani ko sa sarili at marahang naidausdos ang likod pababa sa pader. Nahanap ko ang sariling nakatalungko, mabuti na lang at walang tao.“Ayos ka lang, Hija? Kailangan mo ba ng tulong?"Napahinto ako sa kaiisip at nagmistulang kabayong kumawala sa kulungan ang mga iniisp ko. Marahan kong ibinukas ang mga mata, binuking ng paningin ko ibabang bahagi ng katawan ng lalaking nakatayo sa harapan ko.Mula sa tindig nito, paakyat sa kaniyang beywang ay paniguradong isa ito sa mga preso. Idagdag pa na orange ang suot nito hanggang binti. Marahan kong sinubaybayan ang bahagyang paggalaw nito at nang manakaw ang lakas ng loob na siyang tumakas sa akin ay iniangat ko ang ulo para s
Napansin ko ang pag-iling nito na animo'y nadismaya sa sinabi ko. “Hija, katulad ng sabi ko, huwag kang magpadalos-dalos lalo sa mga binibitiwan mong mga salita." saad nito. Ipinagkrus ko na lamang ang mga braso matapos ay inilapat ang likod sa sandalan ng upuan. Kahit papaano naman, nabas-bawasan na ang pagkakaba ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ko si Sebastian. “Kamusta na kaya siya? Ano na kayang lagay niya? Sana naman walang mangyari sa kaniyang masama," bulong ko sa isipan. Marahan ko pa ngang iniumpog ang ulo sa upuan sa pagkainis. Panandalian ko pang tinabig ang ulo sa kaliwang bahagi ng bintana upang tingnan ang mga tao sa labas. Sa rami ng iniisip ko ngayon ay para na akong naglalakbay sa gitna ng dilim. Ewan ko ba pero parang bumagal ang pagkumpas ng mga kamay ng orasan nang isipin kong muli ang dalawang araw na sinabi nito sa ‘kin.Mahihintay ko ba iyon gayong alam kong nasa panganib ang buhay niya? Kasalanan naman talaga ni Drake ang lahat. Bwisit siya, tse!“Andito
“K-Kung ganoon, bakit naman po sa tingin ninyo ginagawa niya ang lahat?" utal ko. Gamit ang hintuturo ay pinunasan ko ang tumatagaktak na pawis.Muli niyang iniayos ang sinturon, patagilid nitong tiningnan ang nasa likuran nang marinig ang marahang pagsara ng pintuan. “That clearly means that someone is looking after you, you have to trust him." sagot niya.Inilapat ko ang magkabilang palad sa mga braso atsaka kiniskis ang mga ito dahil nakaramdam ako ng panlalamig kasabay nang paggala ng paningin ko sa apat na sulok ng kwarto. Para bang may camera na nakatutok sa akin dahilan para marahan ang paghinga ko.Alam ko ay ligtas naman ako dito dahil hindi naman niya ako dadalhin sa makasasakit sa ‘kin ngunit hindi ko mapigilan ang kaba. Nakatutok na ito sa screen ng kaniyang telepono nang pwersahin ko ang sarili para ibalik sa kaniya ang tingin. Seryoso na ang pagmumukha niya, nakanguso pa nga ito habang pinipindot ang hawak.“We need to follow him, start the car, I'll be there," Nagsalubo
“O-Okay..." awtomatikong bumilog ang bibig ko para maglabas ng salitang umaasahang magpapakalma sa kaniya. Nakasandal ang kanang bahagi ng tenga ko sa kaliwang dibdib niya dahilan para marinig ko ang ugong ng kaniyang puso.Hinimas ko nang marahan ang kaniyang basang likuran nang yapusin ko ang katawan niya. “Papayag na ako, alam kong makatutulong ito," bulong ko sa kaniya. Iniipit ko ang hintuturo at hinlalaki ko sa makapal na tela ng kaniyang suot sa bandang likuran atsaka ito ipinagpag para mawala sa pagkakalapat sa likod niya at upang makaramdam siya ng kaunting kapreskohan.Isinuot ko ang nagtatakang ekspresyon ng mukha nang panandaliang gamitin ang buong lakas upang makalayo sa kaniya. “Ang akala ko...isang linggo ka sa business meeting? Anong nangyari? Nakausap mo na ba ang mga investors?" hindi ko inaasahang sunod-sunod na mga tanong ang mga salitang lalabas sa aking bibig. Pinigil ko pa nga ang hininga upang mapigilan lang ang susunod na tanong na walang kasiguraduhan kung ma
“Bakit kailangan niyo naman siyang saktan? Hindi ba uso sa inyo ang salitang excuse me? Mga wala kayong modo!" ani ko, pilit kong ipinipiglas ang mga kamay sa mariing pagkakahawak ng isa sa mga ito sa kamay ko.Hindi naman ganito kanina, ang ayos nilang kausap. Mayroon lang naman itanong si Ken tapos sinuntok na kaagad nila? Ang akala ba nila ay masusuwag na ako sa ganoon?“Shut your mouth or I'll call Mr. Trevino regarding that man. Don't you know what you're doing, huh? You're in danger but, you just freaking went outside without his permission? Are you kidding me?" bulyaw nito dahilan para makaramdam ako ng pag-init ng punong tenga ko. Padabog akong tumayo sa kinauupuan para pantayan sila.Itinulak ko ito gamit ang iilang daliri ko dahilan para inboluntaryo itong umatras papalayo sa akin. “H'wag mo akong sigawan, pwede ba? Sino ka ba at ang yabang mo? Kung umasta ka, akala mo ka kung sino! Bakit pagmamay-ari mo ba ‘tong lugar?" singhal ko. Dinuduro ko pa ang mukha niya habang sinas
“Oh, sorry!" Ibinaba ko ang paningin sa mga pinong buhangin nang makabalik sa sariling wisyo. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko kung bakit ako tumulala sa kaniyang mukha.Tila napakaganda ng hulma ng kaniyang ilong. Ngayon pa lang ay nasisiguro kong nagmula siya sa magandang lahi.“Isabelle,” Humugot ako ng malalim na hininga nang lakasan ang loob upang titigan siya sa kaniyang mga mata. Awtomatikong bumukas ang maliit kong mga labi upang ngitian siya. “that's my name."" tapos ko sa usapan. Nakita ko naman siyang tumango ng mahinahon atsaka ibinalik ang paningin sa katawan. Sa takot na baka mahuli niya ulit ang pagnanakaw ko ng tingin ay ganoon din ang ginagawa ko. Mahina pa nga akong pumito upang subukang pagtakpan ang katahimikang bumabalot sa pagitan namin.“You. What's your name?” tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Pinakiliramdaman ko lang ang paglaban ng kaniyang mga talampakan sa agos ng tubig na tumama sa mga ito.“I'm Khael.” sagot niya. Sa boses pa lamang ay hal