Home / Romance / Owned by Mr. Billionare! / Episode 5: The Runaway Slut

Share

Episode 5: The Runaway Slut

Author: DÁRKVLADIMIR
last update Huling Na-update: 2022-12-25 19:39:19

“Shit." dinig kong bulong nito.

Maihahalintulad ko ang boses at pamimikas mito sa isang sundalo. Nakapalikod sa pananalita nito ang pagiging estrikto. Buong-buo ang boses niyang nanaig sa pandinig ko.

Nakita ko pa ang pag-irap nito sa akin bago buksan ang pintuan at tuluyang sumakay sa kotse at simulang buksan ang makina nito.

Nagmistulang dumaan ang anghel sa harapan ko dahil hindi manlang ako nakagalaw kaagad sa aking kinatatayuan. Pinagmasdan ko lamang itong bumarurot papalayo sa akin, wala salitang nakuhang kumawala sa bibig ko.

Nabalik na lamang ako sa wisyo nang mapansing nakuha ko na naman ang atensyon ng mga tao sa paligid. Hindi katulad kanina'y mayroon ng hawak na telepono ang mga ito ngayon.

Sa kagustuhang makatakas sa pinangyarihan ay kaagad akong kumaripas ng takbo papalayo sa lugar na ito.

Nakaaawang mga tao dahil nagpapakain na ang mga ito sa sistema ng makabagong teknolohiya.

Pabagsak akong naupo sa upuang kahoy. Hinilamusan ko rin ng tubig mula sa bote ang pagmumukha, umaasang mabubuhayan ng loob sa mga oras na ito.

Binunot ko ang telepono sa bulsa para tingnan ito.

“Nasaan ka? Maaga kang pumunta here, marami na agad tao."

Tumaas ang kilay ko matapos mabasa ang text ng best friend ko makalipas ang ilang oras.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.

Ni-hindi ko nga rin alam kung maituturing itong good news dahil marami akong kikitain o bad news naman dahil hindi naging maganda ang timpla ko magmula pa kanina.

Ngunit dahil nga utak ang dapat na pinapagana at hindi puso at pakiramdam ay pipilitin ko ang sariling pumasok sa trabaho ngayon.

Nanlaki naman ang mga mata ko matapos tingnan ang oras. Malapit na palang lumubog ang mataas na sikat ng araw.

Napahimas pa ako sa sikmura nang maramdaman ang pagkalam nito. Hindi pa pala ako nagu-umagahan at tanghalian. Lipas na lipas na ang pagkagutom ko.

Kumuha pa ako ng bwelo para kuhanin sa ilalim ang ibinigay na puto sa akin ng matanda kanina. Talo-talo na siguro ito dahil mabubusog naman ako nito.

Ito na lang ang kakainin ko dahil wala rin naman akong pambili ng pagkain, naubos kasi ang kinita ko sa pag-upa ng isang gabi sa hotel. Hindi naman sa pagiging mabisyo ko. Masasabi ko nga rin na may kamahalan ang isang kwarto kapalit ng ilang oras ngunit kung kaligtasan ko naman ang pagu-usapan ay ayos na rin.

Hindi ko kayang humarap sa tiyuhin kong lunod na lunod sa alak. Ayaw ko na rin namang masaktan niya ulit kapag nalaman niyang puro kahihiyan lamang ang nangyari sa akin kagabi atsaka, magagalit lang ‘yon kapag maliit lang ang ibinigay kong sahod sa kaniya.

Sa pagmamadali ay mabilis ko na lamang naubos ang pagkain. Kaagad akong dumiretso sa club.

Naglakad na lamang ako dahil ilang minuto na lang din naman ang layo noon at para na rin tipid sa pamasahe dahil sa panahon ngayon ay napakaliit na lamang ng halaga ng piso.

“What's with your face?"

Bumungad sa akin si Natasia kasabay nang malamig na simoy ng hangin matapos makapasok ng pintuan.

Nakapameywang pa ito. Nakasuot ito ng maikling kulay itim na palda na hindi umabot sa tuhod nito nang kilatisin ko ang buong pagkatao niya.

“Wala." tipid kong sagot.

Marahan kong iniiwas ang tingin sa kaniya. Napatiim na lang din ako nang makita ang mga taong nagwawalwalan na sa gitna ng dance floor.

“Kaloka. Hindi na bali, mag-ready ka na nga roon. Ikaw ang hinahanap ng mga customer!" pabirong aniya.

Naramdaman ko ang pag-akbay nito sa akin at marahan akong itinulak papasok sa dressing room.

Hindi malaman ang pinta ng mukha ko. Ang hirap ikubli ang bigat ng loob sa reaksyon ko kaya't sumimangot na lamang ako dahil tila ba'y kasalanan pa ang pag-ngiti sa akin.

Wala na ba talagang ibang mangyayari sa akin kundi ang kaguluhan? Nakakaubos ng pasensya!

“Hmm," saad ko atsaka panandaliang pumikit matapos maupo sa harapan ng malaking salamin. “Bakit pala ako ang hinahanap nila? Bago lang ako dito, ah?" takang tanong ko.

Nakita kong kumibit balikat ito. “Abay, hindi ko alam. Kailangan ba tanungin ko pa sila isa-isa para lang makakuha ng sagot? Alam mo, hindi na importante ‘yon. Isipin mo na lang na marami kang kikitain kaya iayos mo ‘yang mukha mo, daig mo pa ang may limang anak sa pagka-busangot mo." sagot nito.

Hindi na lamang ako umimik sa sagot niya. Tumahimik na lamang ako. Sana lang na hindi niya masagad ang pasensya ko dahil baka matapok ko siya.

Mabilis lang naman niyang natapos ang paga-ayos sa akin. Lumabas na rin naman na ito kaagad nang matapos.

Magpapalit na sana ako ng damit nang makita kong iluwa ng pintuan si Boss Mira. Malawak ang ibinigay nitong ngiti sa akin nang makita ako.

“Oh, mukhang bumabawi yata ang paborito kong alaga sa nangyari kagabi? Alam mo, dalian mo dahil mayroong akong ibibigay sa ‘yo!" aniya.

Tumango na lamang ako. Aakma na sana akong tatalikod nang muli kong marinig ang tinig nito dahilan para mapahinto ako.

“Iyang wig. Isuot mo rin ‘yan," utos nito.

Wala akong ganang makipag-usap sa kaniya dahil sa mga masasakit na salita na binitiwan nito sa akin kagabi. Alam kong nakita niya ang pangyayari maging sa kung paano ‘yon nagsimula ngunit ako pa ang na-agrabyado.

Ilang minuto lamang ang sinayang ko sa pagsusuot ng kulay itim na bistidang mayroong slit sa hita. Isinuot ko na rin ‘yong itim na boots na sinasabi nila.

Marahan ko pang hinila pababa ‘yung bistida nang maramdamang lumilis ito nang makalabas ng fitting room.

Nakita ko si Boss na nakasandal sa pader habang humihithit ng sigarilyo. Nag-iwas ako ng paningin nang magtama ang paningin namin.

“You look fabulous," saad nito.

Mataman kong pinagmasdan ang sarili nang matapat sa salamin. Iniayos ko ang postura.

“Gamitin mo itech!" saad nito dahilan para makuha niya ang atensyon ko.

Mayroon pa itong kinuhang pabango sa loob ng maliit na paper bag. Hindi na rin naman ako nakatanggi dahil siya na ang nag-spray sa buong katawan ko.

Hindi ko gusto ang amoy ko dahil para akong lalanggamin dahil candy ang napili niyang pabango. Pabango o pabaho?

Ikinabit pa nito ang malalaking hikaw sa dalawa kong tenga na paniguradong kapag nahiklat ay maaari akong mabingot.

Nakabibinging tugtugan naman ang tumambad sa amin matapos niya akong hilahin papalabas ng silid.

Mga taong nagkakagulo na umiindak kasabay ng musika ang bumida sa paningin ko. Mga ilaw na nag-iiba ang mga kulay naman ang nagdahilan naman ng panandaliang pagpikit ko.

Nahanap ko na lamang ang sariling nakatayo na sa gitna ng entablado nang ibukas ko ang mga mata. Sa huling pagkakataon, hinila ko pababa ang suot ko nang bahagya itong tumaas.

Napabuntong-hininga ako nang makita ang isa-isang pag-upo ng mga taong kanina'y umiindak sa musika para balingan ako ng atensyon.

Kasabay ng pagpikit ko sa mga mata ang pagpalit ng musika. Huminga ako ng malalim nang maramdamang binubundol na naman ng kaba ang dibdib.

Ito na.

Sinimulan ko ang pagtatanghal sa paghampas ng beywang. Nilakasan ko ang loob para idilat ang mga mata at damhin ang nakaaakit na tugtog. Nilakasan ko ang loob para tingnan ang mga manonood sa kanilang mga mata.

Minsan pa nga akong napapahawak sa pole kapag gumigiling ako pababa sa sahig.

“How much should I pay for her?"

“I want her!"

Iilan lamang ito sa mga komentong narinig ko mula sa mga lalaking nakaupo sa harapan ko. Paniguradong mararaming pera ang mga ito dahil nakaupo sila sa VIP seats na sampong libo ang halaga.

Halos maduwal ako sa lakas ng kalabog ng speakers sa likod ko.

“Siya na ba ‘yan? ‘Yong babaeng nag-trending?"

Panandaliang kumunot ang noo ko nang makarinig ng isang malakas na sigaw mula sa likuran. Madali lamang ng mga itong nakuha an atensyon ko nang segundahan ito ng tawanan.

Kaagad naman akong kumaripas ng takbo pababa sa stage matapos ang pagtatanghal. Hindi ko na nagawa pang hintayin ang paghahagis ng mga ito ng pera sa kahihiyan.

Nakarinig ako ng palakpakan, hiyawan at higit sa lahat ay ang tawanan mula sa mga taong nanood.

Napahinto ako sa paglalakad nang salubongin ako ni Natasia. Nakababahala ang reaksyon niya nang lumapit sa akin.

“Sis, look at this!"

Mabilis kong kinuha ang telepono nito sa pagkaka-abot sa akin. Nalaglag ang panga ko nang makita ang sarili.

“Hindi ko alam kung saan ‘yan nanggaling. Ngayon ko lang din ‘yan nakita. Isabelle, trending ka!" dagdag pa nito.

Hindi ko inaasahang sarili ko ang tatambad sa akin nang pindutin ko ang video. Mayroong kumuha ng video tungkol sa eskandalo kahapon.

Nakakuha na rin ito ng libo-libong reaksyon mula sa mga tao at komento.

“Wala siyang class. Ang hilig talaga mang-eskandalo!"

“Nakita ko ‘yan kanina, may tinulungan. Feeling mabuting tao, maduming babae naman pala!"

“Famewhore yarn?"

Nadurog nang tuluyan ang puso ko nang mabasa ang iilan sa komento ng mga ito. Tuluyang bumuhos sa mukha ko ang mga luha mula sa mga mata.

Nagtama ang paningin naming dalawa. 

“Aw, okay lang ‘yan. I'm still here naman," saad niya sa akin.

Mahigpit niya akong h******n. Umiling-iling naman ako nang mapapikit.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa kaniya. Sa aming dalawa, siya ang active sa social media pero bakit hindi niya ito kaagad nakita? Bakit ngayon lang niya nalaman ang tungkol dito?

Itinulak ko siya papalayo sa akin. Blangko ang mukha nitong bumitaw sa akin. Hindi na ako nagsayang ng oras at kaagad nang kumaripas ng takbo papalabas sa lugar.

Kalat na kalat na sa social media ang eskandalong ‘yon. 

Bakit kinakailangan kong mawalan pati ng dignidad? Bakit ako? Bakit ako lagi ang pinahihirapan?

Hinubad ko ang suot na boots at kaswal itong ibinato kung saan habang naglalakad. Nakatulala ako sa kawalan. Walang magawa kundi ang umiyak.

“Why are you crying as if that you're the victim here, huh?" 

Napatigil ako nang mayroong humila sa braso ko. Napakagat ako sa labi nang maramdaman ang pagbaon ng mga daliri nito sa braso ko.

“S-Sino ka? Bitawan mo nga ako!" angil ko.

Binawi ko ang braso ko mula sa mahigpit na pagkakahawak dito.

“Who am I? Fuck! It's your fault!" bulyaw pa nito.

Nabasag ang boteng hawak niya matapos niyang ibato ito sa harapan ko. Hindi ko makilala kung sino ito.

Halos huminto ang mundo ko nang hilahin nito ang buhok ko papalapit sa kaniya. Napahawak ako sa braso nito, sinusubukang tanggalin ang mahigpit na pagkakahawak niya.

“T-Trevino?"

Nanlaki ang mga mata ko nang mahila ko ang itim na maskarang nakadikit sa kaniyang mukha. Kitang-kita ko ang buong pagmumukha nito.

“My legacy is gradually falling down because of someone like you. I'll make sure that you'll pay for ruining my name!"

Buong-buo ang tinig nitong umalingaw-ngaw sa tenga ko. Nagmistulang halimaw ang nasa harapan ko nang makita kong magsalubong ang makakapal na kilay niya.

“Ah!" sigaw ko.

Unti-unti kong naramdaman ang paghapdi ng mga talampakan ko. Hindi ako makatakbo. Gusto kong tumakas ngayong gabi pero paano?

Kaugnay na kabanata

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 6: Unveiled

    Kasabay nang malakas na paghampas ng hangin sa mukha ko ang unting pagbuhos ng mga luha ko. Tila ba unti-unting kinikitil ang buhay ko nang minsan akong tumingin sa talampakang naliligo na sa dugo.Halos maging estatwa ako nang maramdaman ang mga kamay nitong marahang lumalayag patungo sa beywang ko.Nanlalamig ang buong katawan. Hindi ko magawang takasan ang reyalidad dahil animo'y nasa isang laro lamang ako na ako ang taya.Sa gitna ng kawalan ng pag-asa ay mariin akong napalunok na parang mayroong tinik na pumipigil sa akin para gawin ang bagay na ito.“H-Hindi kita maintindhan. P-Pasensya," Sapilitan akong napatingin sa kalawakan nang higpitan nito ang pagsabunot sa akin. Kitang-kita ko ang maliwanag na bituwin sa gitna ng kadiliman. Alam kong imposible ngunit sa puntong ito ay ipinapanalangin kong sana ay maging katulad din ako nito na kumikinang kahit sa gitna ng kawalan ng ilaw.“This isn't enough," saad nito na talaga nga namang pinagdiinan pa ang bawat salita.Hindi ko siya

    Huling Na-update : 2022-12-26
  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 7: Dilemma

    Iginala ko ang paningin nang magkaroon ng lakas ng loob para harapin ang reyalidad. Alam kong walang magagawa ang pagdukdok ko rito. Sa puntong ito, kailangan kong magpanggap na matapang.Nakaharap ako sa isang malaking telebisyon na sapat na ang laki para makita ko ang repleksyon ng buong katawan. Mayroong itim na chandelier ang nakasabit sa gitna ng kwarto. Mahina lamang ang sinag ito, komportable ito sa aking paningin.Umalalay ako sa lamesa para makatayo.Tumingkayad pa ako para lamang makalakad.“Kailangan kong makatakas," saad ko sa isipan.Ito lamang ang litanyang tumatakbo sa aking isipan.Wala akong ibang paraang maisip kundi ang humanap ng paraan para makalabas sa silid na ito.Naiwan ko nga pala ang telepono ko. Malas!Ipinag-krus ko ang braso nang makaramdam ng lamig. Nababalot ako ng takot na unti-unting lumalamon sa sistema ko.Hindi ko alam kung saan ako dinala ng lalaking iyon. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na magagawa niya iyon sa akin, na may itinatago itong p

    Huling Na-update : 2022-12-27
  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 8: Bound

    Malalim akong humugot ng hingin nang dumampi ang mga palad sa seradura ng pintuan. Nagdalawang-isip pa nga ako bago ko marahang binuksan iyon.Dumadagundong ang dibdib ko nang makitang walang tao sa loob ng silid. Marahan akong naglakad patungo sa couch at naupo na animo'y mayroong mababasag kung bibiglain ko ang kilos.Kinuskos ko ang mabibigat na talukap ng mga mata. Kulang na kulang ako sa tulog. Hindi ako pinatulog ng konsensiya ko kagabi. Takip ang bibig, marahan kong ibinuka ang bibig para humikab atsaka marahang iginala ang paningin sa bawat sulok ng silid.May kalakihan din ito kumpara doon sa kwartong tinulugan ko kagabi. Mayroong mga bookshelves ang nakapaikot sa kwartong ito dahilan para magmukha itong libraryo. Dumikit ang paningin ko sa desk nang balingan ko ito ng atensyon. Mayroong mga papel na nakapatong sa ibabaw noon dahilan para magtaka ako.Siya ngang napakadami ng trabahong ginagawa nito. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit siya ang kinikilalang pinakabatang bi

    Huling Na-update : 2022-12-28
  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 9: Breakfast

    Namamawis ang mga palad ko siyang pinagmamasdan mula sa isang tabi. Tuluyan na niyang ibinunton ang atensyon sa pagbabasa ng hawak na libro habang ako naman ay naiwang nakatulala, iniisip pa rin kung anong maaaring kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa aking isipan.“Bakit ba andami mong nalalaman tungkol sa akin?" hindi ko inaasahang bubukas ang bibig ko para magsalita. Tumaas ang kilay nito nang tingnan ako pailalim. “I'm not the only one," sagot nito at padabog pa ngang isinara ang libro.Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Ano?" tanong ko.“You're known in this whole town, woman. After what happens, people are investigating about you." aniya. Madali nitong ibinalik ang atensyon sa hawak na libro at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Ilang saglit pa ay tuluyan na namang nilamon ng katahimikan ang buong lugar.Sirang-sira na pala ang pangalan ko. Kung ganoon naman ay ano pa ang silbi ko sa kaniya? Kilala na pala ako ng lahat, paano ko pa gagawin ang nakasaad sa pinirmahan ko

    Huling Na-update : 2022-12-29
  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 10: Forbid

    “Ito na po ang kape niyo," saad ko matapos ilapag nang marahan ang hawak sa ibabaw ng lamesa niya.Hindi ko na ito tiningnan pa. Iba kasi talaga ang ibinibigay na tama sa akin ng tingin niyang mapanghusga atsaka ayaw ko na rin namang magtagal dito.“What? You can leave now. Seeing your face irritates me!" bulyaw nito.Humigpit ang kapit ko sa dalawang daliri nang marinig ang inaasahang komento nito patungkol sa pagtayo ko sa kaniyang harapan kahit pa hindi niya sinabi. Mayroon naman akong importanteng sasabihin kaya't mas pinili kong tumayo rito sa harapan niya ngunit naghahanap pa ako ng tamang oras. at humuhugot ng lakas.Marahan kong itinaas ang ulo para pantayan ito ng tingin. “Mayroon ka pa bang kailangan sa ‘kin ngayong araw?" tanong ko.Awtomatiko namang kumunot ang noo nito atsaka tumayo mula sa kinauupuan. Umiling naman ito ng bahagya bago ako tinalikuran.“What do you want?" tanong nito na muli namang binalot ng ka-estriktohan ang tono ng pananalita.Panandalian kong ibinab

    Huling Na-update : 2022-12-30
  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 11: Contravene

    Maingat akong nag-martsa papalabas ng pintuan. Marahan kong hinatak ang seradura ng pintuan at sinigurong walang ingay na maririnig, nagmistulan akong magnanakaw na sumusulyap sa paligid. Mala-mansyon ang luwang nito kaya't nasisiguro kong mahihirapan akong makalabas. Minatyagan ko ang ilang gwardya na lumabas mula sa opisina nito. Hindi ko alam kung saan ako magtatago sa puntong ito, mabuti na lamang ay namataan ang ko ang camera bago ko ipagpatuloy ang paglalakad. Namamawis ang palad kong pinunasan ang tumulong pawis pababa sa leeg ko.“What? Tell them that we'll have a conference meeting, now!"Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang sigaw ni Mr. Trevino palabas ng opisina. Kaba ang nangibabaw sa dibdib ko nang makita itong nagmamadaling lumabas. Mabuti na lamang at nasundan ko ang paglabas nito.Sa puntong ito, hindi ko alam kung ano ang mayroon kung bakit ito nagmamadali pero sana ay hindi na ako kasali sa problema niya. Sana lang talaga ay labas na ako roon. Ngunit kahit

    Huling Na-update : 2022-12-30
  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 12: Kidnap

    Naghahabol ako ng hinnga nang magising na nakatali sa inuupuan. Mariin akong lumunok nang maramdaman ang kumakating leeg.Nararamdaman ko na ang malakas na pag-agos ng mga pawis mula sa mukha ko.Pilit kong kinakalas ang mga kamay sa mahigpit na pagkakatali sa akin. Ilang saglit pa nang makarinig ako ng mga mabibigat na martsa papalapit sa akin dahilan para mas lakasan ko ang pagpiglas.Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala akong kaide-ideya. “What do you think you're doing? Stupid!" Matalim na titig ni Mr. Trevino ang bumungad sa akin nang padabog nitong tanggalin ang saklob ko sa ulo at ihinagis sa sahig. Namataan ko ang mga galit nitong ugat sa kamay. Hindi ko ba alam kung dapat ba akong matuwa na hindi ibang tao ang kumuha sa akin o matakot dahil nalaman niya ang ginawa ko.“Are you out of you mind, woman?" saad nito nang dinuro ang sintido ko. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Anong ginagawa ko? Gumagawa ng paraan para makita ang mahal ko sa buhay! Ano naman sa ‘yo nga

    Huling Na-update : 2022-12-31
  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 13: Exhausted

    Bumabalatay sa lalamunan ko ang malalim na paghugot ko ng hininga. Nasapo ko ang dibdib nang maramdaman ang pagdagundong nito.“T-Teka lang," bulyaw ko.Napahinto ako mula sa pagkakatakbo at inalalayan ang mga tuhod na nangangalay na sa kakatakbo. Nararamdaman ko ang pananakit ng iilang parte ng aking katawan na animo'y gusto ng magmakaawa para sumuko.“What? Continue!" estriktong saad ng guwardya sa akin nang makahinto sa harapan ko.Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang kunot noo nito na para bang nadismaya sa ginawa ko.Hindi ko naman ito sinunod at mas piniling pakiramdam ang katawan. Halos bumagsak ang katawan ko sa pagkahingal.“P-Papatayin mo ba ako, ha," saad ko nang makaharap sa kaniya at pabagsak na naupo sa semento. “Hinihingal na ako, oh!" dagdag ko pa.Gumuguhit sa lalamunan ko ang malamig na tubig nang lagukin ko ito. Pinunasan ko ang mukha nang palad ng maramdaman ang pag-agos ng pawis pababa sa aking leeg.Hindi manlang ako kinibo ng guwardya at tumayo pa ng mat

    Huling Na-update : 2023-01-03

Pinakabagong kabanata

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 40: Drunkard

    NOTE: SPG“Ba-Bakit mo ibinalik ang pera ni Mr. Vérmudez nang ganoon na lang? Ano bang nasa isip mo?" Ibinagsak ko ang katawan sa couch. Nang makaramdam ng pagbigat ng batok ay isinandal ko ito sa malammbot na unan na dagan-dagan ng aking likuran. Humugot ako ng malalim na hininga nang itaas ang tingin sa puting kisame. Mariin akong napapikit nang makaramdam ng paglabo ng paningin. “I don't need them." Narinig kong saad niya. Nang maibukas ko ang mga mata ay tumama ang paningin ko sa kaniya. Hinahagod ng matalim nitong mga mata ang buo kong pagkatao na para bang may ipinapahiwatig sa ‘kin. koIniayos ko ang upo nang maramdam upang nagsita asan ang iilang hibla ng buhok ko sa mga titig niyang iyon. Idiniretso ko ang likod at patagilid na tiningnan ang unan nang marahan itong bumagsak.koNagsalubong ang mga kilay kong kinilatis ang buong pagkatao niya. “Anong hindi? Sebastian, hindi man ako maalam r mga gan'yang negosyo ay alam kong kailangan mo sila. H'wag mong idinadaan sa yaman a

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 39: Bail

    “The jury decided to drop this case as a punishment. We will move the hearing next week." Nalaglag ang panga ko sa narinig. Hindi ko inaasahan na ‘yon ang maririnig ko sa babaeng tumayo sa harapan. Halos mag-apoy ang mga mata ni Sebastian nang maibalik ko ang titig rito.Katulad ng inaasahan, bumakat na naman ang kaniyang mga daliri sa braso kong kanina pa namamasa. “What do you think you're doing, huh? You shouldn't do that. Look what you've done!" saad nito. Bakas sa kaniyang pananalita ang pagkagigil sa akin.Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdamang mas dumiin pa ito nang tangkain kong pumiglas. “Aray ko! Bakit ba ayaw mong magtiwala sa akin? Narinig ko nga ‘yan na may kausap sa lo—" Napaatras ako nang suntukin niya ang pader dahilan para mapahinto ako sa pagsasalita.“I said, enough! Amelia, you've ruined it. You shouldn't be caring about it. How many time do I have to freaking say to you that I can handle myself? Is it difficult to understand?" Mayroon nang namumuong dugo s

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 38: Hearing

    “Ano ba? Bitawan mo nga ako, nasasaktan na ako. Huwag mo akong pigilan, pwede ba? Kung hindi mo kaya at naduduwag ka, ako na lang!" saad ko sa mataas na tono ng boses. Tinabanan niya ang dalawang braso ko, ramdam na ramdam ko ang gigil mula sa mga kuko niyang bumabaon sa balat ko. Tumiim ang tingin nito sa akin, dala nito ang ang panganib. Umirap naman ako sa kaniya ngunit ang totoo ay pasimple lamang akong umiwas ng tingin dahil halos malusaw na ako sa mga mata niyang bitag para sa ‘kin.“Are you out of your f—cking mind? Today is my hearing, don't ruin this day. Besides, do you wanna be in danger again, huh? Now, let's go!" aniya sabay diin ng mga daliri sa braso ko at hinila ako papalayo sa lugar. Hindi manlang ako makawala sa pagkahawak niya sa akin at kahit anong piglas ko ay mas lalo lang humihigpit ang kamay niya na mistulang ngipin.Hinampas ko nang paulit-ulit ang kamay niya gamit ang natitirang lakas sa aking palad. “Sige, ipakita mong gan'yan ka! Sinasabi ko sa ‘yo, hinding-

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 37: Conversation

    Nang makatayo sa upuan, hindi na ako nag-atubili pa at nalakad patungo sa labas. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya kay Tanda ngunit sigurado akong importante ang lahat ng ‘yon.Naibaba ko ang mabibigat na talukap ng mga mata at napasandal sa pader. “Gosh! Hindi ko alam kung anong nangyayari, hindi siya gan'yan!" ani ko sa sarili at marahang naidausdos ang likod pababa sa pader. Nahanap ko ang sariling nakatalungko, mabuti na lang at walang tao.“Ayos ka lang, Hija? Kailangan mo ba ng tulong?"Napahinto ako sa kaiisip at nagmistulang kabayong kumawala sa kulungan ang mga iniisp ko. Marahan kong ibinukas ang mga mata, binuking ng paningin ko ibabang bahagi ng katawan ng lalaking nakatayo sa harapan ko.Mula sa tindig nito, paakyat sa kaniyang beywang ay paniguradong isa ito sa mga preso. Idagdag pa na orange ang suot nito hanggang binti. Marahan kong sinubaybayan ang bahagyang paggalaw nito at nang manakaw ang lakas ng loob na siyang tumakas sa akin ay iniangat ko ang ulo para s

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 36: Nightmare

    Napansin ko ang pag-iling nito na animo'y nadismaya sa sinabi ko. “Hija, katulad ng sabi ko, huwag kang magpadalos-dalos lalo sa mga binibitiwan mong mga salita." saad nito. Ipinagkrus ko na lamang ang mga braso matapos ay inilapat ang likod sa sandalan ng upuan. Kahit papaano naman, nabas-bawasan na ang pagkakaba ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ko si Sebastian. “Kamusta na kaya siya? Ano na kayang lagay niya? Sana naman walang mangyari sa kaniyang masama," bulong ko sa isipan. Marahan ko pa ngang iniumpog ang ulo sa upuan sa pagkainis. Panandalian ko pang tinabig ang ulo sa kaliwang bahagi ng bintana upang tingnan ang mga tao sa labas. Sa rami ng iniisip ko ngayon ay para na akong naglalakbay sa gitna ng dilim. Ewan ko ba pero parang bumagal ang pagkumpas ng mga kamay ng orasan nang isipin kong muli ang dalawang araw na sinabi nito sa ‘kin.Mahihintay ko ba iyon gayong alam kong nasa panganib ang buhay niya? Kasalanan naman talaga ni Drake ang lahat. Bwisit siya, tse!“Andito

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 35: Freak out

    “K-Kung ganoon, bakit naman po sa tingin ninyo ginagawa niya ang lahat?" utal ko. Gamit ang hintuturo ay pinunasan ko ang tumatagaktak na pawis.Muli niyang iniayos ang sinturon, patagilid nitong tiningnan ang nasa likuran nang marinig ang marahang pagsara ng pintuan. “That clearly means that someone is looking after you, you have to trust him." sagot niya.Inilapat ko ang magkabilang palad sa mga braso atsaka kiniskis ang mga ito dahil nakaramdam ako ng panlalamig kasabay nang paggala ng paningin ko sa apat na sulok ng kwarto. Para bang may camera na nakatutok sa akin dahilan para marahan ang paghinga ko.Alam ko ay ligtas naman ako dito dahil hindi naman niya ako dadalhin sa makasasakit sa ‘kin ngunit hindi ko mapigilan ang kaba. Nakatutok na ito sa screen ng kaniyang telepono nang pwersahin ko ang sarili para ibalik sa kaniya ang tingin. Seryoso na ang pagmumukha niya, nakanguso pa nga ito habang pinipindot ang hawak.“We need to follow him, start the car, I'll be there," Nagsalubo

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 34: Guilt

    “O-Okay..." awtomatikong bumilog ang bibig ko para maglabas ng salitang umaasahang magpapakalma sa kaniya. Nakasandal ang kanang bahagi ng tenga ko sa kaliwang dibdib niya dahilan para marinig ko ang ugong ng kaniyang puso.Hinimas ko nang marahan ang kaniyang basang likuran nang yapusin ko ang katawan niya. “Papayag na ako, alam kong makatutulong ito," bulong ko sa kaniya. Iniipit ko ang hintuturo at hinlalaki ko sa makapal na tela ng kaniyang suot sa bandang likuran atsaka ito ipinagpag para mawala sa pagkakalapat sa likod niya at upang makaramdam siya ng kaunting kapreskohan.Isinuot ko ang nagtatakang ekspresyon ng mukha nang panandaliang gamitin ang buong lakas upang makalayo sa kaniya. “Ang akala ko...isang linggo ka sa business meeting? Anong nangyari? Nakausap mo na ba ang mga investors?" hindi ko inaasahang sunod-sunod na mga tanong ang mga salitang lalabas sa aking bibig. Pinigil ko pa nga ang hininga upang mapigilan lang ang susunod na tanong na walang kasiguraduhan kung ma

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 33: Good News!

    “Bakit kailangan niyo naman siyang saktan? Hindi ba uso sa inyo ang salitang excuse me? Mga wala kayong modo!" ani ko, pilit kong ipinipiglas ang mga kamay sa mariing pagkakahawak ng isa sa mga ito sa kamay ko.Hindi naman ganito kanina, ang ayos nilang kausap. Mayroon lang naman itanong si Ken tapos sinuntok na kaagad nila? Ang akala ba nila ay masusuwag na ako sa ganoon?“Shut your mouth or I'll call Mr. Trevino regarding that man. Don't you know what you're doing, huh? You're in danger but, you just freaking went outside without his permission? Are you kidding me?" bulyaw nito dahilan para makaramdam ako ng pag-init ng punong tenga ko. Padabog akong tumayo sa kinauupuan para pantayan sila.Itinulak ko ito gamit ang iilang daliri ko dahilan para inboluntaryo itong umatras papalayo sa akin. “H'wag mo akong sigawan, pwede ba? Sino ka ba at ang yabang mo? Kung umasta ka, akala mo ka kung sino! Bakit pagmamay-ari mo ba ‘tong lugar?" singhal ko. Dinuduro ko pa ang mukha niya habang sinas

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 32: Coffee Shop

    “Oh, sorry!" Ibinaba ko ang paningin sa mga pinong buhangin nang makabalik sa sariling wisyo. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko kung bakit ako tumulala sa kaniyang mukha.Tila napakaganda ng hulma ng kaniyang ilong. Ngayon pa lang ay nasisiguro kong nagmula siya sa magandang lahi.“Isabelle,” Humugot ako ng malalim na hininga nang lakasan ang loob upang titigan siya sa kaniyang mga mata. Awtomatikong bumukas ang maliit kong mga labi upang ngitian siya. “that's my name."" tapos ko sa usapan. Nakita ko naman siyang tumango ng mahinahon atsaka ibinalik ang paningin sa katawan. Sa takot na baka mahuli niya ulit ang pagnanakaw ko ng tingin ay ganoon din ang ginagawa ko. Mahina pa nga akong pumito upang subukang pagtakpan ang katahimikang bumabalot sa pagitan namin.“You. What's your name?” tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Pinakiliramdaman ko lang ang paglaban ng kaniyang mga talampakan sa agos ng tubig na tumama sa mga ito.“I'm Khael.” sagot niya. Sa boses pa lamang ay hal

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status