Naghahabol ako ng hinnga nang magising na nakatali sa inuupuan. Mariin akong lumunok nang maramdaman ang kumakating leeg.Nararamdaman ko na ang malakas na pag-agos ng mga pawis mula sa mukha ko.Pilit kong kinakalas ang mga kamay sa mahigpit na pagkakatali sa akin. Ilang saglit pa nang makarinig ako ng mga mabibigat na martsa papalapit sa akin dahilan para mas lakasan ko ang pagpiglas.Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala akong kaide-ideya. “What do you think you're doing? Stupid!" Matalim na titig ni Mr. Trevino ang bumungad sa akin nang padabog nitong tanggalin ang saklob ko sa ulo at ihinagis sa sahig. Namataan ko ang mga galit nitong ugat sa kamay. Hindi ko ba alam kung dapat ba akong matuwa na hindi ibang tao ang kumuha sa akin o matakot dahil nalaman niya ang ginawa ko.“Are you out of you mind, woman?" saad nito nang dinuro ang sintido ko. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Anong ginagawa ko? Gumagawa ng paraan para makita ang mahal ko sa buhay! Ano naman sa ‘yo nga
Bumabalatay sa lalamunan ko ang malalim na paghugot ko ng hininga. Nasapo ko ang dibdib nang maramdaman ang pagdagundong nito.“T-Teka lang," bulyaw ko.Napahinto ako mula sa pagkakatakbo at inalalayan ang mga tuhod na nangangalay na sa kakatakbo. Nararamdaman ko ang pananakit ng iilang parte ng aking katawan na animo'y gusto ng magmakaawa para sumuko.“What? Continue!" estriktong saad ng guwardya sa akin nang makahinto sa harapan ko.Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang kunot noo nito na para bang nadismaya sa ginawa ko.Hindi ko naman ito sinunod at mas piniling pakiramdam ang katawan. Halos bumagsak ang katawan ko sa pagkahingal.“P-Papatayin mo ba ako, ha," saad ko nang makaharap sa kaniya at pabagsak na naupo sa semento. “Hinihingal na ako, oh!" dagdag ko pa.Gumuguhit sa lalamunan ko ang malamig na tubig nang lagukin ko ito. Pinunasan ko ang mukha nang palad ng maramdaman ang pag-agos ng pawis pababa sa aking leeg.Hindi manlang ako kinibo ng guwardya at tumayo pa ng mat
“T–ngina, sana namatay ka na lang!"Humikbi ako ng maibaba ko ang paningin. Nanginginig ang katawan ko sa galit ngunit alam ko na wala akong ibang magagawa kundi ang umiyak na lamang. Pilit kong iwinawaksi sa isipan ang mga nangyayari sa akin ngayon ngunit hindi ako nagtatagumpay. Sa litanyang iyon halos gumuho ang mundo ko.“H-Hindi ko naman ho sinasadya," utal ko. Ngunit imbes na patawarin ako nito'y nagsimula kong marinig ang papalakas na yabag ng mga paa nito dahilan para salubungin ko ito ng tingin.“Huwag ho, Tiyo. Maawa na kayo! Masakit ‘yan!"pagmamakaawa ko nang makitang inambaan ako nito ng hawak na baseball bat at walang awang pinaghahampas ako na mas masahol pa sa hayop.Naimulat ko ang mga mata nang makaramdam ng pagliglig sa aking braso. Awtomatiko akong bumalikwas para makaupo. Nagmistulan akong isang bagay nang isuksok ko ang katawan sa headboard ng kama. Gamit ang kumot ay ipinalupot ko ito sa katawan na animo'y mapipigilan nito ang pagdagundong ng puso.“Ate, anon
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Awtomatikong napalitan ang pinta ng mukha ko nang makapasok kami sa loob. Itinaas nito ang binder mula sa bintana matapos akong sulyapan ng masamang tingin. Napakagat ako sa ibabang labi nang muli itong humarap para pantayan ang titig ko. Tumaas naman ang isa sa mga kilay ko nang kilatisin ang buong pagkatao nito.“So, its on me, now? After that, after saving you from embarrassment, this? Ito ang ipapalit mo?" singhal nito.Ramdam ko ang pinipigilan nitong panggigigil habang sinasabi ang mga kataga. Mas tumalim ang paningin ko sa kaniya nang ituro niya ang pisngi.Alam kong tinutukoy niya ang pagdapo ng kamao ko sa matigas niyang pagmumukha. “Nabastos ako, T-Trevino! Anong gusto mong gawin ko? Magpasalamat, kapag tapos ng ginawa mo kanina? Bakit hindi mo na lang ibinulong sa akin?" bulalas ko.Suminghap ako. ‘Yong nangyari kanina, ang pagyakap at pag-ibabaw ko sa kaniya na hindi ko naman sinasadya. Siya ang may kagagawan kung bakiy ko siya na
Hey there,Readers, I want to apologize for not being able to update chapters everyday due to being busy as a student but hindi ko po kinalilimutan ang aking trabaho bilang manunulat at mapasaya kayo sa aking mga kwento.Maraming salamat sa pagtangkilik sa akin at pagkilala. Napakalaking opurtunidad sa akin ang suportahan ninyo bilang bagong manunulat sa platapormang ito.Bilang pasasalamat ay nais kong ibig ang mga posibleng araw o schedule ng aking pagu-update upang hindi kayo malito if mayroon na akong update o wala.I will release one chapter a day in these following days as the best I could (if walang masyadong ginagawa.)• Monday• Wednesday• FridayBut, I'll release one or MORE chapters in weekends. Sana po ay suportahan pa rin po ninyo ang istorya nina Isabelle at Mr. Trevino. Please, if mayroong kayong concern, comment it in this page. Magbabasa po ako ng mga comments dito to check if mayroon kayong gustong sabihin na concern ninyo.If you like my story, please leave a good
Kasabay nang pagbagsak ng mga butil ng luha na namumuo mula sa gilid ng aking mga mata ang pagdampi ko ng aking palad sa aking puso. Taimtim kong pinakikiramdaman ang nagwawala kong puso matapos itong bundulin ng hindi inaasahang kaba.Nagmistulan akong estatwa sa kinatatayuan nang lumuhod ito sa harapan ko. Mula sa tagiliran ay kinuha nito ang aking palad at marahang hinimas-himas.Dumikit naman ang paningin ko sa kaniyang mga matang animo'y pinagkaitan ng kalangitan sa sobrang bigat ng pakiramdam. “Tell me what you want. I'm willing to give everything," saad nito't ibinaba ang paningin sa aking nanginginig na palad. “just tell me what you want. I'm begging, please. . ." dagdag nito.Nababakas na rin sa kaniyang tono ang panlalambot na hindi niya karaniwang ginagawa. Saglit pa akong napapikit nang marahan kong hilahin ang kamay mula sa mahigpit niyang pagkakahawak. “K-Kahit ano?" paglilinaw ko.Walang imik itong tumango sa akin. Mariin akong napalunok sa naiisip. Hindi ako sigurado
Muli na namang sumilay ang nakaiinis na ngiti nito bago ilapag ang hawak sa lamesa sa gilid ng higaan. “It's not for you, don't worry. Kung ano ang nakalagay sa kontratang ibinigay ko sa ‘yo ay iyon lang.” anito at iniayos ang manggas ng kaniyang damit.Tumalim ang tingin ko sa kaniya nang dahil doon. “Ang ibig sabihin mo ba ay pinagpa-practice-an mo ako?" angil ko at pabagsak na inilapag ang hawak.Blangko lamang itong tumingin sa akin. “Wny not? Nandito ka na rin lang naman para tulungan ako. May reklamo ka ba?" pangi-inis nito nang titigan ako ng patagilid.Panandalian kong kinilatis ang ipinagmamayabng nitong katawan atsaka ngumisi.“Ang ibig sabihin, itong bulaklak ay kasama d'yan sa practicing to be a good husband mo? Alam mo talaga ang kahinaaan naming mga babae, ‘no? Tapos, iiwan mo rin sa huli katulad ng mga ginawa mo sa mga nakaraan?" tanong ko.Kumunot ang noo nito. “I didn't know that red roses is your favorite. It's a gift and, a piece of offering, I guess?" saad niya.Pin
Tinakasan ng dila akong sumunod sa kanila habang maingat na sumusulyap sa paligid matapos kong makaani ng mga kaswal na tinginan.Hindi ko naman masisisi ang empleyado ng mga ito kung nagulat sila nang ipatawag ni Mr. Trevino ang mga ito para mag-anunsyo. Na may namamagitan sa aming dalawa na siya namang dahilan para pintahan ng pagtataka at pagkagulat ng linawin nito na galing lamang sa bulaang propeta ang mga napapanahon sa mga balita.Nang matapos nga iyon ay kaagad akong nagpumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak ng kaniyang kamay. Ramdam ang matinding pagwawala ng puso, marahan kong tinahak ang corridor ng gusali at tumigil ng huminto ang nasa harapan ko.“Leave us, Maureen," Itinapon ko ang tingin rito nang marinig ang kalmado ngunit kapintig-pintig ng balahibo nitong utos sa sekretarya na kaagad namang tumango.Sa hindi malamang dahilan, yumukom ang aking kamay nang subukang pagmasdan ang kaniyang panga hanggang sa umigting ito at iniakyat ang paningin sa kaniyang mga matang
NOTE: SPG“Ba-Bakit mo ibinalik ang pera ni Mr. Vérmudez nang ganoon na lang? Ano bang nasa isip mo?" Ibinagsak ko ang katawan sa couch. Nang makaramdam ng pagbigat ng batok ay isinandal ko ito sa malammbot na unan na dagan-dagan ng aking likuran. Humugot ako ng malalim na hininga nang itaas ang tingin sa puting kisame. Mariin akong napapikit nang makaramdam ng paglabo ng paningin. “I don't need them." Narinig kong saad niya. Nang maibukas ko ang mga mata ay tumama ang paningin ko sa kaniya. Hinahagod ng matalim nitong mga mata ang buo kong pagkatao na para bang may ipinapahiwatig sa ‘kin. koIniayos ko ang upo nang maramdam upang nagsita asan ang iilang hibla ng buhok ko sa mga titig niyang iyon. Idiniretso ko ang likod at patagilid na tiningnan ang unan nang marahan itong bumagsak.koNagsalubong ang mga kilay kong kinilatis ang buong pagkatao niya. “Anong hindi? Sebastian, hindi man ako maalam r mga gan'yang negosyo ay alam kong kailangan mo sila. H'wag mong idinadaan sa yaman a
“The jury decided to drop this case as a punishment. We will move the hearing next week." Nalaglag ang panga ko sa narinig. Hindi ko inaasahan na ‘yon ang maririnig ko sa babaeng tumayo sa harapan. Halos mag-apoy ang mga mata ni Sebastian nang maibalik ko ang titig rito.Katulad ng inaasahan, bumakat na naman ang kaniyang mga daliri sa braso kong kanina pa namamasa. “What do you think you're doing, huh? You shouldn't do that. Look what you've done!" saad nito. Bakas sa kaniyang pananalita ang pagkagigil sa akin.Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdamang mas dumiin pa ito nang tangkain kong pumiglas. “Aray ko! Bakit ba ayaw mong magtiwala sa akin? Narinig ko nga ‘yan na may kausap sa lo—" Napaatras ako nang suntukin niya ang pader dahilan para mapahinto ako sa pagsasalita.“I said, enough! Amelia, you've ruined it. You shouldn't be caring about it. How many time do I have to freaking say to you that I can handle myself? Is it difficult to understand?" Mayroon nang namumuong dugo s
“Ano ba? Bitawan mo nga ako, nasasaktan na ako. Huwag mo akong pigilan, pwede ba? Kung hindi mo kaya at naduduwag ka, ako na lang!" saad ko sa mataas na tono ng boses. Tinabanan niya ang dalawang braso ko, ramdam na ramdam ko ang gigil mula sa mga kuko niyang bumabaon sa balat ko. Tumiim ang tingin nito sa akin, dala nito ang ang panganib. Umirap naman ako sa kaniya ngunit ang totoo ay pasimple lamang akong umiwas ng tingin dahil halos malusaw na ako sa mga mata niyang bitag para sa ‘kin.“Are you out of your f—cking mind? Today is my hearing, don't ruin this day. Besides, do you wanna be in danger again, huh? Now, let's go!" aniya sabay diin ng mga daliri sa braso ko at hinila ako papalayo sa lugar. Hindi manlang ako makawala sa pagkahawak niya sa akin at kahit anong piglas ko ay mas lalo lang humihigpit ang kamay niya na mistulang ngipin.Hinampas ko nang paulit-ulit ang kamay niya gamit ang natitirang lakas sa aking palad. “Sige, ipakita mong gan'yan ka! Sinasabi ko sa ‘yo, hinding-
Nang makatayo sa upuan, hindi na ako nag-atubili pa at nalakad patungo sa labas. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya kay Tanda ngunit sigurado akong importante ang lahat ng ‘yon.Naibaba ko ang mabibigat na talukap ng mga mata at napasandal sa pader. “Gosh! Hindi ko alam kung anong nangyayari, hindi siya gan'yan!" ani ko sa sarili at marahang naidausdos ang likod pababa sa pader. Nahanap ko ang sariling nakatalungko, mabuti na lang at walang tao.“Ayos ka lang, Hija? Kailangan mo ba ng tulong?"Napahinto ako sa kaiisip at nagmistulang kabayong kumawala sa kulungan ang mga iniisp ko. Marahan kong ibinukas ang mga mata, binuking ng paningin ko ibabang bahagi ng katawan ng lalaking nakatayo sa harapan ko.Mula sa tindig nito, paakyat sa kaniyang beywang ay paniguradong isa ito sa mga preso. Idagdag pa na orange ang suot nito hanggang binti. Marahan kong sinubaybayan ang bahagyang paggalaw nito at nang manakaw ang lakas ng loob na siyang tumakas sa akin ay iniangat ko ang ulo para s
Napansin ko ang pag-iling nito na animo'y nadismaya sa sinabi ko. “Hija, katulad ng sabi ko, huwag kang magpadalos-dalos lalo sa mga binibitiwan mong mga salita." saad nito. Ipinagkrus ko na lamang ang mga braso matapos ay inilapat ang likod sa sandalan ng upuan. Kahit papaano naman, nabas-bawasan na ang pagkakaba ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ko si Sebastian. “Kamusta na kaya siya? Ano na kayang lagay niya? Sana naman walang mangyari sa kaniyang masama," bulong ko sa isipan. Marahan ko pa ngang iniumpog ang ulo sa upuan sa pagkainis. Panandalian ko pang tinabig ang ulo sa kaliwang bahagi ng bintana upang tingnan ang mga tao sa labas. Sa rami ng iniisip ko ngayon ay para na akong naglalakbay sa gitna ng dilim. Ewan ko ba pero parang bumagal ang pagkumpas ng mga kamay ng orasan nang isipin kong muli ang dalawang araw na sinabi nito sa ‘kin.Mahihintay ko ba iyon gayong alam kong nasa panganib ang buhay niya? Kasalanan naman talaga ni Drake ang lahat. Bwisit siya, tse!“Andito
“K-Kung ganoon, bakit naman po sa tingin ninyo ginagawa niya ang lahat?" utal ko. Gamit ang hintuturo ay pinunasan ko ang tumatagaktak na pawis.Muli niyang iniayos ang sinturon, patagilid nitong tiningnan ang nasa likuran nang marinig ang marahang pagsara ng pintuan. “That clearly means that someone is looking after you, you have to trust him." sagot niya.Inilapat ko ang magkabilang palad sa mga braso atsaka kiniskis ang mga ito dahil nakaramdam ako ng panlalamig kasabay nang paggala ng paningin ko sa apat na sulok ng kwarto. Para bang may camera na nakatutok sa akin dahilan para marahan ang paghinga ko.Alam ko ay ligtas naman ako dito dahil hindi naman niya ako dadalhin sa makasasakit sa ‘kin ngunit hindi ko mapigilan ang kaba. Nakatutok na ito sa screen ng kaniyang telepono nang pwersahin ko ang sarili para ibalik sa kaniya ang tingin. Seryoso na ang pagmumukha niya, nakanguso pa nga ito habang pinipindot ang hawak.“We need to follow him, start the car, I'll be there," Nagsalubo
“O-Okay..." awtomatikong bumilog ang bibig ko para maglabas ng salitang umaasahang magpapakalma sa kaniya. Nakasandal ang kanang bahagi ng tenga ko sa kaliwang dibdib niya dahilan para marinig ko ang ugong ng kaniyang puso.Hinimas ko nang marahan ang kaniyang basang likuran nang yapusin ko ang katawan niya. “Papayag na ako, alam kong makatutulong ito," bulong ko sa kaniya. Iniipit ko ang hintuturo at hinlalaki ko sa makapal na tela ng kaniyang suot sa bandang likuran atsaka ito ipinagpag para mawala sa pagkakalapat sa likod niya at upang makaramdam siya ng kaunting kapreskohan.Isinuot ko ang nagtatakang ekspresyon ng mukha nang panandaliang gamitin ang buong lakas upang makalayo sa kaniya. “Ang akala ko...isang linggo ka sa business meeting? Anong nangyari? Nakausap mo na ba ang mga investors?" hindi ko inaasahang sunod-sunod na mga tanong ang mga salitang lalabas sa aking bibig. Pinigil ko pa nga ang hininga upang mapigilan lang ang susunod na tanong na walang kasiguraduhan kung ma
“Bakit kailangan niyo naman siyang saktan? Hindi ba uso sa inyo ang salitang excuse me? Mga wala kayong modo!" ani ko, pilit kong ipinipiglas ang mga kamay sa mariing pagkakahawak ng isa sa mga ito sa kamay ko.Hindi naman ganito kanina, ang ayos nilang kausap. Mayroon lang naman itanong si Ken tapos sinuntok na kaagad nila? Ang akala ba nila ay masusuwag na ako sa ganoon?“Shut your mouth or I'll call Mr. Trevino regarding that man. Don't you know what you're doing, huh? You're in danger but, you just freaking went outside without his permission? Are you kidding me?" bulyaw nito dahilan para makaramdam ako ng pag-init ng punong tenga ko. Padabog akong tumayo sa kinauupuan para pantayan sila.Itinulak ko ito gamit ang iilang daliri ko dahilan para inboluntaryo itong umatras papalayo sa akin. “H'wag mo akong sigawan, pwede ba? Sino ka ba at ang yabang mo? Kung umasta ka, akala mo ka kung sino! Bakit pagmamay-ari mo ba ‘tong lugar?" singhal ko. Dinuduro ko pa ang mukha niya habang sinas
“Oh, sorry!" Ibinaba ko ang paningin sa mga pinong buhangin nang makabalik sa sariling wisyo. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko kung bakit ako tumulala sa kaniyang mukha.Tila napakaganda ng hulma ng kaniyang ilong. Ngayon pa lang ay nasisiguro kong nagmula siya sa magandang lahi.“Isabelle,” Humugot ako ng malalim na hininga nang lakasan ang loob upang titigan siya sa kaniyang mga mata. Awtomatikong bumukas ang maliit kong mga labi upang ngitian siya. “that's my name."" tapos ko sa usapan. Nakita ko naman siyang tumango ng mahinahon atsaka ibinalik ang paningin sa katawan. Sa takot na baka mahuli niya ulit ang pagnanakaw ko ng tingin ay ganoon din ang ginagawa ko. Mahina pa nga akong pumito upang subukang pagtakpan ang katahimikang bumabalot sa pagitan namin.“You. What's your name?” tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Pinakiliramdaman ko lang ang paglaban ng kaniyang mga talampakan sa agos ng tubig na tumama sa mga ito.“I'm Khael.” sagot niya. Sa boses pa lamang ay hal