Naibaba ko ang suklay nang magtama ang paningin namin matapos itong iluwa ng pintuan. Panandalian ko na lang ipinikit ang mga mata.
“Nakuha mo pa talagang tingnan ako sa mga mata ko, ‘no? Tumayo ka d'yan at linisin mo ‘yang mga kalat bago ko pa ipakain sa ‘yo iyan."Tumango na lamang ako sa kaniya. Wala akong lakas ng loob para tingnan ang mga mata nito dahil halos bangungutin ako ng gising sa t'wing nakikita ang madilim niyang mukha.Nakatatak na roon sa mala-aso niyang mukha ang kasamaan.Kahit kailan. Kahit alam naman niyang wala akong ginagawang masama ay ganito ang pakikitungo niya sa akin. Mas masahol pa sa demonyo ang ipinakikita nitong ugali sa akin.“P-Pasensya na ho ulit," mahinang bulong ko.Pinakinggan ko lang ang tunog ng mga mabibigat na hakbang nito hanggang sa makalayo sa akin.Inaamin ko na may kasalanan ako ngunit hindi ko lubusang maisip kung bakit halos ibunton niya sa akin ang lahat. Hindi naman niya kailangang parusahan ako ng ganito.Tumayo ako mula sa kinauupuan atsaka nilapitan ang mga pagkaing nasayang sa sahig. Tanging pag-iling na lang ang nagawa ko nang sandaling pagmasdan ang insidente.“Ibenta mo na lang ‘yang ampon mo, wala namang silbi!"Nabasag ang puso ko katulad ng mga bubog ng platong nasa harapan ko nang maalala ang isa sa pinakamasakit na salitang binitawan nito sa harapan ko.Magmula una pa lang ay alam ko na ang lahat. Sigurado rin ako na kinupkop lang nila ako para mayroon silang mutsatsa rito sa bahay.Pinag-aral naman nila ako't nakapagtapos ng high school ngunit ako na mismo ang nagpasyang maghinto na lang dahil binabayaran ko rin naman ang lahat ng mga naggastos nila. Idagdgag pa ‘yung gigising ako ng napakaaga para lang abalahin ang sarili sa mga gawaing bahay.Pati ang bawat butil ng kanin na sinusubo ko'y inililista pa nila bilang utang ko.Saktong pagdampot ko sa mga bubog na nagkalat ay bumagsak din ang luhang nagbabadya na naman mula sa mga mata ko.Wala na nga yata akong ibang magawa kundi ang umiyak nang umiyak. Sana lang ay hindi ako takasan ng mga luha ko katulad ng tunay kong mga magulang.Kailangan ko ba talagang maranasan ang lahat ng ito? Halos araw-araw na lang ay pinaparusahan ako ng poong maykapal.Huminto ako sa ginagagawa nag maramdaman ang taong nakatayo sa harapan ko. Marahan ko itong tinapunan ng tingin. Nakita ko si Inay, nakapameywang itong nakatitig sa akin.Naitaas ko ang dalawang kilay, sinusubukang kilatisin kung anong nasa likod ng seryosong titig niya.“Kailangan nating mag-usap, Isabelle." saad niya.Nagsimula na naman ang pagbilis ng takbo ng puso ko nang maisip ang mga katagang iyon. Hindi ako nakapagsalita kaagad na animo'y nalunok ang sariling dila sa pagtataka.“Huh, para saan ho?"Hindi ko na pinalampas ang oras at sinubukan ng klaruhin ang tanong na minsa'y sumagi sa ‘king isipan.“Tangina, pwede ba? ‘Wag ka nang magtanong!" aniya sa mataas na tono.Wala na akong nagawa nang hilahin niya ang braso ko para dalhin ako sa kwarto. Napakagat ako sa labi nang makita ang mga bagay na kaswal na ibinato sa sahig.“Maupo ka," utos niya. Kaagad ko namang sinunod ito.Napabuntong-hininga ako nang makita ang dumudugong labi niya. Kumunot ang noo ko nang mapagmasdan ang pamimikas nito.“Okay lang ho ba kayo? Gusto niyo ng tubig?"“Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo, Isabelle. ‘Wag mo akong alalahanin," saad niya atsaka pabagsak na naupo sa tabi ko.Tumango na lamang ako nang dahil sa pagkapahiya. Dumikit ang paningin ko sa kaniya, pinagmamasdan ang mga pasa sa kaniyang mukha.Ipinatong niya ang palad sa hita ko atsaka ito hinimas-himas. Nagtama naman ang paningin naming dalawa nang sadyain ko ito ng tingin.“Pasensya ka na sa inasal ng tarantadong tiyuhin mo kanina. Alam mo naman na kinakain ‘yon ng sistema kapag nalalasing, sana intindihin mo na lang," aniya. Tumango na lamang ako.Hindi ko na ibinukas ang bibig para magsalita dahil alam kong hindi naman ako mananalo bagkus ay yumuko na lamang at hinintay ang mga susunod na sasabihin niya.“Nga pala, gusto kong pag-usapan natin ang pagkadalaga mo. Nakahanap na ako ng magandang trabaho para sa ‘yo." dagdag pa niya. Nakuha naman niya ang atensyon ko.Tumaas ang isa sa mga kilay ko, “Anong trabaho naman ho?" tanong ko. Tuluyan akong kinain ng pagkagalak kaya't ngiti ang sumilay sa mga labi ko.Hinimas niya ‘yung buhok ko. “Sa club. Gusto kong maranasan mo ang naging trabaho ko noon.” sagot niya.Kaagad akong napatayo sa pagkagulat at marahang umatras papalayo sa kaniya nang ulitin ko sa isip ang litanya niya.“Ano? Hindi ko ho magagawa ‘yang gusto ninyo. Ayoko hong maging bayaran!" bulyaw ko. Nababakas pa sa aking tono ang pagkainis dito.“Aba! Huwag mo sabihing nagmamalaki ka? Ikinakahiya mo ba ang trabaho ko na minsan ay bumuhay at nagpa-aral sa iyo? Sa ayaw at sa gusto mo, susundin mo ang gusto ko, maliwanag?" saad nito.Nanlalaki ang kaniyang mga mata na animo'y kakainin na ako ng buhay.Nagpailing ako. “Hindi ho ako nagmamalaki, Inay. Ayoko lang hong matulad sa inyo. Tingnan niyo, pagkatapos nilang pagkaperahan ang katawan mo'y tinanggal ka na sa trabaho. Ayoko hong matulad sa inyo!" angal ko.Yumukom ang kamao ko mataps itong samaan ng tingin.“Tangina, gamitin mo ‘yang utak mo. Malaki ang kikitain mo rito, gaga!" saad niya, “Atsaka, nakausap ko na ang tiyuhin mo at ang may-ari ng club. Papatayin ka ng tiyuhin mo kapag hindi k pumayag sa gusto namin. Gusto mo bang hindi na makita ang tunay mong mga magulang, ha?"Nasapo ko ang mukha nang maramdaman ang malapad na palad na lumapat sa aking mukha. Nag-iwan ito ng hapdi at sakit. Madilim ang ipinakita kong reaksyon sa ginawa niya.Lagi na lang nila akong minamanipula ng ganito.Napatango na lamang ako sa kabila nang pagtanggi ng puso't-isipan ko. Wala akong magagawang ibang paraan kundi sundin sila.Nakangiti ako nang pagmasdan ang hitsura sa salamin. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ngayon ko lang ulit nakita ang sariling mag-ayos ng ganito.Napakaganda ko.Masaya ako sa naging resulta ng paggamit ko ng make-up. Ngunit hindi ko naiiwasan ang mapangiwi sa tuwing naiisip ang pupuntahan.“Isabelle, anong oras na? P*****a, dalian mo naman!" napamaang ako sa kinauupuan ng marinig ang isang basag na tinig.Suot ang maikling kulay pulang bistida ay kaagad akong tumayo sa kinauupuan. Dali-dali akong tumabo papalabas sa kabila ng pananakit ng talampakan sa suot na bagong heels na ibinigay niya sa akin.“Ito na ho!" saad ko.Panandalian akong napatigill nang maramdaman ang uhaw na titig ng mga kainumunan nila. Marahan kong hinila pababa ang kasuotan.“Oh, ‘di ba? Sabi ko sa inyo, maganda ‘yang pamangkin ko. Mga tarantado kayo, edi natulala kayo?"Umalingaw-ngaw ang boses ni Inay ang pumukaw ng atensyon ko sa kabilang banda. Bahagya akong napangiti nang dahil doon.“Pare, siya ‘yung sumunog ng pulutan natin, ‘di ba? Kawawa naman ang magiging asawa n'yan, laging pakakainin ng sunog!" anang isa sa mga ito na katulad ni Tiyo ay mukhang aso rin.Napakagat na lang ako sa labi nang segundahan pa ito ng iba pang mga kasama nil ng pagtawa. Sa kahihiyan ay kumaripas ako ng takbo papalabas.Alam ko naman na hindi ‘yung nasunog ko ang pinagtatawanan nila kundi ako, ang buong pagkatao ko. Hindi ko kayang pagmasdan ang bawat isa sa kanila na gawing katatawanan ang pamimikas ko.Saktong mayroong humintong traysikel sa harapan ko nang makalabas ng bahay kaya't kaagad ko itong pinara at hindi nag-atubiling sumakay dito.Ipinagkrus ko ang mga braso at muli na namang kinagat ang labi na kasing-pula ng kasuotan ko. “Bakit kasi ngayon pa nangyari ito? Panigurado'y hanggang isang linggo ang galit sa akin ni Tiyo Brando." saad ko sa sarili at umiling.Iba pa naman ang timpal noon kapag nagagalit dahil mas masahol pa iyon sa asong nauulol. Gumawa lang ako ng maliit na bagay ay galit na galit na ito sa akin. Iyon pa kayang napahiya ko siya sa mismong kaarawan niya?“Bingi ka ba? Sabi ko, andito na tayo!"Napakurap ako nang makarinig nang sigaw ng isang lalaki. Inilipat ko ang tingin dito. Napangisi na lang ako nang makita itong nakakunot ang noo't kumakamot-kamot sa ulo.“Ay pasensya na ho, Manong. Ito ho oh!"Iniabot ko sa kaniya ‘yung perang hawak ko bilang bayad. Kaagad naman niya itong isinuksok sa bulsa niya. Nahinto ang pag-ngiti ko nang tumama ang paningin ko sa madilim niyang mga mata. Bahagya pa akong napaatras nang padyakan niya ang motor at bumarurot papalayo sa akin.Kaagad akong tumakbo papasok sa loob ng club. Napakunot ako ng noo nang sakupin ng nakasisilaw na sinag ng ilaw ang mga mata ko dahilan para mapapikit ako.“Sis, anong ginagawa mo rito?"Sa kabila ng hiyawan ay nakarinig ako ng isang pamilyar na tinig. Hindi ko inaasahang makita ang matalik kong kaibigan na si Natasia nang pilitin kong ibukas ang mga mata at ibaling ito sa gilid kung saan ko narinig ang tinig nito.“Natasia?" ani ko.Matamis na ngiti ang sumilay sa labi ko matapos masigurong siya nga. Mabilis akong dinala ng mga paa papalapit sa kaniya at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.“Ikaw na ba ‘yan? Ang ganda mo na!" sigaw ko.Siya ‘yung naging sandalan ko magmula pa dati noong wala akong maibukang bibig kundi ang nakaaawang sitwasyon ko sa buhay. Hindi ko naman inaasahang makikita siya rito.“Ano ka ba, ako lang ito!' saad niya atsaka hinawi ang buhok papunta sa likod ng tenga. Natawa naman ako nang dahil doon.Nalaglag ang panga ko nang kilatisin ang buong pagkatao niya. Katulad nang kasuotan ko ay maikli rin ang bistidang suot niya na mayroong slit na kita ang makinis niyang hita. Maihahambing ko sa gatas ang kutis niya.“Kumusta ka na? Anlaki na nang ipinagbago mo, ah?" tanong ko.Halos pumalakpak ang puso ko sa saya kung may mga kamay lang ito.“Ito p****k pa rin, chos," pabirong saad niya. Napatakip ako sa bibig para pigilan ang paghalakhak. “Malaki na talaga ang ipinagbago ko, sis. Ganito talaga kapag naaambunan ng mga pera ng mga matatandang chupapi," dagdag pa nito.Tumango ako sa sagot niya. Sa bagay, tama rin naman siya. Malaki nga raw talaga ang kitaan sa ganitong trabaho.“Ikaw ang kumusta na? Minamaltrato ka pa rin ba ng demonyito mong tiyuhin?" tanong niya at bahagya pa ngang tumaas ang isa sa manipis na kilay niya.Nagpailing na lamang ako sa kaniya at marahang tinanggal ang kamay niya sa braso ko nang masagi niya ang pasa ko.Pinagkakatiwalaan ko siya. Kung tutuusin ay kapatid na ang turing ko sa kaniya ngunit hindi ito ang tamang oras para pag-usapan ang lahat. Hindi rin naman drama ang ipinunta ko rito kung hindi ang trabaho.“Pwede ko bang makausap ang may-ari ng club?" biglaang tanong ko. Alam kong hindi niya ito inaasahan.Hindi katulad kanina ay dalawang kilay na niya ang nakataas ngayon. Nababakas sa kaniyang mukha ang pagtataka, senyales ito na dapat kong klaruhin ang litanya.“Gusto ko sanang pumasok ng traba–" naputol ang pagsasalita ko nang marinig ang nakabibinging bulyaw nito sa harapan ko.“Ano, ikaw? Magtatrabaho rito? Gaga ka ba?"Napayuko ako. Hindi rin naman hinggil sa aking kaalaman na ganito ang reaksyon niya ngunit hindi ko maiwasan ang pagkagulat dito.Napatango ako. “Si Inay ang may gusto nito, Natasia. Wala naman akong magagawa, alam mo naman ang sitwasyon ko, ‘di ba?" bulong ko nang ilapit ang bibig sa tenga niya.“Edi ‘yan pala ang dahilan kung bakit nandito ‘yan kanina? Pero, sigurado ka na ba? Alam mo naman na mahirap magtrabaho dito, ‘di ba?"Tumango ako.“Sigurado na ako," saad ko. Napalunok ako, “kaya please, tulungan mo na ako." dagdag ko pa.Narinig ko ang pagbubuntong-hininga niya, nakita ko pa nga ang pag-irap nito sa pagkadismaya.Mabilis naman niyang hinila ang kamay ko dahilan para mapasunod ako sa loob ng opisina.“Mikey, may gustong mag-apply dito!" bungad niya nang maisara ang seradura.
Sinalubong naman ako ng isang baklang mayroong kalakihan ang katawan. Tinapunan ako nito ng tingin. Maikli rin ang suot nitong short. Mahaba ang kilay at halos magmukhang clown sa kapal ng lipstick.
Nakabusangot ang hitsura nito. “Hmm, anong pangalan mo, hija?" aniya. Hindi niya maitago sa boses ang pagkalalaki kahit ano pang ipit ang gawin niya.
Ngumiti naman ako rito. “Isabelle, ho." sagot ko.
Hindi ko maitago ang panginginig ng boses ko nang magtama ang paningin namin. Mukha siyang matapang na gagamba.
“Ikaw ba ‘yung pamangkin ni Matilda?" tanong niya. Marahan naman akong tumango rito. “Ay, oh. Sinetch itey ang bading, mas maganda ka sa kaniya!"
Marahan kong ibinaba ang kasuotan nang makitang bahagya itong nakalilis.
“Oh siya, umikot ka nga," kaagad ko namang sinunod ang utos niya't marahang umatras para umikot.
Nakita ko pang tumango ito nang maibalik ko ang paningin sa kaniya. Malakas ang kabog ng dibdib. Huminga ako ng malalim.
“Sakto. Magaling ka bang kumembot?"
Kumunot ang noo ko. “Huh, ano ho?"
“Hay naku, wala akong oras sa mga gan'yang kaartehan," saad niya.
Napabuntong-hininga ako nang maramdaman ang paglapit niya para hawakan ang ulo ko't bahagyang iniikot sa harapan ng monitor kung saan may mga babaeng hindi naiiba ang suot sa kanilang dalawa at nagsasayaw.
“Pagmasdan mo sila, lahat nang ‘yan ay katuld mo. Sa una pa-hard to get pero ngayon, mahihiya na ang mga bading na ahas kung gumiling. Huwag ka nang umarte, p****k din naman ang tiyahin mo kaya't sigurado akong hindi ka rin malinis."
Marahan kong tinanggal ang makalyong kamay niya at tinapunan siya ng tingin. Napakagat din ako sa labi.
“Huwag ka ring mag-aalala dahil lahat tayo rito ay may kaniya-kaniyang baho. Tatanggi ka pa ba sa gusto ng tiyahin mo?" saad niya.
Umikot pa ang mga mata niya. Katulad ng kaniyang hininga ay ganoon din kabaho ang lumalabas na salita sa kaniyang bibig.
Ngunit nalaglag ang panga ko nang maglabas ito ng libo-libong pera at sinimulang bilangin ito sa aking harapan. Alam kong sinasadya niya iyon para akitin ako nang sa ganoon ay pumayag sa gusto nilang pumasok ako rito ng trabaho.
Naguguluhan ang isip ko nang marahan kong ibinalik ang paningin sa monitor at matamang pinagmasdan ang mga lalaking hayok na hayok sa laman. Humugot ako ng isang malalim na paghinga nang nagmistulang blangkong papel ang isipan ko. Hindi manlang ako nakapagsalita na animo'y tinakasan na naman ng boses.Delikado. Alam kong posibleng mangyari ito sa akin kung tatanggapin ko ang inaalok nito ngunit natatakot din naman ako sa kung anong pwedeng mangyari sa akin kapag umuwi akong walang napala.“Hoy, bruha ka! Huwag mong sayangin ang oras ko dahil kahit pa kinausap na ako ng tiyahin mo patungkol dito ay gusto kong sa ‘yo mismo manggaling ang desisyon. Mahirap na, madumi pa naman ang isip ng tiyahin mong si bruhilda!" Nakapameywang pa ito nang tapunan ko ito ng tingin atsaka mataray na hinawi ang buhok. Mariin na naman akong napalunok nang makita ang malalaking halaga ng perang ipinapamaypay niya sa sarili. Nagniningning ito sa aking paningin na kasing-tulad ng bituwin sa kalawakan. Hind
“Mga tarantado, magsilayas kayo rito!"Isang malakas na tinig ang pumukaw ng atensyon ko matapos kong makababa ng sasakyan. Mariin pa akong napapikit nang bulagin ako ng mataas na sinag ng araw.Kumunot ako ng noo at marahang tinapunan ng tingin ang kinaroroonan ng tinig. Nalaglag naman ang panga ko nang makita ang mga puto na nagkalat sa sahig.Nasapo ko ang dibdib nang panandaliang mapatingin sa paligid, hindi maipagkaka-ila na hindi nakakuha ng atensyon ang pangyayari. Hinigpitan ko ang hawak sa bitbit na bayong atsaka kumaripas ng takbo papalapit dito.“Okay lang ho ba kayo?" nag-aalalang tanong ko matapos itong pantayan ng upo. Nadurog ang puso ko nang magtama ang paningin namin ng matandang babae. Nakapinta sa mukha nito ang sakit. Hindi man lang ito kumibo sa akin at sinimulan ang pagpulot sa kaniyang mga paninda.“At ikaw na pokpok ka, anong ginagawa mo rito?"Suminghal ako nang marinig ang litanya ng babaeng unggoy sa harapan ko. Mataman kong kinilatis ang buong pagkatao nit
“Shit." dinig kong bulong nito.Maihahalintulad ko ang boses at pamimikas mito sa isang sundalo. Nakapalikod sa pananalita nito ang pagiging estrikto. Buong-buo ang boses niyang nanaig sa pandinig ko.Nakita ko pa ang pag-irap nito sa akin bago buksan ang pintuan at tuluyang sumakay sa kotse at simulang buksan ang makina nito.Nagmistulang dumaan ang anghel sa harapan ko dahil hindi manlang ako nakagalaw kaagad sa aking kinatatayuan. Pinagmasdan ko lamang itong bumarurot papalayo sa akin, wala salitang nakuhang kumawala sa bibig ko.Nabalik na lamang ako sa wisyo nang mapansing nakuha ko na naman ang atensyon ng mga tao sa paligid. Hindi katulad kanina'y mayroon ng hawak na telepono ang mga ito ngayon.Sa kagustuhang makatakas sa pinangyarihan ay kaagad akong kumaripas ng takbo papalayo sa lugar na ito.Nakaaawang mga tao dahil nagpapakain na ang mga ito sa sistema ng makabagong teknolohiya. Pabagsak akong naupo sa upuang kahoy. Hinilamusan ko rin ng tubig mula sa bote ang pagmumukha
Kasabay nang malakas na paghampas ng hangin sa mukha ko ang unting pagbuhos ng mga luha ko. Tila ba unti-unting kinikitil ang buhay ko nang minsan akong tumingin sa talampakang naliligo na sa dugo.Halos maging estatwa ako nang maramdaman ang mga kamay nitong marahang lumalayag patungo sa beywang ko.Nanlalamig ang buong katawan. Hindi ko magawang takasan ang reyalidad dahil animo'y nasa isang laro lamang ako na ako ang taya.Sa gitna ng kawalan ng pag-asa ay mariin akong napalunok na parang mayroong tinik na pumipigil sa akin para gawin ang bagay na ito.“H-Hindi kita maintindhan. P-Pasensya," Sapilitan akong napatingin sa kalawakan nang higpitan nito ang pagsabunot sa akin. Kitang-kita ko ang maliwanag na bituwin sa gitna ng kadiliman. Alam kong imposible ngunit sa puntong ito ay ipinapanalangin kong sana ay maging katulad din ako nito na kumikinang kahit sa gitna ng kawalan ng ilaw.“This isn't enough," saad nito na talaga nga namang pinagdiinan pa ang bawat salita.Hindi ko siya
Iginala ko ang paningin nang magkaroon ng lakas ng loob para harapin ang reyalidad. Alam kong walang magagawa ang pagdukdok ko rito. Sa puntong ito, kailangan kong magpanggap na matapang.Nakaharap ako sa isang malaking telebisyon na sapat na ang laki para makita ko ang repleksyon ng buong katawan. Mayroong itim na chandelier ang nakasabit sa gitna ng kwarto. Mahina lamang ang sinag ito, komportable ito sa aking paningin.Umalalay ako sa lamesa para makatayo.Tumingkayad pa ako para lamang makalakad.“Kailangan kong makatakas," saad ko sa isipan.Ito lamang ang litanyang tumatakbo sa aking isipan.Wala akong ibang paraang maisip kundi ang humanap ng paraan para makalabas sa silid na ito.Naiwan ko nga pala ang telepono ko. Malas!Ipinag-krus ko ang braso nang makaramdam ng lamig. Nababalot ako ng takot na unti-unting lumalamon sa sistema ko.Hindi ko alam kung saan ako dinala ng lalaking iyon. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na magagawa niya iyon sa akin, na may itinatago itong p
Malalim akong humugot ng hingin nang dumampi ang mga palad sa seradura ng pintuan. Nagdalawang-isip pa nga ako bago ko marahang binuksan iyon.Dumadagundong ang dibdib ko nang makitang walang tao sa loob ng silid. Marahan akong naglakad patungo sa couch at naupo na animo'y mayroong mababasag kung bibiglain ko ang kilos.Kinuskos ko ang mabibigat na talukap ng mga mata. Kulang na kulang ako sa tulog. Hindi ako pinatulog ng konsensiya ko kagabi. Takip ang bibig, marahan kong ibinuka ang bibig para humikab atsaka marahang iginala ang paningin sa bawat sulok ng silid.May kalakihan din ito kumpara doon sa kwartong tinulugan ko kagabi. Mayroong mga bookshelves ang nakapaikot sa kwartong ito dahilan para magmukha itong libraryo. Dumikit ang paningin ko sa desk nang balingan ko ito ng atensyon. Mayroong mga papel na nakapatong sa ibabaw noon dahilan para magtaka ako.Siya ngang napakadami ng trabahong ginagawa nito. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit siya ang kinikilalang pinakabatang bi
Namamawis ang mga palad ko siyang pinagmamasdan mula sa isang tabi. Tuluyan na niyang ibinunton ang atensyon sa pagbabasa ng hawak na libro habang ako naman ay naiwang nakatulala, iniisip pa rin kung anong maaaring kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa aking isipan.“Bakit ba andami mong nalalaman tungkol sa akin?" hindi ko inaasahang bubukas ang bibig ko para magsalita. Tumaas ang kilay nito nang tingnan ako pailalim. “I'm not the only one," sagot nito at padabog pa ngang isinara ang libro.Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Ano?" tanong ko.“You're known in this whole town, woman. After what happens, people are investigating about you." aniya. Madali nitong ibinalik ang atensyon sa hawak na libro at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Ilang saglit pa ay tuluyan na namang nilamon ng katahimikan ang buong lugar.Sirang-sira na pala ang pangalan ko. Kung ganoon naman ay ano pa ang silbi ko sa kaniya? Kilala na pala ako ng lahat, paano ko pa gagawin ang nakasaad sa pinirmahan ko
“Ito na po ang kape niyo," saad ko matapos ilapag nang marahan ang hawak sa ibabaw ng lamesa niya.Hindi ko na ito tiningnan pa. Iba kasi talaga ang ibinibigay na tama sa akin ng tingin niyang mapanghusga atsaka ayaw ko na rin namang magtagal dito.“What? You can leave now. Seeing your face irritates me!" bulyaw nito.Humigpit ang kapit ko sa dalawang daliri nang marinig ang inaasahang komento nito patungkol sa pagtayo ko sa kaniyang harapan kahit pa hindi niya sinabi. Mayroon naman akong importanteng sasabihin kaya't mas pinili kong tumayo rito sa harapan niya ngunit naghahanap pa ako ng tamang oras. at humuhugot ng lakas.Marahan kong itinaas ang ulo para pantayan ito ng tingin. “Mayroon ka pa bang kailangan sa ‘kin ngayong araw?" tanong ko.Awtomatiko namang kumunot ang noo nito atsaka tumayo mula sa kinauupuan. Umiling naman ito ng bahagya bago ako tinalikuran.“What do you want?" tanong nito na muli namang binalot ng ka-estriktohan ang tono ng pananalita.Panandalian kong ibinab
NOTE: SPG“Ba-Bakit mo ibinalik ang pera ni Mr. Vérmudez nang ganoon na lang? Ano bang nasa isip mo?" Ibinagsak ko ang katawan sa couch. Nang makaramdam ng pagbigat ng batok ay isinandal ko ito sa malammbot na unan na dagan-dagan ng aking likuran. Humugot ako ng malalim na hininga nang itaas ang tingin sa puting kisame. Mariin akong napapikit nang makaramdam ng paglabo ng paningin. “I don't need them." Narinig kong saad niya. Nang maibukas ko ang mga mata ay tumama ang paningin ko sa kaniya. Hinahagod ng matalim nitong mga mata ang buo kong pagkatao na para bang may ipinapahiwatig sa ‘kin. koIniayos ko ang upo nang maramdam upang nagsita asan ang iilang hibla ng buhok ko sa mga titig niyang iyon. Idiniretso ko ang likod at patagilid na tiningnan ang unan nang marahan itong bumagsak.koNagsalubong ang mga kilay kong kinilatis ang buong pagkatao niya. “Anong hindi? Sebastian, hindi man ako maalam r mga gan'yang negosyo ay alam kong kailangan mo sila. H'wag mong idinadaan sa yaman a
“The jury decided to drop this case as a punishment. We will move the hearing next week." Nalaglag ang panga ko sa narinig. Hindi ko inaasahan na ‘yon ang maririnig ko sa babaeng tumayo sa harapan. Halos mag-apoy ang mga mata ni Sebastian nang maibalik ko ang titig rito.Katulad ng inaasahan, bumakat na naman ang kaniyang mga daliri sa braso kong kanina pa namamasa. “What do you think you're doing, huh? You shouldn't do that. Look what you've done!" saad nito. Bakas sa kaniyang pananalita ang pagkagigil sa akin.Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdamang mas dumiin pa ito nang tangkain kong pumiglas. “Aray ko! Bakit ba ayaw mong magtiwala sa akin? Narinig ko nga ‘yan na may kausap sa lo—" Napaatras ako nang suntukin niya ang pader dahilan para mapahinto ako sa pagsasalita.“I said, enough! Amelia, you've ruined it. You shouldn't be caring about it. How many time do I have to freaking say to you that I can handle myself? Is it difficult to understand?" Mayroon nang namumuong dugo s
“Ano ba? Bitawan mo nga ako, nasasaktan na ako. Huwag mo akong pigilan, pwede ba? Kung hindi mo kaya at naduduwag ka, ako na lang!" saad ko sa mataas na tono ng boses. Tinabanan niya ang dalawang braso ko, ramdam na ramdam ko ang gigil mula sa mga kuko niyang bumabaon sa balat ko. Tumiim ang tingin nito sa akin, dala nito ang ang panganib. Umirap naman ako sa kaniya ngunit ang totoo ay pasimple lamang akong umiwas ng tingin dahil halos malusaw na ako sa mga mata niyang bitag para sa ‘kin.“Are you out of your f—cking mind? Today is my hearing, don't ruin this day. Besides, do you wanna be in danger again, huh? Now, let's go!" aniya sabay diin ng mga daliri sa braso ko at hinila ako papalayo sa lugar. Hindi manlang ako makawala sa pagkahawak niya sa akin at kahit anong piglas ko ay mas lalo lang humihigpit ang kamay niya na mistulang ngipin.Hinampas ko nang paulit-ulit ang kamay niya gamit ang natitirang lakas sa aking palad. “Sige, ipakita mong gan'yan ka! Sinasabi ko sa ‘yo, hinding-
Nang makatayo sa upuan, hindi na ako nag-atubili pa at nalakad patungo sa labas. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya kay Tanda ngunit sigurado akong importante ang lahat ng ‘yon.Naibaba ko ang mabibigat na talukap ng mga mata at napasandal sa pader. “Gosh! Hindi ko alam kung anong nangyayari, hindi siya gan'yan!" ani ko sa sarili at marahang naidausdos ang likod pababa sa pader. Nahanap ko ang sariling nakatalungko, mabuti na lang at walang tao.“Ayos ka lang, Hija? Kailangan mo ba ng tulong?"Napahinto ako sa kaiisip at nagmistulang kabayong kumawala sa kulungan ang mga iniisp ko. Marahan kong ibinukas ang mga mata, binuking ng paningin ko ibabang bahagi ng katawan ng lalaking nakatayo sa harapan ko.Mula sa tindig nito, paakyat sa kaniyang beywang ay paniguradong isa ito sa mga preso. Idagdag pa na orange ang suot nito hanggang binti. Marahan kong sinubaybayan ang bahagyang paggalaw nito at nang manakaw ang lakas ng loob na siyang tumakas sa akin ay iniangat ko ang ulo para s
Napansin ko ang pag-iling nito na animo'y nadismaya sa sinabi ko. “Hija, katulad ng sabi ko, huwag kang magpadalos-dalos lalo sa mga binibitiwan mong mga salita." saad nito. Ipinagkrus ko na lamang ang mga braso matapos ay inilapat ang likod sa sandalan ng upuan. Kahit papaano naman, nabas-bawasan na ang pagkakaba ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ko si Sebastian. “Kamusta na kaya siya? Ano na kayang lagay niya? Sana naman walang mangyari sa kaniyang masama," bulong ko sa isipan. Marahan ko pa ngang iniumpog ang ulo sa upuan sa pagkainis. Panandalian ko pang tinabig ang ulo sa kaliwang bahagi ng bintana upang tingnan ang mga tao sa labas. Sa rami ng iniisip ko ngayon ay para na akong naglalakbay sa gitna ng dilim. Ewan ko ba pero parang bumagal ang pagkumpas ng mga kamay ng orasan nang isipin kong muli ang dalawang araw na sinabi nito sa ‘kin.Mahihintay ko ba iyon gayong alam kong nasa panganib ang buhay niya? Kasalanan naman talaga ni Drake ang lahat. Bwisit siya, tse!“Andito
“K-Kung ganoon, bakit naman po sa tingin ninyo ginagawa niya ang lahat?" utal ko. Gamit ang hintuturo ay pinunasan ko ang tumatagaktak na pawis.Muli niyang iniayos ang sinturon, patagilid nitong tiningnan ang nasa likuran nang marinig ang marahang pagsara ng pintuan. “That clearly means that someone is looking after you, you have to trust him." sagot niya.Inilapat ko ang magkabilang palad sa mga braso atsaka kiniskis ang mga ito dahil nakaramdam ako ng panlalamig kasabay nang paggala ng paningin ko sa apat na sulok ng kwarto. Para bang may camera na nakatutok sa akin dahilan para marahan ang paghinga ko.Alam ko ay ligtas naman ako dito dahil hindi naman niya ako dadalhin sa makasasakit sa ‘kin ngunit hindi ko mapigilan ang kaba. Nakatutok na ito sa screen ng kaniyang telepono nang pwersahin ko ang sarili para ibalik sa kaniya ang tingin. Seryoso na ang pagmumukha niya, nakanguso pa nga ito habang pinipindot ang hawak.“We need to follow him, start the car, I'll be there," Nagsalubo
“O-Okay..." awtomatikong bumilog ang bibig ko para maglabas ng salitang umaasahang magpapakalma sa kaniya. Nakasandal ang kanang bahagi ng tenga ko sa kaliwang dibdib niya dahilan para marinig ko ang ugong ng kaniyang puso.Hinimas ko nang marahan ang kaniyang basang likuran nang yapusin ko ang katawan niya. “Papayag na ako, alam kong makatutulong ito," bulong ko sa kaniya. Iniipit ko ang hintuturo at hinlalaki ko sa makapal na tela ng kaniyang suot sa bandang likuran atsaka ito ipinagpag para mawala sa pagkakalapat sa likod niya at upang makaramdam siya ng kaunting kapreskohan.Isinuot ko ang nagtatakang ekspresyon ng mukha nang panandaliang gamitin ang buong lakas upang makalayo sa kaniya. “Ang akala ko...isang linggo ka sa business meeting? Anong nangyari? Nakausap mo na ba ang mga investors?" hindi ko inaasahang sunod-sunod na mga tanong ang mga salitang lalabas sa aking bibig. Pinigil ko pa nga ang hininga upang mapigilan lang ang susunod na tanong na walang kasiguraduhan kung ma
“Bakit kailangan niyo naman siyang saktan? Hindi ba uso sa inyo ang salitang excuse me? Mga wala kayong modo!" ani ko, pilit kong ipinipiglas ang mga kamay sa mariing pagkakahawak ng isa sa mga ito sa kamay ko.Hindi naman ganito kanina, ang ayos nilang kausap. Mayroon lang naman itanong si Ken tapos sinuntok na kaagad nila? Ang akala ba nila ay masusuwag na ako sa ganoon?“Shut your mouth or I'll call Mr. Trevino regarding that man. Don't you know what you're doing, huh? You're in danger but, you just freaking went outside without his permission? Are you kidding me?" bulyaw nito dahilan para makaramdam ako ng pag-init ng punong tenga ko. Padabog akong tumayo sa kinauupuan para pantayan sila.Itinulak ko ito gamit ang iilang daliri ko dahilan para inboluntaryo itong umatras papalayo sa akin. “H'wag mo akong sigawan, pwede ba? Sino ka ba at ang yabang mo? Kung umasta ka, akala mo ka kung sino! Bakit pagmamay-ari mo ba ‘tong lugar?" singhal ko. Dinuduro ko pa ang mukha niya habang sinas
“Oh, sorry!" Ibinaba ko ang paningin sa mga pinong buhangin nang makabalik sa sariling wisyo. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko kung bakit ako tumulala sa kaniyang mukha.Tila napakaganda ng hulma ng kaniyang ilong. Ngayon pa lang ay nasisiguro kong nagmula siya sa magandang lahi.“Isabelle,” Humugot ako ng malalim na hininga nang lakasan ang loob upang titigan siya sa kaniyang mga mata. Awtomatikong bumukas ang maliit kong mga labi upang ngitian siya. “that's my name."" tapos ko sa usapan. Nakita ko naman siyang tumango ng mahinahon atsaka ibinalik ang paningin sa katawan. Sa takot na baka mahuli niya ulit ang pagnanakaw ko ng tingin ay ganoon din ang ginagawa ko. Mahina pa nga akong pumito upang subukang pagtakpan ang katahimikang bumabalot sa pagitan namin.“You. What's your name?” tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Pinakiliramdaman ko lang ang paglaban ng kaniyang mga talampakan sa agos ng tubig na tumama sa mga ito.“I'm Khael.” sagot niya. Sa boses pa lamang ay hal