Share

Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)
Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)
Author: Aesthetica_Rys

Prologue

last update Last Updated: 2021-06-17 08:14:40

"I now pronounce you, HUSBAND AND WIFE." Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan. Tila ang bawat isa ay nagdidiwang at masaya.

Ngumiti ako nang pilit kahit sa totoo lang ay naghahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Isa ito sa mga araw na pinakahihintay ko at ngayon nga ay dumating na.

Tumingin ako sa lalaking nasa tabi ko. Tuluyan nang naglaho ang ngiting pilit kumikipkip sa tunay na nararamdaman ko.

Una pa lang ay alam ko na wala siyang nararamdaman sa 'kin. Parang tinatarakan ang puso ko ng napakaraming patalim ang makita siya na ganito... Na hindi masaya.

Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kaniya at pilit na tinatago ang mga luhang nagbabadyang bumagsak mula sa mga mata ko. Patago at marahan kong pinunasan ang mga luhang nag-uunahan sa pagpatak.

Ibinaling ko ang mga tingin ko sa mga magulang namin na pumapalakpak at masayang masaya. Pinilit kong ngumiti ulit at ikinalma ang sarili. Huminga ako nang malalim at inaalis sa isip ang mga bagay na mas nagpapalala sa pakiramdam ko.

Animo'y malamig na hangin ang nasa tabi ko, hindi ito umiimik. Nananatiling tahimik at malamig na nakikitungo sa mga taong bumabati sa 'min. Malayo ang tingin at parang malalim ang iniisip.

Nang magtama ang mga mata namin, unti-unting dinurog ang puso ko. Puno ng lungkot, galit at hinanakit ang mga tingin niya.

Is he really destined to be mine? Or I was just forcing destiny to be his?

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Aishat Alatise
English please ......
goodnovel comment avatar
Lazy_Astrie
nashatkan din ako HHAHAHAHA
goodnovel comment avatar
sun_ny
masaket haaao
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)   Chapter 1

    Cami's Point of View Tumingin ako sa wrist watch ko habang palabas ng bahay. It's 1:38 in the afternoon.After having lunch, ipinagpatuloy na namin ang paglilipat ng mga gamit sa magiging bahay namin. "Cams, 'wag ka nang tumulong. Mapapagod ka lang!" singhal ni Kennedy sa 'kin bago ko pa maabot ang isang box mula sa compartment ng kotse. Nakatayo ito malapit sa gate at bitbit ang ilang mga gamit ko. She's wearing a plain peach croptop and highwasted shorts. Pinatungan niya pa ang sarili ng jacket dahil tirik ang araw at napakasakit sa balat ng init. Naka-bun ang buhok nito at nakalaylay na rin ang ilang hibla ng buhok habang pawisan. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa 'kin. She's Kennedy Cervantes, my bestfriend since high school until college. Actually, we're taking the same course. Same vibes. She wasn't supposed to be here, but she insisted to help me. Since, hindi pa uli

    Last Updated : 2021-06-17
  • Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)   Chapter 2

    Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Bumangon ako at dumiretso sa banyo. Humihikab pa ako na humarap sa salamin. Bakas pa rin ang pamumugto ng mga mata ko. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili at magbihis ay nagtungo na 'ko sa kusina. Our house is a small modern house and has two bedrooms, just perfect for the two of us. The ambiance is really nice. Pinaka bet ko talaga ay sa veranda. Ang mga magulang namin ang pumili ng bahay na 'to pati ang lugar para raw hindi kalayuan sa University na pinapasukan namin. Napagdesisyunan namin na matulog sa magkahiwalay na kwarto kahit pa no'ng sa bahay nila Auden kami nag-stay for three days after the wedding. Nang dahil ang focus ko ay nasa kusina hindi ko kaagad napansin na nasa living area pala si Auden. Napatigil ako sa pag-iinat at nakipagtitigan din sa kaniya. Nakakunot ang noo niya. Nagpalipat-lipat ang mga mata sa 'kin at sa dibdib ko. Kaya napatingin din ako sa kung anong tini

    Last Updated : 2021-06-17
  • Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)   Chapter 3

    "Napakasarap mabuhay lalo na kung pinupuno mo ito ng saya. Ngunit hindi ibig sabihin no'n na ang buhay ay puro saya lang dapat, we won't learn lesson from it if it doesn't have any challenges that will make us tough. In some point in our lives, kahit anong gawin nating pagpapasaya sa mga sarili natin at pag-iwas sa mga bagay na makakasakit sa 'tin, masasaktan at makakasakit pa rin tayo." Napapangiti ako habang pinapanood ang paborito kong motivational speaker. Itinaktak ko ang kutsara sa tasa nang matapos ko itong haluin. Ipinagtimpla ko si Auden ng black coffee kahit na sinabihan niya akong 'wag na. Uminom ako ng tsokolate ko at saka pinatay ang laptop. Gusto kong makuha ang tamang timpla na approve sa kaniya kaya naman todo practice pa rin ako. Na-e-excite tuloy ako na makita ang magiging reaction niya. Malungkot pa rin ako sa nangyari kagabi pero inaalis ko ito sa isipan ko. As long as I c

    Last Updated : 2021-06-19
  • Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)   Chapter 4

    Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng bahay. Nang tignan ko ang oras ay alas-nuwebe na ng umaga. Napuyat ako sa panonood ng 'Netflix' kagabi. 'Yong series na pinapanood ko kasi ay nakaka-tense na ang mga eksena. Hindi ko tuloy namalayan ang oras kaya alas-dos na ng madaling-araw ako nakatulog. Nag-inat muna ako bago bumangon para lumabas ng kwarto at tignan kung sino ang nasa labas. "I have bad feeling about this." Napa-angat ako ng tingin kay Auden na kakalabas lang din ng kwarto. Nagkatitigan kami nang makita niya rin ako na kakalabas lang. Nakapinta sa mga mukha namin parehas ang kuryosidad. Irita rin ang mukha niya marahil ay naalimpungatan din sa ingay na nanggagaling sa labas. Panay kasi ang katok ng mga ito. Siguradong magigising ka sa ingay. Umiwas siya ng tingin at naglakad na papuntang living area. "Mukhang tulog na tulog pa ang dalawa, bumalik na lang siguro tayo mamaya?" wika ng

    Last Updated : 2021-06-27
  • Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)   Chapter 5

    I can't imagine my life without my parents. But what I can't imagine is that I'll be the one to abandon them first. Noong sinabi ng doktor ko na napakaliit na ng chance or worst impossible na ang mag-conduct ng heart transplant. Masyadong risky dahil sa iba ko pang infection. Para akong binagsakan ng langit at lupa noon. Nawalan ako ng pag-asa sa buhay ko na magiging okay rin ako. Makalipas lang ang ilang taon, sinabi sa'min na...My days are numbered.Never in my life I felt miserable... But that time, I did. Hindi ako natatakot para sa mangyayari sa'kin. Natatakot ako na iwan ang pamilya ko. Ayokong malaman at makita na nasasaktan sila nang dahil sa 'kin. Ayoko. Ang tanging paraan lang na naiisip ko para pagaangin ang loob nila ay ipakita sa kanila na okay ako. Ginagawa ko ang lahat para sulitin ang bawat araw na natitira sa buhay ko kasama ang mga mahal ko sa buhay. I don't want them to feel miserable as I do.P

    Last Updated : 2021-07-06
  • Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)   Chapter 6

    As I laid my eyes, I saw Auden. Natutulog siya sa tabi ko habang nakatungo sa kama. Nakaharap ang mukha nito sa 'kin. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko dahil baka magising ko siya. Iginala ko ang paningin ko kung nasaan ako. This kind of place has been a big part of my life. Hindi na nakakapagtaka kung magising na lamang ako sa loob ng Hospital. Sanay na ako. Inalala ko kung ano ang huling nangyari bago ako mapunta rito. Oo nga pala. I saw Auden and a girl kissing that makes me mad. Mabilis bumaba ang heart rate ko everytime I cry. Kaya nanikip na naman ang dibdib ko at hinimatay ako. Hays. Why am I so pitiful? I feel disappointed for myself as well. Umasa ako, that's my fault. Ako lang naman ang nag-assume ng kung ano sa 'min. Ibinaling ko muli ang tingin ko kay Auden. He's still wearing the same clothes last night while I'm wearing a hospital gown. Tila may sariling pag-iisip ang kamay ko dahil dahan-dahan itong

    Last Updated : 2021-07-10
  • Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)   Chapter 7

    "Hmm... This is so good!"Hindi ko mapigilan ang i-express kung gaano kasarap ang pagkain. Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast. Napasarap yata ang tulog ko kaya alas-otso na ng umaga ako nagising. Medyo nagulat nga ako nang gano'n din si Auden. Kaya sabay kaming nag-almusal ngayon. No doubt this resort is overrated and one of the best beach and resort in town. I'll surely recommend this to my friends.Oo nga pala, ilang araw na lang ay umpisa na naman ng klase. Nakaka-excite dahil kaunti na lang ay tapos na ako sa kolehiyo pero nakakalungkot rin dahil huli na. Naunang natapos kumain si Auden. Tumayo na siya at pumasok sa bathroom. Pagkatapos ko kumain ay niligpit ko ang mga pinagkainan. Napalingon ako sa kinaroroonan ng cellphone ko na patuloy sa pag-ring.Naka-flash ang pangalan at picture ni Mommy sa phone ko. Video call. Itinapat ko ang mukha ko sa camera at ngumiti."Good morning, 'nak! How's your honeymoon? Ayos ba ang place, huh?" b

    Last Updated : 2021-07-14
  • Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)   Chapter 8

    "OMG! Mars, congratulations!" salubong sa 'kin ni Lucy, classmate ko. "Mrs. Cami Roux Balmaceda-Silverio! Kabogera!" "Congrats! Sana magka-baby na kayo! Hihi!" dagdag pa ni Kim, isa rin sa mga kaklase ko. Nasa cafeteria kami para kumain dahil kakatapos lang ng dalawang subjects namin. Unang araw pa lang naman at wala pa masyadong ginagawa. Si Kim at Lucy ay ang pinaka-close ko sa mga kaklase ko. Pero si Kenny ay ang bestfriend ko. Hindi lang kaklase kundi parang kapatid na rin. "Ano ba kayo!? Alam niyo naman ang sitwasyon ni Cams," banat naman ni Kenny sa kanila na may bitbit na tray na may nakalagay na slice ng cake habang papalapit sa 'min. "Hehe, tama si Kenny. Wala pa sa plano namin 'yon." Sumubo ako ng chocolate cake habang lihim na lumilinga. Hinahanap ng mata ko ang bawat hoodie na makikita ko at tinitignan kung isa ba doon si Auden. "Pero mars, ang swerte mo. Pinapangarap ng halos lahat ng babae

    Last Updated : 2021-07-21

Latest chapter

  • Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)   Chapter 60

    Malalagong dahon mula sa malaking puno ang nagsisilbing lilim para kay Cami at Auden sa park. Malamig at preskong simoy ng hangin ang sumasabay sa mga puso nilang nag-aawitan. Hindi maalis ni Cami ang tingin sa maamong mukha ni Auden. She look at him the way she look at the sunset. Sunset is her favorite part of the day and Auden is her favorite person. "Do you feel bored? Gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Auden kay Cami dahil napansin nito ang pagiging tahimik ng asawa. Inilagay niya ang kamay sa buhok ng asawa at sinuklay iyon. "Ayoko pa, nag-e-enjoy ako sa view dito, I want to savor every second and every minute looking at it," makahulugang wika ni Cami habang nakangiti. Kasalukuyan siyang nakahiga at nakapatong ang ulo sa mga hita ni Auden. Malaki na ang tiyan niya at ilang araw na lang ang hihintayin para sa paglabas ng pinakamagandang regalo na natanggap nila. "Okay, let's stay here fo

  • Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)   Chapter 59

    "I said where am I and you... Who are you?"I blinked a few times while swallowing what really is happening. Tears starts from falling down my cheeks. Parang sinasaksak ang puso ko. Unti-unting dinudurog ito.Bakit hindi niya ako naaalala?Tumayo ako at tumalikod dahil hindi ko na kaya. Naninikip ang dibdib ko. Napahagulgol ako pero pinipigilan kong gumawa ng ingay. Mabilis na napaikot ako paharap kay Auden nang hatakin niya ang braso ko.Biglang tumigil ang luha sa pag-agos nang makita ko siyang tumatawa. "I'm just kidding, wife. Come here," tawag niyo pero inagaw ko ang kamay ko at hinampas siya."Akala ko nakalimutan mo na ako! Tinakot mo ko, Auden! 'Wag ka ngang magbibiro ng ganyan. Hindi nakakatuwa!" singhal ko sa kaniya habang nagpupunas ng luha. Nagmukha akong tanga. Joke lang pala 'yon! Kainis.Pero kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko ala

  • Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)   Chapter 58

    "Please! Do everything you can! Please save him!" pagmamakaawa ko sa mga nurse habang nahiga si Auden sa stretcher at papunta sa emergency room. He's showering with blood. Halos kulay pula na ang polong suot niya at hindi na puti. Hindi ko alam kung saan ba siya tinamaan, hindi ko alam kung kritikal ba. Ang alam ko lang ay natatakot ako.Ayoko. Natatakot ako.Ngayon lang ako ulit nakaramdan ng ganitong takot. Takot na may mawawalang importanteng tao sa buhay. Gusto ko na lang pumalit doon. Ako na lang sana. Para sa akin naman 'yong bala 'di ba? Bakit si Auden pa? Bakit hindi na lang ako?Patakbo akong nakasunod sa mga nurse hanggang sa harangan ako ng isa sa kanila nang makarating kami sa emergency room. "Hanggang dito na lang po kayo, Ma'am. Bawal pong pumasok sa loob," aniya na nagpatigil sa akin. Tumalikod ito at isinara ang pinto ng emergency room. Pero bago pa magsara iyon ay nasilayan ko pa ang maputlang mukha ni A

  • Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)   Chapter 57

    Every second and every minute counts. Sampung minuto na lang ay mag-uumpisa na ang kasal. Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ko sa kaba na para bang hindi ito ang unang beses na kinasal kami. Halos ang lahat ay naghihintay na sa simbahan habang ako ay nandito pa sa bahay nila Mommy, ang bahay namin. Gusto ko nang hampasin at dukutin ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Quiet, please. Baka marinig ka ni Auden mamaya, nakakahiya!Inangat ko ang tingin ko sa harap ng salamin. A beautiful lady was standing in front of the mirror, facing me. A white, dazzling, covered with diamonds, trumpet style gown made me keep falling inlove with myself. Shez! Ako ba talaga ito?Hindi ito ang wedding gown na sinuot ko noon, that is way too simple compared to this one. Mas pinaghandaan namin ang lahat sa kasalang ito. Magmula sa red carpet hanggang sa kadulu-duluhan ng kuko ng mga bisita. Sobrang bongga!&nb

  • Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)   Chapter 56

    CAMI'S POV"Calm down, Cams," anang Kenny habang hinihimas ang likod ko upang pakalmahin ako. She is sitting beside me here in our living area. Hinawakan niya ang kamay ko at pinipigilan ang panginginig no'n. "Sana talaga mahuli na 'yang Adeena na bruha na 'yan, wala na siyang ginawa kundi gambalain kayo!""Umaasa rin ako, Kenny. Sana mahuli na siya para matahimik na ako. Ilang araw na lang kasal na namin pero ganito pa ang nangyayari," malungkot na wika ko sa kaniya. Napabuntong-hininga ako.Nandito si Kenny sa bahay namin para samahan ako. Ayaw akong hayaan ni Auden na mag-isa lalo na ngayon na nasa paligid-ligid lang si Adeena at tila may pagbabanta sa amin. Nagpunta si Auden sa police station dahil dadamputin na si Adeena. Sunud-sunod ang pagdadasal ko na sana makulong na siya."Relax, Cams. I'm sure magandang balita ang dala niyan ni Auden. Hindi naman siguro mahirap hulihin si Ad—"

  • Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)   Chapter 55

    "Oh fuck!" I heard that and I know it was Auden. Sinundan pa ito ng matatalas at malalakas na tunog ng sapatos na tumatama sa sahig at papalapit sa akin pero nanatili akong nakayuko at nakatuon ang atensyon sa tiyan ko. I don't feel pain. I don't feel anything. I kept my eyes staring at the blood stain in my dress and I'm froze with fear. Hinawakan ko ito at agad naman na nalagyan at kumapit sa mga kamay ko ang kulang pulang likido. Halos himatayin na ako nang pagmasdan ko ang kamay kong binabalot ng kulay pulang likido. "Putangina, anong nangyari!?" nagmamadaling tanong ni Auden, bakas rin ang pangamba sa boses niya. Nang balingan ko sila ng tingin ay kita ko ang mga pag-aalala sa mga mata ni Kenny at ni Auden. Mabigat ang paghinga ni Auden habang hawak niya ako sa balikat. Naririnig ko ang paulit-ulit na mura niya. "Are you all right, Cams? Wait

  • Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)   Chapter 54

    "What should I wear? Hmm?" I picked up the knee-length blue stripe and the pink plain drop waist dress from the bed. Itinapat ko ito isa-isa sa sarili ko habang nakaharap sa full body mirror para i-compare kung alin ang mas babagay sa akin. I can't decide what should I wear. Aalis ako ngayon dahil kikitain ko si Kenny. Matagal-tagal din simula noong huling nagkita kami. "This one seems uncomfortable," I said to myself while holding the pink drop waist dress on my right. I shooked my head. Ibinaling ko naman ang tingin sa blue stripe dress na nasa kaliwa ko. This one seems nice and comfortable. Mas lalong nag-bright ang kulay ng balat ko sa dress na ito. I like it but I need a second opinion. Lumabas ako ng kwarto and there I saw Auden talking to someone on the phone. Nakatalikod siya sa akin habang nakapameywang kaya hindi niya ako napansin kaagad. Bitbit ko ang dress at nagpunta sa harapan niya para hintayin

  • Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)   Chapter 53

    The just-risen sun shone softly on the streets, bringing with it a flurry of early-morning activity. Hindi ko tuloy maiwasan malibang habang nagmamasid at naggagantsilyo dito sa may veranda namin. Hindi ko pa rin ito tapos dahil minsan ay umuulit ako. Hindi pala ito ganoon kadali kahit na basic lang ang ginagawa ko. Desidido ako na matapos at makagawa ng isang scarf para sa baby ko. Gusto ko na pinaghirapan ko ang unang yayakap sa kaniya. Gusto ko maramdaman niya ‘yong pagmamahal ko through this scarf. Na sa tuwing makikita niya ito, maaalala niya ako. Na mommy niya ang gumawa no’n. And she will give it importance than other things dahil ginawa ko ito para sa kaniya mismo. Napapunas ako ng luha dahil hindi ko mapigilang maging emosyonal sa tuwing naiisip ko na magkaka-baby na kami ni Auden. Ang bilis ng panahon. Hindi nasayang ang desisyon ko na bumalik sa kaniya. Hindi nasayang ‘yong mga sakit na pinilit kong kimkimin. &nb

  • Our Life After Arranged Marriage (TAGALOG)   Chapter 52

    “No, please... Not my baby. Ako na lang!” Pilit akong nagmamakaawa habang magkasaklop ang mga nanginginig kong kamay at patuloy na umaagos ang luha sa mata ko. Pakiramdam ko ay kaharap ko na ang bingit ng kamatayan. “Kinuha mo si Auden sa akin, do you think I will just let the both of you be happy?” Tumawa siya na parang nababaliw pagkatapos ay umiling habang dahan-dahan na humahakbang patungo sa direksyon ko. “Fucking no! Siguro sa panaginip mo, oo. But I won’t let you enjoy the position that supposed to be mine. Dapat maramdaman mo rin kung gaano ako kamiserable dahil sa ‘yo!” Nagngingitngit ang mga ngipin ni Adeena habang dinudurog at pinapatay na ako sa mga tingin niya. Madilim ang mga titig niya. Mas nanlamig ako na para bang binuhusan ako ng nagyeyelong tubig nang bumunot siya mula sa likuran niya ng kutsilyo. Kitang-kita ko kung gaano katalim iyon at nagre-reflect ang liwanag mula doon

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status