As I laid my eyes, I saw Auden. Natutulog siya sa tabi ko habang nakatungo sa kama. Nakaharap ang mukha nito sa 'kin. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko dahil baka magising ko siya. Iginala ko ang paningin ko kung nasaan ako. This kind of place has been a big part of my life. Hindi na nakakapagtaka kung magising na lamang ako sa loob ng Hospital. Sanay na ako.
Inalala ko kung ano ang huling nangyari bago ako mapunta rito. Oo nga pala. I saw Auden and a girl kissing that makes me mad. Mabilis bumaba ang heart rate ko everytime I cry. Kaya nanikip na naman ang dibdib ko at hinimatay ako. Hays. Why am I so pitiful?
I feel disappointed for myself as well. Umasa ako, that's my fault. Ako lang naman ang nag-assume ng kung ano sa 'min. Ibinaling ko muli ang tingin ko kay Auden. He's still wearing the same clothes last night while I'm wearing a hospital gown.Tila may sariling pag-iisip ang kamay ko dahil dahan-dahan itong
"Hmm... This is so good!"Hindi ko mapigilan ang i-express kung gaano kasarap ang pagkain. Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast. Napasarap yata ang tulog ko kaya alas-otso na ng umaga ako nagising. Medyo nagulat nga ako nang gano'n din si Auden. Kaya sabay kaming nag-almusal ngayon. No doubt this resort is overrated and one of the best beach and resort in town. I'll surely recommend this to my friends.Oo nga pala, ilang araw na lang ay umpisa na naman ng klase. Nakaka-excite dahil kaunti na lang ay tapos na ako sa kolehiyo pero nakakalungkot rin dahil huli na. Naunang natapos kumain si Auden. Tumayo na siya at pumasok sa bathroom. Pagkatapos ko kumain ay niligpit ko ang mga pinagkainan. Napalingon ako sa kinaroroonan ng cellphone ko na patuloy sa pag-ring.Naka-flash ang pangalan at picture ni Mommy sa phone ko. Video call. Itinapat ko ang mukha ko sa camera at ngumiti."Good morning, 'nak! How's your honeymoon? Ayos ba ang place, huh?" b
"OMG! Mars, congratulations!" salubong sa 'kin ni Lucy, classmate ko. "Mrs. Cami Roux Balmaceda-Silverio! Kabogera!" "Congrats! Sana magka-baby na kayo! Hihi!" dagdag pa ni Kim, isa rin sa mga kaklase ko. Nasa cafeteria kami para kumain dahil kakatapos lang ng dalawang subjects namin. Unang araw pa lang naman at wala pa masyadong ginagawa. Si Kim at Lucy ay ang pinaka-close ko sa mga kaklase ko. Pero si Kenny ay ang bestfriend ko. Hindi lang kaklase kundi parang kapatid na rin. "Ano ba kayo!? Alam niyo naman ang sitwasyon ni Cams," banat naman ni Kenny sa kanila na may bitbit na tray na may nakalagay na slice ng cake habang papalapit sa 'min. "Hehe, tama si Kenny. Wala pa sa plano namin 'yon." Sumubo ako ng chocolate cake habang lihim na lumilinga. Hinahanap ng mata ko ang bawat hoodie na makikita ko at tinitignan kung isa ba doon si Auden. "Pero mars, ang swerte mo. Pinapangarap ng halos lahat ng babae
"How are you, my dear ex-boyfriend," she greeted with angelic smile plastered in her lips. She's so pretty and look sophisticated. Inipit niya ang maikling buhok sa kaliwang tenga na animo'y nagpapa-cute. Halata ang ganda ng hubog ng katawan niya dahil sa fitted dress na suot. Kahit sinong lalaki ay maaakit sa tindig pa lang niya.Sobra-sobra na yata ang puri na ibinibigay ko sa kaniya. Dala ito ng nararamdaman kong pressure nang makaharap ko na siya. Lumingon siya sa 'kin habang nakapinta pa rin ang ngiti sa mapupulang labi nito."And you are?" diretsong tanong niya. Hindi agad ako nakapag-react. Anong isasagot ko!? Bigla ba naman sumulpot ang isang babae sa harap niyo habang kumakain at magpakilalang ex-girlfriend siya ng asawa mo. Siguradong nakakabigla 'yon. Relax, Cami. Ex-girlfriend lang siya at asawa ka.'Pero mahal ka ba?'Napailing ako sa naisip ko at pilit na inaalis ito."I'm Cami," I said then I pause
Natapos ang unang linggo simula nang magpasukan. Nitong mga nakaraang araw ay tahimik ang pamumuhay namin ni Auden dahil hindi na ulit nagparamdam ang ex niya. Hinihiling ko nga na hindi na talaga siya magpakita sa 'min. Ayokong nasa paligid-ligid siya namin ni Auden dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay aagawin niya sa 'kin si Auden. Naging routine na namin sa araw-araw ang sabay na pagpasok at pag-uwi. Iyon nga lang ay madalang kaming sabay mag-lunch dahil magkaiba ang schedule namin. Nagtitimpla ako ngayon ng kape ni Auden. Nasa veranda siya at doon nagkakalikot sa laptop niya. He always seems busy. Para siyang tatay niya. Nasa dugo na siguro nila ang pagiging workaholic. Pagkatapos kong magtimpla ng coffee para kay Auden ay nagtimpla na rin ako ng chocolate para sa sarili ko. "I made you your favorite black coffee, here!" masigla kong sabi kay Auden at ibinaba sa lamesa ang mga hot drinks namin. Naupo ako sa isa pang upuan at ni-lean ang likod at nag-relax.
Weekend. Ang bilis ng araw dahil parang noong nakaraan lang ay biyernes pa lang. Ngayon ay linggo na at bukas lunes na naman. May pasok na naman. Bakit kaya ang biyernes malapit sa lunes pero ang lunes malayo sa biyernes. Hays. Ano ba itong naiisip ko! Kailangan kong maging productive ngayong linggo! Ano bang mga dapat kong gawin? Bukas ay may pasok na naman at buong linggo na naman akong focus sa school.Ang sarap pa naman ng pagkaka-upo ko dito sa veranda. Si Auden ay nasa loob ng kwarto niya. Wala na naman yatang balak lumabas ng kwarto ang lalaking 'yon. Malamang ay nag-aaral na naman 'yon. Puro pagbabasa ng libro o 'di kaya'y may ginagawa sa laptop niya. Ibinaba ko ang librong binabasa ko at tumayo. Nag-inat-inat ako. Kailangan kong i-stretch ang mga kasu-kasuan ko para iwas stroke.Habang nag-iinat ay namataan ko ang isang matandang babae sa kabilang bakod. Nakatingin siya sa 'kin at nakangiti."Magandang umaga!" bati niya. Napansin ko na nagdidilig
"That's my girl! Ganoon sana! Actually, kulang pa nga ang ginawa mo!" banat ni Kim sa akin. Nasa cafeteria kami para kumain. Hindi ko napigilan ang sarili ko na ikuwento ang naganap sa amin ni Auden kahapon dahil shems! Kinikilig pa rin ako! Pero kay Kenny ko lang ikinuwento kaso ang bruha, makati rin ang dila at sinabi kanila Lucy at Kim. Pero okay lang naman na malaman nila. Hindi ko makalimutan ang nangyari kahapon! Halos hindi nga ako makatulog kagabi. 3 am na yata ako nakatulog dahil sa sobrang kilig! "Bakit? Ano bang gusto mong gawin ko?" tanong ko naman sa kaniya habang halos magdikit na ang mga kilay ko. "Syempre, Mars! Kiss? Seriously? Ano kayo, kinder? Kiss lang?" sulsol pa ni Lucy. Si Kenny naman sa tabi ay pangisi-ngisi lang. Halos ako ay hindi maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig. "Cams, hindi kasi big deal para sa amin ang kiss niyo. Look, mag-asawa na kayo kaya tingin namin ay normal lang iyon sa
Nanginig ako sa lamig nang tumama ang tubig sa balat ko na nanggagaling sa shower. Pinili kong hindi buksan ang heater para magising ang dugo ko sa lamig ng tubig. Pumikit ako habang nilalasap ang pagbuhos ng malamig na tubig sa katawan ko. Naghahanda na ako para pumasok. Para akong patay sa kilos ko, walang kabuhay-buhay. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Naguguluhan ako. Bumalik sa alaala ko ang nakita ko kahapon. Parang kinurot ulit ang puso ko nang maalala ito. Takot ang naramdaman ko sa mga oras na hinawakan ni Adeena ang mga kamay ni Auden. Natatakot ako na baka sa oras na 'yon, magkatotoo ang mga binitiwang salita niya. Dahil sino ba naman ako sa buhay ni Auden? Sa umpisa pa lang ay walang kahit anong nag-uugnay sa aming dalawa samantalang sila... Nagmahalan sila. They used to be inlove with each other. May mga pangako para sa isa't isa. May mga pangarap sila na binuo nang magkasama. Humahalo sa tubig ang luhang tuloy-tuloy na tumutulo mula sa
I can't think of a reason why I deserve to feel this kind of pain. Why of all people, it has to be me? All my life, all I wanted is to have a peaceful, happy and contented family. And I want to experience it with Auden. Siya lang ang minahal ko buong buhay ko, wala ng iba. Sa kaniya ko naranasan ang kilig, saya at ang masaktan ng ganito.Auden is the reason why I want to live longer. I want to be with him until his hair turned grey. I want to hold his hand when we are old. I want to be the one beside him through his ups and downs.Gusto kong sisihin ang puso ko dahil nagmahal ito ng taong hindi naman ako kayang mahalin pabalik.Unti-unting bumagal ang mga lakad ko nang makalayo ako sa kanila. Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko, para na akong basang sisiw ngayon dahil sa katangahan ko. Niyakap ko ang sarili ko nang umihip ang hangin na naging dahilan ng pagtaas ng balahibo ko. Nangangatal na ang mga labi ko. Ramdam ko ang malalaking butil ng
Malalagong dahon mula sa malaking puno ang nagsisilbing lilim para kay Cami at Auden sa park. Malamig at preskong simoy ng hangin ang sumasabay sa mga puso nilang nag-aawitan. Hindi maalis ni Cami ang tingin sa maamong mukha ni Auden. She look at him the way she look at the sunset. Sunset is her favorite part of the day and Auden is her favorite person. "Do you feel bored? Gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Auden kay Cami dahil napansin nito ang pagiging tahimik ng asawa. Inilagay niya ang kamay sa buhok ng asawa at sinuklay iyon. "Ayoko pa, nag-e-enjoy ako sa view dito, I want to savor every second and every minute looking at it," makahulugang wika ni Cami habang nakangiti. Kasalukuyan siyang nakahiga at nakapatong ang ulo sa mga hita ni Auden. Malaki na ang tiyan niya at ilang araw na lang ang hihintayin para sa paglabas ng pinakamagandang regalo na natanggap nila. "Okay, let's stay here fo
"I said where am I and you... Who are you?"I blinked a few times while swallowing what really is happening. Tears starts from falling down my cheeks. Parang sinasaksak ang puso ko. Unti-unting dinudurog ito.Bakit hindi niya ako naaalala?Tumayo ako at tumalikod dahil hindi ko na kaya. Naninikip ang dibdib ko. Napahagulgol ako pero pinipigilan kong gumawa ng ingay. Mabilis na napaikot ako paharap kay Auden nang hatakin niya ang braso ko.Biglang tumigil ang luha sa pag-agos nang makita ko siyang tumatawa. "I'm just kidding, wife. Come here," tawag niyo pero inagaw ko ang kamay ko at hinampas siya."Akala ko nakalimutan mo na ako! Tinakot mo ko, Auden! 'Wag ka ngang magbibiro ng ganyan. Hindi nakakatuwa!" singhal ko sa kaniya habang nagpupunas ng luha. Nagmukha akong tanga. Joke lang pala 'yon! Kainis.Pero kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko ala
"Please! Do everything you can! Please save him!" pagmamakaawa ko sa mga nurse habang nahiga si Auden sa stretcher at papunta sa emergency room. He's showering with blood. Halos kulay pula na ang polong suot niya at hindi na puti. Hindi ko alam kung saan ba siya tinamaan, hindi ko alam kung kritikal ba. Ang alam ko lang ay natatakot ako.Ayoko. Natatakot ako.Ngayon lang ako ulit nakaramdan ng ganitong takot. Takot na may mawawalang importanteng tao sa buhay. Gusto ko na lang pumalit doon. Ako na lang sana. Para sa akin naman 'yong bala 'di ba? Bakit si Auden pa? Bakit hindi na lang ako?Patakbo akong nakasunod sa mga nurse hanggang sa harangan ako ng isa sa kanila nang makarating kami sa emergency room. "Hanggang dito na lang po kayo, Ma'am. Bawal pong pumasok sa loob," aniya na nagpatigil sa akin. Tumalikod ito at isinara ang pinto ng emergency room. Pero bago pa magsara iyon ay nasilayan ko pa ang maputlang mukha ni A
Every second and every minute counts. Sampung minuto na lang ay mag-uumpisa na ang kasal. Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ko sa kaba na para bang hindi ito ang unang beses na kinasal kami. Halos ang lahat ay naghihintay na sa simbahan habang ako ay nandito pa sa bahay nila Mommy, ang bahay namin. Gusto ko nang hampasin at dukutin ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Quiet, please. Baka marinig ka ni Auden mamaya, nakakahiya!Inangat ko ang tingin ko sa harap ng salamin. A beautiful lady was standing in front of the mirror, facing me. A white, dazzling, covered with diamonds, trumpet style gown made me keep falling inlove with myself. Shez! Ako ba talaga ito?Hindi ito ang wedding gown na sinuot ko noon, that is way too simple compared to this one. Mas pinaghandaan namin ang lahat sa kasalang ito. Magmula sa red carpet hanggang sa kadulu-duluhan ng kuko ng mga bisita. Sobrang bongga!&nb
CAMI'S POV"Calm down, Cams," anang Kenny habang hinihimas ang likod ko upang pakalmahin ako. She is sitting beside me here in our living area. Hinawakan niya ang kamay ko at pinipigilan ang panginginig no'n. "Sana talaga mahuli na 'yang Adeena na bruha na 'yan, wala na siyang ginawa kundi gambalain kayo!""Umaasa rin ako, Kenny. Sana mahuli na siya para matahimik na ako. Ilang araw na lang kasal na namin pero ganito pa ang nangyayari," malungkot na wika ko sa kaniya. Napabuntong-hininga ako.Nandito si Kenny sa bahay namin para samahan ako. Ayaw akong hayaan ni Auden na mag-isa lalo na ngayon na nasa paligid-ligid lang si Adeena at tila may pagbabanta sa amin. Nagpunta si Auden sa police station dahil dadamputin na si Adeena. Sunud-sunod ang pagdadasal ko na sana makulong na siya."Relax, Cams. I'm sure magandang balita ang dala niyan ni Auden. Hindi naman siguro mahirap hulihin si Ad—"
"Oh fuck!" I heard that and I know it was Auden. Sinundan pa ito ng matatalas at malalakas na tunog ng sapatos na tumatama sa sahig at papalapit sa akin pero nanatili akong nakayuko at nakatuon ang atensyon sa tiyan ko. I don't feel pain. I don't feel anything. I kept my eyes staring at the blood stain in my dress and I'm froze with fear. Hinawakan ko ito at agad naman na nalagyan at kumapit sa mga kamay ko ang kulang pulang likido. Halos himatayin na ako nang pagmasdan ko ang kamay kong binabalot ng kulay pulang likido. "Putangina, anong nangyari!?" nagmamadaling tanong ni Auden, bakas rin ang pangamba sa boses niya. Nang balingan ko sila ng tingin ay kita ko ang mga pag-aalala sa mga mata ni Kenny at ni Auden. Mabigat ang paghinga ni Auden habang hawak niya ako sa balikat. Naririnig ko ang paulit-ulit na mura niya. "Are you all right, Cams? Wait
"What should I wear? Hmm?" I picked up the knee-length blue stripe and the pink plain drop waist dress from the bed. Itinapat ko ito isa-isa sa sarili ko habang nakaharap sa full body mirror para i-compare kung alin ang mas babagay sa akin. I can't decide what should I wear. Aalis ako ngayon dahil kikitain ko si Kenny. Matagal-tagal din simula noong huling nagkita kami. "This one seems uncomfortable," I said to myself while holding the pink drop waist dress on my right. I shooked my head. Ibinaling ko naman ang tingin sa blue stripe dress na nasa kaliwa ko. This one seems nice and comfortable. Mas lalong nag-bright ang kulay ng balat ko sa dress na ito. I like it but I need a second opinion. Lumabas ako ng kwarto and there I saw Auden talking to someone on the phone. Nakatalikod siya sa akin habang nakapameywang kaya hindi niya ako napansin kaagad. Bitbit ko ang dress at nagpunta sa harapan niya para hintayin
The just-risen sun shone softly on the streets, bringing with it a flurry of early-morning activity. Hindi ko tuloy maiwasan malibang habang nagmamasid at naggagantsilyo dito sa may veranda namin. Hindi ko pa rin ito tapos dahil minsan ay umuulit ako. Hindi pala ito ganoon kadali kahit na basic lang ang ginagawa ko. Desidido ako na matapos at makagawa ng isang scarf para sa baby ko. Gusto ko na pinaghirapan ko ang unang yayakap sa kaniya. Gusto ko maramdaman niya ‘yong pagmamahal ko through this scarf. Na sa tuwing makikita niya ito, maaalala niya ako. Na mommy niya ang gumawa no’n. And she will give it importance than other things dahil ginawa ko ito para sa kaniya mismo. Napapunas ako ng luha dahil hindi ko mapigilang maging emosyonal sa tuwing naiisip ko na magkaka-baby na kami ni Auden. Ang bilis ng panahon. Hindi nasayang ang desisyon ko na bumalik sa kaniya. Hindi nasayang ‘yong mga sakit na pinilit kong kimkimin. &nb
“No, please... Not my baby. Ako na lang!” Pilit akong nagmamakaawa habang magkasaklop ang mga nanginginig kong kamay at patuloy na umaagos ang luha sa mata ko. Pakiramdam ko ay kaharap ko na ang bingit ng kamatayan. “Kinuha mo si Auden sa akin, do you think I will just let the both of you be happy?” Tumawa siya na parang nababaliw pagkatapos ay umiling habang dahan-dahan na humahakbang patungo sa direksyon ko. “Fucking no! Siguro sa panaginip mo, oo. But I won’t let you enjoy the position that supposed to be mine. Dapat maramdaman mo rin kung gaano ako kamiserable dahil sa ‘yo!” Nagngingitngit ang mga ngipin ni Adeena habang dinudurog at pinapatay na ako sa mga tingin niya. Madilim ang mga titig niya. Mas nanlamig ako na para bang binuhusan ako ng nagyeyelong tubig nang bumunot siya mula sa likuran niya ng kutsilyo. Kitang-kita ko kung gaano katalim iyon at nagre-reflect ang liwanag mula doon