"Heather?" sambit ng isang tinig. Nang lingunin ko iyon, nakita ko ang isang pamilyar na tao.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. "Danielle, right?"
"Oo! Mabuti na lang at natatandaan mo pa ako," nakangiting aniya. "Dito kami nakatira at dito na ulit ako nagtatrabaho."
"Nagtatrabaho?" takang tanong ko at tumango naman siya.
"Oo. Mula bata pa lamang ako, dito na nakatira sa Alemanya Leona ang pamilya namin. Dito na ako lumaki at dito na rin ako nagbinata. Dating tauhan ang mga magulang namin sa bahay na ito at nang mamatay sila ay kami na ang pumalit sa kanilang dalawa," pagkukwento niya. "Aalis na kami, Ate." Tumango naman sa kaniya 'yung babaeng mataray.
Iginaya niya ako pasakay roon sa golf cart at sumakay ako roon. Nang makasakay ako roon, pinaandar na niya ang golf cart at sinimulan na niyang patakbuh
"Ito na 'yung picture ng first love ko. Ito lang ang tanging litratong nasa akin. Ito na lang ang pinanghahawakan ko para mahanap siya. Umaasa ako na kahit malayo na ang mukha niya rito sa picture na ito ngayon dahil malaki na siya, sana ay makita ko pa rin siya kahit sa malayo lamang," ani Danielle at mababakas sa kaniyang tono ng boses ang lungkot. "Heather, this is Chanel Ganza." Mas nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ko. So, alam na pala talaga niya ang pangalan ko mula dati pa? Ngayong nagkita ulit kami, ang pagkakakilala niya sa akin ay si Heather at hindi niya alam kung ano ang surname ko. Ang alam niya ay anak ako ng business partner nina Daddy, without knowing na ako na 'yung matagal niyang inaasam-asam na makita at makasama. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kalagayan niya o hindi. Gusto ko siyang tulungan para mahanap ang first love niya, pero paano ko magagawa iyon kung mismong ako ang hinahanap niya? Kung kanina,
Maaga akong nagising dahil sa sumisilaw na liwanag ng araw na nagmumula rito sa bintana ng kwarto namin. Inis ko iyong tiningnan dahil kulang pa ako sa tulog at gusto ko pang magpahinga. Nang tingnan ko iyon, nakita kong humahangin sa labas kaya hinahangin din ang kurtina at lumilipad-lipad ito na nagiging dahilan upang pumasok ang sinag ng araw rito sa loob ng kwarto. Inis akong tumayo sa kama at hinarangan ng mabigat na bagay ang kurtina kaya hindi na ito muling lumipad pa. Naglakad na ulit ako papunta sa kama ngunit nang akma na sana akong hihiga ay naudlot iyon nang may kumatok sa pinto ng aming kwarto. Muli, naiinis ulit akong naglakad palapit sa pinto ng kwarto namin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko rito at napakaraming istorbo. Hindi ko naman pwedeng hindi pagbuksan dahil hindi ko naman sila ka-close para hindi pansinin. Nang makarating ako sa harap ng pinto, dahan-dahan kong binukasan ang pinto at
Maaga akong nagising dahil sa sumisilaw na liwanag ng araw na nag mumula rito sa bintana ng kwarto namin. Inis ko iyong tiningnan dahil kulang pa ako sa tulog at gusto ko pang magpahinga. Nang tingnan ko iyon, nakita kong humahangin sa labas kaya hinahangin din ang kurtina at lumilipad-lipad ito na nagiging dahilan upang pumasok ang sinag ng araw rito sa loob ng kwarto. Inis akong tumayo sa kama at hinarangan ng mabigat na bagay ang kurtina kaya hindi na ito muling lumipad pa. Naglakad na ulit ako papunta sa kama ngunit nang akma na sana akong hihiga ay naudlot iyon nang may kumatok sa pinto ng aming kwarto. Muli, naiinis ulit akong naglakad palapit sa pinto ng kwarto namin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko rito at napakaraming istorbo. Hindi ko naman pwedeng hindi pagbuksan dahil hindi ko naman sila ka-close para hindi pansinin. Nang makarating ako sa harap ng pinto, dahan-dahan kong binukasan ang pinto at
"Babe!" sigaw ng isang tinig dahilan upang maagaw ang atensiyon ko. Agad naman akong napatingin sa direksiyon ni Dior na kasalukuyang tumatakbo papunta sa akin. "Saan ka ba nanggaling? Pagkagising ko kanina ay wala ka na."Napakagat na lamang ako sa aking labi dahil nakalimutan ko na kasama ko nga pala siya rito. Tapos hindi pa ako nag paalam na aalis ako."Umm... naglibot-libot muna ako kanina. Hindi ko naman alam na aabutin kami ng gabi sa pag-uwi," nakokonsensiyang sambit ko habang hindi makatingin kay Dior.Napakinggan ko naman na bumuntong hininga na lang siya at narinig ko rin ang pag gulo niya sa kaniyang buhok. Pasimple naman akong tumingin sa kaniya at nakita ko ang masamang pagtitig niya kay Danielle."Tara na sa loob para makapagpahinga ka na rin. Alam ko naman na pagod ka," pangyayaya niya at inakay na ako papasok sa loob ng bahay.Nang makarating kami sa loob, umupo
"Tara na! Nakaka-relax magpahinga rito!" pangyayaya niya sa amin at nauna na sa paglalakad.Sumunod naman kami sa kaniya hanggang sa makarating kami sa mismong lugar na tinutukoy niya. Napabuka na lamang ang aking bibig dahil sa pagkamangha habang pinagmamasdan ang lugar na ito. Sinasabi ko na nga ba, tama ang hinala ko."Bakit dito mo naman kami naisipang dalhin sa hot spring? E hindi ba't naiinitan kami kaya gusto naming ma-refresh?" takang tanong ni Dior habang sumusunod kami sa paglalakad kay Danielle papunta sa cottage rito."Kaya nga. Kailangan niyong mag relax. Hindi ba't nakaka relax naman ang init nito?" sagot ni Danielle bago huminto sa isang cottage na nahanap namin.Ibinaba ko naman sa lamesa niyon ang bucket hat na kanina ko pa suot para hindi mainitan ang mukha ko. Nilibot ko rin ang aking paningin sa kabuohan nito at hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa paligid.
Dahil hindi naging maayos ang pakiramdam ko kahapon after naming maligo sa hot spring, umuwi na rin kami pagkatapos at hindi na muna pumunta sa plantation. Naintindihan naman no'ng dalawa na hindi maganda ang pakiramdam ko kaya hindi na nila ako pinilit pang mag libot."Chanel, gising ka na ba?" narinig kong tanong ni Dior mula sa aking likuran. Kasalukuyan kaming nakahiga ngayon sa kama at halos kagigising ko lang.Bumaliktad naman ako ng pwesto at tumagilid para makaharap siya. Nakita ko ang simpleng mukha niya na mukhang kagigising lang din. Iginalaw ko ang aking kamay papunta sa kaniyang mukha at marahang hinimas iyon. Hinawakan naman niya ang kamay ko na ginagamit ko sa panghimas ng kaniyang mukha bago walang pasabing hinalikan ang aking labi."Ikaw ha! Mag toothbrush ka nga muna roon," natatawang utos ko sa kaniya at pabirong tinampal pa ang kaniyang balikat.Napakamot na lang siya ng batok bag
"Correction. She's Chanel... Chanel Ganza," pagtatama ni Dior dahilan upang sabay na manlaki ang mga mata namin ni Danielle. Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin, pero umiwas na lang ako ng tingin."C-chanel Ganza?" nauutal na tanong ni Danielle at tumango naman si Dior."Yes. She's Chanel Heather Ganza," pagbubuo ni Dior sa pangalan ko. "Bakit, may problema ba sa pangalan ng girlfriend ko?"Pasimple ko namang tiningnan si Danielle mula sa peripheral vision ko at nakita ko ang mukha niyang hindi makapaniwala habang nakatingin sa akin. Muli naman akong yumuko dahil sa kahihiyan. Mayamaya lamang ay napakinggan kong nag snap si Dior sa harapan ni Danielle dahilan upang bumalik sa katinuan ito."W-wala, may naalala lang ako. Dude, pwede bang ikaw na lang ang mag drive ng golf cart pauwi? Tumawag kasi si Ate Daniela at may inuutos siya sa akin," paalam ni Danielle bago hinagis kay Dior ang susi at na
"Heather— I mean... Chanel. Mag-usap tayo, please. May mga gusto lang akong itanong sa 'yo," aniya habang nananatili ang kaniyang hawak sa aking braso.Napapikit na lang ako nang dahil sa guilt habang hindi pa rin siya nililingon. Nakokonsensiya kasi ako dahil hindi ko man lang naipagtapat sa kaniya na ako 'yung babaeng matagal na niyang hinahanap. Ang masakit pa ay sa iba pa niya nalaman ang katotohanan. Ngayon, paano ko siya haharapin? Saan ako kukuha ng kapal ng mukha?"Please, Chanel... Kausapin mo ako, gusto lang kitang makausap at marami akong gustong itanong," aniya.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at huminga ng malalim bago siya dahan-dahang nilingon. Nang makaharap ko na siya, agad akong napayuko. Hinawakan niya ang aking baba at itinaas iyon upang matingnan ko siya. Makikita sa kaniyang mga mata ang lungkot at pangungulila kaya hindi ko mapigilan na maluha."Huwag kang umiy
One week after we arrived in my home country, Philippines. Marami kaming ginawang pagbabago tulad na lang ng pag-aayos ng bahay, pag-transfer sa anak ko at paghahanao ng informations about the GutZales company.And according to my research, their company was freshly established pero sila na agad ang nangunguna sa lahat ng book companies. Mukhang mataas ang pinag-aralan ng CEO nito at marami ring connections kaya gano'n na lang ang paglago ng company nila.Tomorrow will be my best day. Pupunta na ako sa company nila to accept their offer. At kapag maganda ang performance ko sa kanila, sa tingin ko pwede na kaming mag for good dito sa Pilipinas. After all, matagal na rin naman kaming nanirahan sa New York."I'm home, Mom."Napatingin ako sa direksyon na pinaggalingan ng boses at nakita ko ang aking anak na pagod na pagod na humiga sa sofa ng sala. Nang lapitan ko siya, nakita kong pikit na ang kanyang mga mata at hindi na nagawang alisin ang pagkakasabit ng bag sa balikat at pagkakasuot
"So, kelan ang flight n'yo ni Dean pabalik sa Pilipinas?" tanong ni Geo habang tumutulong sa pag-iimpake ng mga gamit namin ng anak ko."Day after tomorrow," simpleng sagot ko, at nilagay ang huling damit sa bag."How will you explain to your parents about Dean? Baka atakihin sa puso si Tito Harley kapag nalaman nilang nag New York ka lang, pag-uwi mo meron ka ng Dean.""Don't worry, hindi ko naman sila bibiglain pagdating namin doon. Hindi muna ako magpapakita sa kanila hangga't hindi pa malapit ang birthday ko," sagot ko, at napatango-tango na lang siya bago ako iniwan mag-isa sa kwarto ko.Nang matapos ako sa pag-aayos, pinuntahan ko si Dean sa kwarto niya. Mahimbing na siyang natutulog habang yakap ang paburito niyang unan.Nilapitan ko siya at umupo sa gilid ng kama niya. Marahan kong hinaplos ang buhok niya upang hindi siya magising."I know it's hard na hindi mo makilala ang tunay mong ama, but I'm only doing this for you. Ayokong dumating ang panahon na makita mo siya pero hin
4 years later..."Congratulations for your success, Ms. Co," ani Hans, my best friend and also my business parter."No, thank you for giving me the opportunity to sign here in your company and work with these two young and successful entrepreneurs," nakangiting papuri niya, and we humbly giggle."Make us... our company proud, Ms. Co," nakangiting ganti ko at umalis na rin siya pagtapos."So, how did you convince her to work with us?" natatawang tanong ni Hans at lumagok ng wine na hawak niya."It just happened, Hans. Wala ka yatang bilib sa karisma ko," tumatawang sagot ko.Napapailing na lang siyang umalis at in-entertain ang mga bisita ng kumpanya.Nang mawala siya sa paningin ko, I just roam my eyes habang tinitingnan ang mga naipundar namin ni Hans this past few years. After all these things that happened to me... to us, we're still fighting for our dreams. And now, nagbunga na lahat ng pinaghirapan namin.After all the sacrifices and pain, my wounds were healed. Pain motivated me
Parang huminto ang mundo ko nang marinig ang sinabi ng doctor. Wala akong ibang nakikita kundi madilim at tahimik na paligid."I-Im pregnant?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango ang doctor dahilan upang mapatakip ako sa bibig ko. Nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan namin ni Dior. Ang huling gabi namin sa Alemanya Leona na itinuring kong pinakamagandang araw sa buhay ko ay nagbunga. Ang mas malala pa nito, ang tatay ng dinadala ko ay ang taong sobra kong minahal ngunit nasilaw sa yaman at iniwan ako.Paano ko maipagpapatuloy ang buhay at pag-aaral ko kung buntis ako? Dapat ko bang tanggapin at buhayin ang batang ito gayong bunga lamang siya ng hindi namin pag-iingat? Dapat ko bang dalhin 'to sa sinapupunan ko gayong mag-isa na lang ako?Lumong-lumo akong umuwi sa bahay. Wala akong mapagsabihan ng dinadala kong problema dahil for sure, oras na malaman nila ito ay isususmbong nila 'to sa parents ko. Wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak hanggang makatulog ako."Miss Heathe
Cold breeze greeted my face as I came out of the plane. I roamed my eyes and saw a new environment for me to move on and start a new beginning. This will be a perfect place to heal and forget all the awful memories. "Miss Chanel Ganza?" Rinig kong pagtawag sa pangalan ko dahilan upang lingunin ko siya. I saw a man wearing a suit with shades above his head. He's smiling but I just look at him."It's Heather Ganza," I said at ginantihan din siya ng ngiti. "Oh, sorry, Miss Heather. By the way I'm your new bodyguard. Ipinadala ako rito ni Mr. Ganza to keep an eye on you since hindi ka pa sanay dito sa New York," he said, as my forehead furrowed. "Don't worry. Once na masanay ka na rito, tapos na ang kontrata ko. You'll live on your own and have your privacy." Tumango na lang ako.Iginaya niya ako papunta sa kotseng naghihintay sa amin sa labas ng airport. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay roon.Habang nasa byahe, I tried to familiarize my eyes with this place para naman hindi a
Makalipas nang tatlong linggo, sa wakas ay pinayagan na rin ako ng mga doctor na umalis na ng hospital. Nakakasawa na rin kasi roon dahil puro hospital foods lang ang nakakain ko at bawal pang magdala ng mga pagkain galing sa labas."Heather, kakain na tayo," ani Mommy na kasalukuyang naka silip sa siwang ng pinto ng kwarto ko. Ngumiti naman ako at tumango kaya umalis na rin agad siya.Nakakapanibago sina Mom and Dad ngayon. Mag mula kasi noong naaksidente ako, palagi na silang nasa tabi ko. Noong naka recover naman ako, lagi na silang nasa bahay at work at home na rin ang ginagawa nila sa trabaho nila. I know na gusto nilang bumawi... but I'm not used to this kind of situation. Lumaki akong walang magulang, physically.Bumaba na rin ako pag tapos nang ilang minuto. Naabutan ko naman sina Mommy and Daddy sa dining area. May mga pagkain na sa hapag kainan, pero hindi pa rin nila iyon ginagalaw at mukhang hihintay pa
Nagising ako nang dahil sa ingay na napapakinggan ko na sa tingin ko ay nanggagaling lamang sa bandang gilid ko. Nang akma ko na sanang imumulat ang aking mga mata ay naudlot iyon nang mapakinggan ko ang mga pinag uusapan nila."Maayos na ba ang lagay ng anak namin?" tanong ni Mommy at halata sa boses niya ang pag aalala habang nanginginig pa ito."Well, she's still under observation since muntik na naman siyang mamatay kanina. Good thing ay nabigyan agad siya ng first aid," sambit ng doctor. "Sa harap lang siya ng hospital naaksidente kaya naaksyunan sgad ng mga nurses."Muntik na naman akong mamatay? Kating kati na ba talaga si Kamatayan na sunduin ako kaya palagi niya akong pinapahamak?"Thank you very much, Doc. We don't know how to express our gratitude to all of you for saving our daughter's life, again," ani Mommy. Medyo nilagyan ko ng siwang ang aking mga mata kaya bahagya ko sikang nakikita.
Kasalukuyang nag lalakad ang dalawang bata habang ang naka angkla pa sa braso ng batang lalaki ang isang batang babae."You know what, Geo, may napanaginipan ako kagabi. Ayon sa panaginip ko, malapit ko na raw makita ang the one ko. I can't wait na dumating na siya," masayang sambit ng batang babae."Chanel, you're too young for that. At saka anong the one? Gusto mo bang isumbong kita sa Kuya mo?" pananakot ni Geo. Bumusangot naman ang mukha ni Chanel dahil sa narinig sa kanyang kaibigan."Who you ka sa akin kapag nahanap ko siya. I'm sure na mag seselos ka dahil kapag nahanap ko na siya, hindi na kita sasamahan. Bahala ka na," nag tatampong pag babanta ni Chanel. "Mag hanap ka ng sa 'yo.""E ikaw nga ang gusto ko," pabulong na sagot ni Geo, dahilan upang mapatingjn si Chanel sa kanya. Nakakunot ang noo nito at bakas ang pagtataka sa kanyang mukha."Ano'ng sinabi mo?" nag tatakan
Kasalukuyang tumatakbo ang higit sa sampung nurse at mga doctor habang tinatakbo ang pasilyo ng hospital. Ang mga nurse at ilang doctor ang tumutulak sa hinihigaan habang may isang doctor na nagc-CPR sa pasyente."Bilisan niyo pa ang pag tulak! Baka hindi na natin siya maabutan nang buhay kung ilang minuto pa ang lilipas!" natatarantang sigaw ng Doctor habang patuloy pa rin ang pag CPR sa pasyente.Mas dinoble ng mga nurse at doctor ang bilis sa pag tulak kaya mabilis na rin nilang narating ang operating room. Nang makarating sila roon ay agad silang kumilos at nag handa na para sa operasyon na magaganap.Sa kabilang banda naman, mayroong mag asawang nag mamadaling tumatakbo papasok sa loob ng hospital. Halos hindi na mag kaintindihan sa pag takbo ang dalawa habang umiiyak pa ang babae.Nang makarating sila sa tapat ng operating room, nanghihinang umupo ang babae sa upuan ng waiting area habang patul