Maaga akong nagising dahil sa sumisilaw na liwanag ng araw na nag mumula rito sa bintana ng kwarto namin. Inis ko iyong tiningnan dahil kulang pa ako sa tulog at gusto ko pang magpahinga. Nang tingnan ko iyon, nakita kong humahangin sa labas kaya hinahangin din ang kurtina at lumilipad-lipad ito na nagiging dahilan upang pumasok ang sinag ng araw rito sa loob ng kwarto.
Inis akong tumayo sa kama at hinarangan ng mabigat na bagay ang kurtina kaya hindi na ito muling lumipad pa. Naglakad na ulit ako papunta sa kama ngunit nang akma na sana akong hihiga ay naudlot iyon nang may kumatok sa pinto ng aming kwarto.
Muli, naiinis ulit akong naglakad palapit sa pinto ng kwarto namin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko rito at napakaraming istorbo. Hindi ko naman pwedeng hindi pagbuksan dahil hindi ko naman sila ka-close para hindi pansinin.
Nang makarating ako sa harap ng pinto, dahan-dahan kong binukasan ang pinto at
"Babe!" sigaw ng isang tinig dahilan upang maagaw ang atensiyon ko. Agad naman akong napatingin sa direksiyon ni Dior na kasalukuyang tumatakbo papunta sa akin. "Saan ka ba nanggaling? Pagkagising ko kanina ay wala ka na."Napakagat na lamang ako sa aking labi dahil nakalimutan ko na kasama ko nga pala siya rito. Tapos hindi pa ako nag paalam na aalis ako."Umm... naglibot-libot muna ako kanina. Hindi ko naman alam na aabutin kami ng gabi sa pag-uwi," nakokonsensiyang sambit ko habang hindi makatingin kay Dior.Napakinggan ko naman na bumuntong hininga na lang siya at narinig ko rin ang pag gulo niya sa kaniyang buhok. Pasimple naman akong tumingin sa kaniya at nakita ko ang masamang pagtitig niya kay Danielle."Tara na sa loob para makapagpahinga ka na rin. Alam ko naman na pagod ka," pangyayaya niya at inakay na ako papasok sa loob ng bahay.Nang makarating kami sa loob, umupo
"Tara na! Nakaka-relax magpahinga rito!" pangyayaya niya sa amin at nauna na sa paglalakad.Sumunod naman kami sa kaniya hanggang sa makarating kami sa mismong lugar na tinutukoy niya. Napabuka na lamang ang aking bibig dahil sa pagkamangha habang pinagmamasdan ang lugar na ito. Sinasabi ko na nga ba, tama ang hinala ko."Bakit dito mo naman kami naisipang dalhin sa hot spring? E hindi ba't naiinitan kami kaya gusto naming ma-refresh?" takang tanong ni Dior habang sumusunod kami sa paglalakad kay Danielle papunta sa cottage rito."Kaya nga. Kailangan niyong mag relax. Hindi ba't nakaka relax naman ang init nito?" sagot ni Danielle bago huminto sa isang cottage na nahanap namin.Ibinaba ko naman sa lamesa niyon ang bucket hat na kanina ko pa suot para hindi mainitan ang mukha ko. Nilibot ko rin ang aking paningin sa kabuohan nito at hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa paligid.
Dahil hindi naging maayos ang pakiramdam ko kahapon after naming maligo sa hot spring, umuwi na rin kami pagkatapos at hindi na muna pumunta sa plantation. Naintindihan naman no'ng dalawa na hindi maganda ang pakiramdam ko kaya hindi na nila ako pinilit pang mag libot."Chanel, gising ka na ba?" narinig kong tanong ni Dior mula sa aking likuran. Kasalukuyan kaming nakahiga ngayon sa kama at halos kagigising ko lang.Bumaliktad naman ako ng pwesto at tumagilid para makaharap siya. Nakita ko ang simpleng mukha niya na mukhang kagigising lang din. Iginalaw ko ang aking kamay papunta sa kaniyang mukha at marahang hinimas iyon. Hinawakan naman niya ang kamay ko na ginagamit ko sa panghimas ng kaniyang mukha bago walang pasabing hinalikan ang aking labi."Ikaw ha! Mag toothbrush ka nga muna roon," natatawang utos ko sa kaniya at pabirong tinampal pa ang kaniyang balikat.Napakamot na lang siya ng batok bag
"Correction. She's Chanel... Chanel Ganza," pagtatama ni Dior dahilan upang sabay na manlaki ang mga mata namin ni Danielle. Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin, pero umiwas na lang ako ng tingin."C-chanel Ganza?" nauutal na tanong ni Danielle at tumango naman si Dior."Yes. She's Chanel Heather Ganza," pagbubuo ni Dior sa pangalan ko. "Bakit, may problema ba sa pangalan ng girlfriend ko?"Pasimple ko namang tiningnan si Danielle mula sa peripheral vision ko at nakita ko ang mukha niyang hindi makapaniwala habang nakatingin sa akin. Muli naman akong yumuko dahil sa kahihiyan. Mayamaya lamang ay napakinggan kong nag snap si Dior sa harapan ni Danielle dahilan upang bumalik sa katinuan ito."W-wala, may naalala lang ako. Dude, pwede bang ikaw na lang ang mag drive ng golf cart pauwi? Tumawag kasi si Ate Daniela at may inuutos siya sa akin," paalam ni Danielle bago hinagis kay Dior ang susi at na
"Heather— I mean... Chanel. Mag-usap tayo, please. May mga gusto lang akong itanong sa 'yo," aniya habang nananatili ang kaniyang hawak sa aking braso.Napapikit na lang ako nang dahil sa guilt habang hindi pa rin siya nililingon. Nakokonsensiya kasi ako dahil hindi ko man lang naipagtapat sa kaniya na ako 'yung babaeng matagal na niyang hinahanap. Ang masakit pa ay sa iba pa niya nalaman ang katotohanan. Ngayon, paano ko siya haharapin? Saan ako kukuha ng kapal ng mukha?"Please, Chanel... Kausapin mo ako, gusto lang kitang makausap at marami akong gustong itanong," aniya.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at huminga ng malalim bago siya dahan-dahang nilingon. Nang makaharap ko na siya, agad akong napayuko. Hinawakan niya ang aking baba at itinaas iyon upang matingnan ko siya. Makikita sa kaniyang mga mata ang lungkot at pangungulila kaya hindi ko mapigilan na maluha."Huwag kang umiy
"Sinasabi ko na nga ba e. Kaya ayokong umalis dito at iwan si Chanel. Umalis lang ako saglit, pinopormahan mo na kaagad ang girlfriend ko," galit na galit na sambit ni Dior habang hinihimas ang kamao niyang ipinangsuntok kay Danielle kanina.Nang lingunin ko si Danielle, nakita kong nakasalampak na siya sa sahig habang nakahawak sa kaniyang panga. Mukhang iyon ang natamaan ng suntok ni Dior kanina. Dahan-dahan naman siyang tumayo at akmang susugurin na sana si Dior, pero naagapan ko agad iyon nang pumagitna ako sa kanilang dalawa. Ibinuka ko ang dalawang braso ko at hinarangan si Danielle sa paglapit niya sa boyfriend ko."Enough! Hindi magiging sagot ang bugbugan sa problema ninyo. Mag-usap kayo nang maayos," inis na sambit ko. Nilapitan ko naman si Dior, pero hinawakan lang niya ang braso ko at inilagay ako sa likuran niya.Unti-unti naman ang ginawa niyang pag hakbang palapit kay Danielle at tumigil siya sa harapan ni
"Babalik ka na agad sa Manila?" tanong ng isang tinig dahilan upang mapahinto kami sa pag-uusap.Sabay kaming napalingon ni Ate Daniela sa pinanggalingan ng tinig na iyon at nakita namin si Danielle na tahimik na nakatayo roon habang nagtatakang nakatingin sa amin. Walang sumagot kahit isa sa amin kaya unti-unti siyang nag lakad palapit sa amin at tumigil siya sa mismong harap ko."Yes, I need to. Baka magulo lang kayo rito kung magtatagal pa ako. Besides, malapit na rin namang matapos ang sembreak namin. Magpapahinga na lang siguro ako sa bahay," paliwanag ko. Nang tingnan ko siya ng diretso sa kaniyang mga mata, nakita kong napapailing-iling pa siya habang nakatingin sa akin."Huwah ka munang umalis, please. Ang tagal kitang hinintay tapos aalis ka agad?" malungkot na sambit niya dahilan upang mapayuko ako. Napatingin naman ako sa aking kamay nang hawakan niya ang mga kamay ko."Hayaan mo na
Kasalukuyan na akong naghahanda para sa pag-alis namin. Kailangan naming pumunta ng maaga sa school ngayon dahil pag uusapan pa raw namin ng Dean ang tungkol sa nangyari sa akin doon sa bundok.Kagabi lang kami nakauwi ni Dior kaya pagod at antok na antok kami ngayon. Salamat sa Diyos, bago kami umalis sa Alemanya Leona ay nagkaayos na rin kami, pero hindi sila nakapag usap ni Danielle. Siguro ay hindi na kami babalik doon dahil gulo lang ang dinala namin sa probinsyang iyon."Chanel, matagal ka pa ba d'yan?" tanong ni Dior mula sa labas ng kwarto ko.Kinuha ko naman ang kwintas na binigay niya sa akin noong gabing nagkaayos kami at isinuot iyon. Hindi man kasing mahal nito ang mga alahas ko, mas gusto ko pa ring isuot ang kwintas na binigay niya dahil pinaghirapan niya iyon. Binili niya ito gamit ang perang pinag hirapan niya sa pagtatrabaho.Nang makuntento na ako sa ayos ko, lumabas na ako ng kwar