"Correction. She's Chanel... Chanel Ganza," pagtatama ni Dior dahilan upang sabay na manlaki ang mga mata namin ni Danielle. Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin, pero umiwas na lang ako ng tingin.
"C-chanel Ganza?" nauutal na tanong ni Danielle at tumango naman si Dior.
"Yes. She's Chanel Heather Ganza," pagbubuo ni Dior sa pangalan ko. "Bakit, may problema ba sa pangalan ng girlfriend ko?"
Pasimple ko namang tiningnan si Danielle mula sa peripheral vision ko at nakita ko ang mukha niyang hindi makapaniwala habang nakatingin sa akin. Muli naman akong yumuko dahil sa kahihiyan. Mayamaya lamang ay napakinggan kong nag snap si Dior sa harapan ni Danielle dahilan upang bumalik sa katinuan ito.
"W-wala, may naalala lang ako. Dude, pwede bang ikaw na lang ang mag drive ng golf cart pauwi? Tumawag kasi si Ate Daniela at may inuutos siya sa akin," paalam ni Danielle bago hinagis kay Dior ang susi at na
"Heather— I mean... Chanel. Mag-usap tayo, please. May mga gusto lang akong itanong sa 'yo," aniya habang nananatili ang kaniyang hawak sa aking braso.Napapikit na lang ako nang dahil sa guilt habang hindi pa rin siya nililingon. Nakokonsensiya kasi ako dahil hindi ko man lang naipagtapat sa kaniya na ako 'yung babaeng matagal na niyang hinahanap. Ang masakit pa ay sa iba pa niya nalaman ang katotohanan. Ngayon, paano ko siya haharapin? Saan ako kukuha ng kapal ng mukha?"Please, Chanel... Kausapin mo ako, gusto lang kitang makausap at marami akong gustong itanong," aniya.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at huminga ng malalim bago siya dahan-dahang nilingon. Nang makaharap ko na siya, agad akong napayuko. Hinawakan niya ang aking baba at itinaas iyon upang matingnan ko siya. Makikita sa kaniyang mga mata ang lungkot at pangungulila kaya hindi ko mapigilan na maluha."Huwag kang umiy
"Sinasabi ko na nga ba e. Kaya ayokong umalis dito at iwan si Chanel. Umalis lang ako saglit, pinopormahan mo na kaagad ang girlfriend ko," galit na galit na sambit ni Dior habang hinihimas ang kamao niyang ipinangsuntok kay Danielle kanina.Nang lingunin ko si Danielle, nakita kong nakasalampak na siya sa sahig habang nakahawak sa kaniyang panga. Mukhang iyon ang natamaan ng suntok ni Dior kanina. Dahan-dahan naman siyang tumayo at akmang susugurin na sana si Dior, pero naagapan ko agad iyon nang pumagitna ako sa kanilang dalawa. Ibinuka ko ang dalawang braso ko at hinarangan si Danielle sa paglapit niya sa boyfriend ko."Enough! Hindi magiging sagot ang bugbugan sa problema ninyo. Mag-usap kayo nang maayos," inis na sambit ko. Nilapitan ko naman si Dior, pero hinawakan lang niya ang braso ko at inilagay ako sa likuran niya.Unti-unti naman ang ginawa niyang pag hakbang palapit kay Danielle at tumigil siya sa harapan ni
"Babalik ka na agad sa Manila?" tanong ng isang tinig dahilan upang mapahinto kami sa pag-uusap.Sabay kaming napalingon ni Ate Daniela sa pinanggalingan ng tinig na iyon at nakita namin si Danielle na tahimik na nakatayo roon habang nagtatakang nakatingin sa amin. Walang sumagot kahit isa sa amin kaya unti-unti siyang nag lakad palapit sa amin at tumigil siya sa mismong harap ko."Yes, I need to. Baka magulo lang kayo rito kung magtatagal pa ako. Besides, malapit na rin namang matapos ang sembreak namin. Magpapahinga na lang siguro ako sa bahay," paliwanag ko. Nang tingnan ko siya ng diretso sa kaniyang mga mata, nakita kong napapailing-iling pa siya habang nakatingin sa akin."Huwah ka munang umalis, please. Ang tagal kitang hinintay tapos aalis ka agad?" malungkot na sambit niya dahilan upang mapayuko ako. Napatingin naman ako sa aking kamay nang hawakan niya ang mga kamay ko."Hayaan mo na
Kasalukuyan na akong naghahanda para sa pag-alis namin. Kailangan naming pumunta ng maaga sa school ngayon dahil pag uusapan pa raw namin ng Dean ang tungkol sa nangyari sa akin doon sa bundok.Kagabi lang kami nakauwi ni Dior kaya pagod at antok na antok kami ngayon. Salamat sa Diyos, bago kami umalis sa Alemanya Leona ay nagkaayos na rin kami, pero hindi sila nakapag usap ni Danielle. Siguro ay hindi na kami babalik doon dahil gulo lang ang dinala namin sa probinsyang iyon."Chanel, matagal ka pa ba d'yan?" tanong ni Dior mula sa labas ng kwarto ko.Kinuha ko naman ang kwintas na binigay niya sa akin noong gabing nagkaayos kami at isinuot iyon. Hindi man kasing mahal nito ang mga alahas ko, mas gusto ko pa ring isuot ang kwintas na binigay niya dahil pinaghirapan niya iyon. Binili niya ito gamit ang perang pinag hirapan niya sa pagtatrabaho.Nang makuntento na ako sa ayos ko, lumabas na ako ng kwar
"S-son?" nauutal na tanong ko ngunit hindi ako binigyang pansin ni Mommy. Katulad ko, nanlalaki rin ang mga mata ng mga kasama namin dito sa loob ng office at hindi makapaniwalang nakatingin kay Mommy at palipat-lipat iyon sa kanila ni Dior.Imbes na pansinin kami ni Mommy, dumiretso lang siya sa pwesto ni Dior at tiningnan niya ang mga sugat nito habang may pag-aalala sa kaniyang mukha. Ilang sandali lamang ay nilihis niya ang kaniyang paningin doon at ibinaling naman kina Geo."Ikaw ba ang may kagagawan nito?" galit na sambit ni Mommy ngunit sa boses lang iyon dahil ang mukha niya ang kalmado pa rin.Hindi pa man nakakapagsalita si Geo, biglang pumagitna ang Dean sa dalawa."Mrs. Ganza, calm down. Pareho silang may kasalanan dahil pareho silang nag suntukan," sambit ng Dean.Huminga naman ng malalim si Mommy at umupo na sa katabing upuan ni Dior at gano'n din ang Mommy ni Geo n
I'm currently wearing my necklace that Dior gave to me nang biglang may kumatok sa pinto. Dali-dali ko itong isinuot at naglakad papunta sa pinto para pag buksan ang kumakatok. Pag bukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang mukha ng isang maid."Miss Heather, ipinapatawag po kayo ni Dior. Bumaba ka na raw at aalis na kayo any minute. Kailangan niyo na pong mag madali dahil final exam niyo na raw," sambit ng maid. Tumango naman ako bilang pag sagot.Kinuha ko lang ang aking bag at sumunod na sa kaniya sa pagbaba. Nang makarating ako roon, wala akong naabutan doon kaya napagdesisyunan ko na labg na lumabas. Doon ko nakita si Dior na bored na nakasandal sa gilid ng kotse. Nang makita niya ako ay pumasok na siya sa loob at gano'n din naman ang ginawa ko.Habang nasa byahe kami papunta sa school, nabalot ang aming paligid ng katahimikan dahil walang may gustong magsalita kahit isa sa amin. Mukhang nahihiya siyang makipag-u
"I can't believe na magagawa mo ito... Miss Chanel Ganza," dismayado at hindi makapaniwalang sambit ng Dean habang hawak hawak pa rin niya ang answer sheet na nakuha sa ilalim ng desk ko.Agad nalang kumalat ang bulungan sa paligid. Nagkukwentuhan sila habang nakatingin sa akin at minsan ay itinuturo pa ako ng iba kong kaklase."Sino nga ulit ang mga nagsasabi na ako ang nagnakaw ng answer sheet?" proud na proud na tanong ni Marie. Nakataas pa ang kaniyang kilay habang isa-isang pinagmamasdan ang mga kaklase naming nanghusga sa kaniya.Ilang sandali lamang, nakarinig kami ng malakas na tinig kaya doon naman nalipat ang aming atensiyon. Nakita kong nahawi ang mga kaklase namin sa gitna at lumitaw naman doon si Dior."We all believe na hindi magagawa ni Chanel ang ibinibintang ninyo sa kaniya," pagtatanggol sa akin ni Dior. Sinenyasan ko siya nang tumingin siya sa akin ngunit tiningnan lang niya ako at
Galit na galit akong tumayo at walang pasabing tinalikuran ang Dean at lumabas ng kaniyang office. Sa 'di inaasahang pangyayari, nakasalubong ko ang mga nag tatawanang mga mean girls. Naglakad ako palapit sa kanila at walang pasabing hinila ang buhok ng leader nila.I had enough!"Aray! Ano ba?!" reklamo niya habang pilit na tinatanggal ang mahigpit na pagkakahawak ko sa kaniyang buhok.Imbes na bitawan ko ang kaniyang buhok katulad ng gusto niya, mas hinila ko iyon na naging dahilan upang medyo maluha-luha na siya. Agad naman niyang sinenyasan ang kaniyang mga kaibigan para tulungan siya. Nang akmang lalapit na sana sa akin ang mga kaibigan niya ay agad kong itinaas ang kong paa at binti para akmang sipain sila. May maganda rin palang naidulot yung pagpapaaral sa akin ni Daddy ng tungkol sa self defense."Oh my gosh! Si Chanel Ganza ba talaga 'yan?!""Jusko, katapusan na ba ng m
One week after we arrived in my home country, Philippines. Marami kaming ginawang pagbabago tulad na lang ng pag-aayos ng bahay, pag-transfer sa anak ko at paghahanao ng informations about the GutZales company.And according to my research, their company was freshly established pero sila na agad ang nangunguna sa lahat ng book companies. Mukhang mataas ang pinag-aralan ng CEO nito at marami ring connections kaya gano'n na lang ang paglago ng company nila.Tomorrow will be my best day. Pupunta na ako sa company nila to accept their offer. At kapag maganda ang performance ko sa kanila, sa tingin ko pwede na kaming mag for good dito sa Pilipinas. After all, matagal na rin naman kaming nanirahan sa New York."I'm home, Mom."Napatingin ako sa direksyon na pinaggalingan ng boses at nakita ko ang aking anak na pagod na pagod na humiga sa sofa ng sala. Nang lapitan ko siya, nakita kong pikit na ang kanyang mga mata at hindi na nagawang alisin ang pagkakasabit ng bag sa balikat at pagkakasuot
"So, kelan ang flight n'yo ni Dean pabalik sa Pilipinas?" tanong ni Geo habang tumutulong sa pag-iimpake ng mga gamit namin ng anak ko."Day after tomorrow," simpleng sagot ko, at nilagay ang huling damit sa bag."How will you explain to your parents about Dean? Baka atakihin sa puso si Tito Harley kapag nalaman nilang nag New York ka lang, pag-uwi mo meron ka ng Dean.""Don't worry, hindi ko naman sila bibiglain pagdating namin doon. Hindi muna ako magpapakita sa kanila hangga't hindi pa malapit ang birthday ko," sagot ko, at napatango-tango na lang siya bago ako iniwan mag-isa sa kwarto ko.Nang matapos ako sa pag-aayos, pinuntahan ko si Dean sa kwarto niya. Mahimbing na siyang natutulog habang yakap ang paburito niyang unan.Nilapitan ko siya at umupo sa gilid ng kama niya. Marahan kong hinaplos ang buhok niya upang hindi siya magising."I know it's hard na hindi mo makilala ang tunay mong ama, but I'm only doing this for you. Ayokong dumating ang panahon na makita mo siya pero hin
4 years later..."Congratulations for your success, Ms. Co," ani Hans, my best friend and also my business parter."No, thank you for giving me the opportunity to sign here in your company and work with these two young and successful entrepreneurs," nakangiting papuri niya, and we humbly giggle."Make us... our company proud, Ms. Co," nakangiting ganti ko at umalis na rin siya pagtapos."So, how did you convince her to work with us?" natatawang tanong ni Hans at lumagok ng wine na hawak niya."It just happened, Hans. Wala ka yatang bilib sa karisma ko," tumatawang sagot ko.Napapailing na lang siyang umalis at in-entertain ang mga bisita ng kumpanya.Nang mawala siya sa paningin ko, I just roam my eyes habang tinitingnan ang mga naipundar namin ni Hans this past few years. After all these things that happened to me... to us, we're still fighting for our dreams. And now, nagbunga na lahat ng pinaghirapan namin.After all the sacrifices and pain, my wounds were healed. Pain motivated me
Parang huminto ang mundo ko nang marinig ang sinabi ng doctor. Wala akong ibang nakikita kundi madilim at tahimik na paligid."I-Im pregnant?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango ang doctor dahilan upang mapatakip ako sa bibig ko. Nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan namin ni Dior. Ang huling gabi namin sa Alemanya Leona na itinuring kong pinakamagandang araw sa buhay ko ay nagbunga. Ang mas malala pa nito, ang tatay ng dinadala ko ay ang taong sobra kong minahal ngunit nasilaw sa yaman at iniwan ako.Paano ko maipagpapatuloy ang buhay at pag-aaral ko kung buntis ako? Dapat ko bang tanggapin at buhayin ang batang ito gayong bunga lamang siya ng hindi namin pag-iingat? Dapat ko bang dalhin 'to sa sinapupunan ko gayong mag-isa na lang ako?Lumong-lumo akong umuwi sa bahay. Wala akong mapagsabihan ng dinadala kong problema dahil for sure, oras na malaman nila ito ay isususmbong nila 'to sa parents ko. Wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak hanggang makatulog ako."Miss Heathe
Cold breeze greeted my face as I came out of the plane. I roamed my eyes and saw a new environment for me to move on and start a new beginning. This will be a perfect place to heal and forget all the awful memories. "Miss Chanel Ganza?" Rinig kong pagtawag sa pangalan ko dahilan upang lingunin ko siya. I saw a man wearing a suit with shades above his head. He's smiling but I just look at him."It's Heather Ganza," I said at ginantihan din siya ng ngiti. "Oh, sorry, Miss Heather. By the way I'm your new bodyguard. Ipinadala ako rito ni Mr. Ganza to keep an eye on you since hindi ka pa sanay dito sa New York," he said, as my forehead furrowed. "Don't worry. Once na masanay ka na rito, tapos na ang kontrata ko. You'll live on your own and have your privacy." Tumango na lang ako.Iginaya niya ako papunta sa kotseng naghihintay sa amin sa labas ng airport. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay roon.Habang nasa byahe, I tried to familiarize my eyes with this place para naman hindi a
Makalipas nang tatlong linggo, sa wakas ay pinayagan na rin ako ng mga doctor na umalis na ng hospital. Nakakasawa na rin kasi roon dahil puro hospital foods lang ang nakakain ko at bawal pang magdala ng mga pagkain galing sa labas."Heather, kakain na tayo," ani Mommy na kasalukuyang naka silip sa siwang ng pinto ng kwarto ko. Ngumiti naman ako at tumango kaya umalis na rin agad siya.Nakakapanibago sina Mom and Dad ngayon. Mag mula kasi noong naaksidente ako, palagi na silang nasa tabi ko. Noong naka recover naman ako, lagi na silang nasa bahay at work at home na rin ang ginagawa nila sa trabaho nila. I know na gusto nilang bumawi... but I'm not used to this kind of situation. Lumaki akong walang magulang, physically.Bumaba na rin ako pag tapos nang ilang minuto. Naabutan ko naman sina Mommy and Daddy sa dining area. May mga pagkain na sa hapag kainan, pero hindi pa rin nila iyon ginagalaw at mukhang hihintay pa
Nagising ako nang dahil sa ingay na napapakinggan ko na sa tingin ko ay nanggagaling lamang sa bandang gilid ko. Nang akma ko na sanang imumulat ang aking mga mata ay naudlot iyon nang mapakinggan ko ang mga pinag uusapan nila."Maayos na ba ang lagay ng anak namin?" tanong ni Mommy at halata sa boses niya ang pag aalala habang nanginginig pa ito."Well, she's still under observation since muntik na naman siyang mamatay kanina. Good thing ay nabigyan agad siya ng first aid," sambit ng doctor. "Sa harap lang siya ng hospital naaksidente kaya naaksyunan sgad ng mga nurses."Muntik na naman akong mamatay? Kating kati na ba talaga si Kamatayan na sunduin ako kaya palagi niya akong pinapahamak?"Thank you very much, Doc. We don't know how to express our gratitude to all of you for saving our daughter's life, again," ani Mommy. Medyo nilagyan ko ng siwang ang aking mga mata kaya bahagya ko sikang nakikita.
Kasalukuyang nag lalakad ang dalawang bata habang ang naka angkla pa sa braso ng batang lalaki ang isang batang babae."You know what, Geo, may napanaginipan ako kagabi. Ayon sa panaginip ko, malapit ko na raw makita ang the one ko. I can't wait na dumating na siya," masayang sambit ng batang babae."Chanel, you're too young for that. At saka anong the one? Gusto mo bang isumbong kita sa Kuya mo?" pananakot ni Geo. Bumusangot naman ang mukha ni Chanel dahil sa narinig sa kanyang kaibigan."Who you ka sa akin kapag nahanap ko siya. I'm sure na mag seselos ka dahil kapag nahanap ko na siya, hindi na kita sasamahan. Bahala ka na," nag tatampong pag babanta ni Chanel. "Mag hanap ka ng sa 'yo.""E ikaw nga ang gusto ko," pabulong na sagot ni Geo, dahilan upang mapatingjn si Chanel sa kanya. Nakakunot ang noo nito at bakas ang pagtataka sa kanyang mukha."Ano'ng sinabi mo?" nag tatakan
Kasalukuyang tumatakbo ang higit sa sampung nurse at mga doctor habang tinatakbo ang pasilyo ng hospital. Ang mga nurse at ilang doctor ang tumutulak sa hinihigaan habang may isang doctor na nagc-CPR sa pasyente."Bilisan niyo pa ang pag tulak! Baka hindi na natin siya maabutan nang buhay kung ilang minuto pa ang lilipas!" natatarantang sigaw ng Doctor habang patuloy pa rin ang pag CPR sa pasyente.Mas dinoble ng mga nurse at doctor ang bilis sa pag tulak kaya mabilis na rin nilang narating ang operating room. Nang makarating sila roon ay agad silang kumilos at nag handa na para sa operasyon na magaganap.Sa kabilang banda naman, mayroong mag asawang nag mamadaling tumatakbo papasok sa loob ng hospital. Halos hindi na mag kaintindihan sa pag takbo ang dalawa habang umiiyak pa ang babae.Nang makarating sila sa tapat ng operating room, nanghihinang umupo ang babae sa upuan ng waiting area habang patul