Home / Romance / Our Ceaseless Love / Chapter Fifteen: Betrayed

Share

Chapter Fifteen: Betrayed

last update Last Updated: 2021-10-01 10:44:27

"Nasaan na ba 'yung boyfriend mo, bakit hindi mo man lang siya kasama? Alam mo naman na mainit ka sa mata ng mga babaeng iyon, pero hindi ka man lang niya binabantayan," inis na sambit ni Geo habang nakaupo sa tabi ng kama ko. 

Narito ako ngayon sa infirmary para ipatingin ang paa kong dati nang bali, pero nagalaw lang naman kanina kaya medyo sumakit. Dahil praning si Geo pagdating sa akin, dinala niya agad ako rito at pinainom ng pain killers kahit hindi naman na kailangan. Noong natapos na akong gamutin ng nurse, tumabi siya sa akin habang pinapagalitan ako.

"Nakakainis! Pinabayaan ko na nga siya tapos ganito pa ang nangyari. Pakiramdam ko, mali talagang tao ang napili mo," dagdag niya dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.

Tinitigan ko siya ng masama at nang tumingin siya sa akin ay nakita kong medyo nagulat siya dahil sa paraan ng pagtingin ko sa kaniya.

"Bakit ganiyan ka makatingin sa akin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Our Ceaseless Love   Chapter Sixteen: Attacked

    "Maayos na ba ang lagay niya? Napapansin kong mas nagiging madalas na ang pag-atake ng kaniyang asthma. Ano ba'ng nangyayari, Dior?" narinig kong nag-aalalang sambit ng isang boses babae.Ginalaw ko ang aking kamay at nakaramdam ako na parang may nakatusok sa kamay ko. Nang minulat ko ang aking mga mata, laking gulat ko nang makitang naka-confine ako ngayon.Agad akong umupo at mas nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin sa kamay kong may nakatusok na karayom. Ano na naman ba'ng nangyari sa akin, bakit nasa hospital na naman ako?"Heather, anak..." sambit ng isang tinig ng babae. Dahan-dahan kong tiningala ang aking paningin patungo sa direksiyon ng babaeng tumawag sa akin. Nang magkatagpo ang aming mga mata, agad na nanlaki ang mga ito nang makitang si Mommy iyon."Mommy..." naiiyak na sambit ko habang pinipigil ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa aking mga mata. Mula

    Last Updated : 2021-10-02
  • Our Ceaseless Love   Chapter Seventeen: Siblings

    Nagising ako dahil sa malakas na kalabog na napakinggan ko na sa tingin ko'y nagmula sa bandang gilid ko. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata bago pinaling ang aking ulo sa kanan sa may gilid ko. Nakita ko roon ang isang basin na may laman na tubig, face towel at hindi pa masyadong tunaw na yelo. Nang dinako ko ang aking paningin sa kaliwa, nakita ko si Dior na nakapatong ang ulo sa gilid ng kama ko habang natutulog. Ano'ng ginagawa niya rito?Nang akmang tatayo pa lang sana ako, muli akong napahiga dahil sa pananakit ng katawan ko at nakaramdam din ako ng hapdi sa balat. Dinako ko roon ang aking paningin at nakita kong may mga pasa at sugat doon. Ganito pala kalala ang natamo ko kahapon."Ella..."Napatingin ako sa direksiyon ni Dior dahil sa narinig ko mula sa bibig niya. Tulog pa rin siya hanggang ngayon ngunit nag-iba na ang pwesto ng kaniyang ulo dahil siguro sa paggalaw niya kanina. Sino kaya iyong El

    Last Updated : 2021-10-03
  • Our Ceaseless Love   Chapter Eighteen: Past Relationship

    "Dior, halika rito!" masaya at tumatawang pagtawag ng isang nakangiting babae habang sinesenyasan niya si Dior. Agad namang tumakbo palapit sa kaniya si Dior at inakbayan siya bago sila naglakad paalis.Habang naglalakad sila, pinapaulanan sila ng mga papuri ng kanilang mga kamag-aral dahil pareho silang sikat at gusto nila ang dalawa para sa isa't isa. Bukod kasi sa maganda ang physical appearance nila, matalino at mabait pa sila, kaya naman maraming nagkakagusto sa kanila ngunit lahat ay naging brokenhearted nang malaman nila na in a relationship na ang dalawa. Kahit gano'n, masaya pa rin sila na muli na namang magkakaroon ng role model na couple sa kanilang paaralan."Tingnan mo, pinagtitinginan na naman nila tayo. Grabe, nakakahiya na," nahihiyang ani Farrah at sumubsob sa dibdib ni Dior habang naglalakad. Napatawa naman si Dior habang nananatiling nakaakbay sa balikat ni Farrah. Mas nila

    Last Updated : 2021-10-04
  • Our Ceaseless Love   Chapter Nineteen: Abduction

    Nagising ako dahil sa ringtone ng cellphone ko. Kasalukuyan itong walang tigil sa pag ring na parang kanina pa may tumatawag. Inis kong medyo inangat ang aking katawan bago kinapa ang cellphone ko sa side table. Nang makuha ko iyon ay nakapikit kong sinagot ang tawag bago nilagay iyon sa aking tainga."Chanel!" sigaw ni Zari mula sa kabilang linya dahilan upang ilayo ko ang cellphone sa tainga ko."Ano ba, Zari. Ang aga-aga, ha. Huwag kang sumigaw, nasa tainga ko lang ang cellphone ko," inaantok ngunit naiinis na sambit ko at tanging pagtawa lang niya ang narinig ko na nakapagpadagdag ng pagkairita ko sa kaniya."Oo na. Ang aga-aga ang sungit mo na agad," natatawang sambit niya kaya naman napairap na lang ako kahit nakapikit pa rin ang mga mata ko.Nilagay ko ang aking kamay sa ulo ko bago ito pinadaan sa noo upang i-massage ito dahil ang aga-aga ay sumasakit na agad ang ulo ko kay Zari. It's S

    Last Updated : 2021-10-05
  • Our Ceaseless Love   Chapter Twenty: Save Her

    DIOR's POV"How is he? Naitahi na ba 'yung sugat niya sa ulo?" narinig kong nag-aalalang tanong ng isang boses ng babae.Agad kong minulat ang aking mga mata at puting liwanag ang sumalubong sa akin. Nang inalis ko ang paningin ko roon ay nakita ko ang mga magulang ni Chanel habang kausap ang doctor. Bakas din sa kanilang mukha ang pag-aalala."Chanel..." mahinang sambit ko dahilan upang maagaw ko ang kanilang atensiyon. Agad namang lumapit sa akin 'yung mag-asawa pati na rin ang doctor na kausap nila kanina. "Nasaan po si Chanel?""Shh... Huwag ka munang magsalita. Hinahanap na nila si Chanel ngayon, so there's nothing to worry na," ani Tita Janella habang hinihimas ang ulo ko.Nginitian ko lan

    Last Updated : 2021-10-05
  • Our Ceaseless Love   Chapter Twenty One: Hospitalized

    "Hindi pa rin ba siya nagigising hanggang ngayon?" narinig kong tanong ng isang tinig at base sa narinig ko, boses iyon ng isang babae."Magigising na rin siya mayamaya. Nakasinghot kasi siya ng chloroform kaya unconscious pa rin siya hanggang ngayon," sagot naman ng isa pa.Chloroform? Hindi ba iyon 'yung ginagamit ng mga kidnappers kapag papatulugin nila ang mga biktima nila? Teka, hindi ba panaginip 'yung na-kidnap ako?Agad kong minulat ang aking mga mata at puting kisame ang bumungad sa paningin ko. Nang nilibot ko ang aking paningin, nakita ko si Mommy na nakaupo sa sofa na narito sa kwarto habang kausap ang isang babaeng doktor. Hays, nasa hospital na naman ako. Suki na lang talaga ng hospital at infirmary ngayon. Hindi pa nga magaling 'yung paa ko, pero ilang beses na akong napunta rito."Mommy..." mahina at namamaos na sambit ko. Agad namang napatingin sa akin ang doctor at si Mommy. U

    Last Updated : 2021-10-05
  • Our Ceaseless Love   Chapter Twenty Two: Punishment

    Mabilis na kumalat ang balita patungkol sa nangyari kay Chanel sa kanilang Academy. Maraming nag-aalala sa kaniya ngunit ang ibang may lihim na galit sa kaniya ay natutuwa pa at sinasabing deserve niya iyon."Grabe 'yung nangyari kay Chanel, ano?""Oo nga e. Sino kaya'ng gumawa no'n? Napakawalang puso.""Ang lakas nga ng loob niya dahil kinidnap niya ang nag-iisang anak ng mga Ganza. Kung ako sa kaniya ay magtatago na ako, baka mapatay pa siya ng tatay ni Chanel."Sa kabilang banda, kakababa lang ni Farrah ng kaniyang kotse at kasalukuyan nang naglalakad papasok ng building. Habang naglalakad siya, wala siyang ibang napapakinggan kun'di tungkol lamang sa nangyari kay Chanel."Uy, si Farrah," sambit ng isang lalaki na isa sa mga esdudyanteng nagkukwentuhan kanina. Itinuro pa niya ito at medyo napalakas ang pagkakasabi kaya naagaw nito ang atensiyon ng ibang estudyante.

    Last Updated : 2021-10-06
  • Our Ceaseless Love   Chapter Twenty Three: Gathering

    Matapos ang mga pangyayaring naganap sa buhay ko noong mga nakaraang linggo, muli nang naging normal ito. Wala na'ng mga nam-bubully sa akin dahil mas dumoble na ang takot nila dahil sa nangyaring insidente noong nakaraan."Chanel, ano'ng plano mo tomorrow?" tanong ni Zari habang nagsusuklay sa harapan ng salamin na nandito sa loob ng kwarto ko. Agad naman akong napahawak sa aking baba na para bang nag-iisip."Sa pagkakatanda ko ay may gathering kami tomorrow with our whole family," sambit ko at muling bumalik sa ginagawa kong activities.Dahil palagi akong absent noong mga nakaraang linggo, narito ako ngayon at naghahabol ng mga activities and lessons na hindi ko nagawa at napag-aralan noon. Medyo mahirap dahil umuusad na naman sila sa kanilang mga kaalaman, habang ako ay narito lang at maghahabol pa rin para makasabay ulit sa klase.Si Farrah naman ay suspension lamang ang inabot dahil pinaur

    Last Updated : 2021-10-06

Latest chapter

  • Our Ceaseless Love   Chapter Seventy Three: GutZales Company

    One week after we arrived in my home country, Philippines. Marami kaming ginawang pagbabago tulad na lang ng pag-aayos ng bahay, pag-transfer sa anak ko at paghahanao ng informations about the GutZales company.And according to my research, their company was freshly established pero sila na agad ang nangunguna sa lahat ng book companies. Mukhang mataas ang pinag-aralan ng CEO nito at marami ring connections kaya gano'n na lang ang paglago ng company nila.Tomorrow will be my best day. Pupunta na ako sa company nila to accept their offer. At kapag maganda ang performance ko sa kanila, sa tingin ko pwede na kaming mag for good dito sa Pilipinas. After all, matagal na rin naman kaming nanirahan sa New York."I'm home, Mom."Napatingin ako sa direksyon na pinaggalingan ng boses at nakita ko ang aking anak na pagod na pagod na humiga sa sofa ng sala. Nang lapitan ko siya, nakita kong pikit na ang kanyang mga mata at hindi na nagawang alisin ang pagkakasabit ng bag sa balikat at pagkakasuot

  • Our Ceaseless Love   Chapter Seventy Two: Home Town

    "So, kelan ang flight n'yo ni Dean pabalik sa Pilipinas?" tanong ni Geo habang tumutulong sa pag-iimpake ng mga gamit namin ng anak ko."Day after tomorrow," simpleng sagot ko, at nilagay ang huling damit sa bag."How will you explain to your parents about Dean? Baka atakihin sa puso si Tito Harley kapag nalaman nilang nag New York ka lang, pag-uwi mo meron ka ng Dean.""Don't worry, hindi ko naman sila bibiglain pagdating namin doon. Hindi muna ako magpapakita sa kanila hangga't hindi pa malapit ang birthday ko," sagot ko, at napatango-tango na lang siya bago ako iniwan mag-isa sa kwarto ko.Nang matapos ako sa pag-aayos, pinuntahan ko si Dean sa kwarto niya. Mahimbing na siyang natutulog habang yakap ang paburito niyang unan.Nilapitan ko siya at umupo sa gilid ng kama niya. Marahan kong hinaplos ang buhok niya upang hindi siya magising."I know it's hard na hindi mo makilala ang tunay mong ama, but I'm only doing this for you. Ayokong dumating ang panahon na makita mo siya pero hin

  • Our Ceaseless Love   Chapter Seventy One: His Success

    4 years later..."Congratulations for your success, Ms. Co," ani Hans, my best friend and also my business parter."No, thank you for giving me the opportunity to sign here in your company and work with these two young and successful entrepreneurs," nakangiting papuri niya, and we humbly giggle."Make us... our company proud, Ms. Co," nakangiting ganti ko at umalis na rin siya pagtapos."So, how did you convince her to work with us?" natatawang tanong ni Hans at lumagok ng wine na hawak niya."It just happened, Hans. Wala ka yatang bilib sa karisma ko," tumatawang sagot ko.Napapailing na lang siyang umalis at in-entertain ang mga bisita ng kumpanya.Nang mawala siya sa paningin ko, I just roam my eyes habang tinitingnan ang mga naipundar namin ni Hans this past few years. After all these things that happened to me... to us, we're still fighting for our dreams. And now, nagbunga na lahat ng pinaghirapan namin.After all the sacrifices and pain, my wounds were healed. Pain motivated me

  • Our Ceaseless Love   Chapter Seventy: New Beginning

    Parang huminto ang mundo ko nang marinig ang sinabi ng doctor. Wala akong ibang nakikita kundi madilim at tahimik na paligid."I-Im pregnant?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango ang doctor dahilan upang mapatakip ako sa bibig ko. Nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan namin ni Dior. Ang huling gabi namin sa Alemanya Leona na itinuring kong pinakamagandang araw sa buhay ko ay nagbunga. Ang mas malala pa nito, ang tatay ng dinadala ko ay ang taong sobra kong minahal ngunit nasilaw sa yaman at iniwan ako.Paano ko maipagpapatuloy ang buhay at pag-aaral ko kung buntis ako? Dapat ko bang tanggapin at buhayin ang batang ito gayong bunga lamang siya ng hindi namin pag-iingat? Dapat ko bang dalhin 'to sa sinapupunan ko gayong mag-isa na lang ako?Lumong-lumo akong umuwi sa bahay. Wala akong mapagsabihan ng dinadala kong problema dahil for sure, oras na malaman nila ito ay isususmbong nila 'to sa parents ko. Wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak hanggang makatulog ako."Miss Heathe

  • Our Ceaseless Love   Chapter Sixty Nine: New York

    Cold breeze greeted my face as I came out of the plane. I roamed my eyes and saw a new environment for me to move on and start a new beginning. This will be a perfect place to heal and forget all the awful memories. "Miss Chanel Ganza?" Rinig kong pagtawag sa pangalan ko dahilan upang lingunin ko siya. I saw a man wearing a suit with shades above his head. He's smiling but I just look at him."It's Heather Ganza," I said at ginantihan din siya ng ngiti. "Oh, sorry, Miss Heather. By the way I'm your new bodyguard. Ipinadala ako rito ni Mr. Ganza to keep an eye on you since hindi ka pa sanay dito sa New York," he said, as my forehead furrowed. "Don't worry. Once na masanay ka na rito, tapos na ang kontrata ko. You'll live on your own and have your privacy." Tumango na lang ako.Iginaya niya ako papunta sa kotseng naghihintay sa amin sa labas ng airport. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay roon.Habang nasa byahe, I tried to familiarize my eyes with this place para naman hindi a

  • Our Ceaseless Love   Chapter Sixty Eight: Behind the Sadness

    Makalipas nang tatlong linggo, sa wakas ay pinayagan na rin ako ng mga doctor na umalis na ng hospital. Nakakasawa na rin kasi roon dahil puro hospital foods lang ang nakakain ko at bawal pang magdala ng mga pagkain galing sa labas."Heather, kakain na tayo," ani Mommy na kasalukuyang naka silip sa siwang ng pinto ng kwarto ko. Ngumiti naman ako at tumango kaya umalis na rin agad siya.Nakakapanibago sina Mom and Dad ngayon. Mag mula kasi noong naaksidente ako, palagi na silang nasa tabi ko. Noong naka recover naman ako, lagi na silang nasa bahay at work at home na rin ang ginagawa nila sa trabaho nila. I know na gusto nilang bumawi... but I'm not used to this kind of situation. Lumaki akong walang magulang, physically.Bumaba na rin ako pag tapos nang ilang minuto. Naabutan ko naman sina Mommy and Daddy sa dining area. May mga pagkain na sa hapag kainan, pero hindi pa rin nila iyon ginagalaw at mukhang hihintay pa

  • Our Ceaseless Love   Chapter Sixty Seven: Trade

    Nagising ako nang dahil sa ingay na napapakinggan ko na sa tingin ko ay nanggagaling lamang sa bandang gilid ko. Nang akma ko na sanang imumulat ang aking mga mata ay naudlot iyon nang mapakinggan ko ang mga pinag uusapan nila."Maayos na ba ang lagay ng anak namin?" tanong ni Mommy at halata sa boses niya ang pag aalala habang nanginginig pa ito."Well, she's still under observation since muntik na naman siyang mamatay kanina. Good thing ay nabigyan agad siya ng first aid," sambit ng doctor. "Sa harap lang siya ng hospital naaksidente kaya naaksyunan sgad ng mga nurses."Muntik na naman akong mamatay? Kating kati na ba talaga si Kamatayan na sunduin ako kaya palagi niya akong pinapahamak?"Thank you very much, Doc. We don't know how to express our gratitude to all of you for saving our daughter's life, again," ani Mommy. Medyo nilagyan ko ng siwang ang aking mga mata kaya bahagya ko sikang nakikita.

  • Our Ceaseless Love   Chapter Sixty Six: Lost Childhood Memories

    Kasalukuyang nag lalakad ang dalawang bata habang ang naka angkla pa sa braso ng batang lalaki ang isang batang babae."You know what, Geo, may napanaginipan ako kagabi. Ayon sa panaginip ko, malapit ko na raw makita ang the one ko. I can't wait na dumating na siya," masayang sambit ng batang babae."Chanel, you're too young for that. At saka anong the one? Gusto mo bang isumbong kita sa Kuya mo?" pananakot ni Geo. Bumusangot naman ang mukha ni Chanel dahil sa narinig sa kanyang kaibigan."Who you ka sa akin kapag nahanap ko siya. I'm sure na mag seselos ka dahil kapag nahanap ko na siya, hindi na kita sasamahan. Bahala ka na," nag tatampong pag babanta ni Chanel. "Mag hanap ka ng sa 'yo.""E ikaw nga ang gusto ko," pabulong na sagot ni Geo, dahilan upang mapatingjn si Chanel sa kanya. Nakakunot ang noo nito at bakas ang pagtataka sa kanyang mukha."Ano'ng sinabi mo?" nag tatakan

  • Our Ceaseless Love   Chapter Sixty Five: Accident

    Kasalukuyang tumatakbo ang higit sa sampung nurse at mga doctor habang tinatakbo ang pasilyo ng hospital. Ang mga nurse at ilang doctor ang tumutulak sa hinihigaan habang may isang doctor na nagc-CPR sa pasyente."Bilisan niyo pa ang pag tulak! Baka hindi na natin siya maabutan nang buhay kung ilang minuto pa ang lilipas!" natatarantang sigaw ng Doctor habang patuloy pa rin ang pag CPR sa pasyente.Mas dinoble ng mga nurse at doctor ang bilis sa pag tulak kaya mabilis na rin nilang narating ang operating room. Nang makarating sila roon ay agad silang kumilos at nag handa na para sa operasyon na magaganap.Sa kabilang banda naman, mayroong mag asawang nag mamadaling tumatakbo papasok sa loob ng hospital. Halos hindi na mag kaintindihan sa pag takbo ang dalawa habang umiiyak pa ang babae.Nang makarating sila sa tapat ng operating room, nanghihinang umupo ang babae sa upuan ng waiting area habang patul

DMCA.com Protection Status