Nagising ako dahil sa malakas na kalabog na napakinggan ko na sa tingin ko'y nagmula sa bandang gilid ko. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata bago pinaling ang aking ulo sa kanan sa may gilid ko. Nakita ko roon ang isang basin na may laman na tubig, face towel at hindi pa masyadong tunaw na yelo. Nang dinako ko ang aking paningin sa kaliwa, nakita ko si Dior na nakapatong ang ulo sa gilid ng kama ko habang natutulog. Ano'ng ginagawa niya rito?
Nang akmang tatayo pa lang sana ako, muli akong napahiga dahil sa pananakit ng katawan ko at nakaramdam din ako ng hapdi sa balat. Dinako ko roon ang aking paningin at nakita kong may mga pasa at sugat doon. Ganito pala kalala ang natamo ko kahapon.
"Ella..."
Napatingin ako sa direksiyon ni Dior dahil sa narinig ko mula sa bibig niya. Tulog pa rin siya hanggang ngayon ngunit nag-iba na ang pwesto ng kaniyang ulo dahil siguro sa paggalaw niya kanina. Sino kaya iyong El
"Dior, halika rito!" masaya at tumatawang pagtawag ng isang nakangiting babae habang sinesenyasan niya si Dior. Agad namang tumakbo palapit sa kaniya si Dior at inakbayan siya bago sila naglakad paalis.Habang naglalakad sila, pinapaulanan sila ng mga papuri ng kanilang mga kamag-aral dahil pareho silang sikat at gusto nila ang dalawa para sa isa't isa. Bukod kasi sa maganda ang physical appearance nila, matalino at mabait pa sila, kaya naman maraming nagkakagusto sa kanila ngunit lahat ay naging brokenhearted nang malaman nila na in a relationship na ang dalawa. Kahit gano'n, masaya pa rin sila na muli na namang magkakaroon ng role model na couple sa kanilang paaralan."Tingnan mo, pinagtitinginan na naman nila tayo. Grabe, nakakahiya na," nahihiyang ani Farrah at sumubsob sa dibdib ni Dior habang naglalakad. Napatawa naman si Dior habang nananatiling nakaakbay sa balikat ni Farrah. Mas nila
Nagising ako dahil sa ringtone ng cellphone ko. Kasalukuyan itong walang tigil sa pag ring na parang kanina pa may tumatawag. Inis kong medyo inangat ang aking katawan bago kinapa ang cellphone ko sa side table. Nang makuha ko iyon ay nakapikit kong sinagot ang tawag bago nilagay iyon sa aking tainga."Chanel!" sigaw ni Zari mula sa kabilang linya dahilan upang ilayo ko ang cellphone sa tainga ko."Ano ba, Zari. Ang aga-aga, ha. Huwag kang sumigaw, nasa tainga ko lang ang cellphone ko," inaantok ngunit naiinis na sambit ko at tanging pagtawa lang niya ang narinig ko na nakapagpadagdag ng pagkairita ko sa kaniya."Oo na. Ang aga-aga ang sungit mo na agad," natatawang sambit niya kaya naman napairap na lang ako kahit nakapikit pa rin ang mga mata ko.Nilagay ko ang aking kamay sa ulo ko bago ito pinadaan sa noo upang i-massage ito dahil ang aga-aga ay sumasakit na agad ang ulo ko kay Zari. It's S
DIOR's POV"How is he? Naitahi na ba 'yung sugat niya sa ulo?" narinig kong nag-aalalang tanong ng isang boses ng babae.Agad kong minulat ang aking mga mata at puting liwanag ang sumalubong sa akin. Nang inalis ko ang paningin ko roon ay nakita ko ang mga magulang ni Chanel habang kausap ang doctor. Bakas din sa kanilang mukha ang pag-aalala."Chanel..." mahinang sambit ko dahilan upang maagaw ko ang kanilang atensiyon. Agad namang lumapit sa akin 'yung mag-asawa pati na rin ang doctor na kausap nila kanina. "Nasaan po si Chanel?""Shh... Huwag ka munang magsalita. Hinahanap na nila si Chanel ngayon, so there's nothing to worry na," ani Tita Janella habang hinihimas ang ulo ko.Nginitian ko lan
"Hindi pa rin ba siya nagigising hanggang ngayon?" narinig kong tanong ng isang tinig at base sa narinig ko, boses iyon ng isang babae."Magigising na rin siya mayamaya. Nakasinghot kasi siya ng chloroform kaya unconscious pa rin siya hanggang ngayon," sagot naman ng isa pa.Chloroform? Hindi ba iyon 'yung ginagamit ng mga kidnappers kapag papatulugin nila ang mga biktima nila? Teka, hindi ba panaginip 'yung na-kidnap ako?Agad kong minulat ang aking mga mata at puting kisame ang bumungad sa paningin ko. Nang nilibot ko ang aking paningin, nakita ko si Mommy na nakaupo sa sofa na narito sa kwarto habang kausap ang isang babaeng doktor. Hays, nasa hospital na naman ako. Suki na lang talaga ng hospital at infirmary ngayon. Hindi pa nga magaling 'yung paa ko, pero ilang beses na akong napunta rito."Mommy..." mahina at namamaos na sambit ko. Agad namang napatingin sa akin ang doctor at si Mommy. U
Mabilis na kumalat ang balita patungkol sa nangyari kay Chanel sa kanilang Academy. Maraming nag-aalala sa kaniya ngunit ang ibang may lihim na galit sa kaniya ay natutuwa pa at sinasabing deserve niya iyon."Grabe 'yung nangyari kay Chanel, ano?""Oo nga e. Sino kaya'ng gumawa no'n? Napakawalang puso.""Ang lakas nga ng loob niya dahil kinidnap niya ang nag-iisang anak ng mga Ganza. Kung ako sa kaniya ay magtatago na ako, baka mapatay pa siya ng tatay ni Chanel."Sa kabilang banda, kakababa lang ni Farrah ng kaniyang kotse at kasalukuyan nang naglalakad papasok ng building. Habang naglalakad siya, wala siyang ibang napapakinggan kun'di tungkol lamang sa nangyari kay Chanel."Uy, si Farrah," sambit ng isang lalaki na isa sa mga esdudyanteng nagkukwentuhan kanina. Itinuro pa niya ito at medyo napalakas ang pagkakasabi kaya naagaw nito ang atensiyon ng ibang estudyante.
Matapos ang mga pangyayaring naganap sa buhay ko noong mga nakaraang linggo, muli nang naging normal ito. Wala na'ng mga nam-bubully sa akin dahil mas dumoble na ang takot nila dahil sa nangyaring insidente noong nakaraan."Chanel, ano'ng plano mo tomorrow?" tanong ni Zari habang nagsusuklay sa harapan ng salamin na nandito sa loob ng kwarto ko. Agad naman akong napahawak sa aking baba na para bang nag-iisip."Sa pagkakatanda ko ay may gathering kami tomorrow with our whole family," sambit ko at muling bumalik sa ginagawa kong activities.Dahil palagi akong absent noong mga nakaraang linggo, narito ako ngayon at naghahabol ng mga activities and lessons na hindi ko nagawa at napag-aralan noon. Medyo mahirap dahil umuusad na naman sila sa kanilang mga kaalaman, habang ako ay narito lang at maghahabol pa rin para makasabay ulit sa klase.Si Farrah naman ay suspension lamang ang inabot dahil pinaur
"Chanel, ano ba! Bilisan mo na ngang maligo d'yan. Aayusan pa kita, kaya faster!" naririnig kong sigaw ni Zari mula sa labas ng banyo. Kanina pa kasi ako rito dahil binababad ko pa ang sarili ko sa gatas at sabon para mas maging maganda ang balat ko mamaya. Nakakainis kasi. Gathering lang naman ang meron mamaya, pero bakit pa ako niyaya ni Dior na maging date niya? "Oo, ito na nga. Palabas na ako," natatawang sambit ko at umahon na sa bathtub. Pumunta na ako sa tapat ng shower at nagbanlaw roon. Pagkatapos ko, nagpunas at nagsuot na lang ako ng undies bago ko binalot sa bathrobe ang aking katawan at lumabas na. Pagkalabas ko, naabutan ko si Zari na nakasuot na ng cocktial dress niya habang nireretouch na lang ang pagkakulot ng buhok niya. Nang makita niya ako sa reflection ng salamin, agad siyang tumingin sa akin ng masama at binaba na ang hair curler. Naglakad siya palapit sa aki
"Teka lang, Chanel," ani Dior at binitawan ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso. Humawak siya sa kaniyang dibdib na para bang sobra'ng kaba ang nararamdaman niya ngayon. Matapos iyon ay tumingin siya sa mga mata ko dahilan upang magtagpo ang aming mga mata."Ano'ng nangyayari sa 'yo?" nagtatakang tanong ko ngunit nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Lumipas ang ilang segundo ay gano'n pa rin siya kaya ako na ang umiwas ng tingin."Ikaw nga..." wala sa sariling aniya dahilan upang kumunot ang aking noo. Anong ako? Ano ba'ng sinasabi niya?Akmang magtatanong pa lang sana ako ngunit biglang umilaw ang mga mala-christmas lights sa paligid ng buong garden kung nasaan kami. Mangha kong nilibot ang aking paningin dahil napakaganda talaga ng view rito ngayon."Grabe... napakaganda rito," sambit ko habang nakangitin