Share

Ouch! Sa Maid Na-in Love ang CEO Fiance Ko
Ouch! Sa Maid Na-in Love ang CEO Fiance Ko
Author: Lisa Salman

Kabanata 0001

Ashley Walter's pov :

"HINDI mo ipapakita ang mukha mo sa asawa mo. Naiintindihan mo ba?" Tanong niya sa akin sa matigas na boses.

"Yes, Ma'am," bulong ko habang hinihingal.

"Babae, hindi kita marinig. Laksan mo!" Mas naging nakakatkot ang boses niya.

"YES, MA'AM," sigaw ko.

"Bawal kang matulog sa tabi ng asawa mo sa kama. Gagamitin mo ang kutson sa sulok ng kwartong iyon. Sa sahig. Naiintindihan mo?"

"YES, MA'AM!" sigaw ko ulit.

"Madalas na hindi siya nananatili ng matagal sa kwarto niya pero kapag bumalik siya, bawal mo siyang kausapin, bawal kang maglakad, kumain o uminom sa k warto na iyon. Bawal kang gumamit ng banyo. Naiintindihan mo?"

Sobra na ‘yon. Tinaas ko ang aking belo upang tingnan ang matandang babae na ito na nagpapakasal sa akin sa kanyang apo sa halagang ten million dollars. Saan ako dapat umihi? Sa carpet?

“Hindi kita naririnig. Gusto mo ba ng pera o hindi?" Sumigaw siya sa tenga ko kaya sumakit ang mga ito.

Urgh!

Gusto ko ang pera. Maaari nitong malutas ang aking mga problema. Mapapagamot ko ang Mother Superior sa sakit niyang cancer.

"YES, MA'AM!" Madiin kong nilapat ang labi ko at ibinalik ang aking belo. Sasakit ang lalamunan ko kung paulit-ulit niyang hilingin sa akin na sumigaw ng ganito.

"Aasal ka na parang hindi ka nakikita. Iisipin mo ang iyong sarili bilang isang pirasong kagamitan... Nakahiga lang. Ngayon kung pumayag ka sa mga kondisyon ko, pirmahan mo ang mga papeles." Inihagis niya ang panulat sa mesa at hinampas ang kamay pati ang dokumento.

Sinubukan kong basahin ang pangalan ng mapapangasawa ko pero mabilis niyang itinago gamit ang kamay niya.

"Bakit mo binabasa? Pumirma ka o palalayasin kita!" Damn. Hindi ba siya makapagsalita sa normal na tono? Bakit siya patuloy na sumisigaw ng ganito?

Pinirmahan ko ang mga papel at voila!

May asawa na ako!

Kaka-eighteen ko lang nang hilingin sa akin ng orphanage management na maghanap ng trabaho at umalis sa lugar.

Sa aking limitadong pag-aaral, nag-aplay ako ng trabaho bilang kasambahay. Nang matanggap ko ang tawag, naalimpungatan ako. Ang interview ay ginawa sa cellphone lang.

Inayos ko ang mga bag ko at napadpad dito. Sa unang pagkakataon na nakilala ako ni Mrs. Electra De Luca, tinignan niya ako gamit ang kahina-hinalang tingin mula ulo hanggang paa. Hindi ko siya masisisi. Pagkatapos bumyahe sakay ng bus ng napakaraming oras ay pinagpapawisan ako na parang baliw.

Ang murang cosmetic base na inilagay ko sa mukha ko ay siguro’y tumutulo na ngayon at nagmumukha na akong dracula ...

O baka babaeng dracula!

Sa loob ng ilang oras pagkadating ko, sinabihan niya ako na pakasalan ko ang kanyang apo na hindi ko kilala.

Hindi ko pa siya nakikita at hindi ko alam ang pangalan niya.

Maliban lang na apo siya.

Isang taon lang dapat akong manatiling kasal sa kanya.

Pagkatapos noon, malaya akong aalis sa lugar na may milyun-milyon sa aking account.

Nang pipirmahan ko na sana ang mga papeles, hinawakan niya ang kamay ko na may mahigpit na hawak.

"Ang pagpirma sa certificate na ito ay hindi nagbibigay sa iyo ng anumang karapatan na titigan man lang ang apo ko. Huwag mo nang isipin na hawakan siya o kausapin." Inilapit niya sa akin ang kulubot niyang mukha.

"Subukan mong hawakan at babarilin kita. Naririnig mo iyon?"

Grabe. Siya ay isang masamang babae! Naisip ko na ang kanyang apo ay nasa tamang gulang na para gawin ang mga walang katotohanang kondisyong ito. Well! Para siyang sanggol na nakakabit pa sa pusod ng kanyang lola.

"Hindi, Ashley." Medyo pinapagalitan ko na ang sarili ko. Huwag mong pansinin ang kanyang mukha! Subukan mong isipin ang ten million dollars.

Oo!

Nagdulot iyon ng ngiti sa aking mukha.

"Yes, Ma'am," masayang sabi ko.

Sa sandaling lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko ay binitawan niya ang kamay ko na tumatango bilang pagsang-ayon.

Mabilis kong pinirmahan ang mga papeles at saglit kaming lumabas doon.

May humintong sasakyan malapit sa amin at inutusan akong umupo sa passenger seat kasama ang driver.

si lola naman sa likod.

Nang makapasok na kami sa napakalaking mansyon, naiwan akong mag-isa sa may pintuan malapit sa entrance at dahan-dahan siyang pumasok sa loob at tinapik ang kanyang stick sa sahig.

"Halika. Ituturo ko sayo ang kwarto."

Ang isa pang kasambahay na naging kaibigan ko sa maikling oras na iyon ng isa o dalawang oras ay dinala ako sa isang master bedroom pagkatapos dumaan sa napakaraming hallway.

Diyos ko!

Ang kwarto ay napaka ... ganda.

Ang malaking king size na kama ay umaakit sa aking pagod na katawan pero ang aking tingin ay nahulog sa maliit na kutson sa isang sulok.

"Makinig ka, Nicole. Pwede mo ba dalhin ang bag ko? Nandon ang mga importante kong gamit. O pwede mo iutos sa iba na dalhin ‘yon sakin?"

Sa halip na tumugon sa kanyang maamong paraan ng pag-utos ay tumango lang siya habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Ang kawawang bagay ay ang nagpabigla sa kanya nang sabihin ko sa kanya na ang matandang ‘yon ay hiniling sa akin na pakasalan ang kanyang apo. Hindi nila ako hinayaang hugasan ang aking mukha o linisin ang aking buhok na mayroon pa ring putik at natirang makeup.

"Ano ba! Paano ba nangyari ‘to? Siya ay... sobrang gwapo, Ashley. Parang nanalo ka na sa lotto. Congratulations."

Kahit na may nakita akong bakas ng selos sa mga mata niya ay mabilis niya itong itinago.

Nang makalabas siya ng kwarto, sinimulan kong tumingin sa paligid.

Nakakita na ako ng ganoong mga kwarto sa mga pelikula noong may movie nights sa Eden Home orphanage.

Grabe. Sobrang namimiss ko na ang mga kaibigan ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makarinig ako ng malalakas na yabag patungo sa kwarto.

Sinabi sa akin ni lola na madalang lang manatili ang lalaki sa bahay. Pumunta ako sa higaan ko para lang makasiguro...

Hindi ko dapat ipakita sa kanya ang mukha ko.

Oh. Siya iyon. Ang asawa ko!

Alam ko, BAWAL kong tawagin siya ng ganyan.

Pero ok lang na tawagin siya ng ganito sa puso ko.

Pinihit niya ang doorknob at nang bumukas ito, dumapa ako sa kutson at itinago ang aking mukha.

Paglingon ko, medyo nakita ko ang lalaking nakatayo sa tapat ng kama.

Kitang-kita ang itaas niyang katawan. Naka-flex ang malalapad na balikat sa ilalim ng puting damit.

Hinubad niya ito at naku!

Siya ay matipuno, may tattoo, at masarap.

Oh my! Sana nandito ang mga kaibigan ko. Mapapasigaw na sana kami sa tuwa.

Naramdaman niya siguro ang titig ko sa kanya at bahagyang tumagilid ang ulo niya.

Pinikit ko ang mga mata ko, pinikit ito ng mariin.

Oh, please, God. Ayokong mawala ang ten million dollars!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status