공유

Kabanata 0004

pov ni Justin

"Hello, Sarah. Kamusta ang tour?" Tanong ko kay Sarah habang nakasandal ang ulo ko sa recliner.

"Oh, Justin. Hindi ko mapaliwanag kung gaano ‘to ka-refreshing. Balak kong tumakas noong una dahil sa kasal mo. Pero napatunayan nito na ito ay mind booster and refresher." Naramdaman ko ang pagkain niya ng kung ano.

"Sarah!" Ang mood ko ay nagbago nang husto dahil sa paalala na kailangan kong magpakasal nang labag sa kalooban ko, "Gusto niyo ni lola ‘to. Ginawa ko ito para sa iyo. At ngayon parang sinisisi mo ako na parang bang niloko kita."

Hindi ito makatarungan sa akin. Una itong hiling ni lola at pinaboran siya ni Sarah.

Alam kong mahal niya ako pero napapagod na ako na parang sinisisi na niya ako ngayon.

Ang tanging kundisyon na sinabi ko ay ang hindi makita ang kanyang mukha at walang makikialam sa buhay ko habang malapit siya sa akin.

Walang pakikipagkaibigan walang komunikasyon. Iyon ang dahilan kung bakit nakakakuha ng malaking halaga ang babae. Gusto siyang bayaran ni Lola ng isang milyon ngunit alam kong hindi madaling gawin na putulin ang koneksyon ng iyong sarili mula sa labas ng mundo sa loob ng isang taon.

"Hey. I am sorry babe. Ano lang..."

"Mamaya nalang kita kakausapin, Sarah." Nang hindi nakikinig sa kanyang karagdagang paliwanag at paghingi ng tawad ay pinatay ko ang tawag.

Tatlong araw na ang nakalipas simula noong ikasal ako. Ang hindi kilalang babaeng ‘yon ay nag-iingat ng mabuti.

Hindi ko pa nakikita ang mukha niya pero ang paraan ng pagsiksik niya sa kutson noong una ay nakapagpa-ngiti sa akin pero pagkatapos noon, nakaramdam ako ng awa sa kanya.

Nang mag-ring muli ang phone ko, kinuha ko ito at kinansela ang tawag.

Ngayon ang fiancee ko ay gustong humingi ng tawad at nais na magbigay ng mga dahilan sa likod ng kanyang mapait na mga salita.

Noong nakaraan, siya ay nagpupumilit siya na malaman kung ang asawa ko ay maganda. Hindi sapat ang tiwala niya sa akin kaya hindi ko nakita ang mukha niya.

Sinusubukan niya akong tawagan ng paulit-ulit kaya napagdesisyunan ko na mag-silent mode muna sa phone ko.

"Hoy, pare!" sabi ni Keith, lumabas ang kaibigan ko sa pool at umupo sa sun recliner sa tabi ko.

"Parang problemado ka. Ano yun?" Tanong niya sa akin habang nagpapatuyo.

Childhood friend ko siya at pinaka-close sa akin. Siya ang pinaka mapagkakatiwalaang tao sa paghawak ng negosyo ko.

Inabot ko na lang ang phone ko, "Sinusubukan niya akong tawgaan. Una, gusto nila ako ikasal sa katulong na yun ngayon gusto nilang malaman kung maganda ba siya para malaman kung ikakama ko ‘yon."

"Oh. Ten missed calls! Pare! Parang mababaliw na ang fiancée mo!" Ibabalik na sana niya sa akin ang phone ko nang sumimangot siya at tumingin sa screen.

"Justin. Sa tingin ko kailangan mo tong sagutin. Si lola."

***

"Ayos lang ba ang lahat sa bahay niyo? Mukhang nag-aalala ka." Habang nagmamaneho ng sasakyan, tinanong ako ni Keith, "Pati si lola parang nagpanic."

"Oo." Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko at alam ng Diyos kung ilang beses ko ‘yon ginawa, "Yung babae... na pinakasalan ko... nawawala siya."

Buong lakas na inapakan ni Keith ang preno dahilan para masakal ako sa seat belt ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya.

"Nawawala? Anong ibig mong sabihin na nawawala? Para ba siyang piraso ng alahas na nawawala sa drawer mo?"

Mahusay. Ngayon kailangan ko ring magbigay ng mga sagot sa kaibigan ko.

"Makinig ka, dude. Nag-aalala na ako. Wala siya sakin kundi pabigat. Binayaran siya para manatili sa isang sulok ng kwarto ko at..."

"Bayad? Para manatili sa isang sulok ng kwarto mo? Nababaliw ka na ba?" Sa ngayon ay pareho na kaming nagsisigawan sa isa't isa at mas kinasusuklaman ko ang babaeng iyon dahil sa problemang dinala niya sa pagkakaibigan namin, at sa engaged life ko.

"You are the fuckin boss of this empire, Justin! At talagang binili mo ang isang babae para manatili sayong..." halos duraan na niya mukha ko habang sinisigawan ako.

"Kung gaano kalaking halaga ang dinulot sayo nito. Kung babayaran kita ng doble, tatambay ka ba sa sulok ng kwarto ko, Justin?"

"HINDI ako ang humiling sa kanya na pakasalan ako. Ang lola ko... at ang fiancée ko ...

"Fuck your granny and fiancée, Justin. Siya ang LEGAL MONG ASAWA! Nakatira siya sa bahay mo at heto ka ngayon sinasabi mo na ganito..." Itinaas niya ang mga kamay sa ere at sinuntok niya ang manibela.

"Fuck you, Justin." Pagbukas ng pinto, lumabas siya ng kotse, "Sasakay ako ng taksi."

Hindi ko siya sinubukang pigilan. Kung ayaw niyang magmaneho, wala akong pakialam.

Paglipat ko sa driving seat, pinaandar ko ang makina at pinaandar ang sasakyan ng lampas sa bilis.

Pagdating ko sa bahay, nakaupo si lola sa sofa, hawak ang ulo niya. Sinusubukang aliwin siya ni Sean.

"Tiningnan mo ba ang mga camera?" Napalingon ako kay Sean.

"Hinihintay ka namin. Tumaas ang BP ni lola. Kailangang may sumama sa kanya."

Kaso, ang kasambahay na dating naghahatid ng pagkain sa kwarto ay natagpuan siyang nawawala nang siya ay maghatid ng tanghalian.

Hindi nakita ng mga guwardiya ang paglabas niya sa gate. Kaya siguro nasa loob pa rin siya.

Pinapangako ko na pag nakita ko siya, Sisipain ko siya sa aking bahay at buhay ko.

Nang magsimula na akong umakyat sa hagdan, narinig ko si lola sa likod ko, "Sana hindi niya ipaalam ang mga sikreto ng pamilya natin."

F*k sa mga sikretong ito. Wala akong pakialam.

Ako na mismo ang maghahanap sa kanya.

Pagkarating ko sa floor ng kwarto ko, binuksan ko ang pinto. Naramdamang basa ang carpet. Medyo napasimangot ako na hinanap ko siya sa banyo at sa ilalim ng kama. Wala siya kahit saan.

Hindi ko alam kung bakit pero ngayon ay may naramdaman akong nakakatakot sa tiyan ko.

Sinimulan kong hanapin ang lahat ng kwarto. Ang mga guest room, ang private theater ko, ang indoor games hall... wala siya kahit saan. Man! Nasaan siya? Tumakas ba siya?

Hindi ba mas maganda kung ipaalam mo na lang sa amin na aalis ka na? Tanong ko sa kanya na nakatayo sa labas ng huling kwarto na nagsisilbing store room.

Ito ay pag-aari ng nanay ko at ito ay bihirang gamitin ng sinuman.

Pinihit ko ang hawak pero parang naka-lock.

"Dalhin mo ang susi sa store room." Utos ko sa intercom na nakalagay sa labas ng kwarto.

Sa loob ng ilang minuto, dumating ang isang katulong na may kasamang set ng mga susi at sinimulang subukan ang mga ito nang paisa-isa.

Nauubos ang pasensya ko sa bawat minutong lumilipas ngunit ngayon ay mas nag-aalala ako sa sitwasyon.

Sa wakas, nang bumukas ang pinto ay pinaalis ko ang katulong at pumasok sa loob ng silid.

Pagkatapos kong buksan ang switch, pinasadahan ko ng tingin ang kwarto.

Hindi. Wala siya rito. Tatalikod na sana ako nang may nakita akong basa sa puting tela na nakatakip sa sopa.

Nakakunot ang noo ko, pumasok ako.

Sa isang kutob, unti-unti akong yumuko at nakita ko ang isang maliit na pigura na nakahiga sa ilalim ng kama.

Ang damit ay basa sa tubig at siya ay nanginginig na parang impiyerno.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Walang sinuman na nasa tamang pag-iisip ang maglalakas-loob na pumunta sa isang kwarto na walang anumang aircon o maayos na bentilador. Isang kwarto na puno ng alikabok.

"Sweetheart," mahinang tawag ko sa kanya at hinawakan ang kanyang pulso. Ngayon saan nanggaling ang 'sweetheart' na ito? Never kong tinawag si Sarah ng ganyan.

Sinubukan ng dalaga na hilahin nang mahina ang kanyang braso.

Dahan dahan ko siyang hinila palapit sa akin.

"Hey! Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko ginawa sa buong buhay ko, nakipag-sweet-talk kahit sino. Kahit kay Sarah.

Sinimulan niyang suntukin ang dibdib ko ng mahina.

"Please. Huwag mo akong hawakan. Bitawan mo ako. Please bitawan mo ako." Inaapoy siya ng lagnat. Basang basa ang pisngi niya sa pawis at luha.

"Hey! It’s okay. Ligtas ka." Marahan kong inilayo ang itim na buhok sa mukha niya at doon ko nakita ang pinakamagandang mukha na nakita ko sa buong buhay ko.

Binuksan niya ang kanyang mga mata at ang kulay aqua green na iyon!

Nawalan ba ng paningin si lola? Bakit niya naisip na hindi siya kagandahan?

"Please bitawan mo ako. Huwag mo ‘tong gawin sa akin. I promise na hindi ko sasabihin kahit kanino."

Ano ba naman ‘to! Siya ay ... Shit! May nagtangka bang gahasain siya?

Hindi! Iyon ay HINDI posible. Nasa pamamahay ko siya. Sa ilalim ng aking proteksyon. Ito ang aking tahanan at walang sinuman ang nangahas na gawin ang anumang bagay sa sinumang babae.

"Sweetheart. Sinong gumawa nito?" kinulong ko ang mukha niya sa mga palad ko, "Wag kang matakot. Walang mananakit sayo." Sinubukan kong i-assure siya ng mahina.

F*ck. Hindi ko man lang alam ang pangalan niya. Tama si Keith. Ang kanyang galit ay nabigyang-katwiran.

"Sino ang gumawa nito sayo? Sabihin mo!" Tinatali ko ang basang buhok niya sa likod at naghahanap ng towel na magpapatuyo sa kanya.

Halos hindi na niya maimulat ang kanyang mga mata. Pagtingin ko, nanginginig ang ibabang labi niya na parang bata.

Ngunit ito ay ang sagot na nakakuha ng aking pansin tulad ng anumang bagay. Ang kanyang pahayag ay sapat na upang tangayin ang aking isipan.

"A...ang asawa ko.. Si si..nubukan ... niyang ipasok ang kamay ko... sa pants niya!"

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status