Share

Kabanata 0003

Ashley Walters pov :

Sa kabila ng napakaraming utos, walang nag-abala na ipadala sa akin ang bag ko. Nakasuot pa rin ako ng parehong damit na nagbibigay ng amoy pawis at baho.

Yuck!

Tatlong araw na ang nakalipas simula noong kinasal ko. Hindi ko pa nakikita ang mukha ng gwapong lalaki at naku-curious ako.

Ang hubad na masarap na likod na iyon ay bumungad pa rin sa isipan ko kapag wala akong ginagawa. Halos buong araw ko ‘yon naiisip. Ngayon ay naligo ako at naglaba ng damit ko gamit ang body wash ng lalaking iyon.

May magagawa ba ako?

Ang asawa ko ay bihirang pumunta sa kanyang kwarto. Kagabi ay natulog nga siya sa kanyang kama at pinigilan ko ang aking ihi habang hinihintay siyang matulog.

Thank God hindi nagtagal bago siya makatulog.

Medyo naging palakaibigan na ang kasambahay na naglilinis ng kwarto niya at dinadalahan ako ng pagkain ng tatlong beses.

Kahit na hindi ako pinapayagang makipag-ugnayan sa sinuman pero ang manatili sa isang kwarto ng buong araw, naghihintay para sa mga pagkain kung saan ako ay hindi pinapayagan na manood ng TV. Ang walang kwentang gawain na ito ay nagsimulang magdulot ng problema sa akin.

Kaninang tanghali ay binuksan ko ng kaunti ang pinto at sumilip.

Okay. Wala akong nakitang tao sa labas.

Sa puntong ito, handa na akong makipag-usap sa lalaki na asawa ko. Gusto ko lang may kausap.

Sinabi sa akin ng kasambahay na ang buong palapag ay pagmamay-ari ng asawa ko at walang sinuman ang pinayagang tignan ang mga kwarto maliban sa mga piling katulong na responsable sa paglilinis.

Naglalakad sa paligid na basang-basa ang damit, hindi man lang ako natakot na baka may makahuli sa akin.

Sino ba ako? Alaga nila?

Kahit ang alagang hayop ay may karapatan.

Natapos ang mahabang hallway sa isang kwarto. Kahit na marami pero hindi ko sinubukang tingnan ang loob.

Hawak ang hawakan ng pinto na ito, sinusubukan ko pa ring magdesisyon kung papasok ba ako o hindi nang makarinig ako ng nakakagulat na boses sa likod ko.

"Naiinip ka na, sweetheart?

Naramdaman kong tumalon ang puso ko sa gulat.

Sa sobrang lakas, dahan-dahan akong lumingon at tumingin sa kanya.

Nakatayo doon ang isang cute na lalaki na may galos sa kaliwang pisngi. Bumagsak ang itim niyang bangs sa kanyang noo at ang cute na ngiti niya ay napalapit sa kanya.

"I am... sorry. I ..." Sa hindi maipaliwanag na rason bigla akong nakaramdam ng uhaw. Dinilaan ko ang ibabang labi ko sa kaba at sinubukan kong iunat ang labi ko para ngumiti.

Saglit na bumaba ang mga mata niya sa labi ko.

"Hey!" Naging seryoso ang mukha niya. Itinaas niya ang kanyang kamay para ilapat ang kanyang likod ng kamay niya sa pisngi ko, "It's ok. Nag tatanong lang ako. Tumutulo ang damit mo at nababasa mo ang buong carpet. Pwede kang mahuli dito." Tumango ako at sinubukang lagpasan siya nang humarang siya sa daraanan ko.

Tumingin ako sa kanya ng nagtatanong.

Oh, Diyos. Pakiusap. Ayokong mawala ang ten million dollars ko. Nagbibiro lang naman ako kanina nung sinabi kong ayoko na non.

Hinawakan niya ang kamay ko ng marahan at sinimulan niya akong ilakad papunta sa kwarto, "Hayaan mong alalayan kita papunta sa kwarto mo." Sabi niya habang ang asul niyang mata at napatingin sa dibdib ko na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Sino siya? Anong ginagawa niya dito?

Pagdating sa kwarto, binuksan niya ang pinto at sinenyasan akong pumasok.

Bumuntong hininga ako ng mabilis na pasasalamat at pumasok ako sa loob.

Sinundan niya ako sa loob ng kwarto at isinara ang pinto sa likod niya.

Oh Diyos ko! Asawa ko ba ang cute na lalaking iyon? Napakaswerte ko. Hinihiling ko talaga na nandito ang mga kaibigan ko. Tumatalon na sana sila sa tuwa ngayon.

Isang nahihiyang ngiti ang sumilay sa aking mga labi.

"I... ikaw b... ba ang a... asawa ko?" Gosh! Ganun na ba kahalata sa mga mata ko ang pagmamahal ko sa kanya?

Hindi ako nauutal sa buong buhay ko. Siguro hindi ko inaasahan na ganito ka-cute na lalaki ang magiging asawa ko.

Palagi kong iniisip na ang magiging asawa ko ay isang taong may malaking tyan.

"Ano!" Nanlaki ang mata niya at nagsimulang tumawa.

Ano ang nakakatawa sa tanong?

"Wala kang alam sa asawa mo? Tsk!" Pinasok niya ang dila sa loob ng pisngi niya at tumawa.

"Honey ball!" Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko... Parang ... sobrang lapit. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil wala pang lalaking lumapit sa akin ng ganito.

"Ako ang asawa mo." Dahil don, hinila niya ako papalapit sa sakanya at nilapat niya ang labi niya sa akin na parang gutom siya.

May kakaiba. Parang kagabi lang ay matagumpay niya akong hindi pinapansin at ngayon?

Ngayon ay inaatake niya ako na para bang pagkain ako sa kanyang mga mata!

At labi!

Sinubukan ko siyang itulak palayo nang may gawin siyang hindi inaasahan.

Inangat niya ang palda ko, sinubukan niyang ipasok ang kamay sa panty ko.

" It's ok love. Titignan ko lang kung basa ka na!" Naging husky ang boses niya.

Sinusuri ang kung basa na ako? Hindi ba niya nakikita sa damit ko? Basang basa pa rin ako.

Hinampas ko ng buong lakas ang kamay niya. Tumigil siya saglit at saka sinubukang ngumiti.

"Listen, honey ball. Hindi mo na kailangan mahiya sa asawa mo. Gusto mo ba makita kung gaano ako kabasa? Tignan mo?" Inalalayan niya ang kamay ko, ipinasok niya ito sa loob ng kanyang pantalon na pilit na pinaparamdam sa akin ang kanyang pagkalalaki.

Yuck!

Sa pagkakataong ito ay inipon ko ang lahat ng lakas ng loob at buong lakas na itinulak siya palayo.

Hindi niya ito inaasahan. Bago pa siya makapagsalita o makapag-react ay mabilis kong binuksan ang pinto at tumakbo palabas.

Hindi ko alam kung saan ako tatakbo. Sino ang tatawagan ko para hingan ng tulong?

Nang makarating ako sa isang kwarto, inikot ko lang ang hawakan nito at isinara ang pinto sa likod ko, ni-lock ito.

Ito ay tila isang storeroom. Amoy alikabok ito at natatakpan ng puting kumot ang mga kagamitan

Ngunit walang mahalaga sa ngayon. Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko para kontrolin ang tibok ng puso ko.

Naiiyak ako at nakaramdam ako ng panginginig sa katawan ko.

Pumunta ako sa isang puting tela na nakatakip sa couch at humiga doon. At pagkatapos ay nagsimulang tumulo ang mga luha sa aking pisngi.

Ang mga braso ko ay nakayakap sa aking di kapansin-pansin na bo * obs para aliwin ang sarili ko. Niyakap ko ang sarili ko para mainitan ang sarili ko at maiwasan ang panginginig.

Ang imahe ng asawa ko na pinipilit ang aking kamay sa loob ng kanyang...

Hindi na ako nakapag-isip pa ng maayos at hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa couch pero napahiga ako sa carpeted floor. Sa halip na bumangon, kinaladkad ko ang katawan ko sa ilalim ng kama at nahimatay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status