Share

Kabanata 0002

Justin De Luca's pov :

Napangiti ako sa paraan ng paghiga niya ng mabilis sa kanyang kutson. Hinubad ko ang sando ko napalingon ako ng konti nang maramdaman ko ang mga mata niya sa likod ko.

Nakatago ang kanyang mukha sa kanyang mga palad at nakapikit ang kanyang mga mata.

Wala bang nagsabi sa kanya na kahit ipikit ang mga mata ay hindi ka nagiging invisible?

Well. Sa tingin ko, mahusay ang ginawa ni lola sa pagsasanay sa kanya.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng t-shirt na pinares sa maong at lumabas ng kwarto ng hindi tumitingin sa sulok na iyon kung saan nagpapahinga ang tinatawag kong asawa.... o nagtatago?

"Here comes the groom, man. Congratulations! Nagustuhan mo ba ang asawa mo?" Hindi talaga sumasablay si Sean na asarin ako.

"Shut up! HINDI ko siya asawa." bulyaw ko sa kanya.

"Justin. ‘Wag mo silang pansinin. Sabihin mo sa akin. Naramdaman mo bang may nakatira sa kwarto mo? Kung gumawa siya ng anumang bagay para magpapansin sayo, I swear laslasan ko ang kanyang lalamunan." Ang lola ko ay palaging ganito kakulit.

"Hindi po lola. Sa totoo lang, siya ay sinanay na mabuti. Thanks!" Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Maganda ba siya?" Narinig ko ang malalim na boses ng pinsan kong si Sean at ang gusto ko lang gawin ay suntukin siya sa mukha. May peklat pa rin siya sa kaliwang pisngi na ibinigay ko sa kanya noong twelve years old kami.

"Hindi ko alam, Sean. Hindi ko pa siya nakikita. Pwede bang tumigil ka na? Or gusto mo ng sugat kita ng isa pa sa mukha mo?" Alam niya kung kailan hindi niya ako dapat pilitin pa.

Itinaas niya ang kanyang mga kamay sa ere, "Hey. I am sorry. Inaasar lang kita."

Magsasalita pa sana ako ng panibagong insulto nang pumagitan si lola.

"Sean. Tumigil ka na. Pwede ba?" Pagkatapos ay naglagay siya ng mga crackers sa isang plato at inilapag ang isang mangkok ng soup kasama ang plato patungo sa akin.

"Huwag kang mag-alala, apo. Ngayon lang siya nakarating dito at wala masyadong alam tungkol sa pamilya natin. Pinakiusapan ko siyang huwag makipagtsismisan sa kahit na sinong katulong." Tapos tumingin siya kay Sean, "At hindi. Siya. Ay. Hindi. Magand!"

Natapos ang usapan sa wakas.

Halos hindi pa ako nakakahigop ng ilang kutsara ng soup nang mag-vibrate ang phone ko. Isang video call sa fiancée ko na si Sarah.

“Hey! Congratulations baby.” May naririnig akong insecurity sa likod ng excitement na iyon.

“Kamusta ang trip mo, Sarah? Nag-e-enjoy ka ba?” Sinubukan kong kumilos ng normal. Siya ang nagpilit sa akin sa kasal na ito kasama si lola.

"Hinding-hindi ako mag-e-enjoy kung wala ka, baby."

“Alam ko, babe. Gusto mo bang makausap si lola?" Inikot ko ang camera kay lola. Halos idinikit ni Sean ang kanyang pisngi kay lola,

“Sarah! Miss ka na namin. Kailan ka babalik?" Halos hindi pa siya kinakawayan ni Lola nang simulan ni Sean ang usapan. Nag-usap ng maayos si Sean at si Sarah. Magkaibigan silang dalawa.

“Alam ko. Miss na rin kita, Sean. Lola! Sabihin mo sa akin ang tungkol sa kanya. maganda ba siya?”

Ngayon, ano bang meron sa itsura non at ilang beses na nila tinatanong kung maganda ba siya? Ganun din ang tanong ni Sean kanina, ngayon naman ay si Sarah.

“Hindi. Hindi siya ang gusto ko. Medyo madumi siya pagdating niya dito. Pagkatapos ng mahabang byahe, ang kawawang babae ay hindi na nagkaroon ng oras para maghilamos ng kanyang mukha.”

Hindi ko nagustuhan ‘to. Hindi siya nabigyan ng pagkakataong para mag-ayos?

“Lola. Dapat hinayaan mo siyang pumunta sa CR para makapag-ayos pagkadating niya. Kahit anong gawin niya, magkano man ang ibinabayad natin sa kanya. Hindi namin maaaring alisin sa kanya ang kanyang mga karapatan.”

Nagustuhan ko kapag alam ni Sarah ang gusto kong sabihin.

“Naku, apo. Sa tingin mo gagawin ko iyon? ONE YEAR siya mananatili sa kwartong iyon. May malaking banyo siya na magagamit sa pananatili niya doon. Ang kanyang mga pagkain ay ipapadala sa kanya. Hindi pa ba sapat ‘yon?”

“Oh. Mabuti iyon.” Nasiyahan si Sarah. Medyo possessive ako sa banyo ko. Dahil sa ilang kadahilanan, kinailangan kong pumayag na ibahagi ang CR at kwarto ko. Isang taon lang iyon.

Kahit si Sarah ay alam na pag naging asawa ko siya, pwede kami mag hati sa kwarto pero wag lang ang CR.

Tawagin mo akong weirdo. Pero hindi ko napigilan ang aking sarili na ipahiram ang banyo ko sa sinuman. Iyon ang dahilan kung bakit halos hindi ako gumamit ng mga pampublikong CR.

Pagkatapos naming magpaalam at magpalitan ng flying kisses ay pinatay ko na ang tawag.

"Lola, kailangan ko ng umalis. Salamat." Nag-jogging ako sa labas para kitain ang mga kaibigan ko.

Hindi ko namalayan na nakahinga na ako ng maluwag habang papalabas.

Hindi pa ako handa sa kasal na ito pero kinumbinsi ako ni lola na pipili siya ng isang mahirap at pangit na babae at papayag siya sa pamamagitan ng pagbabayad sa kanya ng magandang halaga.

Nangako rin siyang sasanayin niya ang dalaga. Kung sino man siya, ayoko makita ang mukha niya. Isang taong lang siya mananatili dito at pagtapos non pwede na kami maghiwalay..

Pagkatapos noon, malaya na akong pakasalan ang finacee ko, si Sarah. Siya lang ang papasok sa buhay ko bilang legal kong mapapangasawa.

Hindi ko alam na may ibang plano ang tadhana.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status