KABANATA 2
Binalewala ko ang mga mapanghusgang tingin mula sa mga kapuwa ko estudyante habang nakasunod sa ina ni Lucas na si Mrs. Amanda Sandoval, o na mas kilala ng nakararami bilang isang malupit na abogado sa buong bansa dahil lahat ng kasong hawakan niya ay panalo.Hindi ko alam kung bakit kabado akong makausap siya gayong wala naman akong ginagawang mali. Hindi ko talaga mawari kung bakit pakiramdam ko ay hindi maganda ang kalalabasan ng pag-uusap naming dalawa.Dinala niya ako sa parking lot ng university kung saan nakaparada ang kotse niya at ‘tsaka dali-daling sinenyasang umalis ang driver nang makalapit kami rito.Sumunod ako sa kaniya sa loob ng sasakyan kahit wala siyang sinabi sa akin na sumunod ako. Gusto kong maliwanagan ang isip ko tungkol sa mga nangyayari at kung bakit dawit ang mukha at pangalan ko sa video.Alam kong si Lucas dapat ang sumagot sa mga tanong ko at hindi ang mommy niya, pero wala na akong panahon na hintayin na makita at makausap siya. Kailangan kong maliwanagan.“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa hija…” pagsisimula niya na siya namang lalong nagbigay ng kaba sa akin, “Gusto kong akuin mo ang issue at sabihin sa media na ikaw ang babaeng iyon, ang babae nasa video. At gusto ko ring sabihin mong matagal na kayong may relasyon ng anak ko!” may galit sa boses niyang saad habang sa seryosong nakatingin sa labas ng kotse.Hindi ako agad nakapagsalita sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.“M-ma’am, a-ano pong ibig ninyong sabihin na akuin ko ang issue?” utal kong tanong sa kaniya, “Hindi po iyon tama at sigurado akong magagalit si Lucas dahil walang namamagitan sa aming dalawa!” buong lakas kong pagkontra sa kaniya.“Wala ka nang magagawa hija dahil mukha at pangalan mo ang kumakalat sa social media. Wala kang ibang pagpipilian kung hindi ang magsalita sa media! Hindi puwedeng masira ang pangalan ng anak ko lalo na ang reputasyon namin kaya—”“At ang sa akin po ay puwede dahil ano? Wala akong maipagmamalaki sa buhay ko? Pambihira naman po, Mrs. Sandoval. Abogado ho kayo kaya sigurado akong alam mo na labag sa batas itong gusto niyong mangyari!” Hindi ko na napigil na magtaas ng boses dahil nakaramdam na ako ng inis.Tumingin siya nang diretso sa akin na parang hindi man lang naapektuhan sa sinabi ko kaya nagsalita na lang akong muli.“Bakit hindi po ninyo hayaan si Lucas na ayusin ang problema na ito? Na linisin niya ang pangalan ko at pangalan niya tutal pagkakamali niya ito? May mga pangarap pa po ako at mawawalan ako ng scholarship kung gagawin ko ang gusto ninyo, pasensiya na po pero hindi ko gagawin ang gusto ninyo, Attorney!” saad kong muli sabay akmang lalabas na sana nang magsalita siyang muli.“Mawawala ang scholarship mo kung hindi ka papayag sa gusto ko at higit sa lahat, mas masisira ang buhay mo kung tatanggi kang pakasalan ang anak ko.”Napaawang na lang ang bibig ko sa narinig ko.“Kasal?!” kaagad kong sabi matapos magsalita ng mommy ni Lucas, “Nagbibiro po kayo, attorney,” dugtong ko pa.“Magpapakasal kayo ni Lucas sa ayaw at sa gusto mo! Kailangang malinis ang eskandalong ito. Handa akong gawin lahat huwag lang masira ang reputasyon at pangalan ng pamilya namin at lalo na ang kay Lucas. Pasensiya na Erem, pero wala ka nang magagawa kung hindi gawin ang gusto ko,” panatag niyang sabi.“At sino ka para magdesisyon sa buhay ko, Mrs. Sandoval? Abogado pa man din kayo!” galit kong sambit habang masama ang tingin sa ginang na kausap. Hindi ako nagpatinag sa kaniya.“Like what I’ve said, wala ka nang magagawa. You have no choice. Binayaran ko na ang nanay mo tungkol sa pagpapakasal mo kay Lucas and guess what? Pumayag siya kaya kailangan mo akong sundin. Magpakasal ka kay Lucas at sabihin sa media na masiyado kayong naging intimate sa isa’t isa at nawalan ng kayo ng kontrol sa mga ginagawa niyo lalo ka na.”Hindi ko napigilang mapa-ismid at mapa-iling sa narinig ko. Parang walang konsensiya ang kausap ko ngayon at sumabay pa ang labis na pagkadismaya sa aking ina.“Anong klaseng pag-iisip ang mayroon ka attorney at bakit binayaran mo ang mama ko? Hindi na ako magtataka kung pumayag man siya dahil siguradong sinilaw mo siya sa bagay na salat kami. Paano naman po ang sariling buhay na mayroon ako pati na ang kay Lucas! Alam ba ni Lucas ang tungkol sa gusto ninyong mangyari?” punong-puno ng galit kong saad sa kaniya.“Haharap ka sa media at gagawin mo ang gusto kong mangyari ,Erem. Magpapakasal kayo ni Lucas sa ayaw at sa gusto mo dahil kung hindi ay makukulong ka at ang nanay mo! Don’t act like you have something to be proud of, you’re just a poor girl who came from a not so good environment at huwag kang umasta na parang dehado ka sa pagpapakasal sa anak ko!” mapang-insulto niyang giit.“Handa kayong manira ng buhay ng iba para lang hindi madungisan ang pangalan ng pamilya niyo.” Umiling ako. “Akala ko pa naman puro mabuti lang ang alam ninyong gawin attorney, pero hindi pala! Wala man akong maipagmamalaki dahil mababang uri lang ako ng tao pero nasisiguro kong hindi ako tutulad sa inyo, iharap ninyo sa’ kin si Lucas dahil kailangan ko ng paliwanag mula sa kaniya kung bakit ako nadawit sa pesteng issue na ito!” tuloy-tuloy at hinihingal kong saad ulit habang nagpupuyos sa inis at galit.Ang dami kong tanong sa isip ko kung bakit biglang may ganitong problema, pero higit na nagpapagulo sa utak ko sa mga oras na ito ay bakit ako ang babaeng kasiping ni Lucas sa video na kumakalat.Mabait at matalino si Lucas pero hindi nangangahulugan na wala siyang maling ginagawa sa buhay. Palaging laman ng mga bar si Lucas dahilan para palagi silang magtalo ng ina niya dahil para dito ay ikasisira ng reputasyon nila ang pakikipag-inuman at pakikipag-party ni Lucas.Sobrang mahalaga sa kanila ang pangalan at reputasyon na meron sila, kahit pa dumating sila sa sukdulan na gumamit ng ibang tao maprotektahan lang ang imahe nila sa publiko.Sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ni Mrs. Sandoval nang muli siyang magsalita at harapin ako nang may seryosong tingin.“Sa susunod na linggo ang kasal at bukas na bukas rin ay haharap ka sa media, Erem. Subukan mong tumanggi at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko! Ako ang bahalang magsabi ng lahat kay Lucas, sa ngayon hindi mo siya puwedeng makausap!”Natawa lang ako dala ng pagkadismaya sa lahat.“Whether you like it or not, you don’t have any choice but to marry my son!”Tulala akong lumabas ng kotse ni attorney Sandavol matapos marinig ang mga huli niyang sinabi na hindi ako puwedeng tumanggi sa gusto niya, dahil kung gagawin ko iyon ay ipakukulong niya si Mama at ipatatanggal niya ang scholarship na mayroon ako, bagay na alam kong kayang kaya niyang gawin.Ayaw kong sumang-ayon pero mukhang wala na akong pagpipilian pa. Tumanggi man ako o hindi ay dawit na ako sa issue dahil mukha ko ang nasa video.Sana lang ay maging maayos ang lahat lalo na sa aming dalawa ni Lucas.Gusto ko siya pero hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang lahat.KABANATA 3Magulo ang utak ko at tanging si Lucas lang ang makasasagot ng mga katanungan na hanggang ngayon ay gumugulo sa isipan ko. Sa dami ba naman kasi ng kalokohan na ginawa niya sa tuwing nakikipag-inuman siya sa bar, bakit kailangan pang gumawa ng ganoon at makipagsiping sa iba? At ang pinakadahilan pa ng pagkagulo ng isip ko ay kung bakit mukha ko ang nasa video…Lumipas ang apat na araw at walang Lucas ang nagpapakita sa akin kahit pa ginawa ko na ang gustong mangyari ni Mrs. Sandoval. Inako ko ang issue at humarap sa media para sabihing ako ang babaeng kasama ni Lucas sa video na kumakalat. Sinabi ko rin na matagal na kaming may relasyong dalawa dahilan para mas lalo akong pag-usapan sa University. Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong umatras na gawin ang bagay na iyon dahil bukod sa alam kong pagsisisihan ko ang lahat sa huli, masisira ang pagkakaibigan namin ni Lucas at nasisiguro kong magagalit siya nang husto sa akin. Samu’t saring komento ang natanggap ko matapos na
KABANATA 4Sa bawat araw na lumilipas habang magkasama kami ni Lucas sa iisang bubong ay mas lalo akong natatakot sa kaniya, dahil walang araw kasi ang nagdaan na hindi niya ako sinisigawan o kaya naman ay sinasampal. Masuwerte na ako kapag inuumaga siya ng uwi galing sa pakikipag-inuman kasama ng mga kaibigan niya, dahil maaga ako palaging pumapasok ng University na naging dahilan para maka-iwas ako sa pananakit niya dahil hindi na kami nagkikita pang dalawa sa bahay. Magkita man kami sa university ay para lang din naman akong hangin para sa kaniya. Iyong tipong may malubhang sakit ako kung iwasan nito dahilan para maging tampulan kami ng mga usapan. Lahat ng nasa isip ko noon na puwedeng mangyari kapag magkasama na kami sa iisang bahay bilang mag-asawa ay nabura dahil taliwas ang nangyari sa totoo. Kahit kasi isa sa mga pinangako ng mommy ni Lucas gaya ng tahimik na buhay mula sa usap-usapan galing sa iba ay hindi man din nangyari. Minsan kong plinano na kausaping muli ang mommy
KABANATA 5Kagaya ng dati, sa tuwing ikinukulong ako ni Lucas sa stock room ng bahay namin, hindi niya ako binibigyan ng pagkain o kahit tubig man lang, kaya wala akong ibang choice kung hindi ang magtiis at umiyak sa tuwing kakalam nang sobra ang tiyan ko dahil sa gutom.Alam kong umaga na dahil sa sinag ng araw na tumatama sa maliit na bintana ng silid dahilan para magkaroon ako ng pag-asang makalabas. Ano mang oras kasi ay aalis na si Lucas para pumasok sa university at hindi nga nagtagal ay narinig ko nang tumunog ang kotse niya hudyat na aalis na siya ng bahay. Hindi ako makapapayag na hindi pumasok sa university gaya ng gustong mangyari ni Lucas, kaya kahit alam kong bugbog na naman ang aabutin ko sa kaniya dahil tatakas at tatakas pa rin ako. Finals week na at isang taon na lang ay graduate na ako, kaya hindi ako makapapayag na pati ang pag-aaral ko ay pipigilan rin ni Lucas.Kinuha ko ang nakatagong maliit na kutsilyo sa ilalim ng tukador kung saan itinago ko talaga para maga
KABANATA 6Nang makarating kami sa bahay ay kaagad na bumaba ng kotse si Lucas pagka parada niya ng kotse niya at basta na lang akong hinila sa buhok hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay.“Lucas nasasaktan ako! Ano ba?!” naiiyak kong sabi pero wala siyang pakialam.“I told you not to go to school, pero ginawa mo pa rin at talaga. May lakas ka pa ng loob na magpakita sa akin!” galit na galit niyang sabi saka ako tinulak dahilan para masubsob ako sa coffe table.“Finals na Lucas at alam mo iyan… Hindi puwedeng masayang ang mga pinaghirapan ko,” puno ng tapang kong sagot sa kaniya.“Hindi ka na dapat nag-aaral Erem! Isa pa, asawa na kita kaya dapat sinusunod mo ang mga gusto ko!” giit niya sabay hila sa buhok ko.“Sinusunod naman kita Lucas ah! Pinagsisilbihan pa nga kita,” sabi ko dahilan para mas sabunutan niya pa ako. “Nasasaktan ako Lucas! Ano ba?! Bakit mo ba ako ginaganito? Wala naman akong ginawang mali sa iyo!” Hindi ko na napigilang umiyak.Kahit anong pilit ko na alisin
KABANATA 7Kinabukasan matapos na may nangyari sa aming dalawa ni Lucas ay hindi ako makabangon. Bukod kasi sa masakit kong pagkababae ay masakit rin ang leeg at pisngi ko dahil sa pagsakal at pagsampal niya sa akin.Nanghihina man ay sinikap ko pa rin na bumangon para maligo nang sa ganoon ay malinis ko ang sarili ko. Kagabi kasi ay basta na lang akong bumagsak ng higa sa kama nang makabalik ako sa sarili kong kuwarto matapos na umiyak sa kama ni Lucas. Hindi ko nga nagawang kumain ng hapunan at linisan ang sarili ko.Dama ko ang sakit sa buong katawan ko bagay na alam kong kapag ininuman ko ng pain reliever ay mawawala o kaya ay mababawasan ang sakit, pero ang sakit na mayroon sa puso’t isip ko ay hindi na mawawala dahil kahit anong gawin ko, naka-ukit na sa pagkatao ko ang malungkot at masalimuot na buhay.Kahit pa nanghihina ang katawan ko ay sinikap kong bumaba sa kusina upang maghanda ng pagkain para kay Lucas, pero bago pa man ako tuluyang makababa ay tanaw ko na siyang nakaupo
KABANATA 8Nang sumapit ang gabi, kahit ayaw kong umalis ng bahay ay nag-ayos at naghanda pa rin ako dahil wala naman akong magagawa. Sasaktan lang ako ni Lucas kapag sinabi ko na ayaw kong umalis at sumama sa kaniya.Nagsuot ako ng black highwaist pants, brown na fitted blouse na pinatungan ko ng brown sweat shirt ‘tsaka ko lang ipinares sa puti kong converse.Mahaba ang suot ko at pati ang make up na nilagay sa mukha ay makapal, bagay na hindi ko naman talaga ginagawa noon, nasanay na lang akong gawin sa tuwing umaalis lalo na kung kasama si Lucas at sa bahay ng mga magulang niya ang punta dahil ayaw niyang makita ng iba ang mga pasa ko na siya mismo ang may gawa. Mahabang damit at makapal na make up ang naging panakip ko sa mga pasang hindi na mabilang sa katawan ko. Nakalulungkot isipin na sa loob ng apat na buwang pagsasama namin ni Lucas ay halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa pagbabagong hindi ko inaasahan.Hindi ako kagandahan pero para sa akin sapat na ang itsur
KABANATA 9Labag sa loob ko lahat ng kaganapang nangyayari ngayon sa buhay ko at pilit ko mang tutulan ang lahat ng iyon ay wala akong magawa, dahil kahit isa sa mga taong nakapaligid sa akin ay walang nakakaalam tungkol sa paghihirap na nararanasan ko. Sana pala sinabi ko kay Julie ang lahat noong simula pa lang, para may sasagip sa aking kaibigan. Natuloy sa Italy si Lucas kasama si Nikki kagaya ng plano niya. Masakit sa akin na kaya akong iwan at balewalain ng asawa ko para sa ibang babae pero wala akong magagawa. Asawa lang ako sa batas at papel at hanggang doon na lang ang katayuan ko para kay Lucas.Sa kapirasong papel lang nakasaad na akin siya, pero ang totoo ay pag-aari ng iba ang puso ni Lucas. Ayaw ko sa bahay ng magulang ni Lucas! Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga, pero wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang pilitin na manatili, dahil kung hindi ay bugbog na naman ang aabutin ko oras na umuwi si Lucas.Isang linggo si Lucas sa Italy kaya isang linggo rin akong m
KABANATA 10“At sinong nagsabi na puwede kang umalis sa bahay na ito Erem?!” mataray na tanong sa akin ni attorney Amanda habang pababa ako ng hagdanan at bitbit ang bag ko. Mababakas sa mukha niya ang pagka-inis sa akin dahil sa mga oras na ito ay sinusuway ko ang mga gusto niya pati na rin ang bilin ni Lucas.Pero wala akong pakialam. Basta sa mga oras na ito, gusto kong makaalis sa lugar na ito bago pa ako magawan ng masama ng daddy ni Lucas. Buo na ang desisyon ko, aalis ako sa mansion nila kahit na ang kapalit pa ng gagawin ko ay ang pananakit ni Lucas sa akin oras na makabalik ito mula sa Italy. Hindi ako safe sa mansion ng mga Sandoval lalo na kung nasa paligid ang Daddy ni Lucas. Hindi ko lubos maisip na sa maamo at mabait niyang mukha ay may pagnanasa pala siya para sa akin.“Uuwi na po ako sa bahay namin at doon ko hihintayin si Lucas,” walang buhay kong sambit nang tuluyan na akong makababa ng hagdanan at matapang na sinalubong ang galit na tingin ni Attorney Amanda sa ak
WAKASEverything in my life is a lie and I’m so stupid for not noticing it. I really can’t believe that my marriage with Erem is fake! Bakit nga ba hindi ko naisip na puwedeng mangyari iyon? Dahil ba masyado akong nagtiwala kay Mommy at naniwalang ipinilit ni Erem ang sarili niya sa akin?I became the worst version of myself because of our marriage na humantong sa pananakit ko kay Erem and because of that, hindi ko namalayan na sumosobra na pala ako. When I saw Erem again and she showed in front of me, ang unang pumasok kaagad sa isip ko ay ang makipagbalikan sa kaniya at makasama siyang muli sa iisang bahay. Hindi ko alam kung bakit naisip ko ang tungkol doon, basta ang alam ko gusto ko siyang makasama ulit para nang sa ganoon na rin ay makabawi ako sa lahat ng pagkakamali ko sa kaniya. But I changed my mind wanting her in my life again seeing how she looks so happy with another man— old man to be specific that made me so angry. Hindi ko pa rin magawang tanggapin na ang matandang
KABANATA 25Nang araw ding iyon ay pinili kong pumasok sa opisina para gawin ang mga trabahong nakaatang sa akin.Sumasagi kasi sa isip ko na baka hindi ibalik sa akin ni Lucas si Cianna, kaya ginawa ko na lang abala ang sarili ko kaysa naman mag-isip ako ng kung ano-ano. Nasa social media pa rin ang article na kumalat tungkol sa akin at kay Daddy bilang sugar daddy ko umano pero hindi ko na lang pinagtuunan pa ng pansin dahil alam ko namang lilipas din ang bagay na iyon.Lumipas ang buong araw ko na nasa opisina lang ako dahil bukod sa binabaling ko sa iba ang atensyon ay dini-distract ko rin ang isip ko sa mga bagay na alam ko na posibleng mangyari lalo ngayong alam na ni Lucas ang tungkol sa anak namin.Natatakot akong baka kunin at ilayo niya sa akin ang anak ko. Bilang isang ina ay hindi maalis sa akin ang mag-isip at mag-alala, dahil kilala ko si Lucas at alam kong gusto niyang makuha lahat ng kahit anong gustuhin niya.Naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig ko ang pagbukas n
KABANATA 24“Yes I can, but I have my conditions,” pag-ulit ko sa sinabi ko nang makitang mula sa malungkot na mga mata niya na tila nagulat. Hindi niya siguro inaasahan na papayag akong ipakilala siya kay Cianna na anak niya rin naman.Hindi ko ipagdadamot na magkakilala at magkasama silang dalawa dahil matagal ng pangarap ni Cianna iyon at hindi ako hahadlang sa bagay na alam kong ikakasaya ng anak ko.Growing up, I’d never experience a happy and complete family. Mula bata ako, madalas akong saktan ni Mama kahit wala akong ginagawa, kaya naman lagi kong tinatanong ang sarili ko kung bakit nabuhay pa ako sa mundong ito kung palagi lang naman akong masasaktan? Wala na mga akong kinilalang Papa, madalas pa akong saktan ni Mama.kaya pakiramdam ko noong bata ako ay sobrang malas ng buhay ko.Hindi na ako umasa noon na makikilala at makikita ang ama na matagal ko nang hinahanap, dahil kahit katiting na pagkakakilanlan sa kaniya ay wala ako pero hindi ko inaasahan na magiging mabait sa
KABANATA 23“I was never your wife, Lucas. Our marriage is fake!” I said while directly looking into his eyes at kita ko na mas lalong nangunot ang noo niya dahil sa mga binitawan kong salita.“You’re lying Erem, you’re lying!” galit na sigaw ni Lucas habang masama ang tingin sa aming dalawa ni Dad.Hindi nakawala sa paningin ko ang gulat na reaksiyon nila lalo na ang mommy niya na mukhang may ideya na sa mga puwede kong sabihin.But I don’t care! Sasabihin ko ang gusto kong sabihin. Inumpisahan nila. Puwes, tatapusin ko! I turned my gaze to attorney Amanda who looks so nervous.“Why don’t you ask your own mother, Lucas? Bakit hindi mo sa kaniya itanong mismo kung nagsisinungaling ba ako?” I said while looking at Attorney Amanda na bakas ang kaba sa mga mata.“Attorney Amanda, bakit hindi ikaw mismo ang magsabi sa anak mo na totoo ang sinasabi ko? Na peke ang kasal namin at palabas lang lahat ng iyon para sa kapakanan niya? Why don’t you tell him na ginawa mong kontrolin at sirain an
KABANATA 22Nang makarating ako sa kompanya ni Lucas ay kaagad akong nagdiretso kung nasaan ang opisina niya. Binalewala ko ang mga mapanghusgang tingin sa akin ng mga nakakasalubong ko.Sigurado akong dahil sa article na lumabas kaya pinagtitinginan ako. Wala akong panahon para pansinin sila dahil sa mga oras na ito, gusto ko lang namang saktan si Lucas sa paraang gusto ko.“Excuse me, gusto kong makausap si Lucas Sandoval. Tell him that Erem Blythe Valderama is here!” saad ko sa babaeng sumalubong sa akin paglabas ko ng elevator na sa tingin ko ay ang secretary niya.“I’m sorry Ma’am pero kaaalis lang po niya,” nag-aalala niyang tugon sa akin.“Call him at sabihin mong naghihintay ako!” iritado kong sambit muli. Alam kong hindi dapat ganito ang maging trato ko sa babae, pero sobra ang galit na nararamdaman ko sa mga oras na ito kaya hindi ko mapigil ang emosyong nararamdaman. “I’m really sorry Ma”am pero hindi ko po matawagan si Mr. Sandoval, he’s on his way to Laguna para po sa i
KABANATA 21“Have a sit, Mr. Sandoval,” I said while smiling to the man who is in front of me right now.Pansin ko ang mga tingin niyang tila sinusuri ang kabuuan ko. Maaring sa mga oras na ito ay hindi siya makapaniwalang magkakaharap kaming dalawa ngayon matapos ang ilang taon.“So, you are here for?” pagsisimula kong sabi habang hindi nakatingin sakanya. “I’m here to have a partnership with Valderama Hoteliere, and since you are the CEO, I guess papayag ka?” kumbinsido niyang saad muli dahilan para mag-angat ako ng tingin at taasan ko siya ng kilay. Sandaling namutawi ang katahikan sa pagitan naming dalawa dahil hindi ako makapaniwala sa ipinapakita niyang kayabangan ngayon, kaya naman bago pa ako ma-suffocate sa presensiya niya ay nagsalita na ako ulit. “Don’t you think you are being overconfident, Mr. Sandoval? How can you be so sure na papayag ako sa partnership na gusto mo? Is your company even good to have your guts to say that? Baka naman mamaya e bumagsak kami, dahil sa p
KABANATA 20EREM BLYTHE VALDERAMA’S POV“So are you ready to face him now?” tanong sa akin ni Dad na nakatayo sa hamba ng pintuan habang abala ako sa pag-iimpake ng mga gamit.“Of course, Dad! It’s been five years kaya ready na ako, it’s business kaya walang problema sa akin. At isa pa, miss ko na ang Pilipinas,” nakangiti kong tugon sa kaniya.“Hindi mo kailangang gawin ito Erem kung napipilitan ka lang,” sambit niya pang muli kaya naman itinigil ko ang ginagawa at humarap sa kaniya.“Dad, how many times do I have to tell you na ayos lang? Isa pa, ako ang may gusto na umuwi ng Pilipinas. Ako ang may gusto na mag-take over sa business because I want you to take a rest for a while… Kung iniisip mo ay ang pagkikita naming dalawa, trust me, naka-move on na ako at hindi na ako takot sa kaniya,” seryoso kong sabi pagkatapos ay binigyan siya ng matamis na ngiti.“You can’t blame me. Ayaw ko lang kasing masaktan ka na naman ng lalaking iyon!” may bahid ng galit sa boses niyang sabi, bagay na
KABANATA 19I tried to find Erem pero bigo akong malaman kung nasaan siya. Siguro ay sadyang ayaw niya na talagang magpakita pa sa akin. I can’t blame her dahil kung ako ang nasa sitwasyon niya, lalayo rin ako at sisiguruhing hindi ako mahahanap ng kahit na sino. I became so stressed on finding where Erem is at halos gabi-gabi akong hindi makatulog, dahil pakiramdam ko ay naririnig ko ang boses ni Erem na umiiyak at nakikiusap sa akin na tigilan na ang pananakit sa kaniya. Naging karamay ko ang alak para makalimutan ang tungkol sa kaniya at para na rin hindi ko marinig ang iyak niya na halos sumisira sa matino kong pag-iisip. Natatawa na nga lang ako sa sarili ko dahil kahit alam kong wala naman siya sa bahay naming dalawa ay nagawa kong matakot dahil sa pag-iyak niyang paulit-ulit ko na naririnig sa isip ko. Naging takas ko na lang din ang paglalasing upang matigil na ang pagsisi ko sa sarili ko tungkol sa batang nawala sa sinapupunan ni Erem.Nakasuhan ako nang hindi ko kilalang
KABANATA 18Umuwi ako tulad ng gustong mangyari ni Erem, kahit pa may mga taga-media na humahabol sa akin. Talagang gusto nilang malaman kung bakit na-ospital ang asawa ko para lang hanapan ako ng butas na ikasisira ng mga magulang ko. I can’t blame them. Mula pa man kasi noon, ako na ang sakit sa ulo ng mga magulang ko at madalas na nagdadala ng problema na puwedeng ikasira ng magandang reputasyon na itinayo nila. I ignored them and went home. Umuwi ako hindi para iwasan si Erem kung hindi para hayaan muna siyang mapag-isa at nang sa ganoon ay kumalma siya. I also let myself to calm down dahil hindi ako makapag-isip ng tama at maayos habang nakikita kong nag-hi-hysterical si Erem. Kasalanan ko ang lahat. Alam ko at sobra akong nagsisi na huli ko nang nakita na sobra na pala ang mga nagawa ko sa kaniya.Maaring wala na ang baby sa sinapupunan niya na sinasabi niyang anak ko, pero hindi ko magawang maniwala dahil natatakot akong tanggapin na ako ang naging dahilan para mawala siya.