Share

KABANATA 7

Author: Iam_RMWrites
last update Last Updated: 2022-12-17 12:49:14

KABANATA 7

Kinabukasan matapos na may nangyari sa aming dalawa ni Lucas ay hindi ako makabangon. Bukod kasi sa masakit kong pagkababae ay masakit rin ang leeg at pisngi ko dahil sa pagsakal at pagsampal niya sa akin.

Nanghihina man ay sinikap ko pa rin na bumangon para maligo nang sa ganoon ay malinis ko ang sarili ko. Kagabi kasi ay basta na lang akong bumagsak ng higa sa kama nang makabalik ako sa sarili kong kuwarto matapos na umiyak sa kama ni Lucas. Hindi ko nga nagawang kumain ng hapunan at linisan ang sarili ko.

Dama ko ang sakit sa buong katawan ko bagay na alam kong kapag ininuman ko ng pain reliever ay mawawala o kaya ay mababawasan ang sakit, pero ang sakit na mayroon sa puso’t isip ko ay hindi na mawawala dahil kahit anong gawin ko, naka-ukit na sa pagkatao ko ang malungkot at masalimuot na buhay.

Kahit pa nanghihina ang katawan ko ay sinikap kong bumaba sa kusina upang maghanda ng pagkain para kay Lucas, pero bago pa man ako tuluyang makababa ay tanaw ko na siyang nakaupo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 8

    KABANATA 8Nang sumapit ang gabi, kahit ayaw kong umalis ng bahay ay nag-ayos at naghanda pa rin ako dahil wala naman akong magagawa. Sasaktan lang ako ni Lucas kapag sinabi ko na ayaw kong umalis at sumama sa kaniya.Nagsuot ako ng black highwaist pants, brown na fitted blouse na pinatungan ko ng brown sweat shirt ‘tsaka ko lang ipinares sa puti kong converse.Mahaba ang suot ko at pati ang make up na nilagay sa mukha ay makapal, bagay na hindi ko naman talaga ginagawa noon, nasanay na lang akong gawin sa tuwing umaalis lalo na kung kasama si Lucas at sa bahay ng mga magulang niya ang punta dahil ayaw niyang makita ng iba ang mga pasa ko na siya mismo ang may gawa. Mahabang damit at makapal na make up ang naging panakip ko sa mga pasang hindi na mabilang sa katawan ko. Nakalulungkot isipin na sa loob ng apat na buwang pagsasama namin ni Lucas ay halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa pagbabagong hindi ko inaasahan.Hindi ako kagandahan pero para sa akin sapat na ang itsur

    Last Updated : 2022-12-18
  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 9

    KABANATA 9Labag sa loob ko lahat ng kaganapang nangyayari ngayon sa buhay ko at pilit ko mang tutulan ang lahat ng iyon ay wala akong magawa, dahil kahit isa sa mga taong nakapaligid sa akin ay walang nakakaalam tungkol sa paghihirap na nararanasan ko. Sana pala sinabi ko kay Julie ang lahat noong simula pa lang, para may sasagip sa aking kaibigan. Natuloy sa Italy si Lucas kasama si Nikki kagaya ng plano niya. Masakit sa akin na kaya akong iwan at balewalain ng asawa ko para sa ibang babae pero wala akong magagawa. Asawa lang ako sa batas at papel at hanggang doon na lang ang katayuan ko para kay Lucas.Sa kapirasong papel lang nakasaad na akin siya, pero ang totoo ay pag-aari ng iba ang puso ni Lucas. Ayaw ko sa bahay ng magulang ni Lucas! Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga, pero wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang pilitin na manatili, dahil kung hindi ay bugbog na naman ang aabutin ko oras na umuwi si Lucas.Isang linggo si Lucas sa Italy kaya isang linggo rin akong m

    Last Updated : 2022-12-19
  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 10

    KABANATA 10“At sinong nagsabi na puwede kang umalis sa bahay na ito Erem?!” mataray na tanong sa akin ni attorney Amanda habang pababa ako ng hagdanan at bitbit ang bag ko. Mababakas sa mukha niya ang pagka-inis sa akin dahil sa mga oras na ito ay sinusuway ko ang mga gusto niya pati na rin ang bilin ni Lucas.Pero wala akong pakialam. Basta sa mga oras na ito, gusto kong makaalis sa lugar na ito bago pa ako magawan ng masama ng daddy ni Lucas. Buo na ang desisyon ko, aalis ako sa mansion nila kahit na ang kapalit pa ng gagawin ko ay ang pananakit ni Lucas sa akin oras na makabalik ito mula sa Italy. Hindi ako safe sa mansion ng mga Sandoval lalo na kung nasa paligid ang Daddy ni Lucas. Hindi ko lubos maisip na sa maamo at mabait niyang mukha ay may pagnanasa pala siya para sa akin.“Uuwi na po ako sa bahay namin at doon ko hihintayin si Lucas,” walang buhay kong sambit nang tuluyan na akong makababa ng hagdanan at matapang na sinalubong ang galit na tingin ni Attorney Amanda sa ak

    Last Updated : 2022-12-20
  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 11

    KABANATA 11Kasunod ng malakas na sampal ay isang suntok naman sa sikmura ang natanggap ko kay Lucas. Halos mamaluktot ako sa sakit dahil sa ginawa niya. Sa mga oras na ito, bakas sa mukha ng asawa ko ang labis na galit at natatakot ako sa awra niyang iyon, kaya kahit masakit pa ang sampal at suntok niya sa akin ay sinubukan kong gumapang palayo mula sa kinatatayuan niya, pero sadyang mabilis si Lucas at kaagad niya akong nahigit pabalik sa harapan niya.“L-lucas nasasaktan ako, ano bang kasalanan ko sa iyo?” utal at naiiyak kong tanong nang hawakan niya ako mula sa panga habang nakalupasay ako sa sahig ng kuwarto ko.Puno ng pagtataka ang isip ko kung bakit nandito kaagad siya gayong ang alam ko ay nasa Italy siya at sa susunod na linggo pa ang balik niya. Marahil ay nagsumbong ang mga magulang niya sa kaniya ng mga bagay na hindi totoo kaya dali-daling bumalik dito sa pilipinas si Lucas para lang saktan at parusahan ako. Sigurado ako na hindi sinabi ng mga ito ang totoo para mas ga

    Last Updated : 2022-12-20
  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 12

    KABANATA 12Hindi ko alam na nakatulog pala ako sa loob ng CR ng kuwarto ko at halos hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa sobrang sakit dulot ng pananakit sa akin ni Lucas.Sinikap kong makabangon kahit pa pati pagkababae ko ay kumikirot, ginalaw pa ulit ako ni Lucas ng ilang beses bago niya ako tuluyang iwang mag-isa. Wala akong laban at tanging pag-iyak lang ang nagawa ko habang umuulos siya sa ibabaw ko. Nandidiri ako sa sarili ko hindi dahil halos binababoy na ako ni Lucas kung hindi dahil hinayaan kong umabot sa ganitong pangyayari ang lahat.Hubad ang buo kong katawan at halos puno ng mga pasa ang braso at mukha ko. Ang dating mahaba kong buhok ngayon ay sobrang ikli na dahil sa ginawa ni Lucas. Hindi ko na maaninag ang dating ako at hindi ko na makita ang Erem na sinikap mabuhay nang matatag noon, dahil sa mga oras na ito, habang nakatitig ako sa salamin, isang babaeng labis na nasaktan at babaeng sugatan ang nakikita ko. Wala na ang dating ako dahil naubos na halos lah

    Last Updated : 2022-12-21
  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 13

    KABANATA 13“Stop dreaming and wake up, Erem! Hindi kita kayang mahalin. Never!”Huling salita ni Lucas na paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko at bumabalik sa alaala ko. Masyadong masakit para sa akin dahil mula pa man noong magsama kami matapos naming ikasal ay palagi na niyang sinasabi na hindi niya ako kayang mahalin kahit na mamatay pa ako.Ako lang naman kasi itong si tanga at martyr na mahal na mahal siya, na kung tutuusin ay hindi na dapat dahil sobra na niya akong nasaktan at hanggang ngayon ay patuloy pa rin na sinasaktan.Matapos naming mag-usap ay minabuti kong bumalik sa kuwarto ko at inumin ang gamot na kinuha ko kahit na wala pa akong kain. Walang wala ang sakit ng katawan ko kumpara sa sakit na nararamdaman ng puso ko dahil sa mga salitang binitawan ni Lucas na kahit madalas kong naririnig ay masakit pa rin talaga.Minabuti kong matulog na lang ulit sa kuwarto ko matapos kong uminom ng gamot para na rin nang sa ganoon ay makapagpahinga ako at makalimutan ang sinabi

    Last Updated : 2022-12-22
  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 14

    KABANATA 14“Hindi ka talaga marunong madala at talagang tumakas ka pa?!” galit niyang sabi habang magka-ekis ang mga braso nito.“Magpapaliwanag ako, Lucas. Hinatid niya lang ako dahil nahilo ako sa daan habang naghihintay ng taxi,” sabi ko. “Malandi ka talaga at matanda pala talaga ang gusto mo? Kaya pala pati si Dad inaakit mong hayop ka!” pasigaw niyang sabi. Sa mga oras na ito mas dama ko ang takot kumpara noon, dahil base sa itsura ni Lucas halatang hindi niya ako bubuhayin sa galit na mayroon siya. Gusto kong bumalik sa kotse ng mamang naghatid sabakin para tumakas, pero nang lingunin ko ang kotse niya ay tuluyan na siyang nakaalis. “You didn’t follow my instructions, Erem, kaya magdusa ka ngayon sa gagawin ko sa iyong babae ka!” galit na sabi ni Lucas hanggang sa tuluyan na niya akong hinila sa buhok papasok ng bahay. “Ahhh! Lucas nasasaktan ako!” pasigaw kong daing dahil mula sa pintuan papasok sa sala ng bahay ay hila ako sa buhok ni Lucas.“I don’t fucking care, Erem!

    Last Updated : 2022-12-23
  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 15

    KABANATA 15LUCAS SANDOVAL’S POVI’m a man who wanted my life to be simple. I’m studying so hard because I want to get my grandfather’s business that I’ve wanted for so long. I’m a easy go lucky guy and I want to get everything on my own way.I always make sure na lahat ng gagawin ko ay tama at maayos. Kilala ang pamilya namin dahil isang magaling at mahusay na abogado at doctor ang mga magulang ko.Sa mata ng mga taong nakakasalamuha ko araw-araw ay taliwas ang pagkakakilala nila sa pagkakakilala ko sa sarili ko. I love drinking, partying and especially hooking up with different girls. I’m not saint at all I like giving myself a thrill— and also doing wild things, bagay na hindi kayang baguhin at alisin sa akin ng mga magulang ko. Doon ako masaya kaya hindi nila ako kayang pigilan. Isa pa, ginagawa ko naman lahat ng gusto nila kaya dapat ay hayaan din nila ako sa gusto ko.They always want me to be perfect. I’m known as the best guy in our university, not just because of our family

    Last Updated : 2022-12-25

Latest chapter

  • Oppressed Wife's Runaway    WAKAS

    WAKASEverything in my life is a lie and I’m so stupid for not noticing it. I really can’t believe that my marriage with Erem is fake! Bakit nga ba hindi ko naisip na puwedeng mangyari iyon? Dahil ba masyado akong nagtiwala kay Mommy at naniwalang ipinilit ni Erem ang sarili niya sa akin?I became the worst version of myself because of our marriage na humantong sa pananakit ko kay Erem and because of that, hindi ko namalayan na sumosobra na pala ako. When I saw Erem again and she showed in front of me, ang unang pumasok kaagad sa isip ko ay ang makipagbalikan sa kaniya at makasama siyang muli sa iisang bahay. Hindi ko alam kung bakit naisip ko ang tungkol doon, basta ang alam ko gusto ko siyang makasama ulit para nang sa ganoon na rin ay makabawi ako sa lahat ng pagkakamali ko sa kaniya. But I changed my mind wanting her in my life again seeing how she looks so happy with another man— old man to be specific that made me so angry. Hindi ko pa rin magawang tanggapin na ang matandang

  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 25

    KABANATA 25Nang araw ding iyon ay pinili kong pumasok sa opisina para gawin ang mga trabahong nakaatang sa akin.Sumasagi kasi sa isip ko na baka hindi ibalik sa akin ni Lucas si Cianna, kaya ginawa ko na lang abala ang sarili ko kaysa naman mag-isip ako ng kung ano-ano. Nasa social media pa rin ang article na kumalat tungkol sa akin at kay Daddy bilang sugar daddy ko umano pero hindi ko na lang pinagtuunan pa ng pansin dahil alam ko namang lilipas din ang bagay na iyon.Lumipas ang buong araw ko na nasa opisina lang ako dahil bukod sa binabaling ko sa iba ang atensyon ay dini-distract ko rin ang isip ko sa mga bagay na alam ko na posibleng mangyari lalo ngayong alam na ni Lucas ang tungkol sa anak namin.Natatakot akong baka kunin at ilayo niya sa akin ang anak ko. Bilang isang ina ay hindi maalis sa akin ang mag-isip at mag-alala, dahil kilala ko si Lucas at alam kong gusto niyang makuha lahat ng kahit anong gustuhin niya.Naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig ko ang pagbukas n

  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 24

    KABANATA 24“Yes I can, but I have my conditions,” pag-ulit ko sa sinabi ko nang makitang mula sa malungkot na mga mata niya na tila nagulat. Hindi niya siguro inaasahan na papayag akong ipakilala siya kay Cianna na anak niya rin naman.Hindi ko ipagdadamot na magkakilala at magkasama silang dalawa dahil matagal ng pangarap ni Cianna iyon at hindi ako hahadlang sa bagay na alam kong ikakasaya ng anak ko.Growing up, I’d never experience a happy and complete family. Mula bata ako, madalas akong saktan ni Mama kahit wala akong ginagawa, kaya naman lagi kong tinatanong ang sarili ko kung bakit nabuhay pa ako sa mundong ito kung palagi lang naman akong masasaktan? Wala na mga akong kinilalang Papa, madalas pa akong saktan ni Mama.kaya pakiramdam ko noong bata ako ay sobrang malas ng buhay ko.Hindi na ako umasa noon na makikilala at makikita ang ama na matagal ko nang hinahanap, dahil kahit katiting na pagkakakilanlan sa kaniya ay wala ako pero hindi ko inaasahan na magiging mabait sa

  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 23

    KABANATA 23“I was never your wife, Lucas. Our marriage is fake!” I said while directly looking into his eyes at kita ko na mas lalong nangunot ang noo niya dahil sa mga binitawan kong salita.“You’re lying Erem, you’re lying!” galit na sigaw ni Lucas habang masama ang tingin sa aming dalawa ni Dad.Hindi nakawala sa paningin ko ang gulat na reaksiyon nila lalo na ang mommy niya na mukhang may ideya na sa mga puwede kong sabihin.But I don’t care! Sasabihin ko ang gusto kong sabihin. Inumpisahan nila. Puwes, tatapusin ko! I turned my gaze to attorney Amanda who looks so nervous.“Why don’t you ask your own mother, Lucas? Bakit hindi mo sa kaniya itanong mismo kung nagsisinungaling ba ako?” I said while looking at Attorney Amanda na bakas ang kaba sa mga mata.“Attorney Amanda, bakit hindi ikaw mismo ang magsabi sa anak mo na totoo ang sinasabi ko? Na peke ang kasal namin at palabas lang lahat ng iyon para sa kapakanan niya? Why don’t you tell him na ginawa mong kontrolin at sirain an

  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 22

    KABANATA 22Nang makarating ako sa kompanya ni Lucas ay kaagad akong nagdiretso kung nasaan ang opisina niya. Binalewala ko ang mga mapanghusgang tingin sa akin ng mga nakakasalubong ko.Sigurado akong dahil sa article na lumabas kaya pinagtitinginan ako. Wala akong panahon para pansinin sila dahil sa mga oras na ito, gusto ko lang namang saktan si Lucas sa paraang gusto ko.“Excuse me, gusto kong makausap si Lucas Sandoval. Tell him that Erem Blythe Valderama is here!” saad ko sa babaeng sumalubong sa akin paglabas ko ng elevator na sa tingin ko ay ang secretary niya.“I’m sorry Ma’am pero kaaalis lang po niya,” nag-aalala niyang tugon sa akin.“Call him at sabihin mong naghihintay ako!” iritado kong sambit muli. Alam kong hindi dapat ganito ang maging trato ko sa babae, pero sobra ang galit na nararamdaman ko sa mga oras na ito kaya hindi ko mapigil ang emosyong nararamdaman. “I’m really sorry Ma”am pero hindi ko po matawagan si Mr. Sandoval, he’s on his way to Laguna para po sa i

  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 21

    KABANATA 21“Have a sit, Mr. Sandoval,” I said while smiling to the man who is in front of me right now.Pansin ko ang mga tingin niyang tila sinusuri ang kabuuan ko. Maaring sa mga oras na ito ay hindi siya makapaniwalang magkakaharap kaming dalawa ngayon matapos ang ilang taon.“So, you are here for?” pagsisimula kong sabi habang hindi nakatingin sakanya. “I’m here to have a partnership with Valderama Hoteliere, and since you are the CEO, I guess papayag ka?” kumbinsido niyang saad muli dahilan para mag-angat ako ng tingin at taasan ko siya ng kilay. Sandaling namutawi ang katahikan sa pagitan naming dalawa dahil hindi ako makapaniwala sa ipinapakita niyang kayabangan ngayon, kaya naman bago pa ako ma-suffocate sa presensiya niya ay nagsalita na ako ulit. “Don’t you think you are being overconfident, Mr. Sandoval? How can you be so sure na papayag ako sa partnership na gusto mo? Is your company even good to have your guts to say that? Baka naman mamaya e bumagsak kami, dahil sa p

  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 20

    KABANATA 20EREM BLYTHE VALDERAMA’S POV“So are you ready to face him now?” tanong sa akin ni Dad na nakatayo sa hamba ng pintuan habang abala ako sa pag-iimpake ng mga gamit.“Of course, Dad! It’s been five years kaya ready na ako, it’s business kaya walang problema sa akin. At isa pa, miss ko na ang Pilipinas,” nakangiti kong tugon sa kaniya.“Hindi mo kailangang gawin ito Erem kung napipilitan ka lang,” sambit niya pang muli kaya naman itinigil ko ang ginagawa at humarap sa kaniya.“Dad, how many times do I have to tell you na ayos lang? Isa pa, ako ang may gusto na umuwi ng Pilipinas. Ako ang may gusto na mag-take over sa business because I want you to take a rest for a while… Kung iniisip mo ay ang pagkikita naming dalawa, trust me, naka-move on na ako at hindi na ako takot sa kaniya,” seryoso kong sabi pagkatapos ay binigyan siya ng matamis na ngiti.“You can’t blame me. Ayaw ko lang kasing masaktan ka na naman ng lalaking iyon!” may bahid ng galit sa boses niyang sabi, bagay na

  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 19

    KABANATA 19I tried to find Erem pero bigo akong malaman kung nasaan siya. Siguro ay sadyang ayaw niya na talagang magpakita pa sa akin. I can’t blame her dahil kung ako ang nasa sitwasyon niya, lalayo rin ako at sisiguruhing hindi ako mahahanap ng kahit na sino. I became so stressed on finding where Erem is at halos gabi-gabi akong hindi makatulog, dahil pakiramdam ko ay naririnig ko ang boses ni Erem na umiiyak at nakikiusap sa akin na tigilan na ang pananakit sa kaniya. Naging karamay ko ang alak para makalimutan ang tungkol sa kaniya at para na rin hindi ko marinig ang iyak niya na halos sumisira sa matino kong pag-iisip. Natatawa na nga lang ako sa sarili ko dahil kahit alam kong wala naman siya sa bahay naming dalawa ay nagawa kong matakot dahil sa pag-iyak niyang paulit-ulit ko na naririnig sa isip ko. Naging takas ko na lang din ang paglalasing upang matigil na ang pagsisi ko sa sarili ko tungkol sa batang nawala sa sinapupunan ni Erem.Nakasuhan ako nang hindi ko kilalang

  • Oppressed Wife's Runaway    KABANATA 18

    KABANATA 18Umuwi ako tulad ng gustong mangyari ni Erem, kahit pa may mga taga-media na humahabol sa akin. Talagang gusto nilang malaman kung bakit na-ospital ang asawa ko para lang hanapan ako ng butas na ikasisira ng mga magulang ko. I can’t blame them. Mula pa man kasi noon, ako na ang sakit sa ulo ng mga magulang ko at madalas na nagdadala ng problema na puwedeng ikasira ng magandang reputasyon na itinayo nila. I ignored them and went home. Umuwi ako hindi para iwasan si Erem kung hindi para hayaan muna siyang mapag-isa at nang sa ganoon ay kumalma siya. I also let myself to calm down dahil hindi ako makapag-isip ng tama at maayos habang nakikita kong nag-hi-hysterical si Erem. Kasalanan ko ang lahat. Alam ko at sobra akong nagsisi na huli ko nang nakita na sobra na pala ang mga nagawa ko sa kaniya.Maaring wala na ang baby sa sinapupunan niya na sinasabi niyang anak ko, pero hindi ko magawang maniwala dahil natatakot akong tanggapin na ako ang naging dahilan para mawala siya.

DMCA.com Protection Status