ANASTASIA PAGKABABA ko ng cellphone matapos kong sabihin iyon kay Brandon ay napabuntong hininga ako. Sana lang ay maging maayos ang pagkikita namin nila Bella sa rooftop. Sumandal nalang ako sa aking kinauupuan at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako ng ilang minuto, nagising nalamang ako sa gising ng flight attendant at nakarating na kami sa manila. Dumeretsyo ako agad sa kumpanya ni Tanner dahil sigurado naman ako na busy pa iyon sa trabaho sasabihin ko nalang na sinundo ko siya. ‘Yun ay kung dipa nasasabi ni Brandon kay Tanner ang lahat. Naputol ang pag-iisip ko ng muling tumunog ang aking cellphone at pagtingin ko ay isang unregistered number. “Hello?” “Anastasia, nasaan ka? Nandito ako ngayon sa harapan ng kumpanya ni Tanner, kailangan nating mag-usap.” Napaupo ako ng maayos nang marinig ko ang sinabi niya at napahigpit ang kapit ko sa manibela. “Papunta ako jan ngayon Melany. Wait for me, okay?” Binaba ko na agad ang cellphone at m
“KUMUSTA ka na Melany? Ang tagal mong umalis at nagpakalayo-layo.” Tanong ni Brandon kay Melany nang matapos humupa ng emosyon ni Tanner at maging ng mga ito. Nag pasya kami na dumeretsyo na muna dito sa office ni Tanner at mag-usap. Nalaman ko na maaga pala siyang umuwi dahil masakit ang kaniyang ulo, kaso hindi niya ako nadatnan sa bahay. Nakatayo lamang ako dito sa tabi niya habang hawak ang kaniyang kamay. Mahigpit ‘din naman ang kapit niya sa kamay ko kung kaya hinayaan ko nalang siya. Alam ko na masyado pa silang naguguluhan o naninibago dahil sa pagkikita nila kay Bella. “A-Ayos lang ako kuya Brandon. Umalis ako dahil iyon ang bilin saakin ni Bella bago siya tuluyang mawala. Masyadong masakit ang pagkawala niya hindi ko kayang makita ang mga lugar na lagi naming pinupuntahan ng magkasama.” Naiintindihan ko si Melany. Nang mawala sila mama at papa ay hindi ko talaga iyon kinaya, ultimo matatahimik lang ako ay kusa nang darating sa isip ko ang mga pangyayari o mga scenes n
“WIFE, please calm down. Makakasama sa baby natin ‘yan.” Nag-aalalang sabi ni Tanner sa kaniyang asawa habang nasa sala sila sa ibaba at pinapainom ng tubig si Anastasia. Nang malaman ni Tanner ang tungkol sa sinabi ng babae ay agad niyang pinatawag si Brandon upang ipaasikaso agad ang kinalalagyan ni Melany, habang si Anastasia naman ay dinala niya sa sala upang doon pakalmahin. “H-How can I calm down?! Narinig ko ang putok ng baril Tanner! Baka kung anong mangyari kay Melany! Kailangan natin siyang iligtas agad!” Frustrated na sabi ni Anastasia kung kaya hindi na napigilan pa ni Kathy ang sarili at hinawakan sa balikat ang kaibigan at niyugyog. “Wake up Anastasia! Nagkakagulo na nga sasabayan mo pa!” natahimik ito dahil sa sigaw ng kaibigan. Maging ang iba ay natahimik lalo na ang mga batang nakayakap kay Serene at tila natatakot sa nangyayari. “Hindi ka makakatulong kung uunahin mo ang taranta Anastasia. Tignan mo ang mga bata! Natatakot dahil sa mga sinasabi mo! Ginagawa na
“Where is my phone?!” sigaw niya ng hindi ito makita. “Ayun oh! Chinarge ko, dimo na kasi pinansin lowbat ka na pala.” Turo ni Sandro sa isang parte kung kaya agad niya iyong kinuha at binuhay. “Kita mo ‘to. Pabaya kasi, tapos ngayon kakaba-kaba ka jan.” Bulong ni Sandro. “Shut up and find her now!” bigalang sigaw ni Kevin sa kaniya. “Oo na! Pasalamat ka mabait ako,” natatawang sabi ni Sandro dito at binuklat na ang kaniyang laptop. Umalis na din doon ang tauhan na nag report kay Kevin. “Sh*t! Bakit hindi mo sinasagot?!” sigaw na sabi ni Kevin ng hindi ito sinasagot ng dalaga hanggang sa tuluyan ng nawala ang service nito. “I lost her! Trace her now Sandro!” tumango ang kaibigan niya sa kaniya na seryosong nakaharap sa laptop ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello?!” “Hello, Kevin.” Natigilan si Kevin ng marinig niya ang boses na ‘yon. Hinding hindi niya ito makakalimutan dahil iyon ang taong tumulong sa kaniya kung ano man ang narating niya ngayon sa underworld.
“KEVINE, how’s your team over there?” Seryosong tanong ni Tanner sa kaniyang earpiece habang nakasilip sila sa isang makapal halamanan. “It is weird. Bakit walang ibang kalaban?” natigilan ang mga ito sa sinabi ni Kevin. Si Tanner ay nasa pinakang unahan o pinakang main door ng kinalalagyan ni Wilbert na isang building. Si Brandon naman ay nasa gilid na parte ng building upang doon pumasok at mag masid sa paligid while Kevin is at the back. Ngunit ‘yun ‘din ang kinakataka ni Tanner, walang bantay sa baba. “Dito ‘din walang ibang bantay Tanner.” Sabat ni Brandon sa sinabi ni Kevin. SI Tanner naman ay tumahimik sandali upang pagmasdan ang buong lugar. Napakunot ang noo niya ng makita ang maraming yapak ng paa sa sahig. “Sh*t! Kevin tignan mo!” natigil lang iyon ng biglang sumigaw si Sandro. “Kevin anong nakita niyo?!” alalang tanong ni Tanner na napapatayo na. “I-Ilawan niyo ang taas! Sira na!” ginawa nila ang sinabi ni Kevin at ganon nalang ang panlalaki ng kanilang mga ma
“Sila ang pumatay sa kakambal ko Kevin. Maging sa kapatid ni Brandon na si Bella ay sila ‘din ang may gawa.” Natigilan si Kevin dahil sa sinagot sa kaniya ni Tanner habang ang iba naman ay nagtataka. “Anastasia Ivanova…” ngunit natigil lang iyon ng magsalita si Kathy. “Anastasia Ivanova ang tinawag ng lalaking nakamaskara kay Anastasia. Ang sabi pa nga ni Anastasia ay ‘wag ‘daw idadamay ang pamilya niya. Nalaman niyo na ba kung sino ang pamilya nila Tanner? Ito ba ang mga Ivanova?” parang binuhusan ng malamig na tubig si Tanner at hindi nakapag salita. “S-Sandali, anong sinasabi mo ate Kathy?” takang tanong ni Kevin. “Ang kumuha saamin ay isang lalaking nakamaskara, pero biglang dumating ang ibang mga taong armado na parang nakasuot ng pang winter na coat. Sila ang kumuha kay Anastasia sigurado ako!” Natahimik ang mga lalaki dahil sa sinabi ni Kathy habang sila Serene ay nagtataka maging ang mga bata. Hindi nila alam kung bakit nagkakaganon ang mga ito at tila gulat na gulat.
ANASTASIA HINDI ako pwede manahimik nalang dito sa loob ng kwarto at umiyak. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumibot sa loob ng kwarto. Hindi ko talaga akalain na sasabihin ‘yun ni daddy. How come na sila Tanner ang may gawa niyon kay mommy kung maging sila ay iniisip na si daddy ang may gawa sa kambal nito. I know something was odd at kailangan ko ‘yung alamin. After namin mag-usap ni daddy ay iniwan niya ako kasama si Amari. Naawa ako sa anak ko, hindi niya dapat narinig ang usapan namin ni daddy kaso nangyari na. Alam ko naman na maiintindihan niya kami dahil matured na silang kambal pero ang marinig na ilalayo sila kay Tanner ay alam kong ikakasakit niya. Mabuti nalang talaga at hiwalay ang kwarto niya saakin. I need to investigate, kailangan kong gumawa ng paraan. First of all I need to check if there is a CCTV on my room. As I scanned the whole room so far wala naman akong nakikita and hopefully wala talaga. The next thing I check is outside the window. Halos mapanganga
“TANNER nandito ang Wolves Organizations!” Agad na napatayo sila Tanner dahil sa sinabing iyon ni Brandon habang nakatingin sa kaniyang computer. “What?! Paano nangyaring hindi natin alam?! Nasaan ang mga tauhan natin?!” gulantang na sabi ni Tanner at agad na kumuha ng baril maging si Kevin at Sandro. Nasa loob sila ng isang kwarto sa Paris kung saan sila nagsasagawa ng plano para makuha si Anastasia. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ‘rin nila magawang pasukin ang lungga ng mga Wolves Organizations dahil sa higpit at tibay ng seguridad nito. ‘ Yun ang mas lalong nagpapa-inis kay Tanner. Wala siyang magawa, magdadalawang linggo na doon ang mag-ina niya. “’Wag kang lumabas Tanner! Hindi mo alam ang kaya nila, tulog na lahat ng bantay natin!” sabi ni Brandon habang seryosong nakatingin sa computer. “Secure sila Kathy at Serene, pero ang dalawang bata ay hindi ko makuha sh*t!” napatayo si Brandon dahil doon at kumuha na ‘din ng baril. “Kailangan nating puntahan ang dalawang bat