Share

[PART TWO]

“Sila ang pumatay sa kakambal ko Kevin. Maging sa kapatid ni Brandon na si Bella ay sila ‘din ang may gawa.” Natigilan si Kevin dahil sa sinagot sa kaniya ni Tanner habang ang iba naman ay nagtataka.

“Anastasia Ivanova…” ngunit natigil lang iyon ng magsalita si Kathy.

“Anastasia Ivanova ang tinawag ng lalaking nakamaskara kay Anastasia. Ang sabi pa nga ni Anastasia ay ‘wag ‘daw idadamay ang pamilya niya. Nalaman niyo na ba kung sino ang pamilya nila Tanner? Ito ba ang mga Ivanova?” parang binuhusan ng malamig na tubig si Tanner at hindi nakapag salita.

“S-Sandali, anong sinasabi mo ate Kathy?” takang tanong ni Kevin.

“Ang kumuha saamin ay isang lalaking nakamaskara, pero biglang dumating ang ibang mga taong armado na parang nakasuot ng pang winter na coat. Sila ang kumuha kay Anastasia sigurado ako!”

Natahimik ang mga lalaki dahil sa sinabi ni Kathy habang sila Serene ay nagtataka maging ang mga bata. Hindi nila alam kung bakit nagkakaganon ang mga ito at tila gulat na gulat.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status