Thank you sa nag aantay ng update!
“NAKAALIS na ba si Anastasia?” Tumango si Tanner nang makalapit ito sa kinalalagyan ng daddy ng babae. Rinig na rinig nila ang sunod-sunod na putok ng baril sa paligid ngunit hindi iyon magiging hadlang sa kanila para tapusin ang laban. “Kevin, nasaan kayo?” Seryosong tanong ni Ivan sa earpiece. “Nandito kami sa east ni Sandro, hinahanap namin si Wilbert.” Nagkatinginan si Tanner at Ivan dahil doon at hindi nagdalawang isip na sumunod doon. “Brandon kumusta jan?” Tanong ni Tanner habang sila ay tumatakbo at paminsan minsan ay bumabaril kapag may kalaban. “Wala pang nakakatakas, nasa loob pa ‘rin siya pero di namin makuha kung saan.” Naiwan si Brandon kasama ang mga tauhan ni Ivan upang maging mata ng mga ito. Habang sila naman ang siyang tutugis sa lalaking kumalaban sa mga Wolves Organizations. Nang makarating sila sa kinalalagyan nila Kevin ay napasigaw si Sandro ng makita niya si Wilbert mula sa taas. “Nasa emergency staircase!” Mabilis na kumilos ang mga ito upang sun
ANASTASIA“KATHY! Kathy!” Pagpasok ko sa loob ng kwarto ni Kathy ay nakita ko agad silang dalawa ni Serene na nakatayo sa gilid ng hospital bed at para itong nag e-squat. “Anastasia!” Si Serene lang ang napalingon sa kinalalagyan ko at mabilis na tumakbo palapit saakin. Naramdaman ko ang pag yugyog ng kaniyang balikat tanda ng pag-iyak. “A-Akala ko kung ano nang nangyari sa’yo Anastasia! Nag-alala kami ng sobra!” parang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi ni Serene. Alam ko na lahat sila ay nag-alala para saakin pero mas gugustuhin ko naman na ako nalang ang mapahawak wag lang sila. Sasagot na sana ako sa kaniya ngunit narinig namin ang malakas na iyak ni Kathy. Sabay kaming napalingon doon ni Serene habang nagtataka. “A-Anastasia! Huhu ang sakit!” nanlaki ang mata ko sa narinig at napatingin kay Serene. Sakto na nakatingin ‘din pala ito saakin kaya sabay kaming napatawa ng mahina pagkatapos ay naglakad kami palapit sa kaniya. “A-Akala ko hindi ka na dadating! Natatakot na ng
ANASTASIA ISANG buwan na ang lumipas magmula nang madukot ako at manganak si Kathy. Sa isang buwan na iyon ay marami nang nangyari, nanatili kami sa Russia kung saan andoon ang aming tirahan at doon nagtagal. Si daddy at Tanner ay sawakas okay na ‘din, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ‘rin nila alam na nakagawa na ako ng time machine at nakapunta sa nakaraan. Itinago ko ito sa ligtas na lugar para walang ibang makakuha o makakita. Sa ngayon ay alam ko na mayroon pa kaming isang lalaking kalaban, ngunit ang tanong ay sino? Sino at ano ang kailangan niya saamin? Dalawa lang ‘yan, maaaring gusto nila ang Underworld at mayroon pa silang personal na hangarin sa aming pamilya. Nakausap ko na 'din si Melany, nakahinga talaga ako ng maluwag ng malamang kong maayos na ang lagay niya at nasa pangangalaga na ito nila Tanner. Nag pasiya na kaming bumalik sa Pilipinas bilang paghahanda sa kasal namin. Si daddy naman ay hindi makakasama bilang hindi pa ‘rin dapat isapubliko na ako ang kaniyan
LUMIPAS pa ang isang buwan at malaki na ang naging progress namin sa paghahanda ng kasal. Nakapili na kami ng simbahan, ng venue para sa reception, ng mga pagkain at ng flowers. Ang napili naming simbahan ay sa Cebu ang Saint Michael Parish Church in Argao. Sa lahat ng pinagpilian naming simbahan ay ito ang napili ko, although magaganda naman silang lahat pero mas okay saakin ang Saint Michael. Isa pa, kaya din sa Cebu ang napili naming pagganapan ng kasal dahil doon kami unang nagkita at nagka-ayos. Syempre ang reception saan pa ba? Sa hotel ni Tanner kung saan imbitado din si Ms.Valine. Nandito pa ‘rin kami sa manila para ayusin yung mga invitations and ang dresses, si Serene ang nag design ng gowns lalo na ang susuutin ko. Matagal na daw niya iyong pinaghahandaan kaya naiyak pa nga ako ng sabihin niyang siya na ang bahala. “Ma’am, may naghahanap po kay sir Tanner,” Napahinto kami ng kambal sa paglalaro ng kanilang bagong laruan galing kay Kevin, as usual ini-ispoil nanaman a
“TANNER,” Napahinto sa paglalakad si Tanner papasok sa loob ng bahay nila ng salubungin siya ni Emily. Kagagaling lang nito sa isang bar at anong oras nang nakauwi dahil nagpakalunod siya sa alak kasama sina Lawrence at Clark. “I-Ikaw…” lumapit siya kay Emily na pageweng-geweng at dinuro ito. “Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako iniwan ng asawa ko!” napaatras si Emily dahil sa ginawang iyon ni Tanner at inulit-ulit pa iyon ng lalaki sa balikat niya. “Did you know how much straggles we have faced before meeting you?! All I want is to be with Anastasia but you stopped it!” sunod-sunod na tumulo ang luha ni Tanner. Ngunit hindi nagpatalo si Emily, hinawakan niya ang kamay ng lalaki ng mahigpit. “’Wag mo akong iduro Tanner! Hindi ko naman alam na ganon ang magiging reaction ni Anastasia!” “Pwes alam mo na ngayon!” muli ay natahimik ito’t pabalang na inalis ni Tanner ang kamay dito. “Masaya ka na ba?! Pasalamat ka naging mabait pa sa’yo ang asawa ko dahil kung ako lang pera lang
“Kumusta ang big boy? Naging mabait ka ba dito?” nakangiting sabi ng lalaki na ikinatango ng sunod-sunod ni Troy. “Yes, po daddy! Mababait po sila tito at tita! Pinatuloy pa po nila kami ni mommy.” Napatingin si Tanner kay Emily na napaiwas ng tingin dahil doon. Muling tumingin si Tanner sa lalaking kamuka niya’t nakangiti sa kanila. “Why are you all surprise?” ngiti nitong tanong. “Tanner, are you not happy to see me?” muli nitong sabi pero ng makitang ganoon pa ‘rin ang reaction niya ay napabuntong hininga ang lalaki at tumingin kay Troy. “Anak, may ginawa nanamang kalokohan si mommy mo?” napaiwas ng tingin si Troy sa ama at doon palang ay alam na niya ang totoo. Tumingin siya kay Emily na ngumiti lang ng alanganin. “Honey, what did you do this time? I told you to tell them the truth, anong truth ang sinabi mo aber?” “A-Ah I can explain?” Nagpasiya sila na maupo nalang muna sa sala upang pakinggan ang explanation ni Emily. “Unang-una sa lahat, hindi mo anak si Troy d
“T-Tita?” Hindi makapaniwalang bigkas ni Tanner. Habang si Anastasia ay gulat 'din na nakatingin kay Tyler, ang buong akala niya ay sa pagdating ng ina lamang siya magugulat. “Alam niyo guys maupo muna tayo.” Singit na suwestyon ni Emily sa mga ito ngunit hindi pa sila nakaka-move on ng dumating sina Brandon kasabay ang magulang ni Tanner. “T-Tyler? Anak ko! Nasaan ang anak ko!” Dahil sa narinig ay napatayo si Tyler na siyang ikinakita naman ng ina dito dahilan para sunod-sunod na tumulo ang luha nito. “Tyler!” Tumakbo ito papunta sa anak na sinalubong naman ni Tyler ng isang mahigpit na yakap. Kapwa sabik sa isat-isa at kapwa mayroong luha sa mga mata. “P-Paano? Paano ka nabuhay anak? Ang laki-laki mo na!” “M-Mommy, tinulungan po ako ni tita Anna Lyn. Siya po ang nagligtas saakin at naglayo sa Russia, napunta kami dito para ilayo si Anastasia. Pero nasundan pa ‘rin kami, nagka-amnesia kami sa mahabang panahon mommy.” Sa tono ng pananalita ni Tyler ay para itong nagsusu
“Papunta na siya dito,” Napangiti ‘din siya dahil doon at lumapit saakin pagkatapos ay tumingin sa buwan. Maging ako tuloy ay napatingin doon. “Alam mo bang ikaw ang naaalala ko sa buwan?” tumingin siya saakin pagkasabi niya niyon kung kaya maging ako ay napatingin sa kaniya. “Ikaw ang liwanag sa madilim kong gabi Anastasia. Noong hindi ka umuwi kahapon ay hindi ko alam ang gagawin ko. Kahit ako ay hindi sigurado kung anak ko ba si Troy, pero dahil kamuka ko siya ay sino bang hindi manghihinala. Hindi ko kaya na wala ka saakin wife,” “Sorry sa naging asta ko Tanner. Sadyang mahirap lang para saakin malaman na may anak ka sa ibang babae at ang katotohanan na halos magka-edad lang sila ng anak natin. Wala nang ibang pumasok sa isip ko kundi ang lumayo at umalis.” Hinawakan ni Tanner ang magkabila kong kamay at umiling saakin. “’Wag mo ng gagawin ‘yun okay? Kahit anong problema ang dumating sa buhay natin ay kailangan nating malutas ng magkasama. ‘Wag mo na akong iiwan sa susuno