“T-Tita?” Hindi makapaniwalang bigkas ni Tanner. Habang si Anastasia ay gulat 'din na nakatingin kay Tyler, ang buong akala niya ay sa pagdating ng ina lamang siya magugulat. “Alam niyo guys maupo muna tayo.” Singit na suwestyon ni Emily sa mga ito ngunit hindi pa sila nakaka-move on ng dumating sina Brandon kasabay ang magulang ni Tanner. “T-Tyler? Anak ko! Nasaan ang anak ko!” Dahil sa narinig ay napatayo si Tyler na siyang ikinakita naman ng ina dito dahilan para sunod-sunod na tumulo ang luha nito. “Tyler!” Tumakbo ito papunta sa anak na sinalubong naman ni Tyler ng isang mahigpit na yakap. Kapwa sabik sa isat-isa at kapwa mayroong luha sa mga mata. “P-Paano? Paano ka nabuhay anak? Ang laki-laki mo na!” “M-Mommy, tinulungan po ako ni tita Anna Lyn. Siya po ang nagligtas saakin at naglayo sa Russia, napunta kami dito para ilayo si Anastasia. Pero nasundan pa ‘rin kami, nagka-amnesia kami sa mahabang panahon mommy.” Sa tono ng pananalita ni Tyler ay para itong nagsusu
“Papunta na siya dito,” Napangiti ‘din siya dahil doon at lumapit saakin pagkatapos ay tumingin sa buwan. Maging ako tuloy ay napatingin doon. “Alam mo bang ikaw ang naaalala ko sa buwan?” tumingin siya saakin pagkasabi niya niyon kung kaya maging ako ay napatingin sa kaniya. “Ikaw ang liwanag sa madilim kong gabi Anastasia. Noong hindi ka umuwi kahapon ay hindi ko alam ang gagawin ko. Kahit ako ay hindi sigurado kung anak ko ba si Troy, pero dahil kamuka ko siya ay sino bang hindi manghihinala. Hindi ko kaya na wala ka saakin wife,” “Sorry sa naging asta ko Tanner. Sadyang mahirap lang para saakin malaman na may anak ka sa ibang babae at ang katotohanan na halos magka-edad lang sila ng anak natin. Wala nang ibang pumasok sa isip ko kundi ang lumayo at umalis.” Hinawakan ni Tanner ang magkabila kong kamay at umiling saakin. “’Wag mo ng gagawin ‘yun okay? Kahit anong problema ang dumating sa buhay natin ay kailangan nating malutas ng magkasama. ‘Wag mo na akong iiwan sa susuno
ANASTASIA DALAWANG linggo na ang lumipas magmula nang bumalik si mommy at si Tyler. Si daddy mismo ang nag-advice na unahin muna namin ang kasal. Hindi na talaga dapat matutuloy ang kasal dahil nag-request ako mismo kay Tanner na gusto ko si mommy at daddy ang maghahatid saakin sa altar pero gusto pa ‘rin ituloy ni daddy. Ang sabi niya ay pwede pa naman naming ulitin kung kaya pumayag na ako. Hindi kasi pwedeng magpakita publicly si mommy, daddy at Tyler. Lalo na hindi namin alam baka nasa paligid lang si Elizaveta. Naging maayos naman ang preperasyon ng kasal at mas naging memorable pa nga iyon dahil kumpleto kami. ‘Yun nga lang hindi alam ng iba ang tungkol kay mommy at Tyler tulad na ‘rin ng bilin ni daddy. Nakapag-usap na naman kami tungkol sa pagsasanay ko at ng kambal, excited na nga sila pero ako kinakabahan. I mean, wala naman akong ibang choice kundi ang matuto. Paano ako magiging empress nila kung hindi ko hahayaan ang sarili ko na matuto? At syempre ang kasal na pinaka
“MOMMY?” Katok na tawag ni Asher kay Anastasia habang nasa labas ng kwarto nito. Alam niya na nasa loob ang ina dahil ilang oras na simula ng hinatid ito sa kwarto ni Melany. Ayon sa lola nila ay ‘wag na daw muna itong kausapin para makapagpahinga ngunit hindi na siya makatiis pa kaya inakyat na niya ito. Pero kanina pa siya kumakatok ay wala pa ‘ring sumasagot mula sa loob.“Kuya, bakit hindi ka pumasok?” napalingon si Asher kay Amari ng magsalita ito. “Hindi sumasagot si mommy,” napakunot ang noo ng kambal niya at maging ito ay kumatok na. Sinubukang buksan ni Amari ang pinto ngunit naka-lock iyon. Nagsimula na silang kabahang dalawa dahil doon. “Amari, call grandma!” tumango naman si Amari sa sinabi ng kuya niya at agad na umalis doon. Mabilis na tumakbo si Amari papunta sa baba kung saan iniwan niya ang lola niya na busy sa telepono“Lola! Si mommy hindi po sumasagot!” Napalingon kay Amari ang ina ni Anastasia at agad na napatayo dahil doon. Agad niyang pinatay ang tawag at dal
Dahil doon ay sunod-sunod na nag putok ng baril at nagsilabasan na ‘din ang mga tauhan ng kanilang kalaban. Nasa isang mataas na building sila na nakatago sa syudad, mapapaghalataan mo talaga na mayroon silang kakaibang ginawa kaya nasa liblib na lugar ito. Kahit ano pa ‘yan ay walang pakialam si Anastasia. Ang mahalaga ay mailigtas niya si Tanner. “Anastasia!” napalingon siya likuran ng isigaw ni Tyler ang pangalan niya, naging dahilan iyon para maiwasan niya ang putok ng baril ng lalaking nasa second floor. Nang makagulong siya sa sahig ay agad niyang pinaputukan ang taong iyon. “Anak!” lumapit sa kaniya ang daddy niya at ganoon ‘din si Tyler at Melany. “Sinasabi ko na nga ba! Dapat naiwan ka nalang doon! Buntis ka Anastasia!” sermon na sabi ni Tyler sa kaniya. Bago kasi sila pumunta sa lugar na iyon ay nagpumilit si Anastasia na sumama upang siya mismo ang magligtas kay Tanner. Kahit na kakaunti palang ang alam niya tungkol sa pakikipaglaban ay gusto niya pa ‘rin na tumulo
ANASTASIA“HANGGANG dito nalang po kayo ma’am,” wala akong nagawa ng pigilan ako ng nurse na pumasok sa pinaglagyan kay Tanner. Napalingon ako sa likod ko ng mayroong humawak sa braso ko at nakita ko doon si Melany. “Anastasia—” hindi ko na siya pinatapos ng susunod pa niyang sasabihin dahil agad ko siyang niyakap ng sobrang higpit kasabay ng pagtulo ng masasagana kong luha. Naramdaman ko ang paghagod niya sa kaing likuran kaya lalo pa akong nakaramdam ng lungkot at takot na ikinaiyak ko naman. “Shh… magiging ayos lang si Tanner, kilala mo naman ‘yun, malakas kaya siya!” pagpapagaan niya sa aking loob pero kahit na anong pilit ko sa utak ko na maniwala sa sinasabi niya ay hindi ko magawa. Pakiramdam ko mayroong hindi magandang nangyari. Bakit kasi may dugo ang ulo niya?! Hindi simpleng dugo lang dahil ang dami niyon at umaagos pa! “Anastasia!” napatingin ako sa tumawag saakin at nakita ko si Tyler at Clark na papunta sa gawi namin. Humiwalay ako kay Melany at hinarap si Tyler. Hina
“Pero ano doc? ‘Wag ka naman pong pabitin haha!” awkward na sabi ni Kathy ng putulin ng doctor ang sasabihin niya. “Pero may nakita kaming injury sa brain niya. As of now nagsasagawa pa kami ng test tungkol dito pero may malaking possibility na magkaroon siya ng amnesia,” Parang nanghina ang tuhod ko dahil sa aking narinig. Mabuti nalang at mayroong humawak saakin. “Anastasia!” alalang tawag nila saakin pero hindi ko sila pinansin. Nakatingin lang ako sa doctor ni Tanner. “N-nagkakamali lang kayo ng diagnose diba doc?” umiling siya saakin kaya mas lalong nanghina ang tuhod ko kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. “N-No! Hindi mawawala ang ala-ala ng asawa ko! D-doc hindi totoo ‘yan!” hindi ko na napigilan ang mga luha ko dahil sa aking nalaman habang inaalalayan naman ako ni Tyler at daddy. “I am sorry, ‘wag kang mag-alala. Gagawa kami ng paraan para malaman agad kung maaagapan pa natin. Please excuse me,” Nang mawala sa harap ko ang doctor ay iyak na ako ng iyak. Ayaw tumigil
“GRANDMA, wala pa po bang balita kila grandpa?” Napalingon si Annie Lyn kay Asher ng magtanong ito sa kaniya. Living room sila ngayon kasama si Emily habang ang tatlong bata naman ay naglalaro. Hindi lingid sa kaalaman ng mga ito na umalis sina Anastasia upang iligtas si Tanner kaya naiintindihan ni Annie Lyn kung nag-aalala na ang panganay nila Tanner. “Wala pa apo, ‘wag kang mag-alala siguradong mamaya meron na,” Hindi naniniwala si Asher sa sinabi ng kaniyang lola dahil kagabi pa siya tanong ng tanong dito tungkol sa mommy at daddy niya ngunit wala pa ‘ring sagot. Ngunit ano nga bang magagawa niya? Napabuntong hininga nalang ito at muling bumalik kina Amari at Troy na naglalaro ng scrabble. Napailing nalang si Annie Lyn habang nakatanaw sa apo niya na si Asher. Sa kambal ay ito ang hindi mo basta-bastang maloloko o mauuto. Minsan nga ay naiisip niya kung talaga bang bata pa ito dahil sa sobrang pagka-matured niya. Masaya siya na matalinong bata ang anak ni Anastasia ngunit para