“MOMMY?” Katok na tawag ni Asher kay Anastasia habang nasa labas ng kwarto nito. Alam niya na nasa loob ang ina dahil ilang oras na simula ng hinatid ito sa kwarto ni Melany. Ayon sa lola nila ay ‘wag na daw muna itong kausapin para makapagpahinga ngunit hindi na siya makatiis pa kaya inakyat na niya ito. Pero kanina pa siya kumakatok ay wala pa ‘ring sumasagot mula sa loob.“Kuya, bakit hindi ka pumasok?” napalingon si Asher kay Amari ng magsalita ito. “Hindi sumasagot si mommy,” napakunot ang noo ng kambal niya at maging ito ay kumatok na. Sinubukang buksan ni Amari ang pinto ngunit naka-lock iyon. Nagsimula na silang kabahang dalawa dahil doon. “Amari, call grandma!” tumango naman si Amari sa sinabi ng kuya niya at agad na umalis doon. Mabilis na tumakbo si Amari papunta sa baba kung saan iniwan niya ang lola niya na busy sa telepono“Lola! Si mommy hindi po sumasagot!” Napalingon kay Amari ang ina ni Anastasia at agad na napatayo dahil doon. Agad niyang pinatay ang tawag at dal
Dahil doon ay sunod-sunod na nag putok ng baril at nagsilabasan na ‘din ang mga tauhan ng kanilang kalaban. Nasa isang mataas na building sila na nakatago sa syudad, mapapaghalataan mo talaga na mayroon silang kakaibang ginawa kaya nasa liblib na lugar ito. Kahit ano pa ‘yan ay walang pakialam si Anastasia. Ang mahalaga ay mailigtas niya si Tanner. “Anastasia!” napalingon siya likuran ng isigaw ni Tyler ang pangalan niya, naging dahilan iyon para maiwasan niya ang putok ng baril ng lalaking nasa second floor. Nang makagulong siya sa sahig ay agad niyang pinaputukan ang taong iyon. “Anak!” lumapit sa kaniya ang daddy niya at ganoon ‘din si Tyler at Melany. “Sinasabi ko na nga ba! Dapat naiwan ka nalang doon! Buntis ka Anastasia!” sermon na sabi ni Tyler sa kaniya. Bago kasi sila pumunta sa lugar na iyon ay nagpumilit si Anastasia na sumama upang siya mismo ang magligtas kay Tanner. Kahit na kakaunti palang ang alam niya tungkol sa pakikipaglaban ay gusto niya pa ‘rin na tumulo
ANASTASIA“HANGGANG dito nalang po kayo ma’am,” wala akong nagawa ng pigilan ako ng nurse na pumasok sa pinaglagyan kay Tanner. Napalingon ako sa likod ko ng mayroong humawak sa braso ko at nakita ko doon si Melany. “Anastasia—” hindi ko na siya pinatapos ng susunod pa niyang sasabihin dahil agad ko siyang niyakap ng sobrang higpit kasabay ng pagtulo ng masasagana kong luha. Naramdaman ko ang paghagod niya sa kaing likuran kaya lalo pa akong nakaramdam ng lungkot at takot na ikinaiyak ko naman. “Shh… magiging ayos lang si Tanner, kilala mo naman ‘yun, malakas kaya siya!” pagpapagaan niya sa aking loob pero kahit na anong pilit ko sa utak ko na maniwala sa sinasabi niya ay hindi ko magawa. Pakiramdam ko mayroong hindi magandang nangyari. Bakit kasi may dugo ang ulo niya?! Hindi simpleng dugo lang dahil ang dami niyon at umaagos pa! “Anastasia!” napatingin ako sa tumawag saakin at nakita ko si Tyler at Clark na papunta sa gawi namin. Humiwalay ako kay Melany at hinarap si Tyler. Hina
“Pero ano doc? ‘Wag ka naman pong pabitin haha!” awkward na sabi ni Kathy ng putulin ng doctor ang sasabihin niya. “Pero may nakita kaming injury sa brain niya. As of now nagsasagawa pa kami ng test tungkol dito pero may malaking possibility na magkaroon siya ng amnesia,” Parang nanghina ang tuhod ko dahil sa aking narinig. Mabuti nalang at mayroong humawak saakin. “Anastasia!” alalang tawag nila saakin pero hindi ko sila pinansin. Nakatingin lang ako sa doctor ni Tanner. “N-nagkakamali lang kayo ng diagnose diba doc?” umiling siya saakin kaya mas lalong nanghina ang tuhod ko kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. “N-No! Hindi mawawala ang ala-ala ng asawa ko! D-doc hindi totoo ‘yan!” hindi ko na napigilan ang mga luha ko dahil sa aking nalaman habang inaalalayan naman ako ni Tyler at daddy. “I am sorry, ‘wag kang mag-alala. Gagawa kami ng paraan para malaman agad kung maaagapan pa natin. Please excuse me,” Nang mawala sa harap ko ang doctor ay iyak na ako ng iyak. Ayaw tumigil
“GRANDMA, wala pa po bang balita kila grandpa?” Napalingon si Annie Lyn kay Asher ng magtanong ito sa kaniya. Living room sila ngayon kasama si Emily habang ang tatlong bata naman ay naglalaro. Hindi lingid sa kaalaman ng mga ito na umalis sina Anastasia upang iligtas si Tanner kaya naiintindihan ni Annie Lyn kung nag-aalala na ang panganay nila Tanner. “Wala pa apo, ‘wag kang mag-alala siguradong mamaya meron na,” Hindi naniniwala si Asher sa sinabi ng kaniyang lola dahil kagabi pa siya tanong ng tanong dito tungkol sa mommy at daddy niya ngunit wala pa ‘ring sagot. Ngunit ano nga bang magagawa niya? Napabuntong hininga nalang ito at muling bumalik kina Amari at Troy na naglalaro ng scrabble. Napailing nalang si Annie Lyn habang nakatanaw sa apo niya na si Asher. Sa kambal ay ito ang hindi mo basta-bastang maloloko o mauuto. Minsan nga ay naiisip niya kung talaga bang bata pa ito dahil sa sobrang pagka-matured niya. Masaya siya na matalinong bata ang anak ni Anastasia ngunit para
Hindi na napigilan ni Anastasia ang tumakbo papunta sa kinauupuan ni Tanner at niyakap ito. Nagsimula nanamang tumulo ang luha niya dahil doon kung kaya hinagod naman ni Tanner ang likuran niya. “Shh… don’t cry. Sabi mo magkaka-baby tayo ulit diba? Ibig sabihin buntis ka, hindi pwede sa’yo ang umiyak ng umiyak,” mas lalong naiyak si Anastasia dahil sa sinabi nito ngunit natigil lang ng magsalita muli ang doctor. “Out of ten it is 3,” napabangon si Anastasia mula sa pagkakayakap kay Tanner. “W-what?” napalingon siya kay Tanner at nakita niyang napayuko ito kasabay ng pagkuyom ng kaniyang kamao. Agad niyang hinawakan ang nakakuyom nitong kamao na ikinatingin sa kaniya ni Tanner. Natigilan ang lalaki ng makita niyang nakangiti ito sa kaniya. “I-it’s okay Tanner, ‘wag mong pilitin na maka-alala baka sumakit ang ulo mo,” nag desisyon na si Anastasia, gagawin niya ang lahat para bumalik ang ala-ala nito. Hindi niya kailangang pilitin ang lalaki basta ipapakita niya ang mga bagay na gina
“SAAN ka pupunta Anastasia?” Napalingon si Anastasia sa nagsalita at nakita niya si Emily at Tyler. Ngumiti siya sa dalawa at umiling. “Pupuntahan ko lang sana sina Brandon at Lawrence, hindi ko pa sila nabibisita,” “Kung ganon sino ang kasama—” hindi natapos ni Tyler ang sasabihin niya ng lumabas ‘din si Serene mula sa loob ng silid ni Tanner at napangiti ito agad ng makita ang mag-asawa na kausap ni Anastasia. “Ako ang kasama niya, ‘wag kayong mag-alala ‘diko papabayaan ‘yan. Halika na,” Iniwan na nila ang dalawa doon at naglakad na papunta sa floor kung nasaan ang mga ito. Habang nasa elevator ay napabuntong hininga si Serene ng hindi manlang nagsasalita si Anastasia. Hinawakan niya ang kamay nito kaya napalingon sa kaniya ang babae at nagtataka siya nitong tinignan. “Magiging ayos lang ang lahat, ‘wag kang masyadong mag-sisip. Alalahanin mo dalawa kayo,” Hindi na napigilan ni Anastasia na maipakita ang malungkot na expression sa kaibigan, kahit anong gawin niya na pagpipigi
“PUPUNTA kayo sa Cebu? Paano ang checkup ni Tanner, anak?” Tanong ng daddy niya sa kaniya matapos niyang kausapin ito kasama ang mommy niya ng umuwi siya sa kanilang bahay upang kumuha ng ilang gamit ni Tanner. Mayroon na kasi itong gamit sa kanilang bahay kaya hindi na siya mahihirapan lalo na at isang gabi nalang ‘din ang itatagal doon ng lalaki. “Daddy, ‘yon lang ang alam kong paraan para bumalik ang ala-ala ni Tanner. Ang bumalik kung saan kami unang nagkakilala,” pagkasagot niyon ni Anastasia ay inilagay na niya sa bag ang damit na kinuha niya para kay Tanner. Habang ang mommy at daddy naman niya ay nagkatinginan sa isa’t-isa dahil doon. “Hindi kaya mas makasama lang kay Tanner ‘yon anak?”natigilan si Anastasia dahil sa tanong ng kaniyang ina. “Bakit naman po makakasama mommy?” “Kasi malayo ang Cebu anak, tyaka tulad ng sabi ng daddy mo paano ang regulat check-up ni Tanner?” Ngumiti siya sa mga ito at umiling. “Wala kayong dapat ika-alala mommy, daddy. Nakausap ko na ang d