“SAAN ka pupunta Anastasia?” Napalingon si Anastasia sa nagsalita at nakita niya si Emily at Tyler. Ngumiti siya sa dalawa at umiling. “Pupuntahan ko lang sana sina Brandon at Lawrence, hindi ko pa sila nabibisita,” “Kung ganon sino ang kasama—” hindi natapos ni Tyler ang sasabihin niya ng lumabas ‘din si Serene mula sa loob ng silid ni Tanner at napangiti ito agad ng makita ang mag-asawa na kausap ni Anastasia. “Ako ang kasama niya, ‘wag kayong mag-alala ‘diko papabayaan ‘yan. Halika na,” Iniwan na nila ang dalawa doon at naglakad na papunta sa floor kung nasaan ang mga ito. Habang nasa elevator ay napabuntong hininga si Serene ng hindi manlang nagsasalita si Anastasia. Hinawakan niya ang kamay nito kaya napalingon sa kaniya ang babae at nagtataka siya nitong tinignan. “Magiging ayos lang ang lahat, ‘wag kang masyadong mag-sisip. Alalahanin mo dalawa kayo,” Hindi na napigilan ni Anastasia na maipakita ang malungkot na expression sa kaibigan, kahit anong gawin niya na pagpipigi
“PUPUNTA kayo sa Cebu? Paano ang checkup ni Tanner, anak?” Tanong ng daddy niya sa kaniya matapos niyang kausapin ito kasama ang mommy niya ng umuwi siya sa kanilang bahay upang kumuha ng ilang gamit ni Tanner. Mayroon na kasi itong gamit sa kanilang bahay kaya hindi na siya mahihirapan lalo na at isang gabi nalang ‘din ang itatagal doon ng lalaki. “Daddy, ‘yon lang ang alam kong paraan para bumalik ang ala-ala ni Tanner. Ang bumalik kung saan kami unang nagkakilala,” pagkasagot niyon ni Anastasia ay inilagay na niya sa bag ang damit na kinuha niya para kay Tanner. Habang ang mommy at daddy naman niya ay nagkatinginan sa isa’t-isa dahil doon. “Hindi kaya mas makasama lang kay Tanner ‘yon anak?”natigilan si Anastasia dahil sa tanong ng kaniyang ina. “Bakit naman po makakasama mommy?” “Kasi malayo ang Cebu anak, tyaka tulad ng sabi ng daddy mo paano ang regulat check-up ni Tanner?” Ngumiti siya sa mga ito at umiling. “Wala kayong dapat ika-alala mommy, daddy. Nakausap ko na ang d
DEVINA “WOW! Ang ganda naman po dito! Sigurado po kayong satin itong isla?!” Napangiti ako dahil sa narinig kong sabi ni Troy ng makababa kami sa bangka na sinakyan namin. Hindi kasi pwede ang jet ski kahit na may ilan pa n’un sila Tanner dahil hindi naman kami marunong, tanging siya lang. Nag decide ako na dito sila unang dalhin lalo na si Tanner. “Let me help you,” nakangiting tumango ako kay Tanner ng alalayan niya akong makababa. Natanaw ko ang mga batang tumatakbo na papunta sa kubo kung kaya sinigawan ko sila. “Kids, mag-iingat kayo!” “Yes mommy!” sabay na sabi ng kambal. “Sure, tita!” Napatingin ako sa tabi ko ng makababa na ‘din sila Emily at Tyler. “So, guys, kumusta ang place?” nakangiti kong tanong na ikinangiti ‘din naman saakin pabalik ni Emily at Tyler. “Hindi ko akalain na may private island pala ang mga asawa natin,” natawa ako sa sagot ni Emily at hinawakan ang braso niya’t hinila papunta sa kubo. “Mamaya, lilibutin natin ang paligid. Sigurado akong mag-eenjo
“TANNER? Bakit nandito ka? Nasaan si Anastasia?” Napalingon sila kay Tanner ng makita nila itong dumating at siya lamang mag-isa. Ang mga bata ay napahinto sa paglalaro ng mga buhangin dahil sa biglang pagsasalita ni Emily. “Nasa kubo siya, sabi niya saakin ay sumunod ‘daw ako sa inyo para makita ko ang paglubog ng araw. Siguro sa ngayon tulog na siya,” “What? Hindi mo dapat siya iniwan!” tayong sabi ni Tyler kaya agad naman hinawakan ni Emily ang kamay ng asawa. “Tyler, ano ka ba. Si Anastasia na mismo ang nagsabi, ayos lang ‘yan,” nakangiti nitong sabi sa kaniya na ikinakunot lang ng noo ni Tyler at walang nagawa kundi ang bumalik sa pagkakaupo sa damuhan. “Kuya! Siguradong kaya pinapunta dito ni mommy si daddy para ikwento natin sa kaniya ang nangyari nu’ng nandito tayo,” bulong na sabi ni Amari kay Asher kaya napalingon ito sa kaniyang kakambal at napaisip. “Hmm… maybe your right Amari, pero hindi tayo pwedeng magtagal para makauwi tayo agad at masamahan si mommy,” sunod-suno
Dali-daling lumabas si Tyler sa silid na iyon at lumapit sa telepono na naroroon na siyang nakakonekta sa rest house nila. “Inang! We need doctor! My wife is in danger! Ang taas ng lagnat niya! Baka kung anong mangyari Inang!” agad na sabi nito habang si Troy naman na naasa loob ng kwarto at narinig ang sinabi ng ama ay napakunot ang noo. ‘My wife?’ taka nitong tanong sa sarili habang sa kabilang linya naman, si Inang Ica ay nagulat sa sinabing iyon ng kausap. “Ha?! Naku! ‘Yan na nga ba ang sinasasabi ko! hindi dapat nag-aalis ang batang iyan! Sige at magpapatawag ako agad ng magsusundo sa inyo at papapuntahin ko jan!” Sakto na pagbaba ni Tyler ng telepono ay sakto naman ang dating nila Emily, kasama si Tanner at ang kambal. “Tyler? Anong nangyayari?” takang tanong ni Emily dito ng makita niya ang papaiyak na muka nito. “S-Si Anastasia! Ang taass ng lagnat niya!” Natigilan sila sa sinabi nito lalo na sina Tanner at ang kambal. “W-wife!” si Tanner ang unang nakabalik sa
HINDI alam ni Tyler o tamang sa totoong pangalan niya na Tanner, ang kaniyang gagawin o sasabihin nang makita niya ang anak na si Asher. Hindi siya makapaniwala na alam nito na siya ang totoong Tanner, hindi ang lagi nilang kasama sa ngayon. Tanging si Emily, Clark, Brandon at Lawrence ang nakaka-alam ng totoong pagkatao niya kaya paanong nalaman ng anak niya ang bagay na iyon lalo na’t alam niyang hindi siya isasawalat ng mga ito. Naalala niya ang araw na sinabi niya ang totoo kay Emily. Hindi niya kaya na mangpanggap bilang kambal niya at ipakita sa mga ito na mahal na mahal niya si Emily tulad ng palagi nilang nakikita sa mag-asawa. Kung kaya dinala niya ito sa isang tahimik na lugar at tanging silang dalawa lamang at nag-usap. “Tyler? Bakit mo ako dinala dito? May problema ba—” hindi niya pinatapos ang sasabihin ni Emily dahil inunahan na niya ito. “Emily, hindi ako si Tyler. Ako si Tanner,” inalis niya ang suot na salamin at tinignan ng deretsyo sa mata si Emily na ikinalaki n
Sabay kaming lumabas ni Clark upang masiguro na walang gulong mangyayari. Habang nasa loob kami ng kotse ay kinakalikot na ni Clark ang laptop na dala niya na kay Brandon. Pinahiram niya muna saamin dahil na-hack na niya ang mga CCTV doon. “Wala namang kakaiba Tanner,” sabi niya habang nasa gitna kami ng daan. Hindi ko nalang muna siya sinagot hanggang sa makarating kami sa simbahan. Sa likuran kami nag park para hindi nila ako mahalata lalo na at magkamuka kami ng kambal ko. Lumabas kami doon upang lumibot sa buong simbahan, hindi muna kami nagpakita kila mommy at daddy o ‘di kaya kila Kathy para makagalaw kami ng malaya. Ngunit maya-maya lang ay nagtaka kami kung bakit hindi pa dumadating sila Tyler. “Hindi kaya may nangyari sa kanila Tanner?” dahil sa sinabi ni Clark at napamura ako at dali-daling tumakbo sa kotse namin upang makita ang access ng CCTV. “T-tanner nawala!” natigilan ako sa sinabi ni Clark at inagaw sa kaniya ang laptop at nanghina ako ng makitang blangko na o sad
NAPATINGIN ako kay Asher dahil doon at nakangiti na ‘din siya kaya niyakap ko itong muli. Thank you, God! Thank you at hindi niyo pinabayaan ang mag-ina ko! Pangako assailing ko na sa kaniya ang totoo. Hindi ko na siya papahirapan pa. Tumayo na kami sa kinauupuan namin at hinarap ko si Emily. “Emily, sasabihin na natin ang totoo sa asawa mo at sa asawa ko. Pati na ‘rin kay Troy. Tayo lang muna ang makaka-alam ‘wag na muna sa mga babae at kila Kevin.” Tumango naman siya sa sinabi ko.“Dapat lang, alam mo bang sabi saakin ni Troy na narinig ka ‘daw niya na tinawag mong ‘my wife’ si Anastasia. Baka isipin nun na niloloko ako ng asawa ko!” napatawa ako sa sinabi niya. Siguro noong tinawagan ko si Inang Ica ang sinasabi niya, nadulas kasi ako lalo na at nag-aalala ako kay Anastasia. “Okay, okay. Tara na,” hinawakan ko ang kamay ni Asher at naglakad na kami papunta sa kwarto ni Anastasia.
MATAPOS malaman ni Duke at Luke ang sinabi ng kanilang ate Amari ay ginusto ‘din nila na magkaroon ng bagong time machine para mayakap ang kanilang magulang mula sa nakaraan nila. Kaya pumayag naman si Asher at binigyan ang dalawa. Bumalik muna sila sa time nila at ibinalik ang unang bracelet at sabay na bumalik kung saan agad nilang niyakap si Anastasia. Inamin ng dalawa na natigilan sila ng makitang malakas ang kanilang ina at nakakatayo pa. Kaya napaiyak si Luke ng makita ang ina dahil doon. Nakangiti namang pinanood ng mga ito ang kambal hanggang sa pati si Tanner ay niyakap na nila. Nang matapos ay nagsiupo sila ng maayos sa sofa na naroroon. Ipinaliwanag ni Asher ang naging dahilan kung bakit nagkaganoon ang kanilang ina. Nalaman niya na isa sa mga council ang may kagagawan, noong nalaman nila na buntis si Anastasia ay doon nagsimula ang pagpapadala ng mga ito ng regalo at isa na doon ang regular na regaling natatanggap ni Anastasia, isang kandila na nakakapagpakalma ng siste
“BAKIT Tanner?” takang tanong ni Anastasia mula sa future ng bigla nalang mapahinto si Tanner. “Bigla lang akong nakaramdaman ng kakaiba. Parang mayroong memory na pumasok sa isip ko tapos biglang nawala,” kunot noon a tanong nito at inihiga si Anastasia sa kanilang higaan. “Ikaw ‘din? Akala ko ako lang. Ano kaya ‘yun?” takang tanong ni Anastasia. Npaangiti lang si Tanner at umiling sa asawa pagkatapos hinalikan ito sa labi. “Wala siguro ‘yun, matulog na tayo wife,” tumabi siya sa asawa at niyakap ito. “Ang mga bata? Si Duke at Luke hindi ko na nakikita,” bilang tanong ni Anastasia. “Ako nga ‘din, dati naman bumibisita sila lagi dito. Pero ngayon hindi na, siguro nagsasanay na ‘din sila?” “Alam mong hindi pwede si Luke, Tanner,” samang tingin ni Anastasia sa asawa. “Kapag may nangyari sa mga anak mo ikaw talaga sisisihin ko,” “Oo na po, i-che-check ko sila bukas,” napabuntong hininga si Anastasia sa sinabi ng kaniyang asawa. “’Wag kasi puro saakin ang focus mo, ang underworld
MATAPOS ang limang taon na pagpapakasal ni Tanner at Anastasia ay dumating muli ang hindi nila inaasahan na bisita. Hindi akalain ni Anastasia na magbubuntis pa siya dahil ilang taon na nilang sinusubukan ni Tanner na mag-anak pa ngunit hindi ito binibigay sa kanila ng panginoon. Hinayaan nalang nila iyon dahil naisip nila na kung para sa kanila ay para sa kanila. Ngunit ilang taon na ang lumipas ay sumuko ‘din sila at hinayaan nalang ang tadhana. Kapwa naging busy sa kanilang mga gawain at sa tatlo nilang anak. Sa lumipas na mga taon ay lumaki na ang kambal, ang kambal ay naging dose anyos na habang si Theodore naman ay nasa edad apat na taon. Lumaki ang mga ito na matalino at gwapo at maganda. Hindi nga nagkamali ang magkakaibigan na magiging mahusay sa labanan ang kambal lalo na si Asher. Si Asher na hindi mo aakalain na mas matalino pa sa kaniyang mga magulang, tahimik lamang ito ngunit mapagmasid. Si Amari naman ay tuso, akala mo’y friendly ito at easy to be with ngunit ang tot
NAGKATINGINAN ang kambal ng makita nila ang isang brDukelet na sa pagkaka-alam nila ay ang time machine ayon na ‘din sa kwento ng kanilang mga magulang. Hindi nagdalawang isip ang mga ito na kunin iyon at isinuot naman nang nasa kaliwa. “T-twin, sigurado ka ba dito?” tumingin sa kaniya at tumango. “Ito lang ang paraan twin, kailangan nating bumalik sa nakaraan para pigilan sila,” napabuntong hininga ang kambal niya dahil doon at ngumiti ng pilit dito. “Para kay mommy,” banggit nito na ikinatango ng isa. “For mommy,” pagkasabi nila niyon ay pinindot na nila ang brDukelet na siyang ikinadala nila sa nakaraan. *** NAGISING sila Anastasia at Tanner ng bigla nalamang tumunog ang malakas na alarm sa kanilang bahay. Nagkatinginan sila dahil doon at dali-daling kinuha ang baril na nasa ilalim ng kanilang hinihigaan. Mabilis ang kanilang mga kilos na pumunta sa lugar kung saan nagmumula ang alarm. “Anong nangyayari dito?!” napatingin ang mga tauhan nila ng magtanong si Tanner. Nandoon na
“HINDI ako makapaniwala na ikakasal ka na anak,” iyak na sabi ng mommy ni Anastasia habang nakatingin sila ngayon sa isang full length mirror. Katatapos lang magbihis ni Anastasia at make-up-an ng kaniyang make up artist para sa kasal nila ni Tanner. Isang buwan lamang ang naging preperasyon nila ni Tanner sa kasal na iyon. Dahil na ‘rin sa naudlot ang kasal nila noon ay hindi siya nagdalawang isip na isuot muli ang ginawang gown sa kaniya ni Serene lalo na’t itinabi niya ito. Sabi pa nga ni Serene na gagawa nalang siya ng bago ngunit umayaw siya. Iba pa ‘rin ang unang gown na ginawa nito at mahalaga iyon sa kaniya kaya hindi niya ito basta-bastang ibaliwala. Samantalang si Kathy ang kaniyang bride’s maid, kung hindi siya ang naging bride’s maid nu’ng kasal nito ngayon ay ito naman ang kinuha niya. “Mommy, pinapaiyak mo naman ako e,” tingin sa taas na sabi ni Anastasia upang pigilan ang kaniyang mga luha. Nasa ganoong ayos sila ng dumating ang kaniyang daddy upang sunduin na sila.
“Hello?” antok na sagot ni Kathy dito. “K-kathy wala talaga! Kahit saan wala!” pabulong na kausap niya sa kaibigan. “Ano ka ba, nanjan lang ‘yon,” umiling siya sa sinabi ni Kathy. Napatingin siya sa kaniyang kamay at simula ng mawala ang kaniyang engagement ring ay parang palagi ng may kulang doon. “Wala nga e! Naiiyak na ako Kathy! Naiwala ko ang engagement ring namin!” napahilamos siya sa kaniyang muka dahil doon. “Kumalma pa nga,” sabi ni Kathy at bumaling sa tabi niya kung nagising ba niya si Brandon, mabuti at hindi. “Mahahanap mo ‘rin ‘yun okay? Diba nga sabi nila kapag hindi mo na hinahanap bigla nalang lilitaw? Sige na, magpahinga ka na at may flight pa tayo mamaya. Aber magpatulog ka naman,” irap na sabi ni Kathy na ikinabuntong hininga ni Anastasia at nagpaalam na dito. Aalis kasi sila at pupunta sa Cebu, doon kasi gaganapin ang unang kaarawan ni Theodore. Agad namang kumalat ang tungkol sa pagpunta nila doon kaya alam niya na marami ng nag-aabang sa kanila sa Pilipina
MABILIS na lumipas ang isang buong taon. Sa nakalipas na taon ay naging busy si Tanner at Anastasia na naging dahilan para hindi lalong matuloy ang kanilang kasal. Gustuhin man ng dalawa ngunit hindi nila magawa dahil na ‘rin sa dami nilang kailangang asikasuhin. Bumibisita sila bawat bansa upang i-check ang underworld doon. Kung minsan ay nagtatagal pa sila dahil sa paglilinis ng rumi na mayroon doon. Sa kabila naman ng kanilang pag-alis alis ay kasama nila ang kambal at si Theo. Hindi lang iyon, maging ang kanilang mga kaibigan bilang sila ang bagong council ay dapat lang na magkakasama sila na ibinabalita ng personal ang bagong batas. Sa paglipas na taon ay marami nang nangyari. Naunang ikasal si Serene at Lawrence, nito nga lang nakaraang buwan ay katatapos lang ‘din ikasal ni Jennie at Kevin. Pinagtatawanan nga nila si Tanner at Anastasia dahil sila pa ngayon ang nahuli na magpakasal. Iniilingan nalang ng dalawa ang birong iyon dahil alam nila pareho na may tamang panahon doon.
Natawa na namamangha si Anastasia ng makita ang baril niya. Kahit na malaki na ang pagbabago niyon dahil sa tagal ng panahon ay hinding-hindi niya ito makakalimutan. “Galing pa ‘yan sa great, great grandfather mo. Tinanggal nila isa-isa pero bunuo ‘din. Naalala ko sabi ni daddy jan nanggaling ang business natin. Sinabi ‘daw sa anak ng great, great grandfather natin na darating ang panahon na mayroong isa sa reign natin ang magpapasimula ng ganitong negosyo. Para bang alam niya ang mangyayari sa future… Ikaw ang may gawa niyan anak ano?” Napatingin si Anastasia sa daddy niya at tumango. “Grabe daddy hindi ako makapaniwala! Baril ko ‘yan e, ibinigay ko sa kaniya para gamitin kay Sandro. Hindi naman ako papayag na mamatay lang siya dahil sa mga espada na gamit nila, gusto ko kung anong ginamit niya satin doon ‘din siya mamamatay,” napatango ang daddy niya dahil doon. “Hindi ‘rin ako makapaniwala, it was like a memory that I forgot for a while. Tama nga si Bella, malaki ang dalang epek
“ANASTASIA!” Napakurap si Anastasia ng marinig niya ang pagtawag sa kaniya. Nakita niya si Tanner na nasa kaniyang harapan habang hawak ang kaniyang magkabilang balikat habang niyuyugyog siya. Kanina pa siya nito tinatawag ngunit tila wala sa sarili ang babae simula ng bumalik ito mula sa nakaraan. “Wife, are you okay?! May nangyari ba?!” agad na napailing si Anastasia at niyakap si Tanner. “W-wala na siya Tanner… Iniwan ko na siya sa panahon niya,” narinig ng mga kasama nila ang sinabi ni Anastasia na siyang ipinagdiwang ng mga ito. Napayakap ng mahigpit si Jennie kay Kevin na sinuklian naman nito. Sina Tyler, Brandon, Lawrence, Melany at Vladimir naman ay nagyakapan dahil doon. Tapos na nilang talunin ang mga tauhan ni Sandro at kaya sila nandoon upang hintayin ang pagbabalik ni Anastasia. Lumitaw na nga lang ito bigla at wala na ang kasama nitong lalaki na at ngayon ay binalita na wala na si Sandro. Sawakas ay wala ng manggugulo sa kanilang lahat, wala na si Elizaveta o mas na