“Where is my phone?!” sigaw niya ng hindi ito makita. “Ayun oh! Chinarge ko, dimo na kasi pinansin lowbat ka na pala.” Turo ni Sandro sa isang parte kung kaya agad niya iyong kinuha at binuhay. “Kita mo ‘to. Pabaya kasi, tapos ngayon kakaba-kaba ka jan.” Bulong ni Sandro. “Shut up and find her now!” bigalang sigaw ni Kevin sa kaniya. “Oo na! Pasalamat ka mabait ako,” natatawang sabi ni Sandro dito at binuklat na ang kaniyang laptop. Umalis na din doon ang tauhan na nag report kay Kevin. “Sh*t! Bakit hindi mo sinasagot?!” sigaw na sabi ni Kevin ng hindi ito sinasagot ng dalaga hanggang sa tuluyan ng nawala ang service nito. “I lost her! Trace her now Sandro!” tumango ang kaibigan niya sa kaniya na seryosong nakaharap sa laptop ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone. “Hello?!” “Hello, Kevin.” Natigilan si Kevin ng marinig niya ang boses na ‘yon. Hinding hindi niya ito makakalimutan dahil iyon ang taong tumulong sa kaniya kung ano man ang narating niya ngayon sa underworld.
“KEVINE, how’s your team over there?” Seryosong tanong ni Tanner sa kaniyang earpiece habang nakasilip sila sa isang makapal halamanan. “It is weird. Bakit walang ibang kalaban?” natigilan ang mga ito sa sinabi ni Kevin. Si Tanner ay nasa pinakang unahan o pinakang main door ng kinalalagyan ni Wilbert na isang building. Si Brandon naman ay nasa gilid na parte ng building upang doon pumasok at mag masid sa paligid while Kevin is at the back. Ngunit ‘yun ‘din ang kinakataka ni Tanner, walang bantay sa baba. “Dito ‘din walang ibang bantay Tanner.” Sabat ni Brandon sa sinabi ni Kevin. SI Tanner naman ay tumahimik sandali upang pagmasdan ang buong lugar. Napakunot ang noo niya ng makita ang maraming yapak ng paa sa sahig. “Sh*t! Kevin tignan mo!” natigil lang iyon ng biglang sumigaw si Sandro. “Kevin anong nakita niyo?!” alalang tanong ni Tanner na napapatayo na. “I-Ilawan niyo ang taas! Sira na!” ginawa nila ang sinabi ni Kevin at ganon nalang ang panlalaki ng kanilang mga ma
“Sila ang pumatay sa kakambal ko Kevin. Maging sa kapatid ni Brandon na si Bella ay sila ‘din ang may gawa.” Natigilan si Kevin dahil sa sinagot sa kaniya ni Tanner habang ang iba naman ay nagtataka. “Anastasia Ivanova…” ngunit natigil lang iyon ng magsalita si Kathy. “Anastasia Ivanova ang tinawag ng lalaking nakamaskara kay Anastasia. Ang sabi pa nga ni Anastasia ay ‘wag ‘daw idadamay ang pamilya niya. Nalaman niyo na ba kung sino ang pamilya nila Tanner? Ito ba ang mga Ivanova?” parang binuhusan ng malamig na tubig si Tanner at hindi nakapag salita. “S-Sandali, anong sinasabi mo ate Kathy?” takang tanong ni Kevin. “Ang kumuha saamin ay isang lalaking nakamaskara, pero biglang dumating ang ibang mga taong armado na parang nakasuot ng pang winter na coat. Sila ang kumuha kay Anastasia sigurado ako!” Natahimik ang mga lalaki dahil sa sinabi ni Kathy habang sila Serene ay nagtataka maging ang mga bata. Hindi nila alam kung bakit nagkakaganon ang mga ito at tila gulat na gulat.
ANASTASIA HINDI ako pwede manahimik nalang dito sa loob ng kwarto at umiyak. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumibot sa loob ng kwarto. Hindi ko talaga akalain na sasabihin ‘yun ni daddy. How come na sila Tanner ang may gawa niyon kay mommy kung maging sila ay iniisip na si daddy ang may gawa sa kambal nito. I know something was odd at kailangan ko ‘yung alamin. After namin mag-usap ni daddy ay iniwan niya ako kasama si Amari. Naawa ako sa anak ko, hindi niya dapat narinig ang usapan namin ni daddy kaso nangyari na. Alam ko naman na maiintindihan niya kami dahil matured na silang kambal pero ang marinig na ilalayo sila kay Tanner ay alam kong ikakasakit niya. Mabuti nalang talaga at hiwalay ang kwarto niya saakin. I need to investigate, kailangan kong gumawa ng paraan. First of all I need to check if there is a CCTV on my room. As I scanned the whole room so far wala naman akong nakikita and hopefully wala talaga. The next thing I check is outside the window. Halos mapanganga
“TANNER nandito ang Wolves Organizations!” Agad na napatayo sila Tanner dahil sa sinabing iyon ni Brandon habang nakatingin sa kaniyang computer. “What?! Paano nangyaring hindi natin alam?! Nasaan ang mga tauhan natin?!” gulantang na sabi ni Tanner at agad na kumuha ng baril maging si Kevin at Sandro. Nasa loob sila ng isang kwarto sa Paris kung saan sila nagsasagawa ng plano para makuha si Anastasia. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ‘rin nila magawang pasukin ang lungga ng mga Wolves Organizations dahil sa higpit at tibay ng seguridad nito. ‘ Yun ang mas lalong nagpapa-inis kay Tanner. Wala siyang magawa, magdadalawang linggo na doon ang mag-ina niya. “’Wag kang lumabas Tanner! Hindi mo alam ang kaya nila, tulog na lahat ng bantay natin!” sabi ni Brandon habang seryosong nakatingin sa computer. “Secure sila Kathy at Serene, pero ang dalawang bata ay hindi ko makuha sh*t!” napatayo si Brandon dahil doon at kumuha na ‘din ng baril. “Kailangan nating puntahan ang dalawang bat
MABILIS na nakalabas ng mansion si Amari at agad na lumukob ang lamig sa kaniyang katawan ngunit hindi niya ito pinansin dahil nang makita niya ang paligid ay agad siyang napasigaw. “Stop!!!” Kusang napahinto ang mga tauhan ni Ivan na papunta palang sana sa kinalalagyan nila Tanner na nasa di kalayuang parte ng lugar na iyon. Ang snow ay aabot na sa kanilang tuhod dahil sa sobrang kapal pero hindi yun hadlang sa kanila para sugurin ang Wolves Organizations. Nang mapalingon ang tauhan ni Ivan kay Amari ay napakunot ang noo ng mga ito. “Grandpa said that stop attacking them!” sa abot ng makakaya ni Amari ay nilakasan niya ang kaniyang boses. At hindi naman siya nabigo, nag-eco sa buong paligid ang boses niya na may ilan pa nga ay napatakip ng tainga. Bilang sumunod ang tauhan ni Ivan kay Amari itinaas nito ang isang parang isang watawat ngunit simbulo nila ang nadoon, habang winawagayway. Doon palang ay alam na nilang kailangan nga nilang huminto at umatras. Ganoon ang kanilang si
ANASTASIA “MOMMY!” Agad akong napadilat sa panaginip na iyon at kusang tumulo ang aking mga luha. Narinig ko ang boses ng ibang tao sa paligid ngunit wala akong pakielam dahil sa emosyon na nararamdaman ko. Alam ko na, sa wakas ay alam ko na ang nangyari. Sa nakalipas na araw ay pinagugulan ko ng panahon ang paggawa ng time machine. Bilang ako lang ang nakaka-alam kung paano iyon ginawa ni Bella dahil sinunog ko na ang copy niya ay ako ang nagsumikap na gawin iyon sa palihim na paraan. Mayroon akong isang katulong na lalaki, tauhan ni daddy. Pero hindi ko siya kasama sa pag-gawa, tanging taga bigay lang siya ng mga gamit na kakailanganin ko. At nang matapos ko ang time machine ay hindi ako nagdalawang isip na maglakabay at alamin ang totoong nangyari. *Flashback* NALAMAN ko na kung paano ako makakabalik kung sakaling gamitin ko ang time machine. Dahil sa bracelet na suot ko. Pipindutin ko lamang ito at makakabalik na ako sa kasalukuyan. Si-net ko ang oras at panahon noong
“NAKAALIS na ba si Anastasia?” Tumango si Tanner nang makalapit ito sa kinalalagyan ng daddy ng babae. Rinig na rinig nila ang sunod-sunod na putok ng baril sa paligid ngunit hindi iyon magiging hadlang sa kanila para tapusin ang laban. “Kevin, nasaan kayo?” Seryosong tanong ni Ivan sa earpiece. “Nandito kami sa east ni Sandro, hinahanap namin si Wilbert.” Nagkatinginan si Tanner at Ivan dahil doon at hindi nagdalawang isip na sumunod doon. “Brandon kumusta jan?” Tanong ni Tanner habang sila ay tumatakbo at paminsan minsan ay bumabaril kapag may kalaban. “Wala pang nakakatakas, nasa loob pa ‘rin siya pero di namin makuha kung saan.” Naiwan si Brandon kasama ang mga tauhan ni Ivan upang maging mata ng mga ito. Habang sila naman ang siyang tutugis sa lalaking kumalaban sa mga Wolves Organizations. Nang makarating sila sa kinalalagyan nila Kevin ay napasigaw si Sandro ng makita niya si Wilbert mula sa taas. “Nasa emergency staircase!” Mabilis na kumilos ang mga ito upang sun