“Ano?” naguluhan siya at makikita ito sa mukha niya.“Gaano ka kasigurado na hihiwalayan kita kapag nagtagumpay ka na sa paghihiganti mo sa dati mong fiance mula sa stepsister mo?” malamig niyang tanong.“Wala akong plano na makipagbalikan kay Justin,” hindi siya makapaniwala ng mapagtanto niya ang ibig niyang sabihin.Sa pagkakataong ito, nakatitig si Lam sa kanya para sukatin ang katotohanan sa mga salita niya.“All this time, ang akala mo ginagamit kita at ang kasal na ito dahil sa paghihiganti? Ang malala pa, para makipagbalikan kay Justin?” hindi siya makapaniwala sa ideya.“Hindi ba’t iyon ang dahilan ng kasunduan natin?” bulong niya.“Ano? Hindi ako makapaniwala na ganito ka katanga, Cartagena,” nainis siya pero nakakailang ang sitwasyon dahil magkadikit ang katawan nila.“Oo, kailangan kita para mailigtas ang pride ko sa gabing iyon sa party. Pero may bagay sa iyo, na hidni ko pa din masukat hanggang ngayon, ang naging dahilan para maging interesado ako,” patuloy niya ha
“Salamat sa mainit na pagtanggap, Madame Mariebel,” si Simone Del Castillo, ang ina ni Justin, ay ngumiti sa eleganteng babae sa lamesa.“Masarap ang pagkain,” dagdag niya.“Salamat, Mrs. Del Castillo,” kaswal na sagot ng matriarch, sagot niya sa pormal na salitang kinamumuhian niya mula kay Simone.“Hanggang sa ngayon, masyado kang pormal, Madame Mariebel. Simone na lang ang itawag mo sa akin,” ang ngiti niya ay hindi pantay pero sinubukan niya na maging mabait sa matanda.“Pinipili ko na panatilihin ang pagiging pormal. Anyway, hindi naman magiging dikit ang mga pamilya natin sa kasal na ito. Si Alice ay hindi konektado sa akin ng dugo. Kaya business associates lang tayo,” Kahit na walang bakas ng panlalait, umasim ang pakiramdam ng iba sa mga salitang sinambit ni Mariebel Fuentebella. Maliban kay Abigail at Lam na nanatiling tahimik ng magsimula ang dinner.May kakaibang katahimikan habang si Karen at Alice ay lihim na nagtitinginan, ipinapahiwatig sa isa’t isang naiinis sila.
Si Abby ay klase ng babae na matutuwa kapag nakatanggap ng mga regalo, pero ang reaskyon ni Alice at Karen ay nagmamalabais.Habang nanonood siya, natutuwa siya sa loob-loob niya sa gulong ginagawa ng mga babae. Pero tulad ng dati, ang ekspresyon niya ay hindi masukat.Ganoon din si Lam. Mukha siyang nanonood ng telebisyon. Pero kahit na wala siyang ekspresyon, hindi masukat ni Abby kung natutuwa siya o hindi.“Hindi lang iyon,” ngumiti si Arnold habang pinapanood ang sabik ng mga babae.“Huwag mo sabihin na mayroon pa, Daddy Arnold!” nasabik si Alice, kabaliktaran ito ng ekspresyon ng lalake sa tabi niya.Si Justin ay hindi naging sabik, sa halip, babad siya sa panonood ng palihim kay Abby na katabi si Lam.“Siyempre, Alice. Para lang sa ina ng mahalaga naming apo,” itinaas ni Arnold ang susi sa mga kamay niya dahilan para lumapad ang ngiti ni Alice at mapangiti lalo si Karen.“Ang lovenest ninyo,” iniabot ni Arnold ang susi kay Alice.“Ikinuha namin kayo ng dalawang units ng
“Hindi ka niya kayang bilhan ng takeout. Baka maliban sa mga tira-tira sa restaurant na dapat itatapon niya,” dagdag niya sa panlalait.Sa buong oras na ito na nanglalait siya, kalmado si Lam. Pero, kung maglalaan sila ng oras para tignan siya, makikita nila ang nakakatakot na dating ng mga mata niya.“Bakit ka sobrang nag-aalala sa buhay ko, Justin Del Castillo? Nakalimutan mo na ba na ikaw ang unang nangaliwa sa atin? Nakalimutan mo na ba na nagplano ang pamilya mo kasama si Karen at Alice para magmukha akong tanga? Bakit umaarte ka na ikaw ang biktima kung ito at nakabuntis ka ng ibang babae habang engaged sa akin?” natawa si Abby noong sumagot siya, kahit na hindi siya nabagabag sa insulto, hindi dahil sa apektado siya pero dahil dinamay si Lam.“Nanatili ako dito para panoorin ang palabas ninyo. Kahanga-hanga. Ang devoted na mga in-laws ay pinauulanan ang future manugang nila ng mamahaling mga regalo. Kahanga-hangang eksena,” pinagsalikop niya ang mga kamay niya na parang fan g
“Bakit nakatitig ka lang sa akin? Inlove ka na ba?” naghahanda sila na pumunta sa kumpanya at napansin ni Abby na nakatitig si Lam sa kanya habang inaayusan niya ang sarili niya sa maliit na vanity table.“O hindi ka kuntento sa one round sa shower?” dagdag niya pagkatapos humarap sa kanyang direksyon.Inaayos niya ang kamang nagulo kanina habang hinihintay matapos si Abby. Pareho silang nakasuot na ng pang-opisina pero abala pa si Abby sa makeup.Kaysa sumagot, tumawa siya at umiling-iling.“Nagsisimula ka ng magustuhan ako, tama? Kita ko sa ngiti mo,” patuloy ni Abby matapos hindi makakuha ng sagot mula sa kanya.“Gusto na kita kahit noon pa,” sagot ni Lam.“So, nagsisimula ka ng mahalin ako?” inulit niya ang sinabi niya at umiling-iling ulit si Lam.“Well, baka nagsisimula na din akong mahalin ka. Paguwapo ka ng paguwapo bawat araw. Hindi ko alam kung dahil ba nakatingin ako sa iyo dahil sa pag-ibig o dahil guwapo ka talaga,” mapaglaro niyang bulong habang nakatitig sa kanya
“Malalate ako,” nagsalita siya matapos ang tahimik na mga oras nila.“Wala akong alam tungkol sa iyo pero sa tingin ko mas matalino ang puso ko kaysa sa akin dahil mahal kita kahit na ganoon,” ngumiti si Abby habang hinihimas ang basang mga labi ni Lam.“Hindi ako masamang tao,” paalala niya.“Oo, alam ko,” sumangayon siya agad.Matapos bumuntong hininga lumayo siya at tumingin sa kanya.“Hindi ako makapaniwala na ako ang unang nahulog,” isinara niya ang kanyang mga labi. Kahit na ang tunog niya ay nagtatampo, napangiti rin siya ng matagal.“Bakit ang dating mo parang masa itong ideya?” pinisil ni Lam ng natutuwa ang ilong ni Abby bago tumayo.“Masyado akong madali para sa iyo,” dagdag ni Abby pero napatigil si Lam sa mga salita niya.“Lam!”Sigaw ng babae ng bigla siyang buhatin sa mga bisig niya at nakiliti ng mga halik niya sa leeg.“Lam! Tama na! Nakakakiliti. Masisira ang maganda kong buhok,” hindi siya makaiwas sa pagiging mapaglaro ni Lam habang maririnig sa buong pali
Humarap si Lam sa kanya at nagulat ng makita ang galit sa mala anghel niyang mukha.“Gusto ba ninyo na mag-away kaysa na pumasok sa school at mag-aral? Kung ganoon hahayaan ko kayo mag-away hanggang mamatay ang isa sa inyo!” ang boses niya ay mabagsik at ang mga lalakeng handa na mag-away kanina ay napapaatras na sa takot.“Pipiliin ninyo na maging basura sa kalsada kaysa maging hinaharap ng lungsod? Sige. Magaway kayo! Maglaban kayo hanggang sa wala na kayong depensahan ang sarili niyo. Ipinadala kayo sa school para magkaroon ng mas magandang hinaharap. Para bigyan kayo ng armas laban sa kahirapan sa kinalakihan ninyo. Pero anong ginagawa ninyo?!” galit na galit siya at ang boses niya ay dahilan para manginig sila sa takot.Tahimik na pinanood ni Lam ang nangyayari. Hindi makapaniwala sa lakas ng dating ni Abby sa mga batang mas malalaki at matangkad sa kanya.“Miss Abby, pasensiya na,” ang pinakamalaking lalake na mukhang pinuno ng isa sa mga grupo ng kalalakihan ay humakbang pal
“Pustahan tayo ito ang unang nakabubusog nilang pagkain buong linggo. Bihira ko sila makita dito ng ilang linggo na. Doon sila madalas na kumakain dahil abot kaya doon,” dagdag ng lalake.“Ginamit na naman nila ang allowance nila sa ibang bagay,” bumuntong hininga si Abby at bumulong.“Narinig ko na ang nanay ni Leo ay may sakit. Alam mo naman ang mga lalakeng ito, kahit na mga pasaway sila, binabantayan nila ang isa’t isa. Nagpacheckup si Milagros kahapon at ibinili pa siya ng gamot. Ang mga lalake ay siguradong inipon ang mga allowance nila para tulungan siya.”Napahinga ng malalim si Abby sa sinabi ng lalake. Hinanap niya si Leo sa grupo ng kalalakihan na tahimik na kumakain ng may isang bag ng soup sa tabi niya.“Salamat, Mr. Galvez. Kukumustahin ko si Milagros mamaya. Mauuna na kami.”Bago tumalikod, tinignan niya ng isa ng beses pa nag mga lalake. Hindi niya alam na pinapanood siya ni Lam.“Mga pasaway,” bulong ni Lam habang patuloy silang naglalakad patungo sa kalye.“Ang