“Bakit ba ang hirap nito lolo?”Bulong ni Abby habang blangkong nakatingin sa babasaging pader ng opisina ng chairman. Matapos makipagkita sa finance director at nakakuha ng negatibong balita tungkol sa proyekto na may kinalaman sa ospital, tumungo siya sa opisina ng lola niya para pakalmahin ang kanyang sarili. Bukod pa doon, para makahanap ng oras para maging mapag-isa habang walang kasama.“Hindi kita puwede biguin,” patuloy niya habang maluha-luha ang mga mata. Kung wala ang pagsangayon ng Board of Directors, ang Fuentebella District Hospital ay mananatili sa kawawa nitong lagay.“Anong namiss mo, Abigail?” pinahihirapan niya ang kanyang sarili sa financial dilemma.Kahit na gusto niyang maniwala na ang kumpanya ay may kikitain para sa kamakailan nitong investments, may parte niya na nagdududa dito.Babad na babad siya sa kanyang mga isip at hindi napansin na bumukas ang pinto.“Anong…?” nagulat siya ng may mga bisig na yumakap sa kanya. Ang klase ng yakap na minsan siyang p
Sumigaw siya sa kanyang isip habang ang kamay niya ay nililibot na ang kanyang katawan.Hindi niya inaasahan na nakakadiri ang hawak niya. Minsan na silang naging intimate noon pero iba na ngayon.“Anong ginagawa ninyo!?”Isang malakas na boses ang dumagungdong sa kuwarto, napatalong si Justin palayo mula kay Abby.Kahit na hirap na hirap siyang huminga, napatingin si Justin sa pinto kung saan nakita niya ang galit na galit niyang nanay na nakapamewang.“Anong nangyayari dito?!” ang mga mata ni Simone ay nakatingin sa dalawang tao na nakita niya sa sitwasyon.Kahit ang mga labi ni Abby ay namamaga dahil sa malinaw nilang ginawa. Nakita ni Simone ang lahat maliban sa mga luha ni Abby.“Sinubukan akong akitin ni Abby, Ma,” mabilis na paliwanag ni Justin, nagalit si Simone.“Tang ina mo!” pero nagulat siya dahil sinuntok siya ni Abby, ang kamao niya ay tumama sa mukha ni Justin.“Justin!” nagulat si Simone at sumigaw ng makita ang dugong tumutulo sa ilong niya.“Ikaw na puta ka!
Isinama ni Lam si Abby sa ibang lugar para pakalmahin siya at ayusin ang bun niya. Mabilis niya itong inayos kung saan napangiti si Abby.“Naayos na,”bulong niya ng masaya habang nakatingin sa salamin.Nasa tagong parte sila ng lobby at ang malaking salamin na pader ay nagagawa ang layunin niya. Matapos ang masalimuot na engkuwentro kasama ang nanay ni Justin, hindi na niya gustong manatili sa parehong floor kung nasaan sila. Pakiramdam niya nakakulong siya.Kaya napagdesisyunan ni Lam na dalhin siya sa lobby para may space siya na kailangan niya.“Kumusta ang pakiramdam mo ngaoyn?” mahina niyang tanong habang inilalagay ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng kanyang tenga.“Mas maganda na ang pakiramdam ko ngayon. Salamat sa iyo,” lumapit siya lalo sa dibdib niya at huminga ng malalim para amuyin siya.Mahinhin niyang hinimas ang likod niya habang magkatabi sila. Parehong kuntento ang dalawa habang magkayakap lang. Nawala si Abby sa sarili niya sa sarap ng pakiramdam at stead
“Walang hihingi ng kapatawaran mula sa iyo,” galit niyang sinabi habang humigpit ang kapit niya sa manibela.“Entitled ka sa nararamdaman mo sa kanila,” dagdag ni Lam habang hawak ang kanyang kamay na nasa hita niya.Ngumiti sila sa isa’t isa at kumportable sa katahimikan ng biyahe. Kahit pagkatapos magparking, walang nagsalita.Pero, bago sila dumating sa lobby, nagsimula dumating ang mga sasakyan. Tumigil sila habang pinapanood ang komosyon.“May emergency meeting ang Board of Directors?” tanong niya sa sarili niya habang inaalala ang schedule.Mabilis kumilos ang mga tao, lumabas sila ng sasakyan at pumasok sa gusali na nakakagulantang. Mukhang may emergency na nangyayari sa loob.“Tara na,” nagmadali siya pumasok pero umakyat na ang lahat sa kung saan matatagpuan ang boardroom.Habang hatak ang kamay ni Lam, nagmadali sa paglalakad si Abby sa takdang lokasyon.“Anong nangyayari, Tessie? Bakit nagmamadali ang Board?” agad niyang tanong matapos makita ang babae sa opisinang p
“Ngayon ko lang napansin, napalitan ang air con?” tumingala si Abby at tinignan ang air con ng pumasok siya sa kuwarto nilang mas malamig kaysa sa karaniwan.“Nagreklamo ako sa landlord kahapon, ipinaliwanag ni Lam habang inaalis ang bitones ng damit niya. Kakarating lang nila pagkatapos ng dinner.Matapos ang komosyon sa opisina, nakumbinsi niya si Abigail Marie na umalis. Isinama siya ni Lam sa mall para mag shopping. Pero sa dahil sa mood ni Abby, nauwi sila sa park na walang tao. Naglaakad-lakad sila ng walang direksyon hanggang sa mapagod si Abby at nagutom.“Wow, hindi ko alam na ganito sila kabilis kumilos,” sa unang pagkakataon ng mula tanghali, ngumiti si Abby ng tunay.Ininda nila ang sirang air con mula unang araw. Kagabi, nagising siya ng disoras ng gabi, pinagpapawisan at hindi mapakali. Matapos makita ang bagong install na air con ay naging dahilan para makahinga siya ng maluwag dahil hindi na siya babangungutin at magiging kumportable na ang tulog.“Walang hindi mar
“Okay lang,” lumapit siya sa kanyang mga labi.“Simula ngayon, burahin na natin ang bakas ni Justin Del Castillo mula sa katawan mo,” reklamo niya bago halikan ang kanyang mga labi.Ganoon nga ang ginawa niya. Nagsimula siya sa shower at inapos ito sa kama. Ang pagod niya sa lamig ng temperatura ng kuwarto ay nagpatulog sa kanya ng mahimbing .Hindi niya alam kung anong nangyayari sa mundo kasama ang buong lungsod habang nasa kumportable silang tahanan.Maliban na lang sa mga ilang nag gagala sa gabi para maghanap ng saya.“May bago tayong player. Isang bisita sa Santocildes,” anunsiy ng croupier.Ilang pares ng mga mata ang nalipat sa pinto at naghihintay na may magpakita. Ang nakapalibot sa lamesa ay mga prominenteng tao ng lungsod. Kabilang si Justin Del Castillo.“Hayaan ninyo siyang umupo sa puwesto para makapagsimula na tayo,” sumenyas siya sa puwestong bakante, binati ni Justin ang lahat. Kating-kati na siyang maglaro.“Malaki ang natalo sa iyo kagabi, Justin,” natawa an
Ilang araw makalipas ang matinding pagkalugi na naranasan ng F&D, nagsimula ng maramdaman ang epekto sa kumpanya.“Puta”!Ang mga papel ay inihagis sa ere kasabay ng iba pang mga nasa lamesa.“Ginagawa ba ng legal team ang trabaho nila?! Bakit sunod-sunod ang mga kasong ito!?”Ilang araw ng hindi maganda ang mood ni Justin. Magulo ang itsura niya. Magulo ang buhok niya. Suot niya ang parehong damit kahapon. Mapula ang mga mata, malinaw na hindi nakakatulog ng maayos.“Ang legal team ay ginagawa ang lahat, Justin. Nag-alok kami ng lahat ng posibleng kumpormiso sa agreement. Pero ang mga kumpanya ay nagmamatigas na kasuhan ang F&D. Kahit ang mga matagal na nating nakasama,” si Simone, tulad ng anak niya, ay wala rin sa sarili sa nakalipas na mga araw.Ang asawa niya ay nasa ospital pa din. Ang kumpanya ay kumakaharap ng matinding krisis sa mga investor. Araw-araw sila ay binabati ng mga bagong kaso, na dumadating sa opisina.“Lahat sila ay pinagtutulungan tayo. Ang lakas ng loob
”Ngayon gabi, kami ay masayang inaanunsyo ang engagement ng aking anak na si Justin Del Castillo sa anak na babae ng aming malapit na kabigang pamilya, si Miss Alice Campo.”Nakatayo sa pintuan, hindi napapansin, pinanood ko ang anunsyo na ginawa ni Mr. Arnold Del Castillo, ang ama ni Justin. At malinaw kong nakikita kung gaano kuminang sa tuwa ang mukha ni Alice.“Nasasabik din kaming iaanunsyo na si Alice ay buntis, ang tagapagmana ng pamilya Del Castillo. Ito na ang oras na ang dalawang pamilya ay magsasanib, hindi lang lang sa business, pati na rin sa dugo.” nakangiting sambit ni Simone, ina ni Justin.Nakakabinging palakpakan ang narinig ko sa aking mga tenga habang ang mga bisita ay nagdiwang. Pero ang lahat ay naging malabo nang mawalan ako ng pakiramdam at lumabo ang aking paningin.Ayun ang lalaking nangakong mag-hihintay sa akin. Ang lahat ay nakangiti habang tinatanggap nya ang mga hiling sa kanyang engagement sa aking step-sister. Ang babaeng nagnakaw hindi lang ng pagm