Ilang araw makalipas ang matinding pagkalugi na naranasan ng F&D, nagsimula ng maramdaman ang epekto sa kumpanya.“Puta”!Ang mga papel ay inihagis sa ere kasabay ng iba pang mga nasa lamesa.“Ginagawa ba ng legal team ang trabaho nila?! Bakit sunod-sunod ang mga kasong ito!?”Ilang araw ng hindi maganda ang mood ni Justin. Magulo ang itsura niya. Magulo ang buhok niya. Suot niya ang parehong damit kahapon. Mapula ang mga mata, malinaw na hindi nakakatulog ng maayos.“Ang legal team ay ginagawa ang lahat, Justin. Nag-alok kami ng lahat ng posibleng kumpormiso sa agreement. Pero ang mga kumpanya ay nagmamatigas na kasuhan ang F&D. Kahit ang mga matagal na nating nakasama,” si Simone, tulad ng anak niya, ay wala rin sa sarili sa nakalipas na mga araw.Ang asawa niya ay nasa ospital pa din. Ang kumpanya ay kumakaharap ng matinding krisis sa mga investor. Araw-araw sila ay binabati ng mga bagong kaso, na dumadating sa opisina.“Lahat sila ay pinagtutulungan tayo. Ang lakas ng loob
”Ngayon gabi, kami ay masayang inaanunsyo ang engagement ng aking anak na si Justin Del Castillo sa anak na babae ng aming malapit na kabigang pamilya, si Miss Alice Campo.”Nakatayo sa pintuan, hindi napapansin, pinanood ko ang anunsyo na ginawa ni Mr. Arnold Del Castillo, ang ama ni Justin. At malinaw kong nakikita kung gaano kuminang sa tuwa ang mukha ni Alice.“Nasasabik din kaming iaanunsyo na si Alice ay buntis, ang tagapagmana ng pamilya Del Castillo. Ito na ang oras na ang dalawang pamilya ay magsasanib, hindi lang lang sa business, pati na rin sa dugo.” nakangiting sambit ni Simone, ina ni Justin.Nakakabinging palakpakan ang narinig ko sa aking mga tenga habang ang mga bisita ay nagdiwang. Pero ang lahat ay naging malabo nang mawalan ako ng pakiramdam at lumabo ang aking paningin.Ayun ang lalaking nangakong mag-hihintay sa akin. Ang lahat ay nakangiti habang tinatanggap nya ang mga hiling sa kanyang engagement sa aking step-sister. Ang babaeng nagnakaw hindi lang ng pagm
“Waiter ako, Madame. Kukunin ko lang ang mga basong walang laman.” Magalang na sagot ng lalaki. Ngayon siya’y nahihiya kumpara kanina na kalmado lang.“Isang waiter?”"Hahaha"“Nakakahiya siya.”“Isang waiter? Hahaha"Naririnig ni Abigail ang mga pigil na tawa sa paligid nya habang nakatitig pa rin sa lalaki. Parang siya’y nagayuma.“Well, mukhang ayos ang nakuha mo. Isang waiter?” Tila namanghang nasambit ni Karen. Umugong muli ang pangungutya at tawanan sa paligid.Ramdam ni Abigail ang panlilibak sa kanya kahit hindi siya lumingon. Lalo na sa mga malalapit sa pamilyang Del Castillo at mga kaibigan ni Alice.“Itigil mo na itong kalokohan na ito, Abigail.” Ngitngit na binulong ng ama nya.“Maging mature ka naman. Bigyan mo ng kahihiyan ang pamilya natin.” Dagdag niya habang pinipigil ang galit sa harap ng mga bisita.“Pilit inaagaw ni Abby ang atensyon ng mga bisita ko, Dad. Nagsasaya dapat kami ngayong gabi pero tignan mo kung anong ginagawa ni Abby. Sinisira lang niya.” Ti
Matapos lisanin ang engagement party, habang kasama ang guwapong waiter, dumiretso ako sa loob ng private lounge ng hotel. Marmaing mga bagay ang nakakaoverwhelm sa akin.Sa oras na nasa loob kami, walanghiya akong yumakap sa bewang niyang na para bang matagal ko na siyang kilala. Hindi ko alam kung saan nagmula ang lakas ng loob ko pero pakiramdam ko tama ito. At nagpapasalamat ako dahil tumayo lang siya, hinayaan akong magpahinga sa dibdib niya.Matagal na habang nagbababad ako sa katahimikan ng kuwarto ng marinig ko siyang bumuntong hininga ng malalim.“Kailangan ko bumalik sa trabaho, Madame,” Habang nakadikit ako ng madiin sa mainit niyang katawan, narinig ko ang boses niyang mahinhin.Pagkatapos ang naganap sa party kanina, pagod na pagod ako. Pero naging kumportable ako sa pakikinig ng steady at malakas na tibok ng puso niya. Sobrang kumportable ako at halos makatulog na. Pero nagising ako sa maingat niyang kilos.“Pakiusap, manatili ka,” bulong ko. Masyado akong mahina par
“Abigail?”Nagising si Abby bigla ng bumukas ng malakas ang pinto. Kasunod ng galit na boses na dumagungdong sa kuwarto.Masakit ang katawan at wala sa sarili, pinilit niyang iminulat ang mabigat niyang mga mata. At habang malabo ang mga mata, nkita niya ang ama niyang galit na nakatayo sa pinto kasama ang dalawa pa na mga tao na hindi niya pinangarap na makita sa oras na magising siya.“Abigail, anong ginawa mo?!”Isa pang matinis na galit na boses ang narinig niya habang hindi pa siya nahihimasmasan dahil hindi siya nakasagot agad. Nagising siya ng wala sa sarili at pinoproseso pa ang nangyayari.Ang matinding sakit sa pagitan ng mga hita niya ay dumagdag sa gulo niya. Mabigat ang mga mata niya at mukhang may mabigat na nakadagan sa kanya.Habang pumipintig sa sakit ang ulo niya, ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Umaasa na makakatulong ito sa sakit ng ulo niya. At kahit na pumipintig ng masakit ang ulo niya, sinubukan niyang alalahanin ang nangyari kagab
Halos atakihin si Abigail sa puso ng makita siyang hubad. Pero hindi siya nabagabag at ipinakita ang maganda niyang katawan sa kanya.Oo, magkasama silang natulog at maraming ginawang mga bagay sa kama. Pero wala siyang maalala sa lahat ng mga iyon. Ang mayroon lang siya ay mga bakas sa katawan niya. Ang makita siya ngayon ng maliwanag ay bago at ang sarap sa pakiramdam.Dahil hindi niya maialis ang mga mata niya sa kanyang katawan, nanlaki lalo ang mga mata niyang hanga habang sinusundan siya sa pinto. Mukhang wala sa bokubularyo niya ang pagpipigil. Pero aaminin niya dahil may karapatan siyang ipakita nag katawan niya.Perpekto siya.Mula sa puwesto niya, malaya niyang napapanood ang pagkilos ng mga muscle niya sa bawat kilos. Ang sarap sa mga mata na makita ang likod niya. Simula sa malapad niyang mga balikat pababa sa bewang niya at pababa pa sa dalawa niyang matambok na puwet hanggang sa maskulado niyang mga binti, walang bakas ng taba. Puro muscle siya. Napakasarap ng katawan
Matapos magbihis ni Lam, nag-almusal sila habang papunta sa Fuentebella residence.Tahimik sila simula ng lisanin ang hotel. Abala si Lam sa kalsada habang si Abigail naman ay abala sa pag-obserba sa kanya. Maliban sa ilang linggong facial hair sa kalahati ng mukha niya, mahaba din ang buhok niya. Dapat hindi malinis ang itsura niya, pero sa kabaliktaran, mas napatindi nito ang kahanga-hanga niyang karisma.Kahit na pangkaraniwang damit ang suot niya, generic na polo shirt at pantalon, mukha siyang milyonaryong lalake na nasa likod ng manibela. May dating siya na wala si Justin.Tense ang pakiramdam sa pagitan nila dahil sa huling napagusapan hanggang sa ngayon, hindi niya maintindihan kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya noong huli. Anuman ang ibig sabihin nito, kinilabutan siya. Medyo nakakatakot ito.Nararamdaman niya ang bigat ng mga salita niya. May bagay na hindi siya puwedeng makielam. Kahit na gusto niya itong alamin, nagdududa siya na sasagutin siya ni Lam.Haban
Luma itong bahay na ang karamihan sa mga empleyado ng hotel ay tinatawag itong mansyon. Pero sa paningin niya, tipikal na malaking ancestral house lang ito na karaniwan sa probinsiya.“Hindi mo pa iniinom ang inumin mo. Natatakot ka?”Narinig niya ang natutuwang boses na nagpatigil sa tahimik niyang pagtingin sa paligid.“Well, hindi masama na maging maingat. Wala akong plano na hubaran ka ulit. Lalo na sa harap ng lola mo,” kaswal niyang sagot habang humaharap sa direksyon niya.Habang nakatingin siya sa kanya, napukaw ang atensyon niya ng bago niyang damit. Natawa ng mahina is Abigail.“Gusto ko na gawin mo iyon. Pero hindi ko na kailangan magamitan ng kung anong gamot. Gusto ko maalala ang bawat parte ng gagawin mo,” kumindat siya pero isinara ang bibig matapos maalala ang nangyari kagabi.Pinanood ni Lam ang maganda niyang mukha habang abala siya sa irita sa kung sino ang nagplano para may mangyari sa kanila sa gabing iyon. Sa kasamaang palad, hindi na nila maalala ang karami