“Inakit mo siya, puta ka! Ang lalake ay mananatiling mga lalake,” galit na sinabi ni Alice. Ang boses niya ay dumadagungdong sa malawak na lobby.“Hindi ak nakikipaglaro tulad mo, Alice. Tigilan mo na ako sa drama mo. Ang fiance mo ay parang asong nag-iinit na nakatututok sa puwet ko at inaamoy ako. Kung may dapat ka kumprontahin, siya iyon. Wala akong planong makipagbalikan sa kanya kahit na magtapat pa siya ng walang kamatayan niyang pag-ibig sa akin,” Kita ang ngiting tagumpay niya pero lalong nagalit si Alice.“Nagsisinungaling kang pokpok ka!” Nakalimutan na ni Alice kumalma, at narinig ng lahat ang sinabi niya.Pero hindi nabagabag si Abby, siya din ay natrigger sa insulto. Walang-awa siyang inatake ni Justin at nanay niya pero siya pa ang ipinahiya at hindi pa nabigyan ng hustisya.“Iiwan ka ni Justin para lang makipagbalikan sa akin. Kinukumbinsi na niya ako sa simula pa lang. Wala siyang pakielam sa iyo. Isa ka lang butas na kailangan niya noong wala ako. Huwag mo isiping
“Kahihiyan ka sa pamilya natin, Abigail! Ang inggit mo kay Alice ang sumira sa isip mo!” itinaas ni Philip ang kamay niya.Inihanda ni Abby ang sarili niya para sa sakit na paparating na parusa habang nakapikit. Pero makalipas ang ilang sandali, walang nangyari.Sa halip, isang pamilyar na halimuyak ang naamoy niya.“Ang lakas ng loob mo na makielam?” Napamulat siya ng mga mata dahil sa galit na boses ng kanyang ama at nakakita ng tao na humarang sa galit ng kanyang ama.“Huwag ka makielam dito, Cartagena! Problema ito ng pamilya namin!” utos ni Philip pero nanatiling hindi kumikilos si Lam.“Nakalimutan mo, Mr. Sandoval. Asawa ko si Abigail Marie. Walang dapat may lakas ng loob na saktan siya!” Sambit ni Lam ng nakapaninindig balahibong lamig. Ang matalas niyang salita ay nakadirekta kay Philip Sandoval.Isa itong simpleng hamon at babala mula kay Lam Cartagena. Pero ang paraan ng pananalita niya ay naging dahilan para maging nakakakilabot ito sa lahat ng nakarinig sa kanya. Bat
Kaswal na naglakad sa lobby si Lam tulad ng ginagawa niya araw-araw. Pero kontra sa mga nakaraang araw, kakaiba nilang tinititignan si Lam. Kahit na walang nagbago sa kanya, pansin ng lahat ang kakaiba niyang dating na hindi nila gustong kilalanin noong una.Sa opisina, mag-isa siya, tahimik na nagfifile ng mga dokumento. Walang nagbuhos sa kanya ng mga walang kuwentang trabaho tulad ng ginagawa nila noon. Kakaiba ang katahimikan ng buong opisina.Noong nagsimula ang break time, tumayo siya at nilisan ang kanyang lamesa. Palihim na sinusundan ng tingin ng lahat ang matangkad na tao hanggang sa makarating siya sa pinto. Sa oras na lumabas siya, nakahinga ng maluwag ang mga tao.“Ahh… grabe ang intense.”“Sa tingin ko walang oxygen sa utak ko. Sobrang takot ako at hindi makahinga!”“Bakit mukha siyang mas nakakatakot ngayon?”“Nasa lobby ako kahapon at hindi ko maalala ang eksena ng hindi ako natatakot!”“Sanay na ako sa galit ng mga boss pero hindi pa ako nakakaramdam ng ganoong
May isa pa na hindi tumama at mabilis na napatumba, una ang mukha sa sahig, ay may malakas na tumama sa batok niya.Ang huli ay nagulpi gamit ang sarili niyang baseball bat matapos itong kunin mula sa kanya ni Lam. Mabilis ang mga pangyayari.Habang hawak ang baseball bat, humarap siya sa tatlo pa na nakatingin sa mga walang malay nilang kasamahan. Hindi pa siya kumikilos sa kinatatayuan niya pero tatlo na sa kanila ang walang malay.Ang unang natutunan niya sa pakikipaglaban, ay huwag uubusin ang lakas niya sa mga kilos na hindi kailangan.“Huwag kayong tumunganga lang, may kailangan akong puntahan na importante. Bilisan na natin,” senyas niya para umatake sila.Tulad ng unang tatlo na lalake, ang nananatiling tatlo ay sinugod siya ng sabay-sabay. Pero gamit ang tatlong atake lang, ang tatlong mga tao ay bumagsak sa sahig habang tumatalbog sa simento ang bakal nilang gamit.“Tsk.. tsk… Mahina tulad ng boss ninyo,” inihagis niya ang baseball bat na hawak niya, suminghal siya haba
“Oo, Madame. Rumerenta kami sa katabing kuwarto ng iyo. Masaya kami dahil nakahanap kami ng mura sa tabi ng lungsod,” ngumiti ang lalake.“Oo, mababa ang singil ni Mr. Ruiz sa renta niya. Kung may mga problema ka sa kuwarto ninyo, huwag ka mag-alinlangan na lumapit sa kanya. Magaling siyang tao. Mabilis niyang inaayos ang mga problema at reklamo,” lalo siyang naging kumportable ng malaman na mga kapitbahay nga talaga sila.“Ahm, tungkol sa kahapon. Hindi kita napasalamatan sa tulong mo. Maraming salamat,” ngumiti siya.“Walang anuman, Madame. Ako ang pinakamalapit sa iyo ng subukan kang atakihin ng babaeng iyon. Hindi ako puwedeng tumayo lang doon at manood, matapos makita ang baliw niyang itsura,” nagkibit balikat ang lalake.“Gusto ko din humingi ng tawad para sa ugali ng asawa ko. Ang galit niya ay hindi sa inyo. Nagkataon lang na natrigger siya,” habang nakatingiti, sinubukan niyang ipaliwanag ang malamig na ugali ni Lam sa lahat kahapon.Kahit na ganoon, hindi inaasahan ni Ab
isa itong kahon na may ribbon, bagay na maingat niyang inalis ang pagkakatali. Kahit na sabik siyang alamin kung anong niregalo sa kanya ni Lam, tinagalan niya. Ito ang una niyang regalo na natanggap mula kahit na kanino at nilalasap niya ang bawat sandali.Maingat niyang inalis ang ribbon, at nagulat ng bumaba ang mga gilid ng kahon, kung saan nasiwalat ang mga bulaklak sa loob ng salamin sa loob.“Wow,” bulong niya habang hangang-hanga sa pink na kulay. Mukha itong fresh at maselan, natatakot siya na baka masira kung hahawakan niya.“Lam…” marami siyang gustong sabihin pero hirap siya magsalita sa sobrang saya, hindi niya masabi ang nais niyang sabihin.“Isa itong preserved na bulaklak,” bulong niya habang nakatingin sa nasa lamesa.“Wow, talaga? Mukha itong fresh sa akin,” nagulat siya.“Oo, iyon ang plano. Habambuhay itong magmumukhang ganyan. Hinding-hindi ito malalanta,” sinubukan niyang ipaliwanag. Napagtanto lang niya bigla na baka hindi magustuhan ni Abbya ng preserved
Matapos ang isang araw ng pananatili sa kanilang apartment, nararamdaman ni Abby ang kawaln ng pakielam ng mga tao sa kanya noong lumabas siya sa sumunod na araw. Siguradong alam niya kung bakit.Si Alice ay nasa kama pa din dahil sa takot na baka makunan siya. Mabuti na lang, ligtas ang baby. Pero hindi nito naalis ang sama ng loob ng pamilya Del Castillo mula sa kanya at pati ng komunidad.Tanghaling tapat, ipinatawag siya ng kanyang lola. Kahit na hindi tumaas ang boses niya, nararamdaman niya ang kanyang disappointment.“Ipinapaalala ko sa iyo na huwag mawawala ang pagiging kalmado mo, Abigail Marie. Ang kakayahan ng tao na mag-isip at desisyon ay iba kapag nagpaapekto siya sa kanyang mga emosyon. Lalo na sa galit.“Huwag kang magpapatalo sa laban dahil lang sa nagalit ka. Hindi ka madadala ng pagiging bayolente kahit na saan. Lumaban ka ng maaliwalas ang isip mo. Kung kailangan mo lumayo, lumayo ka. Hindi ito magiging depenisyon para maging duwag ka.“Ang tagumpay ang pinakam
“Basta magmaneho ka lang hanggang sa sabihin ko sa iyo kung saan ka liliko!” sambit niya habang nakatitig sa screen ng phone niya.Mabilis ang takbo ng sasakyan sa highway hanggang sa lampasan nito ang boundary. Nasa labas na sila ng Santocildes. Pero walang nakuha na utos si Abby mulay kay Lam kaya patuloy siya sa pagmamaneho, nanatili ang bilis ng kanyang takbo. Mabuti na lang, iilang mga sasakyan lang ang nasa kalye.“Humanda ka na bumagal,” sambit ni Lam matapos ang matagal na katahimikan, bagay na sinunod niya.“Lumiko ka pakaliwa.”“Pumasok sila sa pribadong kalsada kung saan hindi na siya pamilyar sa lugar.“Nasaan tayo, Lam?” Ang kalsado ay tago sa mga puno sa magkabilang gilid.“Pumasok ka sa gate.” Hindi siya binigyan ng pansin ni Lam.Kahit na hindi siya pinansin, sinunod pa din niya ang utos. Pumasok siya sa malaking gate pero sa oras na makapasok siya, wala siyang makita kung hindi mga iilang trailer houses.“Tumigil ka dyan,” narinig niya si Lam kaya tumigil siya
“Wow, nakakatulala. Ang laki ng diamante!” hanggang sinabi ni Karen.“Ilang carats ito?” tanong ni Simone sa staff. Hindi dahil sa nakalimutan niya pero dahil gusto niyang magyabang.“Five carats in VSI1 clarity, Madame.”“Wow, kahanga-hanga. Kaya pala ang mahal nito,” bulong ni Alice, kinuha ang singsing para isuot sa daliri niya.Kumikinang sa mga mata niya ang nag-iisang bato.“Binayaran na ito ng buo ni Justin,” mayabang na anunsiyo ni Simone habang sinusulyapan si Lam.“Isusuot ko na ngayon,” deklara ni Alice ahbang nakataas ang kamay niya sa ere.“Well, may mga cheap sila na diamante para bayaran ng asawa mo, Abigail,” ngumiti si Karen.“Anuman ang mayroon siya, pera pa din ito ng Fuentebella. Si Abigail pa din ang bumibili para sa sarili niya,” tumaas ang kilay ni Simone ng mapanglait habang tumataw ang dalawa.Ineenjoy nila ang panlalait habang sina Abby at Lam ay nananatiling hindi nababagabag.“Dahil may pera kayo ngayon at ako ay wala, ikaw ang magbayad ng mga sing
“Puwede ba natin tignan ang loob?” maingat ang tanong ni Abby kay Lam noong tumigil siya sa labas ng isa sa mga jewelry shops sa mall.Humarap si Lam sa loob ng salamin. Ang shop ay halos walang tao.“Siyempre,” ngumiti siya at humakbang para hatakin si Abby papasok.Maraming iba’t ibang klase ng mga mamahaling alahas ang nakadisplay sa mga istante at kumikinang sila sa liwanag ng ilaw, natuwa ng husto ang itsura ni Abby.“Welcome sa Symphony Diamonds,” bati ng staff habang nakatingin sila sa paligid bagay kung saan magalang silang sumagot.Pinanood ni Lam ang nasasabik na mukha ni Abby habang sinusuri ang mga piraso ng diamond-studded collections. Ang kahinaan ng babae. Diamante.“Anong balak mong bilhin?” tanong niya habang kasama siyang tumitingin sa loob ng mga salamin sa istante.“Puwede ba?” napalingon ang ulo ni Abby sa direksyon ni Lam.“Bakit hindi? Maganda sila,” kibit balikat niya.Ilang sandali na tumitig si Abby sa kanya ng walang sinasabi, mukhang inaalam niya an
“Nakakailang iyon,” buntong hininga niya ng maluwag matapos silang makapasok sa sasakyan.“Bakit ka hindi mapakali? Wala iyon sa kanila, moppet ko,” natutuwa siya sa kakaiba niyang ugali simula ng lumabas sila ng apartment.May bahid ng pink ang mga pisngi niya at alam ni Lam na hindi siya naglalagay ng makeup.Dahil pasado tanghalian na, ang karamihan sa restaurant at café sa paligid ay wala halos tao, nakahinga siya ng maluwag dahil dito. Wala siya sa mood na mapaligiran ng maraming tao.Tahimik silang kumain habang nag-uusap ng kaunti.Ang tunay na hirap ay nagsimula ng makarating sila sa kumpanya.“Welcome back, Chairman Cartagena,” ang bati ni Justin ay may panlalait at ang mga mata niya ay nalipat kay Abby. Pumasok ang magkasintahan ng magkahawak kamay.Tumango lang si Lam sa kanya ng hindi tumitigil at hindi natuwa ang lalake dito.“Puro ka chikinini, Dr. Sandoval. Nakakagulat,” malakas ang boses ni Justin kung saan nairirnig siya ng mga tao sa lobby.“Wala ka ng pakiel
Paano niyang haharapin ang mga kapitbahay niya at si Kara bukas, hindi pa din niya alam.Ang mahalaga sa kanya ngayon ay nakabalik na si Lam.Totoo na si Kara ay hindi makapaniwala matapos ang unang mga ungol na narinig niya mula sa kuwarto. Dapat aalis na siya ng dumating si Lam pero tinatamad siyang bumangon. Pero ng marinig niya ang ungol ni Lam at Abigail na dumadagungdong sa buong apartment, nagmamadali niyang inimpake ang cot niya.“Anong ginagawa mo dito ng gitna ng gabi?” kontrolado ang boses ni Kara habang tinititigan ng masama ang lalakeng gumulat sa kanya ng buksan niya ang pinto.“Iniisip ko na baka mainggit ka sa ginagawa ni Lucas at Abigail kaya pumunta ako,” habang mukhang tanga na nakangiti at arogante, nagpaliwanag siya.“Urgh…” Dahil sa hindi madaming beses na nangyari ito, napayuko sa sakit si Carl dahil sa suntok na tinamo niya mula kay Kara sa kanyang sikmura.“Hindi ka talaga natututo, Carl Petrov,” galit niyang sinabi bago siya itinulak.Habang hawak ang s
Masalimuot ang paghihintay ni Abigail. Ang apat na araw na delay na kanyang inaasahan ay naging mahigit sa isang linggo.Habang patindi ng patindi ang pangungulila niyak ay Lam, may mga gabi na umiiyak siya hanggang sa makatulog. Tulad ngayong gabi, basa pa ang mga mata niya ng siya ay makatulog na.Tulad ng karamihan sa mga gabi, nananaginip siya na nagmamahalan sila ni Lam. Namimiss na niya ito ng sobra at halos nararamdaman niya ang kanyang mga halikan.Namilipit siya sa sarap habang hinayaan niyang halikan siya sa leeg, ineenjoy ang mga kagat niya sa kanyang balat.“Ahhn…” ungol niya ng may pares ng mga lalakeng pumasok sa damit niyang suot. Nililibot nito ang hubad niyang katawan sa loob.Nilalamas siya at hinahawakan. Pagkatapos, bumukas bigla ang kanyang mga mata.“Panaginip lang ba ito?” bulong niya habang kinukumusta ang kanyang sarili.May mabigat na nakadagan sa kanya at may tunay na nakahawak sa dalawa niyang bundok.“Lam…” bulong niya habang maluha-luha.“Nandito
“Siyempre. Akong bahala,” balik na siya sa masayahin niyang mood at kumindat muli sa kanya.“May problema ka ba sa mga mata mo?” hindi makapaniwala si Kara sa kanyang ugali.Nawala ang ngiti ng lalake sa sinabi ni Kara.“Wala ka talagang sense of humor, Stepanov. Chill ka lang kahit kaunti pambihira naman. Mas tumatanda ka lalo kaysa sa kapatid mo,” panlalait niya ng nakatitig ng masama.“Kasi mukha kang tanga, papikit pikit ka pang nalalaman,” titig ng masama ni kara sa lalake habang nasisindak sa ginawa niya.“Ang tawag doon ay kindat,” hindi siya makapaniwala sa pagiging ignorante niya o baka insulto ito. Pero dahil kilala niya si Kara, alam niyang insulto ito.“Wala akong pakielam, hindi ito bagay sa iyo,” umirap siya ng hindi makapaniwala.“Ito talaga,” inabot niya ang likod ng pantalon niya para sa kanyang wallet.“Heto,” Kinuha niya ang kamay ni Kara at naglagay ng itim na card sa palad niya.“Para saan ito?” napapaisip siya ng husto kung bakit ibinigay niya ang kanyang
“Asawa ko lang ang sasamahan ko kumain o kaya samahan kahit saan,” tumanggi si Abby sa kanyang alok.“Hindi niya malalaman,” pilit niya habang nakasingkit ang kanyang mga mata.“Pero alam ko, Mr. Carlos. Ako ang nagseset ng mga rules para sa sarili ko. Hindi kailangan ng asawa ko na ipaalala sa akin ang aming commitment, ihohonor ko ito kahit na anong sitwasyon. Lalo na kapag wala siya,” kaswal na deklara ni Abby.“Lagi mo talaga akong napapahanga, Doctor,” bulong niya ng natatawa.“Hindi ko sinusubukan na pahangain ka, sir,” kontra ni Abby, dahilan para tumawa siya lalo.“Sana alam ng asawa mo ang iyong katapatan, Doctor,” naging seryoso siya.“Sinisiguro ko saiyo, Sir. Alam niya,” sumpa ni Abby, kung saan napatitig si Mr. Carlos ng matagal.Bumuntong hininga siya ng malalim at umayos sa pagkakaupo.“Well, naintindihan ko na ang punto mo at suko na ako. Hanggang sa susunod muli, doktor. Kailangan ko isalba ang pride ko sa ngayon,” hawak niya ang kanyang dibdib at ibinulong ang
May dugo din ako ng pagiging philanthropist, Dr. Sandoval. Makakatulong ako kung kailan mo man kailangan,” patuloy niya.“Anong kapalit, Mr. Carlos?” matapos ang matagal niyang katahimikan, nagsalita si Abby.“Wala, doctor. Tulad ng sinabi ko, gawain ito ng philanthropist,” Tinignan ng sinsero ni Mr. Carlos ang mga mata ni Abby na tila ba mandudukot ng mata.“Anong kailangan mo, Mr. Carlos?” Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa. Wala akong oras para dyan,” habang nakapahinga ang likod ni Abby sa high-back chair, nagsalikop ang mga kamay niya sa kanyang harap. Handa siyang makinig sa kahit na anumang kalokohan ng lalake sa harap niya.“Prangka ka talaga,” natawa si Mr. Carlos at nagrelax siya sa kanyang kinauupuan.“Interesado lang talaga ako sa mga mapagkawanggawa na gawain, doktor. At naniniwala ako na may kakayahan ako na tumulong,” sinsero siyang nakatitig at sinambit.“Hindi madaling magpatakbo ng ospital, pareho natin itong alam, doktor. Lalo na sa klase ng gusto mo. Ang gumawa n
“Anong kailangan mo, President Del Castillo?” tanong agad ni Abby sa oras na pumasok siya sa pinto ng opisina ng Chairman.Pinilit ni Abby na manatili sa opisinang ito ng pansamantala kaysa magkaroon ng sarili niya. Ang makasama si Lam ang pangunahing dahilan niya para sa comfort at privacy na higit pa sa mga binibigay nilang ideya.Ngunit, nagulat siya ng may isa pang tao na kasunod. Ang mga mata niya ay napunta sa lalake na nakilala niya sa lobby kahapon. Nagkatinginan sila pero wala siyang napala sa mga mata niyang walang ekspresyon.“Magandag araw din sa iyo, Dr. Abigail,” sagot ng lalake ng may panlalait pero hindi ito binigyan ng pansin ni Abby. Mas nag-aalala siya tungkol sa kasamang lalake ni Justin.Nanatili siyang nakaupo sa likod ng lamesa habang nakatitig sa kanya at si Kara naman ay nakatayo ng ilang dipa mula sa kanya. Ang babae ay walang pahiwatig ng kanyang iniisip. Hindi siya nakatingin sa kung sino habang nakatayo lamang sa kanyang puwesto.Sinulyapan ni Justin s