Isinama ni Lam si Abby sa ibang lugar para pakalmahin siya at ayusin ang bun niya. Mabilis niya itong inayos kung saan napangiti si Abby.“Naayos na,”bulong niya ng masaya habang nakatingin sa salamin.Nasa tagong parte sila ng lobby at ang malaking salamin na pader ay nagagawa ang layunin niya. Matapos ang masalimuot na engkuwentro kasama ang nanay ni Justin, hindi na niya gustong manatili sa parehong floor kung nasaan sila. Pakiramdam niya nakakulong siya.Kaya napagdesisyunan ni Lam na dalhin siya sa lobby para may space siya na kailangan niya.“Kumusta ang pakiramdam mo ngaoyn?” mahina niyang tanong habang inilalagay ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng kanyang tenga.“Mas maganda na ang pakiramdam ko ngayon. Salamat sa iyo,” lumapit siya lalo sa dibdib niya at huminga ng malalim para amuyin siya.Mahinhin niyang hinimas ang likod niya habang magkatabi sila. Parehong kuntento ang dalawa habang magkayakap lang. Nawala si Abby sa sarili niya sa sarap ng pakiramdam at stead
“Walang hihingi ng kapatawaran mula sa iyo,” galit niyang sinabi habang humigpit ang kapit niya sa manibela.“Entitled ka sa nararamdaman mo sa kanila,” dagdag ni Lam habang hawak ang kanyang kamay na nasa hita niya.Ngumiti sila sa isa’t isa at kumportable sa katahimikan ng biyahe. Kahit pagkatapos magparking, walang nagsalita.Pero, bago sila dumating sa lobby, nagsimula dumating ang mga sasakyan. Tumigil sila habang pinapanood ang komosyon.“May emergency meeting ang Board of Directors?” tanong niya sa sarili niya habang inaalala ang schedule.Mabilis kumilos ang mga tao, lumabas sila ng sasakyan at pumasok sa gusali na nakakagulantang. Mukhang may emergency na nangyayari sa loob.“Tara na,” nagmadali siya pumasok pero umakyat na ang lahat sa kung saan matatagpuan ang boardroom.Habang hatak ang kamay ni Lam, nagmadali sa paglalakad si Abby sa takdang lokasyon.“Anong nangyayari, Tessie? Bakit nagmamadali ang Board?” agad niyang tanong matapos makita ang babae sa opisinang p
“Ngayon ko lang napansin, napalitan ang air con?” tumingala si Abby at tinignan ang air con ng pumasok siya sa kuwarto nilang mas malamig kaysa sa karaniwan.“Nagreklamo ako sa landlord kahapon, ipinaliwanag ni Lam habang inaalis ang bitones ng damit niya. Kakarating lang nila pagkatapos ng dinner.Matapos ang komosyon sa opisina, nakumbinsi niya si Abigail Marie na umalis. Isinama siya ni Lam sa mall para mag shopping. Pero sa dahil sa mood ni Abby, nauwi sila sa park na walang tao. Naglaakad-lakad sila ng walang direksyon hanggang sa mapagod si Abby at nagutom.“Wow, hindi ko alam na ganito sila kabilis kumilos,” sa unang pagkakataon ng mula tanghali, ngumiti si Abby ng tunay.Ininda nila ang sirang air con mula unang araw. Kagabi, nagising siya ng disoras ng gabi, pinagpapawisan at hindi mapakali. Matapos makita ang bagong install na air con ay naging dahilan para makahinga siya ng maluwag dahil hindi na siya babangungutin at magiging kumportable na ang tulog.“Walang hindi mar
“Okay lang,” lumapit siya sa kanyang mga labi.“Simula ngayon, burahin na natin ang bakas ni Justin Del Castillo mula sa katawan mo,” reklamo niya bago halikan ang kanyang mga labi.Ganoon nga ang ginawa niya. Nagsimula siya sa shower at inapos ito sa kama. Ang pagod niya sa lamig ng temperatura ng kuwarto ay nagpatulog sa kanya ng mahimbing .Hindi niya alam kung anong nangyayari sa mundo kasama ang buong lungsod habang nasa kumportable silang tahanan.Maliban na lang sa mga ilang nag gagala sa gabi para maghanap ng saya.“May bago tayong player. Isang bisita sa Santocildes,” anunsiy ng croupier.Ilang pares ng mga mata ang nalipat sa pinto at naghihintay na may magpakita. Ang nakapalibot sa lamesa ay mga prominenteng tao ng lungsod. Kabilang si Justin Del Castillo.“Hayaan ninyo siyang umupo sa puwesto para makapagsimula na tayo,” sumenyas siya sa puwestong bakante, binati ni Justin ang lahat. Kating-kati na siyang maglaro.“Malaki ang natalo sa iyo kagabi, Justin,” natawa an
Ilang araw makalipas ang matinding pagkalugi na naranasan ng F&D, nagsimula ng maramdaman ang epekto sa kumpanya.“Puta”!Ang mga papel ay inihagis sa ere kasabay ng iba pang mga nasa lamesa.“Ginagawa ba ng legal team ang trabaho nila?! Bakit sunod-sunod ang mga kasong ito!?”Ilang araw ng hindi maganda ang mood ni Justin. Magulo ang itsura niya. Magulo ang buhok niya. Suot niya ang parehong damit kahapon. Mapula ang mga mata, malinaw na hindi nakakatulog ng maayos.“Ang legal team ay ginagawa ang lahat, Justin. Nag-alok kami ng lahat ng posibleng kumpormiso sa agreement. Pero ang mga kumpanya ay nagmamatigas na kasuhan ang F&D. Kahit ang mga matagal na nating nakasama,” si Simone, tulad ng anak niya, ay wala rin sa sarili sa nakalipas na mga araw.Ang asawa niya ay nasa ospital pa din. Ang kumpanya ay kumakaharap ng matinding krisis sa mga investor. Araw-araw sila ay binabati ng mga bagong kaso, na dumadating sa opisina.“Lahat sila ay pinagtutulungan tayo. Ang lakas ng loob
“Inakit mo siya, puta ka! Ang lalake ay mananatiling mga lalake,” galit na sinabi ni Alice. Ang boses niya ay dumadagungdong sa malawak na lobby.“Hindi ak nakikipaglaro tulad mo, Alice. Tigilan mo na ako sa drama mo. Ang fiance mo ay parang asong nag-iinit na nakatututok sa puwet ko at inaamoy ako. Kung may dapat ka kumprontahin, siya iyon. Wala akong planong makipagbalikan sa kanya kahit na magtapat pa siya ng walang kamatayan niyang pag-ibig sa akin,” Kita ang ngiting tagumpay niya pero lalong nagalit si Alice.“Nagsisinungaling kang pokpok ka!” Nakalimutan na ni Alice kumalma, at narinig ng lahat ang sinabi niya.Pero hindi nabagabag si Abby, siya din ay natrigger sa insulto. Walang-awa siyang inatake ni Justin at nanay niya pero siya pa ang ipinahiya at hindi pa nabigyan ng hustisya.“Iiwan ka ni Justin para lang makipagbalikan sa akin. Kinukumbinsi na niya ako sa simula pa lang. Wala siyang pakielam sa iyo. Isa ka lang butas na kailangan niya noong wala ako. Huwag mo isiping
“Kahihiyan ka sa pamilya natin, Abigail! Ang inggit mo kay Alice ang sumira sa isip mo!” itinaas ni Philip ang kamay niya.Inihanda ni Abby ang sarili niya para sa sakit na paparating na parusa habang nakapikit. Pero makalipas ang ilang sandali, walang nangyari.Sa halip, isang pamilyar na halimuyak ang naamoy niya.“Ang lakas ng loob mo na makielam?” Napamulat siya ng mga mata dahil sa galit na boses ng kanyang ama at nakakita ng tao na humarang sa galit ng kanyang ama.“Huwag ka makielam dito, Cartagena! Problema ito ng pamilya namin!” utos ni Philip pero nanatiling hindi kumikilos si Lam.“Nakalimutan mo, Mr. Sandoval. Asawa ko si Abigail Marie. Walang dapat may lakas ng loob na saktan siya!” Sambit ni Lam ng nakapaninindig balahibong lamig. Ang matalas niyang salita ay nakadirekta kay Philip Sandoval.Isa itong simpleng hamon at babala mula kay Lam Cartagena. Pero ang paraan ng pananalita niya ay naging dahilan para maging nakakakilabot ito sa lahat ng nakarinig sa kanya. Bat
Kaswal na naglakad sa lobby si Lam tulad ng ginagawa niya araw-araw. Pero kontra sa mga nakaraang araw, kakaiba nilang tinititignan si Lam. Kahit na walang nagbago sa kanya, pansin ng lahat ang kakaiba niyang dating na hindi nila gustong kilalanin noong una.Sa opisina, mag-isa siya, tahimik na nagfifile ng mga dokumento. Walang nagbuhos sa kanya ng mga walang kuwentang trabaho tulad ng ginagawa nila noon. Kakaiba ang katahimikan ng buong opisina.Noong nagsimula ang break time, tumayo siya at nilisan ang kanyang lamesa. Palihim na sinusundan ng tingin ng lahat ang matangkad na tao hanggang sa makarating siya sa pinto. Sa oras na lumabas siya, nakahinga ng maluwag ang mga tao.“Ahh… grabe ang intense.”“Sa tingin ko walang oxygen sa utak ko. Sobrang takot ako at hindi makahinga!”“Bakit mukha siyang mas nakakatakot ngayon?”“Nasa lobby ako kahapon at hindi ko maalala ang eksena ng hindi ako natatakot!”“Sanay na ako sa galit ng mga boss pero hindi pa ako nakakaramdam ng ganoong
“Wow, nakakatulala. Ang laki ng diamante!” hanggang sinabi ni Karen.“Ilang carats ito?” tanong ni Simone sa staff. Hindi dahil sa nakalimutan niya pero dahil gusto niyang magyabang.“Five carats in VSI1 clarity, Madame.”“Wow, kahanga-hanga. Kaya pala ang mahal nito,” bulong ni Alice, kinuha ang singsing para isuot sa daliri niya.Kumikinang sa mga mata niya ang nag-iisang bato.“Binayaran na ito ng buo ni Justin,” mayabang na anunsiyo ni Simone habang sinusulyapan si Lam.“Isusuot ko na ngayon,” deklara ni Alice ahbang nakataas ang kamay niya sa ere.“Well, may mga cheap sila na diamante para bayaran ng asawa mo, Abigail,” ngumiti si Karen.“Anuman ang mayroon siya, pera pa din ito ng Fuentebella. Si Abigail pa din ang bumibili para sa sarili niya,” tumaas ang kilay ni Simone ng mapanglait habang tumataw ang dalawa.Ineenjoy nila ang panlalait habang sina Abby at Lam ay nananatiling hindi nababagabag.“Dahil may pera kayo ngayon at ako ay wala, ikaw ang magbayad ng mga sing
“Puwede ba natin tignan ang loob?” maingat ang tanong ni Abby kay Lam noong tumigil siya sa labas ng isa sa mga jewelry shops sa mall.Humarap si Lam sa loob ng salamin. Ang shop ay halos walang tao.“Siyempre,” ngumiti siya at humakbang para hatakin si Abby papasok.Maraming iba’t ibang klase ng mga mamahaling alahas ang nakadisplay sa mga istante at kumikinang sila sa liwanag ng ilaw, natuwa ng husto ang itsura ni Abby.“Welcome sa Symphony Diamonds,” bati ng staff habang nakatingin sila sa paligid bagay kung saan magalang silang sumagot.Pinanood ni Lam ang nasasabik na mukha ni Abby habang sinusuri ang mga piraso ng diamond-studded collections. Ang kahinaan ng babae. Diamante.“Anong balak mong bilhin?” tanong niya habang kasama siyang tumitingin sa loob ng mga salamin sa istante.“Puwede ba?” napalingon ang ulo ni Abby sa direksyon ni Lam.“Bakit hindi? Maganda sila,” kibit balikat niya.Ilang sandali na tumitig si Abby sa kanya ng walang sinasabi, mukhang inaalam niya an
“Nakakailang iyon,” buntong hininga niya ng maluwag matapos silang makapasok sa sasakyan.“Bakit ka hindi mapakali? Wala iyon sa kanila, moppet ko,” natutuwa siya sa kakaiba niyang ugali simula ng lumabas sila ng apartment.May bahid ng pink ang mga pisngi niya at alam ni Lam na hindi siya naglalagay ng makeup.Dahil pasado tanghalian na, ang karamihan sa restaurant at café sa paligid ay wala halos tao, nakahinga siya ng maluwag dahil dito. Wala siya sa mood na mapaligiran ng maraming tao.Tahimik silang kumain habang nag-uusap ng kaunti.Ang tunay na hirap ay nagsimula ng makarating sila sa kumpanya.“Welcome back, Chairman Cartagena,” ang bati ni Justin ay may panlalait at ang mga mata niya ay nalipat kay Abby. Pumasok ang magkasintahan ng magkahawak kamay.Tumango lang si Lam sa kanya ng hindi tumitigil at hindi natuwa ang lalake dito.“Puro ka chikinini, Dr. Sandoval. Nakakagulat,” malakas ang boses ni Justin kung saan nairirnig siya ng mga tao sa lobby.“Wala ka ng pakiel
Paano niyang haharapin ang mga kapitbahay niya at si Kara bukas, hindi pa din niya alam.Ang mahalaga sa kanya ngayon ay nakabalik na si Lam.Totoo na si Kara ay hindi makapaniwala matapos ang unang mga ungol na narinig niya mula sa kuwarto. Dapat aalis na siya ng dumating si Lam pero tinatamad siyang bumangon. Pero ng marinig niya ang ungol ni Lam at Abigail na dumadagungdong sa buong apartment, nagmamadali niyang inimpake ang cot niya.“Anong ginagawa mo dito ng gitna ng gabi?” kontrolado ang boses ni Kara habang tinititigan ng masama ang lalakeng gumulat sa kanya ng buksan niya ang pinto.“Iniisip ko na baka mainggit ka sa ginagawa ni Lucas at Abigail kaya pumunta ako,” habang mukhang tanga na nakangiti at arogante, nagpaliwanag siya.“Urgh…” Dahil sa hindi madaming beses na nangyari ito, napayuko sa sakit si Carl dahil sa suntok na tinamo niya mula kay Kara sa kanyang sikmura.“Hindi ka talaga natututo, Carl Petrov,” galit niyang sinabi bago siya itinulak.Habang hawak ang s
Masalimuot ang paghihintay ni Abigail. Ang apat na araw na delay na kanyang inaasahan ay naging mahigit sa isang linggo.Habang patindi ng patindi ang pangungulila niyak ay Lam, may mga gabi na umiiyak siya hanggang sa makatulog. Tulad ngayong gabi, basa pa ang mga mata niya ng siya ay makatulog na.Tulad ng karamihan sa mga gabi, nananaginip siya na nagmamahalan sila ni Lam. Namimiss na niya ito ng sobra at halos nararamdaman niya ang kanyang mga halikan.Namilipit siya sa sarap habang hinayaan niyang halikan siya sa leeg, ineenjoy ang mga kagat niya sa kanyang balat.“Ahhn…” ungol niya ng may pares ng mga lalakeng pumasok sa damit niyang suot. Nililibot nito ang hubad niyang katawan sa loob.Nilalamas siya at hinahawakan. Pagkatapos, bumukas bigla ang kanyang mga mata.“Panaginip lang ba ito?” bulong niya habang kinukumusta ang kanyang sarili.May mabigat na nakadagan sa kanya at may tunay na nakahawak sa dalawa niyang bundok.“Lam…” bulong niya habang maluha-luha.“Nandito
“Siyempre. Akong bahala,” balik na siya sa masayahin niyang mood at kumindat muli sa kanya.“May problema ka ba sa mga mata mo?” hindi makapaniwala si Kara sa kanyang ugali.Nawala ang ngiti ng lalake sa sinabi ni Kara.“Wala ka talagang sense of humor, Stepanov. Chill ka lang kahit kaunti pambihira naman. Mas tumatanda ka lalo kaysa sa kapatid mo,” panlalait niya ng nakatitig ng masama.“Kasi mukha kang tanga, papikit pikit ka pang nalalaman,” titig ng masama ni kara sa lalake habang nasisindak sa ginawa niya.“Ang tawag doon ay kindat,” hindi siya makapaniwala sa pagiging ignorante niya o baka insulto ito. Pero dahil kilala niya si Kara, alam niyang insulto ito.“Wala akong pakielam, hindi ito bagay sa iyo,” umirap siya ng hindi makapaniwala.“Ito talaga,” inabot niya ang likod ng pantalon niya para sa kanyang wallet.“Heto,” Kinuha niya ang kamay ni Kara at naglagay ng itim na card sa palad niya.“Para saan ito?” napapaisip siya ng husto kung bakit ibinigay niya ang kanyang
“Asawa ko lang ang sasamahan ko kumain o kaya samahan kahit saan,” tumanggi si Abby sa kanyang alok.“Hindi niya malalaman,” pilit niya habang nakasingkit ang kanyang mga mata.“Pero alam ko, Mr. Carlos. Ako ang nagseset ng mga rules para sa sarili ko. Hindi kailangan ng asawa ko na ipaalala sa akin ang aming commitment, ihohonor ko ito kahit na anong sitwasyon. Lalo na kapag wala siya,” kaswal na deklara ni Abby.“Lagi mo talaga akong napapahanga, Doctor,” bulong niya ng natatawa.“Hindi ko sinusubukan na pahangain ka, sir,” kontra ni Abby, dahilan para tumawa siya lalo.“Sana alam ng asawa mo ang iyong katapatan, Doctor,” naging seryoso siya.“Sinisiguro ko saiyo, Sir. Alam niya,” sumpa ni Abby, kung saan napatitig si Mr. Carlos ng matagal.Bumuntong hininga siya ng malalim at umayos sa pagkakaupo.“Well, naintindihan ko na ang punto mo at suko na ako. Hanggang sa susunod muli, doktor. Kailangan ko isalba ang pride ko sa ngayon,” hawak niya ang kanyang dibdib at ibinulong ang
May dugo din ako ng pagiging philanthropist, Dr. Sandoval. Makakatulong ako kung kailan mo man kailangan,” patuloy niya.“Anong kapalit, Mr. Carlos?” matapos ang matagal niyang katahimikan, nagsalita si Abby.“Wala, doctor. Tulad ng sinabi ko, gawain ito ng philanthropist,” Tinignan ng sinsero ni Mr. Carlos ang mga mata ni Abby na tila ba mandudukot ng mata.“Anong kailangan mo, Mr. Carlos?” Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa. Wala akong oras para dyan,” habang nakapahinga ang likod ni Abby sa high-back chair, nagsalikop ang mga kamay niya sa kanyang harap. Handa siyang makinig sa kahit na anumang kalokohan ng lalake sa harap niya.“Prangka ka talaga,” natawa si Mr. Carlos at nagrelax siya sa kanyang kinauupuan.“Interesado lang talaga ako sa mga mapagkawanggawa na gawain, doktor. At naniniwala ako na may kakayahan ako na tumulong,” sinsero siyang nakatitig at sinambit.“Hindi madaling magpatakbo ng ospital, pareho natin itong alam, doktor. Lalo na sa klase ng gusto mo. Ang gumawa n
“Anong kailangan mo, President Del Castillo?” tanong agad ni Abby sa oras na pumasok siya sa pinto ng opisina ng Chairman.Pinilit ni Abby na manatili sa opisinang ito ng pansamantala kaysa magkaroon ng sarili niya. Ang makasama si Lam ang pangunahing dahilan niya para sa comfort at privacy na higit pa sa mga binibigay nilang ideya.Ngunit, nagulat siya ng may isa pang tao na kasunod. Ang mga mata niya ay napunta sa lalake na nakilala niya sa lobby kahapon. Nagkatinginan sila pero wala siyang napala sa mga mata niyang walang ekspresyon.“Magandag araw din sa iyo, Dr. Abigail,” sagot ng lalake ng may panlalait pero hindi ito binigyan ng pansin ni Abby. Mas nag-aalala siya tungkol sa kasamang lalake ni Justin.Nanatili siyang nakaupo sa likod ng lamesa habang nakatitig sa kanya at si Kara naman ay nakatayo ng ilang dipa mula sa kanya. Ang babae ay walang pahiwatig ng kanyang iniisip. Hindi siya nakatingin sa kung sino habang nakatayo lamang sa kanyang puwesto.Sinulyapan ni Justin s