“Bakit nakatitig ka lang sa akin? Inlove ka na ba?” naghahanda sila na pumunta sa kumpanya at napansin ni Abby na nakatitig si Lam sa kanya habang inaayusan niya ang sarili niya sa maliit na vanity table.“O hindi ka kuntento sa one round sa shower?” dagdag niya pagkatapos humarap sa kanyang direksyon.Inaayos niya ang kamang nagulo kanina habang hinihintay matapos si Abby. Pareho silang nakasuot na ng pang-opisina pero abala pa si Abby sa makeup.Kaysa sumagot, tumawa siya at umiling-iling.“Nagsisimula ka ng magustuhan ako, tama? Kita ko sa ngiti mo,” patuloy ni Abby matapos hindi makakuha ng sagot mula sa kanya.“Gusto na kita kahit noon pa,” sagot ni Lam.“So, nagsisimula ka ng mahalin ako?” inulit niya ang sinabi niya at umiling-iling ulit si Lam.“Well, baka nagsisimula na din akong mahalin ka. Paguwapo ka ng paguwapo bawat araw. Hindi ko alam kung dahil ba nakatingin ako sa iyo dahil sa pag-ibig o dahil guwapo ka talaga,” mapaglaro niyang bulong habang nakatitig sa kanya
“Malalate ako,” nagsalita siya matapos ang tahimik na mga oras nila.“Wala akong alam tungkol sa iyo pero sa tingin ko mas matalino ang puso ko kaysa sa akin dahil mahal kita kahit na ganoon,” ngumiti si Abby habang hinihimas ang basang mga labi ni Lam.“Hindi ako masamang tao,” paalala niya.“Oo, alam ko,” sumangayon siya agad.Matapos bumuntong hininga lumayo siya at tumingin sa kanya.“Hindi ako makapaniwala na ako ang unang nahulog,” isinara niya ang kanyang mga labi. Kahit na ang tunog niya ay nagtatampo, napangiti rin siya ng matagal.“Bakit ang dating mo parang masa itong ideya?” pinisil ni Lam ng natutuwa ang ilong ni Abby bago tumayo.“Masyado akong madali para sa iyo,” dagdag ni Abby pero napatigil si Lam sa mga salita niya.“Lam!”Sigaw ng babae ng bigla siyang buhatin sa mga bisig niya at nakiliti ng mga halik niya sa leeg.“Lam! Tama na! Nakakakiliti. Masisira ang maganda kong buhok,” hindi siya makaiwas sa pagiging mapaglaro ni Lam habang maririnig sa buong pali
Humarap si Lam sa kanya at nagulat ng makita ang galit sa mala anghel niyang mukha.“Gusto ba ninyo na mag-away kaysa na pumasok sa school at mag-aral? Kung ganoon hahayaan ko kayo mag-away hanggang mamatay ang isa sa inyo!” ang boses niya ay mabagsik at ang mga lalakeng handa na mag-away kanina ay napapaatras na sa takot.“Pipiliin ninyo na maging basura sa kalsada kaysa maging hinaharap ng lungsod? Sige. Magaway kayo! Maglaban kayo hanggang sa wala na kayong depensahan ang sarili niyo. Ipinadala kayo sa school para magkaroon ng mas magandang hinaharap. Para bigyan kayo ng armas laban sa kahirapan sa kinalakihan ninyo. Pero anong ginagawa ninyo?!” galit na galit siya at ang boses niya ay dahilan para manginig sila sa takot.Tahimik na pinanood ni Lam ang nangyayari. Hindi makapaniwala sa lakas ng dating ni Abby sa mga batang mas malalaki at matangkad sa kanya.“Miss Abby, pasensiya na,” ang pinakamalaking lalake na mukhang pinuno ng isa sa mga grupo ng kalalakihan ay humakbang pal
“Pustahan tayo ito ang unang nakabubusog nilang pagkain buong linggo. Bihira ko sila makita dito ng ilang linggo na. Doon sila madalas na kumakain dahil abot kaya doon,” dagdag ng lalake.“Ginamit na naman nila ang allowance nila sa ibang bagay,” bumuntong hininga si Abby at bumulong.“Narinig ko na ang nanay ni Leo ay may sakit. Alam mo naman ang mga lalakeng ito, kahit na mga pasaway sila, binabantayan nila ang isa’t isa. Nagpacheckup si Milagros kahapon at ibinili pa siya ng gamot. Ang mga lalake ay siguradong inipon ang mga allowance nila para tulungan siya.”Napahinga ng malalim si Abby sa sinabi ng lalake. Hinanap niya si Leo sa grupo ng kalalakihan na tahimik na kumakain ng may isang bag ng soup sa tabi niya.“Salamat, Mr. Galvez. Kukumustahin ko si Milagros mamaya. Mauuna na kami.”Bago tumalikod, tinignan niya ng isa ng beses pa nag mga lalake. Hindi niya alam na pinapanood siya ni Lam.“Mga pasaway,” bulong ni Lam habang patuloy silang naglalakad patungo sa kalye.“Ang
“Bakit ba ang hirap nito lolo?”Bulong ni Abby habang blangkong nakatingin sa babasaging pader ng opisina ng chairman. Matapos makipagkita sa finance director at nakakuha ng negatibong balita tungkol sa proyekto na may kinalaman sa ospital, tumungo siya sa opisina ng lola niya para pakalmahin ang kanyang sarili. Bukod pa doon, para makahanap ng oras para maging mapag-isa habang walang kasama.“Hindi kita puwede biguin,” patuloy niya habang maluha-luha ang mga mata. Kung wala ang pagsangayon ng Board of Directors, ang Fuentebella District Hospital ay mananatili sa kawawa nitong lagay.“Anong namiss mo, Abigail?” pinahihirapan niya ang kanyang sarili sa financial dilemma.Kahit na gusto niyang maniwala na ang kumpanya ay may kikitain para sa kamakailan nitong investments, may parte niya na nagdududa dito.Babad na babad siya sa kanyang mga isip at hindi napansin na bumukas ang pinto.“Anong…?” nagulat siya ng may mga bisig na yumakap sa kanya. Ang klase ng yakap na minsan siyang p
Sumigaw siya sa kanyang isip habang ang kamay niya ay nililibot na ang kanyang katawan.Hindi niya inaasahan na nakakadiri ang hawak niya. Minsan na silang naging intimate noon pero iba na ngayon.“Anong ginagawa ninyo!?”Isang malakas na boses ang dumagungdong sa kuwarto, napatalong si Justin palayo mula kay Abby.Kahit na hirap na hirap siyang huminga, napatingin si Justin sa pinto kung saan nakita niya ang galit na galit niyang nanay na nakapamewang.“Anong nangyayari dito?!” ang mga mata ni Simone ay nakatingin sa dalawang tao na nakita niya sa sitwasyon.Kahit ang mga labi ni Abby ay namamaga dahil sa malinaw nilang ginawa. Nakita ni Simone ang lahat maliban sa mga luha ni Abby.“Sinubukan akong akitin ni Abby, Ma,” mabilis na paliwanag ni Justin, nagalit si Simone.“Tang ina mo!” pero nagulat siya dahil sinuntok siya ni Abby, ang kamao niya ay tumama sa mukha ni Justin.“Justin!” nagulat si Simone at sumigaw ng makita ang dugong tumutulo sa ilong niya.“Ikaw na puta ka!
Isinama ni Lam si Abby sa ibang lugar para pakalmahin siya at ayusin ang bun niya. Mabilis niya itong inayos kung saan napangiti si Abby.“Naayos na,”bulong niya ng masaya habang nakatingin sa salamin.Nasa tagong parte sila ng lobby at ang malaking salamin na pader ay nagagawa ang layunin niya. Matapos ang masalimuot na engkuwentro kasama ang nanay ni Justin, hindi na niya gustong manatili sa parehong floor kung nasaan sila. Pakiramdam niya nakakulong siya.Kaya napagdesisyunan ni Lam na dalhin siya sa lobby para may space siya na kailangan niya.“Kumusta ang pakiramdam mo ngaoyn?” mahina niyang tanong habang inilalagay ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng kanyang tenga.“Mas maganda na ang pakiramdam ko ngayon. Salamat sa iyo,” lumapit siya lalo sa dibdib niya at huminga ng malalim para amuyin siya.Mahinhin niyang hinimas ang likod niya habang magkatabi sila. Parehong kuntento ang dalawa habang magkayakap lang. Nawala si Abby sa sarili niya sa sarap ng pakiramdam at stead
“Walang hihingi ng kapatawaran mula sa iyo,” galit niyang sinabi habang humigpit ang kapit niya sa manibela.“Entitled ka sa nararamdaman mo sa kanila,” dagdag ni Lam habang hawak ang kanyang kamay na nasa hita niya.Ngumiti sila sa isa’t isa at kumportable sa katahimikan ng biyahe. Kahit pagkatapos magparking, walang nagsalita.Pero, bago sila dumating sa lobby, nagsimula dumating ang mga sasakyan. Tumigil sila habang pinapanood ang komosyon.“May emergency meeting ang Board of Directors?” tanong niya sa sarili niya habang inaalala ang schedule.Mabilis kumilos ang mga tao, lumabas sila ng sasakyan at pumasok sa gusali na nakakagulantang. Mukhang may emergency na nangyayari sa loob.“Tara na,” nagmadali siya pumasok pero umakyat na ang lahat sa kung saan matatagpuan ang boardroom.Habang hatak ang kamay ni Lam, nagmadali sa paglalakad si Abby sa takdang lokasyon.“Anong nangyayari, Tessie? Bakit nagmamadali ang Board?” agad niyang tanong matapos makita ang babae sa opisinang p
“Wow, nakakatulala. Ang laki ng diamante!” hanggang sinabi ni Karen.“Ilang carats ito?” tanong ni Simone sa staff. Hindi dahil sa nakalimutan niya pero dahil gusto niyang magyabang.“Five carats in VSI1 clarity, Madame.”“Wow, kahanga-hanga. Kaya pala ang mahal nito,” bulong ni Alice, kinuha ang singsing para isuot sa daliri niya.Kumikinang sa mga mata niya ang nag-iisang bato.“Binayaran na ito ng buo ni Justin,” mayabang na anunsiyo ni Simone habang sinusulyapan si Lam.“Isusuot ko na ngayon,” deklara ni Alice ahbang nakataas ang kamay niya sa ere.“Well, may mga cheap sila na diamante para bayaran ng asawa mo, Abigail,” ngumiti si Karen.“Anuman ang mayroon siya, pera pa din ito ng Fuentebella. Si Abigail pa din ang bumibili para sa sarili niya,” tumaas ang kilay ni Simone ng mapanglait habang tumataw ang dalawa.Ineenjoy nila ang panlalait habang sina Abby at Lam ay nananatiling hindi nababagabag.“Dahil may pera kayo ngayon at ako ay wala, ikaw ang magbayad ng mga sing
“Puwede ba natin tignan ang loob?” maingat ang tanong ni Abby kay Lam noong tumigil siya sa labas ng isa sa mga jewelry shops sa mall.Humarap si Lam sa loob ng salamin. Ang shop ay halos walang tao.“Siyempre,” ngumiti siya at humakbang para hatakin si Abby papasok.Maraming iba’t ibang klase ng mga mamahaling alahas ang nakadisplay sa mga istante at kumikinang sila sa liwanag ng ilaw, natuwa ng husto ang itsura ni Abby.“Welcome sa Symphony Diamonds,” bati ng staff habang nakatingin sila sa paligid bagay kung saan magalang silang sumagot.Pinanood ni Lam ang nasasabik na mukha ni Abby habang sinusuri ang mga piraso ng diamond-studded collections. Ang kahinaan ng babae. Diamante.“Anong balak mong bilhin?” tanong niya habang kasama siyang tumitingin sa loob ng mga salamin sa istante.“Puwede ba?” napalingon ang ulo ni Abby sa direksyon ni Lam.“Bakit hindi? Maganda sila,” kibit balikat niya.Ilang sandali na tumitig si Abby sa kanya ng walang sinasabi, mukhang inaalam niya an
“Nakakailang iyon,” buntong hininga niya ng maluwag matapos silang makapasok sa sasakyan.“Bakit ka hindi mapakali? Wala iyon sa kanila, moppet ko,” natutuwa siya sa kakaiba niyang ugali simula ng lumabas sila ng apartment.May bahid ng pink ang mga pisngi niya at alam ni Lam na hindi siya naglalagay ng makeup.Dahil pasado tanghalian na, ang karamihan sa restaurant at café sa paligid ay wala halos tao, nakahinga siya ng maluwag dahil dito. Wala siya sa mood na mapaligiran ng maraming tao.Tahimik silang kumain habang nag-uusap ng kaunti.Ang tunay na hirap ay nagsimula ng makarating sila sa kumpanya.“Welcome back, Chairman Cartagena,” ang bati ni Justin ay may panlalait at ang mga mata niya ay nalipat kay Abby. Pumasok ang magkasintahan ng magkahawak kamay.Tumango lang si Lam sa kanya ng hindi tumitigil at hindi natuwa ang lalake dito.“Puro ka chikinini, Dr. Sandoval. Nakakagulat,” malakas ang boses ni Justin kung saan nairirnig siya ng mga tao sa lobby.“Wala ka ng pakiel
Paano niyang haharapin ang mga kapitbahay niya at si Kara bukas, hindi pa din niya alam.Ang mahalaga sa kanya ngayon ay nakabalik na si Lam.Totoo na si Kara ay hindi makapaniwala matapos ang unang mga ungol na narinig niya mula sa kuwarto. Dapat aalis na siya ng dumating si Lam pero tinatamad siyang bumangon. Pero ng marinig niya ang ungol ni Lam at Abigail na dumadagungdong sa buong apartment, nagmamadali niyang inimpake ang cot niya.“Anong ginagawa mo dito ng gitna ng gabi?” kontrolado ang boses ni Kara habang tinititigan ng masama ang lalakeng gumulat sa kanya ng buksan niya ang pinto.“Iniisip ko na baka mainggit ka sa ginagawa ni Lucas at Abigail kaya pumunta ako,” habang mukhang tanga na nakangiti at arogante, nagpaliwanag siya.“Urgh…” Dahil sa hindi madaming beses na nangyari ito, napayuko sa sakit si Carl dahil sa suntok na tinamo niya mula kay Kara sa kanyang sikmura.“Hindi ka talaga natututo, Carl Petrov,” galit niyang sinabi bago siya itinulak.Habang hawak ang s
Masalimuot ang paghihintay ni Abigail. Ang apat na araw na delay na kanyang inaasahan ay naging mahigit sa isang linggo.Habang patindi ng patindi ang pangungulila niyak ay Lam, may mga gabi na umiiyak siya hanggang sa makatulog. Tulad ngayong gabi, basa pa ang mga mata niya ng siya ay makatulog na.Tulad ng karamihan sa mga gabi, nananaginip siya na nagmamahalan sila ni Lam. Namimiss na niya ito ng sobra at halos nararamdaman niya ang kanyang mga halikan.Namilipit siya sa sarap habang hinayaan niyang halikan siya sa leeg, ineenjoy ang mga kagat niya sa kanyang balat.“Ahhn…” ungol niya ng may pares ng mga lalakeng pumasok sa damit niyang suot. Nililibot nito ang hubad niyang katawan sa loob.Nilalamas siya at hinahawakan. Pagkatapos, bumukas bigla ang kanyang mga mata.“Panaginip lang ba ito?” bulong niya habang kinukumusta ang kanyang sarili.May mabigat na nakadagan sa kanya at may tunay na nakahawak sa dalawa niyang bundok.“Lam…” bulong niya habang maluha-luha.“Nandito
“Siyempre. Akong bahala,” balik na siya sa masayahin niyang mood at kumindat muli sa kanya.“May problema ka ba sa mga mata mo?” hindi makapaniwala si Kara sa kanyang ugali.Nawala ang ngiti ng lalake sa sinabi ni Kara.“Wala ka talagang sense of humor, Stepanov. Chill ka lang kahit kaunti pambihira naman. Mas tumatanda ka lalo kaysa sa kapatid mo,” panlalait niya ng nakatitig ng masama.“Kasi mukha kang tanga, papikit pikit ka pang nalalaman,” titig ng masama ni kara sa lalake habang nasisindak sa ginawa niya.“Ang tawag doon ay kindat,” hindi siya makapaniwala sa pagiging ignorante niya o baka insulto ito. Pero dahil kilala niya si Kara, alam niyang insulto ito.“Wala akong pakielam, hindi ito bagay sa iyo,” umirap siya ng hindi makapaniwala.“Ito talaga,” inabot niya ang likod ng pantalon niya para sa kanyang wallet.“Heto,” Kinuha niya ang kamay ni Kara at naglagay ng itim na card sa palad niya.“Para saan ito?” napapaisip siya ng husto kung bakit ibinigay niya ang kanyang
“Asawa ko lang ang sasamahan ko kumain o kaya samahan kahit saan,” tumanggi si Abby sa kanyang alok.“Hindi niya malalaman,” pilit niya habang nakasingkit ang kanyang mga mata.“Pero alam ko, Mr. Carlos. Ako ang nagseset ng mga rules para sa sarili ko. Hindi kailangan ng asawa ko na ipaalala sa akin ang aming commitment, ihohonor ko ito kahit na anong sitwasyon. Lalo na kapag wala siya,” kaswal na deklara ni Abby.“Lagi mo talaga akong napapahanga, Doctor,” bulong niya ng natatawa.“Hindi ko sinusubukan na pahangain ka, sir,” kontra ni Abby, dahilan para tumawa siya lalo.“Sana alam ng asawa mo ang iyong katapatan, Doctor,” naging seryoso siya.“Sinisiguro ko saiyo, Sir. Alam niya,” sumpa ni Abby, kung saan napatitig si Mr. Carlos ng matagal.Bumuntong hininga siya ng malalim at umayos sa pagkakaupo.“Well, naintindihan ko na ang punto mo at suko na ako. Hanggang sa susunod muli, doktor. Kailangan ko isalba ang pride ko sa ngayon,” hawak niya ang kanyang dibdib at ibinulong ang
May dugo din ako ng pagiging philanthropist, Dr. Sandoval. Makakatulong ako kung kailan mo man kailangan,” patuloy niya.“Anong kapalit, Mr. Carlos?” matapos ang matagal niyang katahimikan, nagsalita si Abby.“Wala, doctor. Tulad ng sinabi ko, gawain ito ng philanthropist,” Tinignan ng sinsero ni Mr. Carlos ang mga mata ni Abby na tila ba mandudukot ng mata.“Anong kailangan mo, Mr. Carlos?” Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa. Wala akong oras para dyan,” habang nakapahinga ang likod ni Abby sa high-back chair, nagsalikop ang mga kamay niya sa kanyang harap. Handa siyang makinig sa kahit na anumang kalokohan ng lalake sa harap niya.“Prangka ka talaga,” natawa si Mr. Carlos at nagrelax siya sa kanyang kinauupuan.“Interesado lang talaga ako sa mga mapagkawanggawa na gawain, doktor. At naniniwala ako na may kakayahan ako na tumulong,” sinsero siyang nakatitig at sinambit.“Hindi madaling magpatakbo ng ospital, pareho natin itong alam, doktor. Lalo na sa klase ng gusto mo. Ang gumawa n
“Anong kailangan mo, President Del Castillo?” tanong agad ni Abby sa oras na pumasok siya sa pinto ng opisina ng Chairman.Pinilit ni Abby na manatili sa opisinang ito ng pansamantala kaysa magkaroon ng sarili niya. Ang makasama si Lam ang pangunahing dahilan niya para sa comfort at privacy na higit pa sa mga binibigay nilang ideya.Ngunit, nagulat siya ng may isa pang tao na kasunod. Ang mga mata niya ay napunta sa lalake na nakilala niya sa lobby kahapon. Nagkatinginan sila pero wala siyang napala sa mga mata niyang walang ekspresyon.“Magandag araw din sa iyo, Dr. Abigail,” sagot ng lalake ng may panlalait pero hindi ito binigyan ng pansin ni Abby. Mas nag-aalala siya tungkol sa kasamang lalake ni Justin.Nanatili siyang nakaupo sa likod ng lamesa habang nakatitig sa kanya at si Kara naman ay nakatayo ng ilang dipa mula sa kanya. Ang babae ay walang pahiwatig ng kanyang iniisip. Hindi siya nakatingin sa kung sino habang nakatayo lamang sa kanyang puwesto.Sinulyapan ni Justin s