Nagising ako na wala na si Miguel sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi. Dumapo ang paningin ko sa mga gamit niya, naroon pa rin. Umahon ako sa kama at inayos ito bago ako lumabas para pumunta sa kwarto ko. Pagpasok ko sa loob ng kwarto, dumiretso ako sa malaking salamin upang tingnan ang sarili ko. Namamaga ang mga mata ko. Mabuti na lang at hindi niya napansin ang pag-iyak ko kagabi. Napasinghap ako nang biglang sumagi sa isipan ko ang mga sinasabi niya. Ikakasal na siya sa iba. Ako ang gusto niyang pakasalan pero sa iba niya 'yon tutuparin. Napakagat labi ako nang naramdaman ang muling pagsakit ng puso ko. Nanunuot ang sakit sa dibdib habang pinapakinggan ko siya. Binuksan ko ang bintana ng kwarta upang makalanghap ng sariwang hangin. Agad ko itong isinara nang natanaw sa labas si Miguel. May kasama siyang babae. Nakapulupot ang mga kamay nito sa baywang niya. Napatingin ako sa pinto nang napansin kong may may kumakatok. Dali-dali akong nagtungo ro
Nagtatakang tumingin si Monica sa amin. Pilit akong ngumiti habang inaalis ang kamay ni Seb sa baywang ko. Tumikhim si Miguel kaya nakuha niya ulit ang atensiyon ko. "Let's go, Mon. They're having their date. Let them be," malamig na sabi ni Miguel. Ngumiti siya at hinila si Monica paalis. "Enjoy! May pupuntahan muna kami!" pahabol na sabi ni Monica habang kumakaway sa amin. "Kaibigan mo ba talaga siya o -" "Shut up! Kung hindi mo lang sana ako nilibre baka nasuntok na kita," iritableng sabi ko at umupo para ipagpatuloy ang pagkain. Tinawanan lang ako ni Seb. Panay ang tingin niya sa akin habang kumakain kami. Tititigan niya ako at tatawanan. Pasalamat siya at kaya ko pang pigilan ang sarili kong manapak kahit kanina pa ako napipikon. Pagkatapos namin kumain, niyaya ako ni Seb na pumunta sa bar ng isla. Gusto niya raw uminom. Sasama ako sa kaniya pero hindi ako iinom. Nilakad lang namin ang bar na sinasabi niya. Malapit lang kasi ito sa pinagkainan namin. "Hindi ka ba talaga ii
Nagising ako na nakagapos na ang mga kamay at paa ko. May takip ang aking bibig. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita si Seb, nakatali rin ang mga paa at kamay niya. Ginala ko ang aking paningin sa lugar. Hindi ko alam kung nasaan kami. Mabaho, marumi, at malangsa ang paligid. Nakakabingi ang katahimikan. Dumapo ang paningin ko sa pinto nang bumukas ito. Bumilis agad ang tibok ng puso ko nang may nakita akong lalaking pumasok. Nakasuot siya ng maskara. "I'm back, Caroline." Halos lumuwa ang mata ko nang tanggalin ng lalaki ang suot niyang maskara at hubarin ang suot na damit. Hindi ko siya makila dahil napuno ng peklat ang buong katawan niya. Unti-unting nagsitayoan ang lahat ng balahibo ko habang pinagmamasdan ang katawan niya. "I'm back, Anastasia!" Marahas niyang inalis ang telang nakatakip sa bibig ko. "Ken?" Hindi makapaniwalang sambit ko habang nasa katawan niya pa rin ang paningin ko. "Namimiss mo ba ako?" tanong niya at naglakad palapit sa akin. "Tingnan mo ang buong kata
Kumuha ng isang baldeng tubig si Ken at binuhos ito kay Sebastian. Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Seb. Nanlalaki ang mga mata niya nang nakitang nakagapos ako, ganoon din siya. "Caroline!" sambit niya habang nagpupumiglas. Dumapo ang paningin niya kay Ken. "S-Sino ka? Saan mo kami dinala?!" "Secret," sagot ni Ken gamit ang mapang-asar niyang boses. "Pakawalan mo kami rito! Papatayin kita kapag nakatakas ako!" sigaw ni Sebastian. "Kung makakaalis ka pa ng buhay." Ngumiti si Ken bago sinipa ang mukha ni Seb. "Ken! Just let him go! Ako lang naman ang kailangan mo!" pilit kong ginalaw ang mga kamay ko kahit nakatali ang mga 'to. Hindi pa nakuntento si Ken sa ginawa niya. Sinuntok niya ang iba't ibang parte ng katawan ni Seb. Namamaos na ang boses ko sa kasisigaw pero parang wala lang ang 'yon sa kaniya. Binigyan si Ken ng sigarilyo at lighter ng tauhan niya. Agad niyang sinimsim ang sigarilyo at binugahan ng usok ni Seb. Napapubo naman si Seb habang hinahabol niya ang paghing
Napaupo si Miguel sa lupa habang nakahawak ang isa niyang kamay sa likod niya. Tatayo na sana siya nang palohin siya ulit ni Ken ng kahoy. "Sisiguradohin kong mamamatay ka ngayong araw!" sigaw ni Ken. Pinagtulongan nilang bugbogin si Miguel. Walang awang pinaulanan ito ni Ken ng malalakas na sipa at suntok. Hindi pa sila nakuntento, itinali nila ang katawan niya sa malaking puno. Tinakpan ang ulo ng sako habang binubugbog nila ang katawan ni Miguel. Wala akong ibang nagawa kundi pagmasdan sila sa pangbubugbog kay Miguel habang umiyak at sumisigaw. Namamaos na ang boses ko at masakit na rin ang lalamunan ko. Parang demonyong tumatawa si Ken nang alisin niya ang sako sa ulo ni Miguel. Tinanggal niya ang nakataling lubid sa katawan ni Miguel at marahas itong hinila papasok sa lumang bahay kung saan nakakulong si Seb. Napadilat ako ng mata nang naramdaman ko ang masakit na sikat ng araw. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog ako. Iginalaw ko ang mga kamay ko, pero walang
"Bakit ako ang sisisihin ng pamilya nila?" tanong ko kay Dad. "Dahil nangyari ang lahat ng 'to kung hindi dahil sa 'yo, Caroline! Gusto kang kunin ni Ken Salazar pero buhay nila ang nalagay sa alanganin! If Miguel Damien Montevallo is dead, Caroline. You think the Mercedez and Montevallo... will let us live? When their sons are dead?" "No, Dad. Hindi pa patay si Miguel. Buhay pa siya at kailangan niya ang tulong natin!" sigaw ko. "We need to leave, Caroline. You are leaving the country. Right now, Caroline. Right now. Right. Now." "I don't understand! Bakit kailangan ko pang umalis ng bansa? Kung ako ang sisisihin nila, willing akong magsalita!" Humigpit ang paghawak ni Daddy sa braso ko. Napalingon ako sa mga tauhan niya. Pinalilibotan nila kami imbes na patayin ang apoy sa lumang bahay at iligtas si Miguel. "Aalis na tayo," sabi ni Daddy. Hinubad niya ang jacket niya at pinasuot ito sa akin."Dalhin siya," utos niya sa mga tauhan niya. "This is kidnapping!" I said
Lumabas ang isa sa mga bodyguards at pinagbuksan ako ng pintuan. I watched him look at the door, refusing an eye contact. Suminghap ako at wala pa sa sariling lumabas. It was like they are waiting for me to completely head out. Nang pumasok na ang bodyguard, napaatras ako dahil umaandar ang sasakyan at humarurot palabas. The door immediately shut right after the car left. And a few seconds after, the whole vessel started moving. Hindi ako makagalaw sa kung nasaan ako. The whole thing just slammed into my face when I woke up just this morning. Inabot ako ng ilang oras sa kinatatayuan ko para lang isipin kung totoo ba o hindi ang nangyayari. I sighed and only moved when I felt my stomach growl from hunger. I rummaged through the bag I have at nakita ko na may mga gamit doon. Isang ticket sa cruise at iilang kakailanganin ko sa ilang araw na paglalakbay. All it looked like they were shoved inside recklessly. Para bang nagmamadali ang kung sino man ang nag-impake noon. It was my first
I cried a lot until I could not cry anymore. Pakiramdam ko ubos na ubos na ang luha ko. Recalling what happened between me and Miguel, I remembered that he was always particular with protection. Napasinghap ako nang naalala ang nangyari sa sasakyan. That was the last time na ginawa namin 'yon. This is all my fault. Kung hindi lang sana nangibabaw ang nararamdaman ko sa mga oras na 'yon, hindi siguro ako mabubuntis. Hindi niya gusto ang batang 'to. He may have wanted me but that does not mean he wants a child with me. Pero ano ang ginawa ko? Hinayaan ko ang sarili kong magpatalo sa nararamdaman ko. I was the one who did this. He never wanted this. Nagsimula na namang mangilid ang mga luha ko nang napagtanto na ang ama ng dinadala ko ay maari ngang nasa panganib. Dahil iyon sa akin. Mas pinili niyang isakripisyo ang buhay niya para sa kaligtasan ko. Then a part of me felt guilty, for thinking that I did not want it. I did not want it because I am not ready. I did not plan to have it a