Umupo ako sa kama pagkatapos kong magbihis habang si Miguel naman ay hindi pa tapos maligo. Napalingon ako sa cellphone niya nang napansin kong may tumatawag. Tumayo ako upang tingnan 'yon. "Love?" sambit ko nang nakita ang pangalan ng caller. Ibinalik ko ito sa ibabaw ng mesa nang hindi ko na narinig ang tunog ng shower. "Ayos ka lang ba? Para kang nakakita ng multo," bulalas niya paglabas galing sa banyo. Niyakap ko ang aking sarili nang naramdaman ko ang malamig na hangin galing sa labas. "Kumportable ka ba sa suot?" tanong niya nang tapos na siyang magbihis. Tumango ako. Nakatingin pa rin ako sa cellphone niya. Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko. Gusto kong makilala ang babaeng pinalit niya sa akin. Bahala na kung desperada ako. "Matulog ka na. May tatawagan lang ako," sabi niya at kinuha ang cellphone. "Sige," tipid kong sagot bago humiga sa kama. Lumabas siya ng kwarto. Baka tatawagan niya ang girlfriend niya. Isinara niya ang pinto. Dahil curious
Nagising ako na wala na si Miguel sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi. Dumapo ang paningin ko sa mga gamit niya, naroon pa rin. Umahon ako sa kama at inayos ito bago ako lumabas para pumunta sa kwarto ko. Pagpasok ko sa loob ng kwarto, dumiretso ako sa malaking salamin upang tingnan ang sarili ko. Namamaga ang mga mata ko. Mabuti na lang at hindi niya napansin ang pag-iyak ko kagabi. Napasinghap ako nang biglang sumagi sa isipan ko ang mga sinasabi niya. Ikakasal na siya sa iba. Ako ang gusto niyang pakasalan pero sa iba niya 'yon tutuparin. Napakagat labi ako nang naramdaman ang muling pagsakit ng puso ko. Nanunuot ang sakit sa dibdib habang pinapakinggan ko siya. Binuksan ko ang bintana ng kwarta upang makalanghap ng sariwang hangin. Agad ko itong isinara nang natanaw sa labas si Miguel. May kasama siyang babae. Nakapulupot ang mga kamay nito sa baywang niya. Napatingin ako sa pinto nang napansin kong may may kumakatok. Dali-dali akong nagtungo ro
Nagtatakang tumingin si Monica sa amin. Pilit akong ngumiti habang inaalis ang kamay ni Seb sa baywang ko. Tumikhim si Miguel kaya nakuha niya ulit ang atensiyon ko. "Let's go, Mon. They're having their date. Let them be," malamig na sabi ni Miguel. Ngumiti siya at hinila si Monica paalis. "Enjoy! May pupuntahan muna kami!" pahabol na sabi ni Monica habang kumakaway sa amin. "Kaibigan mo ba talaga siya o -" "Shut up! Kung hindi mo lang sana ako nilibre baka nasuntok na kita," iritableng sabi ko at umupo para ipagpatuloy ang pagkain. Tinawanan lang ako ni Seb. Panay ang tingin niya sa akin habang kumakain kami. Tititigan niya ako at tatawanan. Pasalamat siya at kaya ko pang pigilan ang sarili kong manapak kahit kanina pa ako napipikon. Pagkatapos namin kumain, niyaya ako ni Seb na pumunta sa bar ng isla. Gusto niya raw uminom. Sasama ako sa kaniya pero hindi ako iinom. Nilakad lang namin ang bar na sinasabi niya. Malapit lang kasi ito sa pinagkainan namin. "Hindi ka ba talaga ii
Nagising ako na nakagapos na ang mga kamay at paa ko. May takip ang aking bibig. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita si Seb, nakatali rin ang mga paa at kamay niya. Ginala ko ang aking paningin sa lugar. Hindi ko alam kung nasaan kami. Mabaho, marumi, at malangsa ang paligid. Nakakabingi ang katahimikan. Dumapo ang paningin ko sa pinto nang bumukas ito. Bumilis agad ang tibok ng puso ko nang may nakita akong lalaking pumasok. Nakasuot siya ng maskara. "I'm back, Caroline." Halos lumuwa ang mata ko nang tanggalin ng lalaki ang suot niyang maskara at hubarin ang suot na damit. Hindi ko siya makila dahil napuno ng peklat ang buong katawan niya. Unti-unting nagsitayoan ang lahat ng balahibo ko habang pinagmamasdan ang katawan niya. "I'm back, Anastasia!" Marahas niyang inalis ang telang nakatakip sa bibig ko. "Ken?" Hindi makapaniwalang sambit ko habang nasa katawan niya pa rin ang paningin ko. "Namimiss mo ba ako?" tanong niya at naglakad palapit sa akin. "Tingnan mo ang buong kata
Kumuha ng isang baldeng tubig si Ken at binuhos ito kay Sebastian. Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Seb. Nanlalaki ang mga mata niya nang nakitang nakagapos ako, ganoon din siya. "Caroline!" sambit niya habang nagpupumiglas. Dumapo ang paningin niya kay Ken. "S-Sino ka? Saan mo kami dinala?!" "Secret," sagot ni Ken gamit ang mapang-asar niyang boses. "Pakawalan mo kami rito! Papatayin kita kapag nakatakas ako!" sigaw ni Sebastian. "Kung makakaalis ka pa ng buhay." Ngumiti si Ken bago sinipa ang mukha ni Seb. "Ken! Just let him go! Ako lang naman ang kailangan mo!" pilit kong ginalaw ang mga kamay ko kahit nakatali ang mga 'to. Hindi pa nakuntento si Ken sa ginawa niya. Sinuntok niya ang iba't ibang parte ng katawan ni Seb. Namamaos na ang boses ko sa kasisigaw pero parang wala lang ang 'yon sa kaniya. Binigyan si Ken ng sigarilyo at lighter ng tauhan niya. Agad niyang sinimsim ang sigarilyo at binugahan ng usok ni Seb. Napapubo naman si Seb habang hinahabol niya ang paghing
Napaupo si Miguel sa lupa habang nakahawak ang isa niyang kamay sa likod niya. Tatayo na sana siya nang palohin siya ulit ni Ken ng kahoy. "Sisiguradohin kong mamamatay ka ngayong araw!" sigaw ni Ken. Pinagtulongan nilang bugbogin si Miguel. Walang awang pinaulanan ito ni Ken ng malalakas na sipa at suntok. Hindi pa sila nakuntento, itinali nila ang katawan niya sa malaking puno. Tinakpan ang ulo ng sako habang binubugbog nila ang katawan ni Miguel. Wala akong ibang nagawa kundi pagmasdan sila sa pangbubugbog kay Miguel habang umiyak at sumisigaw. Namamaos na ang boses ko at masakit na rin ang lalamunan ko. Parang demonyong tumatawa si Ken nang alisin niya ang sako sa ulo ni Miguel. Tinanggal niya ang nakataling lubid sa katawan ni Miguel at marahas itong hinila papasok sa lumang bahay kung saan nakakulong si Seb. Napadilat ako ng mata nang naramdaman ko ang masakit na sikat ng araw. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog ako. Iginalaw ko ang mga kamay ko, pero walang
"Bakit ako ang sisisihin ng pamilya nila?" tanong ko kay Dad. "Dahil nangyari ang lahat ng 'to kung hindi dahil sa 'yo, Caroline! Gusto kang kunin ni Ken Salazar pero buhay nila ang nalagay sa alanganin! If Miguel Damien Montevallo is dead, Caroline. You think the Mercedez and Montevallo... will let us live? When their sons are dead?" "No, Dad. Hindi pa patay si Miguel. Buhay pa siya at kailangan niya ang tulong natin!" sigaw ko. "We need to leave, Caroline. You are leaving the country. Right now, Caroline. Right now. Right. Now." "I don't understand! Bakit kailangan ko pang umalis ng bansa? Kung ako ang sisisihin nila, willing akong magsalita!" Humigpit ang paghawak ni Daddy sa braso ko. Napalingon ako sa mga tauhan niya. Pinalilibotan nila kami imbes na patayin ang apoy sa lumang bahay at iligtas si Miguel. "Aalis na tayo," sabi ni Daddy. Hinubad niya ang jacket niya at pinasuot ito sa akin."Dalhin siya," utos niya sa mga tauhan niya. "This is kidnapping!" I said
Lumabas ang isa sa mga bodyguards at pinagbuksan ako ng pintuan. I watched him look at the door, refusing an eye contact. Suminghap ako at wala pa sa sariling lumabas. It was like they are waiting for me to completely head out. Nang pumasok na ang bodyguard, napaatras ako dahil umaandar ang sasakyan at humarurot palabas. The door immediately shut right after the car left. And a few seconds after, the whole vessel started moving. Hindi ako makagalaw sa kung nasaan ako. The whole thing just slammed into my face when I woke up just this morning. Inabot ako ng ilang oras sa kinatatayuan ko para lang isipin kung totoo ba o hindi ang nangyayari. I sighed and only moved when I felt my stomach growl from hunger. I rummaged through the bag I have at nakita ko na may mga gamit doon. Isang ticket sa cruise at iilang kakailanganin ko sa ilang araw na paglalakbay. All it looked like they were shoved inside recklessly. Para bang nagmamadali ang kung sino man ang nag-impake noon. It was my first
Hi, everyone! I just uploaded the epilogue. Balak ko sanang dagdagan ng special chapters, pero baka huwag na lang. Gusto niyo? HAHAHAHA I'm planning to write a novel sa mga anak kasi nila. Kung sisipagin, gagawan ko ng story sina Kalix, Marco, Morgan, at Maximo. So, bali naka-series po siya. What do you think? Kindly comment below your suggestions. Thank you!🥹🤍 To all my readers who read this book until the end, maraming salamat sa pagsubaybay ng kwentong pag-ibig nina Miguel at Caroline. Sana patuloy ninyo pa rin akong susuportahan sa mga susunod ko pang mga libro. Pasensiya na po sa mga typographical at grammatical errors. Love, Deigratiamimi 🤍
Abot langit ang sayang nararamdaman ko nang tumugma ang DNA Test Results naming dalawa ni Kalix. Lahat ng hinanakit ko para sa bata ay biglang naglaho. Mas lalo akong naging pursigidong makuha uli ang loob ni Caroline. I want to win her heart again. Itatama ko ang lahat ngayong alam kong may anak pala kami. Worth it lahat ng mga pagtitiis ko. Kaya siguro ako baliw na baliw sa kaniya dahil may koneksiyon pa rin kami sa isa't isa. At 'yon ay ang anak namin. Pinagmasdan ko si Caroline na nakikipagkulitan sa anak namin. Hindi ko mapigilang matawa sa tuwing naaalala ko kung paano ako nag-propose sa kaniya. Sa tindi ng selos ko ay hindi ko mapigilang mag-propose sa kaniya kahit nasa ganoong sitwasyon kami. Gusto kong patunayan sa buong mundo na pagmamay-ari ko lang siya. Wala akong pakialam kung obsess ako sa kaniya. "Dahan-dahan baka mabinat ka," saad ko pagpasok niya sa loob ng kotse. She's six months pregnant. I made sure she would get pregnant right after our wedding. I never expecte
She's happy with someone else now. Hindi ko kayang sirain ang pamilya niya. Nakita ko lang siyang masaya kasama ang ibang tao, bigla akong natakot. Umatras lahat ng katapangan kong bawiin siya. Pakiramdam ko, kapag binawi ko siya uli, sisirain ko lang ang binuo niyang pamilya. "Babalik na ako sa Pilipinas. Bantayan niyo siya ng maigi. Masaya na ako kapag alam kong nasa mabuti siyang kalagayan," mapait kong saad kay Seb bago siya tinalikuran. Years had passed. Hindi ko pa rin siya nakakalimutan kahit ilang babae naang naka-date ko. Araw-araw ko pa rin tinatanong sa mga tauhan ko ang tungkol sa buhay niya. I'm madly in love with her. I helped her family regain the popularity and increase their sales. Nag-invest ako sa kompanya nila ayon sa plano. Napag-alaman ko kasi na pagmamay-ari pala ng ina niya ang Brooks Industries. Nakasulat ito sa last will ng yumaong ama ni Tita Roxanne. Pero binago nila ang pangalan ng kompanya. Abala ako sa pagbabasa ng mga reports nang bigla na lang puma
Simula nang nakita ko ang sekretong kwarto na 'yon sa CR nila. Halos araw-araw ko ng binibisita si Cecile. Mas lalo ko pang ginalingan ang pagpapanggap na interesado ako sa kaniya para hindi niya mahalata na iba pala ang pakay ko. "Seb, I need your help," diretsong sabi ko nang sagotin niya ang tawag ko. "Mamayang gabi. Sabayan mo akong pumunta sa bahay nila Cecile. Gusto kong tingnan ang laman ng sekretong kwarto na 'yon. Baka nandoon si Caroline. Ikaw na ang bahala kung papaano mo patutulogin ang mga tauhan nila." Desidido na akong makita at mapasok ang kwarto na 'yon. Pakiramdam ko nandoon si Caroline. Baka itinago nila sa loob. Pagsapit ng gabi, dumiretso na ako sa bahay nila Cecile. Doon na ako naghaponan. Habang abala siya sa kinakain niya, palihim ko namang inilagay ang gamot pangpatulog sa juice niya. "How's the food?" tanong niya at inilagay sa mesa ang cellphone niya. Ininom niya ang juice niya. "Delicious," tipid kong sagot at hinawakan ang kamay niya. Hinaplus-haplos
Miguel's POV I am holding her hands habang naglalakad kami patungo sa puntod ni Mama. It's been five years since she passed away, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Mula nang nawala siya, halos araw-araw ko siyang binibisita. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ns matagal na pa lang patay si Tita Mary?" tanong ni Caroline pagkatapos niyang ayosin ang mga bulaklak. Humiga naman sa damohan si Kalix. "You never ask," tipid kong sagot. Napabuntong-hininga si Caroline at umupo sa tabi ko. "Can you tell me what happened?" Saglit akong napatitig sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ito. "It was a long story, Caroline. But to make the story short, before she died she kept looking for you because she want to give you the last will of your grandfather. Ang buong akala kasi ni Mama, matagal na ring patay si Tita Roxanne. Sa kaniya kasi iniwan ang last will bago siya kinidnap ng sarili niyang kapatid. When I woke up, wala na si Mama. So, I promised her to find you no m
I glanced inside his room impatiently when I realized he had no plan of letting me in after we escorted Kalix to Don Ernesto's room."Aren't you going to let me in?" He looked pained as he opened the door wider. I glared at him, slightly offended that it seemed to pain him to let me in. I entered his room and sat on the bed. I furrowed my brow when I caught him staring at me."Why does it seem like you're forcing yourself to let me in here?" I couldn't hide my disappointment. I crossed my arms and walked towards him. Mas lalong kumunot ang noo niya habang palapit ako. The way he looked at me, even in his dimmed lights, made me realize that he was desiring something so much. He is fighting it so hard. He swallowed and open his mouth to speak but he didn't continue. "Miguel?" I probed. I saw how his eyes tore off from my body painfully. I smirked and started walking towards him. Pakiramdam ko gusto niyang umatras, pero nang nakita ang pagngiti ko, alam niyang gagamitin ko ang pag-at
"Isasama ko si Kalix sa opisina. Doon na rin kami kakain ng breakfast," sabi ni Miguel pagkatapos niyang ayosin ang necktie niya. Sinilip ko si Kalix sa kaniyang likuran. Nakapagbihis na rin ito. "Kalix, stay here. Your Dad won't be able to work properly if you go with him.""Mommy, I'll go with Dad," Kalix rolled her eyes. "No. Hindi ka pwedeng sumama sa kaniya," pag-uulit ko at inilagay sa ibabaw ng mesa ang gatas. "Drink your milk." "Drink your milk first, Kalix, so we can go," saad ni Miguel pagkatapos niyang ubosin ang kape niya. "Yes, Dad," tugon ni Kalix. Umupo siya sa harapan ko pero nasa kay Miguel pa rin ang paningin niya. "Miguel, baka makaabala si Kalix sa 'yo -" "Never siyang nakakaabala sa akin, Caroline. Gusto niya rin namang sumama," malamig niyang saad. Ngumiti na lang ako ng pilit at nilingon ang anak namin. "Huwag kang malikot doon. Pupuntahan kita roon mamaya para sabay na tayong mag-lunch." "Sa labas kami kakain ni Kalix. Huwag kang mag-aksaya ng oras para
Huminga ako ng malalim pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ko. Pasado alas sais na ng gabi pero hindi pa rin tumatawag si Miguel sa akin. Umuwi na rin ang ibang mga empleyado. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang numero niya. Ring lang ito nang ring. Nag-text na lang ako sa kaniya na magta-taxi na lang ako pauwi sa condo ko. Hindi ako pwedeng gabihin sa pag-uwi dahil naghihintay ang anak namin sa bahay. Hindi kakain ng haponan si Kalix ng wala ako o hindi niya kami kasama. Papasok na ako sa loob ng elevator nang pag-vibrate ang cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag nang nakita ang pangalan ni Ate Norma. "Mommy, where are you?" tanong agad ni Kalix sa akin. "I'm on my way home, Kal," I replied and pressed the ground floor button."Make it quick, Mom. I'm hungry," Kalix said."Yes, Kalix. If you can't wait any longer, go ahead and eat first. You might get a stomach ache again. I'll end the call now. I love you," I said. Napatingin ako sa labas nang napansing marami pang t
Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Miguel matapos kong basahin ang liham ni Daddy para sa akin. Paulit-ulit siyang humihingi ng kapatawaran sa akin. Para akong nawalan ng tinik sa puso nang mabasa ko sa liham niya ang salitang mahal niya ako. Gusto niya lang ako bigyan ng magandang kinabukasan pero sa maling paraan niya ito nagawa. Hindi niya inisip kung ano ang mararamdaman ko. Nagsisisi siya dahil mas binigyan niya ng atensiyon si Cecile. Hindi ko rin siya masisisi dahil pareho naming hindi alam ang totoo na anak pala sa labas si Cecile. Bumuhos lalo ang mga luha ko nang naramdaman ang mahigpit na yakap ni Miguel habang hinahaplos niya ang likod ko. "At last, nakita ka niya bago siya namatay, Caroline," bulong ni Miguel at hinalikan ang buhok ko. "Baka ikaw lang ang hinihintay niya. Sa ngayon, makakapagpahinga na siya ng maayos. Hindi na siya masasaktan pa at magtitiis sa sakit niya. He died peacefully because you forgave him." "Ang hirap tanggapin. Hindi ko aakalain na 'yon n