Nakahinga ako ng maluwag nang nakitang maliit lang ang sugat sa tuhod ni Kalix. Tapos na itong gamotin. Binigyan ako ng doktor ng resita sa gamot na iinomin niya at gamot na ipapahid sa tuhod niya para mabilis itong gumaling. "Be careful next time, Kalix," bilin ko sa kaniya pag-uwi namin sa apartment. Pinaupo ko muna siya sa couch at pinlay ang paborito niyang palabas dahil magtitimpla ako ng gatas. Pagkatapos kong painomin ng gatas si Kalix, sumagi sa isipan ko si Seb. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako. Sigurado ako na si Seb ang nakita ko kanina sa park. Hindi ako pwedeng magkamali. "Mommy, someone is calling," sabi ni Kalix kaya naagaw niya ang atensiyon ko. Pagtingin ko sa screen ng cellphone, nakita ko ang pangalan ni Daddy. Bumuntong hininga muna ako bago sinagot ang tawag. "Yes, Dad?" tamad kong sagot. Nasanay na kasi ako na sa tuwing tumatawag siya ang palagi niyang bukambibig ay ang pagpapadala ng pera. Kaya gusto kong maghanap ng trabaho para hindi na ako n
"Marunong ba 'tong magsalita ng wikang Filipino ang anak mo?" tanong ni Grandma habang pinagmamasdan si Kalix na lumakain ng pasta. "Yes, Grandma. But he's fluent in English and Portuguese. Nasanay kasi siya sa ganoong lengguwahe. You can talk to him naman using Filipino language," sagot ko at ipinagpatuloy ang pagkain. Mag-isa na lang sa buhay si Grandma. Maaga kasing namatay si Grandpa dahil nagkasakit ito. Tanging mga katulong lang ang kasama niya sa bahay. "Granny, do you know where my father is?" Napahinto ako sa paghuhugas ng pinggang nang narinig ko ang tanong ni Kalix kay Grandma. Naglalaro sila ng mga blocks. Sinulyapan ko sila. Nahuli kong nakatingin si Grandma akin. Tiningnan niya ako ng nagtatanong. "Kalix, can you go to our room? May pag-uusapan lang kami ni Grandma," singit ko at niligpit ang mga laruan niya. Agad naman akong sinunod ng anak ko. "Hindi niya ba alam kung sino ang ama niya, hija?" tanong ni Grandma pagbalik namin sa sala. Tinabihan niya ako sa couch.
"What the hell are you talking about?" Hinawakan ni Daddy ng mahigpit ang braso ko. "They are watching us. Mamaya na ako magpapaliwanag," bulong ko. Kahit labag sa loob ko na manatili pa rin ako sa conference room hanggang sa natapos si Ate Cecile sa speech niya. "You're a disgrace!" galit na sigaw ni Daddy pagpasok namin sa opisina niya. "Bakit mo pa kasi pinauwi ang babaeng 'to, Samson?! Tahimik na ang buhay natin nang wala siya!" Tinaponan ako ng masamang tingin ni Mommy bago siya umupo sa couch. "Manang-mana ka talaga sa ina mo, Caroline. Malandi! Kahit kaninong lalaki ka na lang nagpapatira!" "Pinauwi ko siya dahil launching sa posisyon ni Cecile. Pero nagdala na naman siya ng problema sa pamilya natin." Napabuga ng hangin si Daddy. Tinakpan ko naman ang tenga ni Kalix. "Ginawa ko ang lahat para maprotektahan ang buhay mo, Caroline. Tapos ito ang igaganti mo sa akin? Magdadala ka ng anak? At kaninong lalaki ka naman nagpabuntis? Hindi kita pinaalis ng bansa para sirain mo a
Pumara ako ng taxi patungo sa condo ko. Habang nasa Pilipinas pa kami, doon muna kami titira pansamantala. Hindi kami pwedeng tumira sa bahay ni Grandma dahil makikita ko na naman si Daddy kapag bibisita siya. Nakapagdesisyon na ako na kalimutan sila bilang pamilya ko. Magsisimula ako ulit gamit ang sarili kong mga paa at kamay. Maghahanap ako ng trabaho. Bubuhayin ko si Kalix mag-isa. Wala namang masama kung single mother ako. Marami namang single mother diyan na naging successful sa buhay. Nairaos nila ang kahirapan kahit mag-isa lang sila."Are you okay, Mommy? Is that your family? They're all bad people! I don't like them!"Tumango ako at pinisil ang pisngi ng anak ko. "I don't like them, too, but I had no choice. They're my family. Mommy is tired of them, Kal. Just don't think about them. We will not force them if they don't like you.""I have you, Mommy. You're my only family. I won't leave you." Yumakap ng mahigpit si Kalix sa akin."Thank you so much, Kal," I whispered.Nanati
Inagaw ko ang remote kay Kalix upang ilipat sa ibang channel ang TV. Nanginginig ang aking mga kamay nang ibalik ko sa kaniya ang remote. Umupo ako at pinulot ang basag na bowl. Para akong binuhosan ng malamig na tubig. Nanlalamig ako nang nakita ko ulit siya makalipas ang ilang taon. Ang buong akala ko ay wala na siya. Hindi siya naka-survive sa sunog. Pero nang nakita ko siya sa TV ngayon, parang walang nangyari. He survived. He's living his life to the fullest. Bakit wala akong nabasang balita tungkolnsa kaniya? Para na akong baliw sa kahihintay ng balita. Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko. Kanina pa ako nakahiga pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Hindi ako makatulog sa kaiisip kung paano siya naka-survive at paano sila naging close ng kapatid ko. He survived. He told me that he's willing to sacrifice himself para sa kaligtasan ko. Kung mahal niya nga ako, bakit hindi niya ako hinanap? Napasinghap ako. I almost forgot. Hindi niya ako hahanapin dahil ako ang sini
Nang nakasigurong nakalayo na kami ay saka ko pa lang binaba si Kalix. Pinaupo ko siya sa bench nalapit sa Food House para ayosin ang shoe laces niya. Pinunasan ko rin ang kaniyang pawis. "Mommy, that's your sister's friend, right?" Napahinto ako saglit sa ginagawa ko at tumingin kay Max. "I'm not sure. Why?" Nilagyan ko ng pulbo ang likod niya. "I forgot to ask him if they are dating or not. If he's single, I think he will like you. You can date -" "Kalix, let's not talk about it. He's with your Tita Cecile, okay? And we both hate them - "But it doesn't mean that we will hate him, too, Mom. I think he's kind." Nagniningning pa ang mga mata ng anak ko. Napasinghap na lang ako at hindi na ulit nagsalita pa. I know that he's eager to have a father. He's jealous seeing his classmates having a father during family day in Portugal. I can see and feel it although he never ask me that time of where his father is. Hindi naman ako ganoon ka manhid para hindi 'yon mapansin. And the way
"Mommy, where are we going?" tanong ni Kalix nang napansing nagmamadali ako sa pag-alis. Nanghiram ako ng malaking cart at doon ko inilagay ang mga pinamili namin. Binuhat ko siya at inilagay rin doon habang tinutulak ang cart patungo sa parking lot. "Are they your friends?" tanong niya nang nasa harap na kami ng kotse ko. "Yeah. They're Mommy's friends, Kalix," sagot ko at binuksan ang pintuan nang kotse para ipasok ang mga pinamili namin. Ipinasok ko siya sa loob. "Mommy, I want to help you," sabi niya at sinubokang buksan ang pintuan. "You stay there, Kalix. I'm almost done." "It's time to look for a husband, Mommy. Look, you're carrying these -" "Kalix, we already talked about this, right? I don't need a husband." Bumuntong hininga si Kalix nang sulyapan ko siya. Inilagay ko sa gilid ng exit ang cart. Pagpasok ko sa loob ng kotse, nakatingin sa malayo si Kalix. Sinundan ko ang paningin niya. Napapikit ako nang nakita kung ano ang tinitingnan niya. It's a family ads na naka
Nagkulong ako sa kwarto ko para basahin ang iba niyang mga mensahe sa akin. Nag-scroll ako pataas para hanapin ang una niyang mensahe. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko nang nakita ito. "Day 1. I survived." His first message was sent one month ago when I gave birth to Kalix. Mag-iisang taon din. "Day 7. I missed you." "Day 14. Please, comeback." "Day 30. Caroline, I wanna hug you." Napasinghap ako nang napansing araw-araw siyang nagpapadala ng mensahe sa akin. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang binabasa ang mga mensahe niya. "Day 700. Malapit na akong mawalan ng pag-asa na babalikan mo pa ako." Pinunasan ko ang luha ko. Pagkatapos kong basahin sng pang-huling mensahe niya. Para niyang ginawang daily diary ang account ko. Ina-update kung ano ang nangyayari buong araw. Nalaman ko rin na nakapagtapos na siya ng pag-aaral. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng kolehiyo dahil second year college na siya noon nang huminto siya. Hindi natuloy ang kasal nila